"SIS, ang gwapo ng ninong mo." Kinikilig pang sabi sa akin ni Aria. Kaklase at kaibigan ko, mula pa grade 7. Bahagya niya pang binunggo ng balakang niya ang balakang ko, habang sinasabi iyon.
It's my sixteenth birthday, today. Mayroong maliit na handaan na inihanda sina Mama at Papa, para sa akin. Kaya't narito ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ko, pati na rin ang ilang kamag-anak. Siyempre pa, ay nandito rin ang matalik na kaibigan ni Papa, at ninong ko, na si Ninong Aki.
Actually, kadarating niya lang. Hindi pa nga sila nagkikita ni Papa, eh. Sa Manila pa kasi siya nanggaling.
"Shh...," balik-bulong ko naman habang nasa ibabaw ng mga labi ko ang aking hintuturo. "Huwag ka'ng maingay, baka marinig ka."
Mahina lang itong humagikgik sa tabi ko saka tinakpan ng isang palad ang bibig upang maitago ang hindi mapigil na kilig, sa ninong ko.
Aaminin ko, gwapo naman kasi talaga ang Ninong Aki ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay binata pa rin siya. Sabi naman ni Papa ay maraming nagkaka-gustong babae rito. Siguro ay talaga lang pihikan siya sa babae.
Ang totoo ay crush ko nga siya. Medyo off sa pandinig, alam ko. Sabi kasi nila, ang mga ninong at ninang daw, sila iyong tumatayong pangalawag magulang natin.
Tapos, ako, crusk ko 'yong ninong ko?
Ang off sa pandinig, 'di ba?
Pero ano'ng magagawa ko?
Saka, crush lang naman, eh.
Hindi ko alam kung kailan ko ito unang naramdaman, basta ang alam ko, dumating na lang sa point na iba na talaga ang nararamdaman ko kapag tinitingnan ko siya. Para bang naghuhugis puso ang mga mata ko kapag nakatingin ako sa kanya.
Tinapik ko ang kamay ni Aria nang panggigilan niya ang braso ko sa kilig, nang makita niyang papalapit sa amin si Ninong Aki.
"Hi, Bri," Nakangiting bati nito sa akin at tumingin sa kaibigan ko na kinikilig pa rin sa aking tabi. Bakas sa mukha niya ang pagka-aliw dito. Siguro ay alam niya na kinikilig si Aria sa kanya.
"Happy Birthday. Iyong gift ko nasa sasakyan pa. Ibababa ko mamaya." Nakangiti pa ring sabi niya nang muling bumaling sa akin.
Alanganin ako'ng ngumiti at lumapit sa kanya para magmano. "Hi po, Ninong," ani ko sa kanya. Iniabot niya naman sa akin ang kanyang kanang kamay. "Thank you po."
Pagkatapos kong magmano ay nakangiting ginulo niya pa ang buhok ko.
Lihim ako'ng napasimangot.
Nang muli ako'ng umatras pabalik sa tabi ni Aria ay tinagtag pa ng bruha ang braso ko para makuha ang atensyon ko. Nilingon ko naman ito at pinanlakihan ng mga mata. Ngunit tila hindi niya naman pinansin iyon.
"Ipakilala mo naman ako," impit pang bulong nito sa akin, sa tinig na akala mo pinitpit na luya.
Pasimple ko itong pinanlakihan muli ng mga mata at saka tumingin muli kay Ninong Aki at alanganing ngumiti.
Nakangiti pa rin naman itong nakatunghay sa amin. Hindi ko alam kung alam niya ba ang pinag-uusapan namin. Pero feeling ko naman, kasi kaharap lang naman namin siya.
Pasimple kong muling siniko si Aria nang kurutin ako nito sa braso. "Ahm... Ninong, si Aria nga po pala... kaibigan ko." Ani ko kay Ninong, kasabay ng alanganin pa ring ngiti.
Nakangiti namang bumaling ito ng tingin sa katabi ko, at binati ito. "Hi, Aria."
Lalo naman itong parang bulate na binudburan ng asin sa pagkiwal ng katawan. "Hi, po... ahm..."
Tumigil ito sandali at mukhang hinihintay na dugtungan ni Ninong kung papaano niya ito tatawagin.
"Tito Aki." Mabilis namang sabi ni Ninong sa kanya.
"Ahm, Tito Aki." Ngiting-ngiti na ulit ng kaibigan ko. "Hi po, Tito Aki."
Nginitian din ito ni Ninong at umiling-iling. Feeling ko talaga nararamdaman niya na crush siya ng kaibigan ko.
Sana all, pwede magparamdam.
"Daks!"
Sabay-sabay kaming tatlo na lumingon kay Papa nang tawagin niya si Ninong Aki.
Palaging ganoon ang tawag niya kay Ninong, pero hindi ko alam kung bakit.
Well, Dakila naman kasi ang pangalan ni Ninong, pero Aki talaga ang tawag sa kanya ng lahat. Parang si Papa nga lang yata ang tumatawag sa kanya na Daks. Minsan ko na siyang tinanong tungkol doon, nang hindi ko napaglabanan ang kuryosidad ko, pero tinawanan niya lang ako, at sinabing, huwag ko nang alamin.
Lalo tuloy ako'ng na-curious.
Kaagad na nagliwanag ang mukha ng ninong ko nang makita si Papa. Ganoon din naman si Papa. Bakas ang saya sa mukha niya pagkakita sa matalik na kaibigan.
Itinaas ni Ninong ang kaliwang kamay nito na noon ko lang napansin na may hawak palang imported na alak. Lalong lumapad ang ngiti ni Papa nang makita iyon.
"Yown naman!" Sabi ni Papa rito, bago yayain si Ninong na pumasok sa loob. "Kanina ka pa hinihintay ni Nanay."
Abot pa rin hanggang tainga ang ngiti na muli itong bumaling sa amin ni Aria, upang magpaalam. "Pasok muna ako, Nak. Batiin ko lang si Lola Maring mo." Anito na sa akin nakatingin.
Nakaramdam man ng kaunting pagkadismaya ay nginitian ko pa rin ito. Sanay naman na ako. Inaanak niya naman talaga 'ko, eh. Alam ko naman na malabo na makita niya ako nang higit pa 'ron.
Saka baka magkasolian sila ni Papa ng kandila kapag nagkataon.
"Sige po, Ninong. Kain na po kayo sa loob." Magalang na sagot ko naman sa kanya.
Tumango si Ninong at sumama na kay Papa papasok ng bahay. Sinundan na lamang namin sila ng tingin, ni Aria.
"Pre, nakita ko nga pala sa bayan si Dahlia kahapon, hinahanap ka."
Narinig ko pang sabi ni Papa rito habang maglalakad sila papasok ng bahay. Tanging ang malakas na lang, na tawa ni Ninong ang nahagip ng pandinig ko. Hindi ko na narinig pa ang sagot niya.
Kilala ko ang sinasabi ni Papa na Dahlia. Iyon 'yung dati nilang classmate, daw, na napaka-igsi at sikip manamit. At kahit sa katirikan ng araw, sa tanghaling tapat ay laging naka-full make-up.
Minsan na iyong pumunta sa bahay namin dati, dahil inimbitahan ni Papa sa birthday niya 'yung mga dati nilang classmate, at kasama ang babaeng iyon sa mga dumating. Naku, katakot-takot na irap ang inabot ni Papa kay Mama, kahit pa birthday niya.
Hays! Bakit ba naman kasi ang aga ipinanganak ni Ninong?
Or was it me? Ako ba ang late ipinanganak?
Nababaliw na yata talaga ako.