Chapter 2 - MUTUAL UNDERSTANDING

1804 Words
"GOOD MORNING, Babe," Awtomatikong nag-angat ako ng tingin nang marinig ang masiglang tinig na iyon na bumati sa akin. Si Kael. Short for Mickael. Kaibigan at kaklase namin ni Aria. Mula pa lang Grade 9 kami, ay babe na ang tawag niya sa akin, kahit hindi naman siya nanliligaw, at hindi ko naman siya sinasagot. In short, wala naman talaga kaming realsyon. Ayon sa kanya, may mutual understanding na raw kasi kami. At kahit ano'ng panonopla ko sa kanya, ay ayaw niya talagang pumayag na, 'walang kami'. Sira ulo lang. Hindi ko talaga alam kung saan niya napulot ang ideya na may gusto ako sa kanya, at mutual ang feelings namin para sa isa't isa. Sa bandang huli, ay hindi na lang ako kumibo. Harmless naman siya, eh. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong umangat ang kilay ni Aria, na kasabay kong kumakain sa canteen nang mga oras na iyon. Maya-maya pa ay nakangisi na siyang nakatingin kay Kael, saka umiling-iling. Actually, kaklase namin si Kael sa lahat ng subject. May traning lang sila ng basketball, kaya ngayon lang namin siya nakita sa araw na ito. At dahil malapit na ang school fair, at ang alam namin ay ilalaban sila ng school sa ibang campus ay puspusan ang traning nila. Kaya excuse sa klase ang lahat ng nasa varsity team. Matapos kong bigyan ng matabang na tingin ang lalaki ay muli ko nang ibinalik sa kinakain ko ang aking tingin. Hindi ko na ito pinansin kahit pa nang maupo ito sa tabi ko. Akala ba niya ay nakakalimutan ko na, na hindi siya nagpunta noong isang gabi sa birthday ko? Huling usap namin ay nangako pa siya na pupunta siya, then, last minute, bigla niyang sasabihin na may emergency at hindi siya makakapunta. Ewan ko na lang talaga sa kanya. Mahinang napatawa ang lalaki sa inasal ko. Iniharap pa nito sa akin ang monoblock na kinauupuan niya at itinukod ang isang kamay sa sandalan ng inuupuan ko. "Babe, sorry na," hingi pa rin nito ng paumanhin sa nagpapa-awang tinig. "Emergency lang talaga. Dumating 'yung pinsan ko, from the states, tapos nagkainuman. Hindi ko naman kasi alam na malalasing ako kaagad at makakatulog. Paggising ko, umaga na." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aria sa sinabi ng siraulong katabi ko. Sinamaan ko ito ng tingin. "And you called that emergency?" Sikmat ko, sabay irap dito. "Babe, naman..." parang pusang ungot nito, sabay kamot ng batok. "Sorry na nga, eh. Babawi ako, promise!" Wika pa rin nito sa mas pinasiglang tinig. Bumuntong-hininga ako, at saka umiling-iling. Hindi naman talaga ako galit. Katulad nga ng sinabi ko, wala naman kami talagang relasyon, para mag-demand ako ng sobra sa kanya. Medyo disappointed lang. Kasi kahit naman walang kami, ay magka-ibigan kami, since Grade 7. Kaya nakakatampo lang talaga na hindi siya nagpunta sa birthday ko, noong isang gabi. Katulad ni Aria, nakilala ko si Kael at naging kaibigan, Grade 7 pa lang kami. Magkakatabi kaming tatlo sa upuan, sa may bandang likuran ng klase. Far sighted kasi ako, kaya't twing school year ay laging kinakausap ni mama ang mga teachers ko para sa bandang likod ako ilagay, para hindi ako mahirapan na basahin ang nakasulat sa white board. Noong una, ay hindi pa kami nagkikibuang tatlo sa likod, at medyo nagkakahiyaan pa. Pero sa kalaunan ay nagkapalagayan din ng loob. At mula nga noon ay hindi na kami nagkahiwa-hiwalay. Nasa kalagitnaan kami ng Grade 8, nang aminin sa amin ni Kael na crush niya nga raw ako. Hindi ko alam kung niloloko lang ba kami nito, o ano. Never naman siyang nanligaw. Puro palipad hangin lang. Hanggang isang araw, noong Grade 9 na kami, basta niya na lang sinabi na MU na raw kami, at hindi na ako pwedeng magpaligaw sa iba. Mula nga noon ay binakuran niya na ako. Katulad nga ng sinabi ko, harmless naman siya. Wala naman siyang ginagawa kundi mga paminsan-minsang pag-akbay, o paghawak ng kamay, kapag inaalalayan niya ako. Never pa naman siya nag-attempt na halikan ako, or something like that. Na ipinagpapasalamat ko na rin. Baka kapag nagkataon, doon na matatapos ang sinasabi niyang mutual understanding namin. "Treat ko kayo mamayang uwian," hindi pa rin nawawala ang ngiti na sabi pa nito. Umangat-bumaba pa ang makakapal nitong mga kilay habang nakatingin sa akin. Pa-cute lang. Tss. "Saan n'yo gusto?" Bahagya pa niyang nilingon si Aria na kaagad malapad na ngumisi sa sinabi ng lalaki. Ipinaikot ko ang mga mata ko at inirapan din ang babae. Luka-luka talaga 'tong babae na 'to. Samantalang noong isang gabi, siya pa nga ang panay sulsol sa akin na 'wag ko raw papansinin si Kael, dahil inindiyan niya kami, at hindi dumating sa birthday celebration ko. Tapos ngayon, nakarinig lang ng libre, umilaw na ang mga mata. "May kabubukas lang na coffee shop sa labas ng campus," umiilaw pa rin ang mga matang suhestiyon nito kay Kael. "Ano? G?" Sarkastikong nginitian ko ito. "Birthday mo?" Ani ko pa, sa sarkastiko ding tono. Tinawanan lang naman ako ng bruha. "Hindi. Pero sabi niya, kayo, so, ibig sabihin, kasama ako roon sa, kayo, na sinasabi niya." Nakangisi pa ring sagot pa nito, saka muling bumaling sa lalaking katabi ko. "Ano? Sige na doon na lang tayo. Sabi nila masarap daw ang milk tea doon. Pati raw 'yung super jumbo hotdog sandwich nila, panalo raw, sa sarap, at ang laki." Eksaheradang naka-muwestra pa ang dalawang kamay nito kung gaano kalaki at kahaba raw ang sinasabi nitong jumbo hotdog sa naturang coffee shop. Ano pa't, bigla kong naalala iyong lalaki sa guest room, dahil sa sinabi niya. Parang naiimagine ko kasi iyong iniuungol noong babae, habang tila sarap na sarap ito sa pagtataas-baba sa kandungan noong lalaki. Kung gaano kahaba, at kataba ang pagkaIaIaki ng katalik. At kung gaano ito nasasarapan sa sukat nito. Mariin akong napalunok. Inabot ko ang bote ng mineral water sa harapan ko at inisang lagok ang natitirang laman niyon. Pakiramdam ko ay pinanunuyuan ako ng lalamunan sa kahalayang tumatakbo sa isipan ko. Siraulo ka talaga, Brianna. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kukote mo! Sermon ng isang bahagi ng matino ko pang kaisipan. Walang kamalay-malay ang dalawang kasama ko na kung saan-saan na pala lumilipad ang isip ko. And worst, ang halay pa ng nililiparan nito. Hays. Pilit kong hinamig ang aking sarili ko at nag-focus na lang sa dalawang nag-uuratan pa rin sa harapan ko. Shets. Kailangan ko na talagang makalimutan ang tagpo na iyon. Kung saan-saan na napupunta ang imahinasyon ko. "Yes. At maraming cheese. Saka one to sawa ka raw sa ketchup, mustard, saka hotsauce." Natatawang dagdag pa ni Aria. Pati naman ako ay nahawa sa pagtawa niya. Meron kasing isang burger house, malapit din dito sa school namin na minsan naming kinainan, at nakipag-away pa si Aria sa crew. Hindi raw kasi libre ang extrang ketchup, hotsauce at mustard. Kung ano lang daw ang inilagay, iyon lang daw ang libre. Kapag nagpa-extra, babayaran mo na raw dapat. Talagang nakipag-sagutan si Aria noon sa crew, pero hindi niya pa rin ito napapapayag na bigyan siya ng extrang condiments. Bawal daw kasi talaga, at sila ang mapapagalitan ng may-ari. Tatawa-tawa na lang kami ni Kael sa kanya habang nakasimangot niyang kinakain ang cheesedog sandwich niya. Gusto niya kasi ay iyong naglalawa sa ketchup at mustard ang kinakain niyang sandwich, tapos tataktakan niya rin iyon ng maraming hotsauce, na ewan ko ba kung hindi nag-aapoy ang bibig niya sa anghang. Ginagawa niyang sabaw sa sandwich ang condiments. Mula noon ay hindi na talaga kami kumain sa burger house na iyon, na balita namin ay malapit nang magsara dahil kokonti raw ang kumakain. Feeling ko talaga, alam ko na kung bakit. Lihim na lang akong natawa at napailing sa ala-ala. "So, we're set?" Sabi ni Kael na sa akin na nakatingin. Mukhang nagkatapusan na sila ng usapan dalawa, at pasya ko na lang ang hinihintay. Nang naka-angat ang kilay na lingunin ko si Aria ay punung-puno ng antisipasyon ang mga mata nitong sa akin din nakatingin. Muli akong humarap kay Kael. Sa pagkakataong iyon ay may ngiti na sa mga labi. Kita ko naman na tila nakahinga ito nga maluwag sa nakikitang masayang ekspresyon ng mukha ko. "Sky's the limit?" Hindi ito sumagot, ngunit nakangiting eksaheradong tumango-tango. "Basta sagot mo lahat, ha?" Paniniguro ko pa. "Of course. Sinabi ko na nga, 'di ba?" Kunwa'y binawi ko ang ngiti ko sa sinabi niya. "Galet? Napipilitan ka lang yata, eh." "Of course, not." Mabilis naman nitong sagot at saka nagpakawala ng isang pekeng ngiti. "Mukha ba akong napipilitan?" Muling bumalik ang ngiti sa mga labi ko at naiiling na pabirong inihilamos sa mukha niya ang isang kamay ko. "Deal." "Yes." Narinig kong bulalas ni Aria na ikinatawa namin pareho ni Kael. "Ang sweet naman talaga ng babe ko." Tila naglalambing pang sabi ng huli bago hinuli ang isang kamay ko at pilit na ikinawing ang mga daliri sa kanya. Natatawa namang tinagtag ko ang kamay niya at pilit na binawi ang kamay ko. "Baliw." Ani kong tinawanan lang nilang dalawa. "Alam n'yo, bagay naman kayong dalawa, bakit 'di n'yo pa totohanin na lang 'yan?" Komento at tanong sa amin ni Aria, kapagkuwan. Naka-angat ang isang kilay na nilingon ko ang katabi ko, bago nakangiti muling tumingin sa dalaga. "No thanks. Pasasakitin lang nito ang ulo ko." "Babe...!" Kaagad namang protesta ng lalaki. "How can you say that? Alam mo naman na ikaw lang ang pinaka-magandang babae, para sa akin--" Napatigil ito at napatawa nang natatawang batuhin ito ni Aria ng nilamukos na tissue. "Ah, gan'on? Eh, ano pala ang tingin mo sa akin?" Kunwa'y pagtataray nito sa lalaki. Tawa naman ng tawa si Kael. "Siyempre maganda ka rin," sagot nitong saglit pang huminto, bago buong kapilyuhang nagpatuloy. "...kapag absent si Brianna." Dugtong ng lalaki saka malakas na tumawa. Tila naman lalong nanggigil ang kaibigan namin at muli siyang binato ng tissue. Sa pagkakataong iyon ay sunud-sunod na. "Walanghiya ka talaga! Kapag talaga ako nagka-jowa, hu u, ka talaga sa akin!" Lalo namang tawang-tawa si Kael na pilit sinasanggaan ang mga tissue na ibinabato nito. Natatawang naiiling na lang ako habang nakatingin sa dalawa. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang break time, at kailangan na naming bumalik sa room namin para sa susunod naming subject. Si Kael naman ay kailangan na ring bumalik sa basketball traning niya. Tatlong subject pa ang mayroon kami bago mag-uwian. Paglabas ng canteen ay humiwalay na si Kael sa amin upang bumalik sa gym, kung saan ginaganap ang training nito sa basketball. Ngunit bago iyon ay tiniyak muna nito sa amin na tuloy ang lakad namin mamayang uwian at hihintayin na lang daw niya kami sa guardhouse ng campus. Nakangiti naman kaming kapwa tumango saka tinungo na ang room para sa susunod naming subject.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD