NAGKAROON ako ng session sa isang counselor para matulungan ako. Si Dr. Shannon Smith ang aking doktor. Sa loob ng isang buwan, may ilang sessions kami. I think Zeke was right. I need help. Iilang beses ko pa lamang nakakausap si Dra. Shannon ay kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi pa man buong-buo kong hinaharap ang trauma ko pero…pupunta rin ako roon. Healing is a process. Magkasama kami ngayon ni Madeline dahil na-miss namin ang isa’t isa. We didn’t have enough time to catch up the last time na nagkita kami dahil kasama ko si Zeke. “Magkuwento ka naman tungkol sa asawa mo! Kumusta ka kasama siya? Sigurado ka bang hindi ka niya sinasaktan? Appearance-wise, he’s a god! Para siyang anak ng isang Greek god, na hindi mo paniniwalaang naandito siya sa mundo ng mga tao at wala s