Chapter 5 BIPR

2291 Words
AMBER POV CONTINUATION OF FLASHBACK PAPAUWI NA kami ni Ate Alma sa bahay. Antok na antok na ako dahil halos mag-a-alas dos na ng madaling araw natapos ang sayawan. Kasama namin ngayon si Kuya John na kapatid ni Ate Jessa at ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Sila ang inutusan ni Tiyo Juanito na maghatid sa amin ni ate Alma. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim dahil hindi ko inakala na makikita ko ulit ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang araw sa palengke. At hindi ko lang ito basta nakita dahil nakausap ko rin ito nang matagal-tagal. Gusto ko na tuloy maniwala na maliit lang ang mundo. Sobrang guwapo n'ya, sobrang bango, at sobrang sarap kausap. Ilang ulit kong pinilig ang ulo ko para mawala siya sa utak ko. Hindi ako puwedeng magka-crush sa lalaking iyon. Laking Siyudad iyon kaya alam kong kaliwa't kanan ang mga babae no'n. Tapos mayaman pa, jusko do'n pa lang wala ng pag-asa. Literal na langit at lupa ang agwat ng pamumuhay namin. At hindi naman ako gaga para pangarapin ang mga bagay na alam kong hindi ko makukuha kailan man. Pinilig ko na lang ulit ang ulo ko para iwaglit sa isip ko ang guwapong mukha ng binata. Wala akong karapatan na isipin siya. At lalong wala akong karapatan na mangarap ng gising. Kailan man ay hindi bababa ang langit sa lupa. At hindi maaabot ng lupa ang langit kailan man. Gusto kong maging makata, bakit ba? Charot! Tahimik na lang akong naglakad sa hulihan, habang si Ate Alma ay panay ang kuwento sa mga pinsan namin. Naglalakad lang kami dahil wala kaming masasakyan. Isang Barangay lang naman kaya, keri lang. Hindi naman sobrang layo, dahil maliliit ang mga Barangay dito sa amin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa biglang simoy ng malakas na hangin. Nanginginig na ang labi ko sa sobrang lamig dahil bukod sa maikli ang suot ko ay wala man lang akong jacket na dala. Dapat sanay na ako sa lamig dito sa Tagaytay pero minsan talaga hindi ko pa rin kinakaya ang lamig. Idagdag pang madaling araw na kaya sobrang nanunuot sa kalamnan ang lamig ng paligid. "Whoa! Ang lamig!" hindi ko napigilan na bulalas. "Hoy, Kuya John, pahiram naman ng jacke--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang paglapat ng bagay sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang sumalubong sa akin ang abuhing mga mata ni Zues. Ang lalaking pilit kong iwinawaksi sa isip ko ay nasa harapan ko ngayon. At kasama nito ang isa pang lalaki na sa pagkakatanda ko ay Seth ang pangalan. Nang magtama ang mga mata namin ni Zeus ay tila sandaling natigil ang paghinga ko. Pero mabilis din naman akong natauhan kaya walang salita na tinanggal ko ang bagay na inilagay nito sa likod ko. Hawak ko na iyon at do'n ko napagtanto na jacket pala iyon. Kinakabahan man ay nagawa kong iabot kay Zeus ang jacket nito. "Hindi ko kaila--" "Wear it," putol nito sa sasabihin ko. "Huwag na--" "I insist." "Naku, 'wag na, okay lang talaga." Hindi naman ito nagsalita at kinuha sa akin ang jacket, buong akala ko ay kukunin na talaga nito pero hindi pala. Dahil ito mismo ang nagbalik ng jacket sa likod ko. "Huwag na sab--" "Please? Ang lamig at alam kong giniginaw ka. At saka hindi naman mabaho iyan eh," sabi nito dahilan para mapangiti ako. "Wala akong sinabi na mabaho iyan," sagot ko. "Wear it, then." Napailing naman ako at hinayaan na ito. "Okay, salamat. Ipapadala ko na lang kay Kuya John mamaya, ha?" sabi ko. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito. Na para bang may nasabi akong maganda na ikinatuwa nito. "Sige, ha. Salamat sa jacket, mauuna na kami sa 'yo. Nice meeting you, Zeus," paalam ko rito at saka tumalikod na. At totoo na masaya akong makilala ito. Hindi ko naman ito narinig na sumagot kaya nagtuloy-tuloy na lamang ako ng lakad. Pero hindi pa ako nakakalapit kila Ate Alma nang may kamay na pumigil sa braso ko. Mabilis akong napalingon at nakita ko si Zeus na siyang nakahawak sa braso ko. "Bakit?" takang tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha nito at sa kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ko. Mukhang napansin naman nito iyon kaya tila napapasong binitawan nito ang braso ko. "Sorry. Uhm, a-ano kasi, ah--" "Ihahatid namin kayo pauwi, puwede ba?" Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Si Seth pala iyon at nakatayo na ito sa tabi ni Ate Alma. Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama namin at parang gusto kong pamulahan ng mukha dahil pawang mga nakangisi ang mga pinsan namin. Mukhang aliw na aliw na nagpalipat-lipat ang tingin nila sa dalawang lalaki. "Oh, ihahatid daw kayo mga insan," tudyo ni Kuya John. Nakita ko namang sinuntok ni Ate Alma ang tiyan nito. "Bakit ba? Totoo naman eh, ayan nga, oh. Gusto kayong ihatid, naks! Iba talaga itong mga pinsan ko, gandaaa!" patuloy na tudyo ni Kuya John. Napailing naman ako at saka nauna nang maglakad. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong humabol si Zeus sa akin at saka sumabay sa paglalakad ko. Habang naglalakad ay walang gustong magsalita sa amin, para bang nakikiramdam ito. Nang bumagal ang lakad ko ay bumagal rin ito. Hanggang sa huminto muna ako. Sina Ate Alma naman ay nasa bandang unahan na, kasunod ang mga pinsan namin at si Seth. "Sasama ka talaga?" tanong ko kay Zeus. Pigil ang ngiti ko nang makita ko itong ngumiti na halos mapunit na ang mga labi nito. Ang sarap isako ng kumag na ito, nakakabuwisit ang kaguwapuhan. "Pumayag naman na ang mga pinsan mo, so, sasama ako. Gusto kong malaman kung saan ka nakatira, para alam ko kung saan kita pupuntahan," anito sabay kindat. Hindi ko alam pero parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa kindat na iyon. Jusko ang landi naman ng lalaking ito. Halatang-halata ang pagiging babaero. "Mukhang sanay na sanay kang mang-uto, ah," sabi ko habang pigil-pigil ang kilig. Bawal kiligin, Amber. Paalala ko sa sarili ko. "Nope! Seryoso ako sa sinabi ko, Amber. Gusto kong malaman kung saan ang bahay mo. And believe me or not, I like you." Napanganga naman ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maaasar dito. Sobrang bilis naman kasi ng kumag na ito. Kakakilala lang like na agad? "Wow! Agad-agad? Oo, probinsya ako pero hindi naman ako ilusyunada, ano?" sabi ko na ikinatawa nito. Lalo akong namangha rito. "Hindi iyon agad-agad kasi noong makita pa lang kita sa palengke, hindi ka na nawala sa isip ko. Hindi ko nga alam kung saan ako nabighani sa 'yo, kung sa ganda mo ba o sa amoy mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Amoy ko? Ay lintik amoy bilisang tilapia nga pala ako ng araw na iyon dahil kakatapos lang namin ni Nanay magtinda sa palengke. At s**t lang. Naamoy n'ya ako? Oh God! Nakakahiya. Dali-dali naman akong naglakad papalayo rito dahil sa matinding hiya. Lalo pa't naalala ko ang sinabi ni Nanay na tigilan ko ang pagpapa-cute dahil amoy isda ako. Shucks totoo pala talaga iyon. Nakakahiya! "Hey! Wait, Amber, I was just kidding." Mas bumilis naman ang lakad ko. Pero humabol si Zues, at dahil mahaba ang biyas nito ay madali para rito na maabutan ako. "I'm just kidding, Amber," anito at nasa braso ko na naman ang kamay nito. Muli akong natigilan nang maramdaman ko ulit iyong parang kuryente sa tuwing mapapadikit ako rito. Sa palengke pa lang ay naramdaman ko na iyon, at kanina noong nakahawak ito beywang ko habang nagsasayaw kami. At ngayon! Shit anong pakiramdam iyon? Bigla akong nataranta nang pisilin nito ang braso ko. "Bitaw!" sabi ko at tinangkang hilahin ang braso ko. Pero lalo lang humigpit ang hawak nito. "Bitawan mo ako!" Tumingala pa ako rito para sana makita nitong seryoso ako. Pero mukhang mali iyong ginawa ko dahil nakita ko ang kaseryusohan sa mukha nito. Parang nag-lock iyong mga mata namin habang nakatitig sa isa't-isa. Parang biglang naumid ang dila ko dahil sa abuhing mga mata na iyon. "Did you felt that?" baritonong tanong nito. "Amber, did you felt that?" ulit na tanong nito. "H-Ha? A-Ang alin?" nauutal na tanong ko. "Iyong parang kuryente," manghang sagot nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang kaya nagbaba ako ng tingin at saka muling hinila ang braso ko. At nagtagumpay naman akong gawin iyon. "Amber --" "Tara na. Malayo na sila," putol ko sa sasabihin nito. Hindi ko naman na ito hinintay na sumagot at lumakad na ako. Naramdaman ko naman itong sumunod sa akin at sumabay na sa paglalakad ko. Tahimik na kami habang daan. Hanggang sa matanaw na namin ang bahay namin. Parang gustong tumutol ng puso ko dahil magkakahiwalay na kami nito. At hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagtutol na iyon. Ilang metro na lang ang layo namin sa bahay namin nang hawakan ako nito. But this time, hindi sa braso, kun'di sa mismong kamay ko. Napatingin naman ako rito. "Zeus..." "Amber, I'm serious about what I've said earlier. I like you and want to inform your parents that I intend to court you." Lalo akong hindi nakahuma sa sinabi nito. Hala? Seryoso ba ang lalaking ito? "Amber?" untag nito ng walang makuhang sagot mula sa akin. Teka, ano ba dapat ang tamang isasagot? Dapat kiligin ako dahil isang mayamang binata ang nagka-interest na lumigaw sa akin. Pero sa halip na kiligin ay parang natakot ako. Takot na baka hindi umobra dahil mayaman ito at mahirap lang ako. "Hey! Are you listening?" muling untag nito. "H-Ha? Ah, ano iyon?" "I said kung gising pa ba ang Papa mo? Kasi kung, oo, ngayon na ako magpapaalam na liligawan--" "No!" mabilis na sagot ko. Nakita ko naman ang kalituhan sa mga mata nito. "A-Ang i-ibig kong sabihin, tulog na si Tatay. Kanina pa tulog iyon, oo, tama, kanina pa tulog iyon." Hindi ko alam kung sino ang kinukumbinsi ko, kung si Zeus ba o ang sarili ko. Pabigla-bigla naman kasi ang lalaking ito. Ligaw na agad-agad. "Oh, I see. It's okay, madaling araw na rin naman kaya baka nga tulog na siya." "Oo, tulog na sila Tatay at Nanay. Kaya hindi mo sila makakausap," natataranta kong sabi. Makukurot ako sa singit ni Nanay kapag nalaman n'yang may naghatid sa amin ni Ate Alma. "Amber?" Agad akong napalingon sa lalaking nasa tabi ko. Bakas ang amusement sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Umuwi na kayo. Ayon na ang bahay namin," sabi ko sabay turo sa bahay namin. Hindi naman ako nahiyang ituro rito ang aming bahay. Gusto ko rin kasing ipakita sa lalaking ito na ibang mundo ang gusto nitong pasukin. "Is that your house?" tanong nito. Pero walang mababakas na pangmamata sa tono nito. Ang klase ng tanong nito ay parang humihingi ng kumpirmasyon na kung tama ang tinuturo nito. "Yes!" buong pagmamalaki na sagot ko. At oo, proud akong sabihin na iyon ang bahay namin. Hindi man iyon kasing rangya ng mga bahay ng mga taong nakaka-angat sa buhay, at least may bahay kaming natutuluyan. "Uhm, okay," ngiting sagot nito. Inalis ko naman ang tingin sa bahay namin at saka ibinalik ang tingin sa lalaki. Hinubad ko rin ang jacket nito at saka iniabot dito. "Salamat sa pagpapahiram ng jacket mo. At salamat din sa pagsama sa paghatid." Ngumiti naman ito sa akin at saka kinuha ang jacket. Nagulat ako nang dalhin nito iyon sa tapat ng ilong at amoy-amuyin. "You're welcome, Amber. Mabuti na lang naiwan ang amoy mo sa jacket ko, may maaamoy ako pag-uwi ko sa Manila," pilyong sabi nito at muling nagpakawala ng dalawang sunod na kindat. Batid kong pinamulahan ako ng mukha sa sinabi at sa pagkindat nito. Isang matinding irap naman ang isinukli ko rito na ikinatawa lang naman nito. "Sige na, pasok ka na sa loob. Basta huwag kang magugulat kung bigla akong sumulpot dito sa bahay mo, ha? Seryoso ako na gusto kitang ligawan." "Hindi ako nagpapaligaw." "It's okay, hindi ko naman hinihingi ang permiso mo, eh. Sa Tatay mo ako magpapaalam," anito at kumindat na naman. May problema yata sa mata ang kumag na ito. "Good luck, then," ngising sabi ko. Hmm. Tingnan lang natin kung makabalik ka pa kapag nakita mong naghasa ng itak ang Tatay ko. Napangisi naman ako dahil sa naisip ko. At mukhang nakita ni Zues iyon dahil lumukot ang mukha nito. "Para saan naman ang ngising iyon, Amber?" "Wala lang, gusto ko lang ngumisi." "Uhm, okay?" "Alis na, baka maiwan ka pa ng mga pinsan ko. Baka may makasalubong kang manananggal sa daan, ganitong oras pa naman lumalabas iyon," pananakot ko rito. "Kapag may nakasalubong kang nakaputi tapos walang ulo, tumakbo ka na manananggal iyon. Sa may mga puno ng saging iyon lumilitaw." Gusto kong humagalpak ng tawa nang makita ko itong parang kinabahan. Gagi, duwag pa yata ang lalaking ito. "Amber, are you serious?" Hindi ko na napigilan ang mapangiti dahil sa nakikitang takot sa mukha nito. "Alis na, naiwan ka na nila," pagtataboy ko rito. "Y-Yeah, I-I should go now, but, I'll be back, Amber." Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat na lamang ako. "Thanks sa paghatid," sabi ko at saka ito tinalikuran. Tinawag pa ako nito pero hindi na ako lumingon. Nagmamadali na akong naglakad at lumapit kay Ate Alma. Nang makalapit ako kay Ate ay inakbayan ako nito at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay namin. Nagkatinginan pa kami nito at nakita kong katulad ko may sinusupil din itong ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD