Chapter 7

1863 Words
Chapter 7 BIPR AMBER POV Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang kasal ni Ate Jessa. Isang linggo na rin simula nang makilala ko si Zeus. At simula no'n ay hindi ko na ito muling nakita pa, at iyong sabing liligawan ako malamang sa malamang echos lang iyon ng hambog na iyon. Medyo may kurot kasi pinakilig na niya ako ng kaunti, kaunti lang naman kayo minor kurot lang. Medyo crush ko kasi siya, pero ayos lang kasi alam kong hindi naman kami bagay. At siyempre kahit may panghihinayang sa puso ko, tuloy na tuloy pa rin ang buhay. "Ano bang iniisip mo, Amber?" Bahagya pa akong napapitlag sa biglang pagsasalita ni Nanay sa tabi ko. "H-Ho?" "Ano kako ang iniisip mo at parang lumilipad iyang utak mo?" nakasimangot na turan nito. "Iniisip ko kasi kung kailangan ako tatangkad," pagbibiro ko naman na ikinatawa nito. Nasa Palengke kasi kami dahil may puwesto kami rito at tinutulungan kong magtinda si Nanay. "Anak, bente-uno ka na, hanggang ngayon ba umaasa ka pa?" tudyo nito. "'Nay naman, hindi ba nga habang may buhay may pag-asa?" "Oo nga naman, ay siya kung gusto mong umasa ay umasa ka." Napasimangot na lang ako sa sinabi nito. Wala man lang support para sa height ko. Hmp! "Kunin mo sa puwesto ni Aling Cora iyong styrofoam natin, para maya maya makauwi na tayo." "Sige ho, 'Nay." Iniwan ko muna sa puwesto si Nanay para kunin ang inuutos nito sa puwesto ni Aling Cora. Hindi naman ako natagalan at mabilis kong nakuha iyon. Pabalik na ako sa puwesto namin ni Nanay nang makita kong nagkukumpulan ang mga tao sa harap ng puwesto namin na parang may pinagkakaguluhan. Kaniya-kaniyang taas ng cellphone na para bang may pini-picture-an. Anong nangyayari do'n? Artista na ba si Nanay? Piping usal ko sa isip ko. Naglakad ako palapit sa puwesto namin nang tila naging slow motion ang paligid ko. Literal na bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan. Si Zeus. Biglang may umusbong na kilig sa puso ko dahil muli ko siyang nakita. Naramdaman siguro nitong nakatingin ako kaya't dahan-dahan itong lumingon sa kinatatayuan ko. Deretso itong nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero tila may paruparo sa aking tiyan. Kinalma ko ang sarili ko. Bawal kiligin, Amber, bawal. Piping paalala ko sa aking sarili Pero bigla akong nataranta nang makita ko itong naglakad papalapit sa akin. Halos pinagkakaguluhan na ito dito sa palengke kasi naman, ang lakas maka-artista ng dating, lalaking-lalaki, brusko, may authority at hindi matatawarang appeal. Tapos mukhang ang bango-bango. Sinikap kong umakto na parang hindi apektado. Nag-iwas ako ng tingin dito at tumingin kay Nanay. Nanunudyo ang tingin nito sa akin. "Hello, Amber," bati nito habang titig na titig sa akin. Naghahatid ng goose bumps ang paraan ng pagtitig nito. Inilahad nito ang kamay na may hawak na mga bulaklak. Nahihiya kong tinanggap iyon, nang magdikit ang mga kamay namin ay muntik na akong mapapikit sa tila kuryenteng dumaloy sa kalamnan ko. May throat felt dry. Inaamin ko naman kasing crush ko ito, sino bang hindi eh napakaguwapo nito. "Z-Zeus," nauutal na sabi ko. "Hope you like that," tukoy nito sa bulaklak na yakap-yakap ko. "Oo naman, salamat." "Thank you, and I missed you." Nakaramdam naman ako ng pag-iinit ng pisngi sa lantarang pagsasabi nitong missed ako. Nakakahiya dahil narinig ng mga kasamahan namin ni Nanay dito sa palengke. "Amber," untag nito. "H-Ha?" "Sabi ko, I missed you." "Narinig ko," nahihiya kong sagot. Pinagtitinginan na kasi ng mga tao. At hindi ako sanay sa atensyon ng iba lalo na nang mga tsismoso at tsimosa. "Did you miss me as well?" "Ahh, a-ano k-kasi--" "Amber?" Tila hulog naman ng langit nang tawagin ako ni Nanay. Mabilis akong lumingon dito at nakita kong seryoso ang mukha nito. "Tawag ako ni Nanay," sabi ko at iniwan na ito sa kinatatayuan nito. Naramdaman kong sumunod ito pero dumeretso ako sa tabi ni Nanay. Pasimple nitong kinurot ang tagiliran ko. "Nanay! Para saan iyon?" bulong na tanong ko. "Bakit nagpapaligaw ka sa gitna ng palengke?" "Hala! Grabe ka, 'Nay. Walang gano'n ah!" Muli nitong kinurot ang tagiliran ko, bahagya naman akong napangiwi dahil masakit ang pangalawang kurot nito. "Magtinda ka na para makauwi na tayo," bulong na sabi nito. Masunuring sumunod naman ako, ilang sandali pa't nakaubos na kami ng panindang isda. Buong akala ko ay umalis na si Zeus dahil naging busy na ako pero laking gulat ko nang bigla itong sumulpot sa tabi ko. Nagliligpit ako ng bag ko nang sumulpot ito sa tabi ko. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa umalis?" tanong ko. "Hinintay ko kayong makatapos ng Nanay mo." Lihim naman akong kinilig, hinintay kami? Ay ibang level na ito. Pakiramdam ko para akong 16 years old na nagka-crush. "Bakit mo kami hinintay?" singit ni Nanay habang titig na titig kay Zeus. "Gusto ko po sana kayong yayain na kumain ng tanghalian tapos ihahatid ko po kayo pauwi sa inyo." Kinabahan ako sa sinabi nito. Jusko sana pumayag si Nanay este sana huwag pumayag si Nanay. Hindi ko alam kung ano ang idadasal ko, papayag o hindi. Parang hindi ako handa na makasama siya ng matagal baka hindi ko na lang ito maging crush, mahirap na, mukhang babaero pa naman ang lalaking ito. Pero masaya akong makita siya, ay ewan! Ang gulo ko! "May pupuntahan pa ako pagkatapos dito, kaya hindi ako makakasama." Tila naman nalungkot ito sa sinabi ni Nanay. "Gano'n po ba." "Oo, kaya pasensya ka na, pero kung gusto mo naman si Amber na lang ang isama mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na gano'n kabilis ako nitong ipagkakatiwala kay Zeus. Mahigpit akong humawak sa braso ni Nanay at hinila ito palayo kay Zeus. "'Nay, ano iyon?" "Anong ano iyon?" maang-maangan nito. "Bakit ka pumayag?" "Kow naman, Amber! Huwag ka ng magkunwari at halatang-halata namang kinikilig ka." "'Nay naman eh, huwag mo akong ibigay sa kaniya!" pag-iinarte ko sabay padyak ng mga paa. Natatawang kinurot ako nito sa tagiliran. "Arte mo!" "Huwag mo akong ibigay, 'Nay!" "Keriray! Umayos ka ngang bata ka!" Nanguyapit ako sa braso ni Nanay at patuloy na nagpapadyak. "Huwag mo akong ibigay, 'Nay! Ipagdamot mo naman ako--, Aww!" Impit na sabi ko. Sinabunutan kasi ako nito at saka pabirong itinulak pabalik sa puwesto ni Zeus. Na ngayon ay titig na titig sa akin. "Ihatid mo ang anak ko, Zeus. Alam mo naman ang bahay namin, hindi ba?" sabi ni Nanay. "Opo, 'Nay." Napamulagat naman ako sa isinagot nito, ano raw Nanay? "Tita Margie na lang, huwag muna Nanay kinakabahan ako eh, bata pa ang anak ko." "Sige po, Tita Margie." "Oh siya mauna na ako sa inyo. Anak ko ha, iuwi mo sa bahay namin, maliwanag?" "Yes po!" Matapos makapagpasalamat ni Nanay ay lumapit ito sa akin at bumulong. "Huwag mas'yadong magpahalata na kilig na kilig ha, pakipot naman kahit kaunti." Tanging tango na lamang ang naisagot ko. Nang makaalis si Nanay ay umalis na rin kami nito. Napako ang mga paa ko nang makita ko ang kotse nitong nakaparada sa may gilid ng kalsada. Parang bigla akong nahiya. "Hey, get in," utos nito matapos buksan ang pinto ng kotse nito. "H-Ha ah kasi amoy isda ako, baka maiwan sa kotse mo." Puno ng pag-aatubili na sabi ko. Bigla akong nahiya sa sarili ko dahil sa karangyahang nakikita ko na mayro'n ito. "Don't worry, I love your smell," sabi nito sabay kindat. Lumapit pa ito sa akin at inalalayan akong sumakay. Tahimik na nagpatianod na lang ako rito. "Kumusta ka na?" tanong nito habang nagmamaneho. "Ayos lang." Muling namayani ang katahimikan sa loob ng kotse nito. "Gustong-gusto kita, Amber," prangkang sabi nito at sumulyap sa akin bago ibinalik ang atensyon sa daan. "Posible ba iyon? Isang linggo pa lang mula nang nagkakilala tayo, tapos gusto na agad-agad?" "Of course! Ako kase ang klase ng lalaki na alam kung ano ang gusto ko," sagot nito. "Wala namang masama sa pagiging prangka, hindi ba? Masama bang sundin ko ang gusto ko at magiging totoo sa sarili ko? Gusto kita kaya bakit ako pa ako magpapaligoy-ligoy." "Sabagay, may point ka naman." Sandali kaming tumigil dahil may stoplight kaming nadaanan nakapula iyon kaya tumigil ito. Dahil nakatigil kami, nagawa nitong humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata ko. "Yes may point talaga ako. At isa pa naniniwala kasi ako sa kasabihan na daig ng mabilis ang mabagal," nakangising sabi nito. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti dahil sa sinabi nito. "Malamang!" tanging nasabi ko. May pagka-abnormal yata ang lalaking ito. Hayp sa mga birada eh. "Ganiyan ka ba talaga magpa-cute sa mga magugustuhan mo?" "No, ngayon ko lang kasi ginawa ito, honestly mostly babae ang nagpapa-cute sa akin eh." "I won't contest that," napapangiting sabi ko. "Alam ko naman na ikaw iyong klase ng lalaki na pipilahan ng mga babae makapiling ka lang eh." Natatawang napakamot naman ito sa batok nito. A boyish gesture for a mature man. "Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi sa sinabi mo, parang bigla akong naalarma. Pakiramdam ko hindi pa man ako nagsisimula babastedin mo na ako." "Dahil?" "Dahil alam kong hindi ikaw ang klase ng babae na pipila para makapiling ako. Ikaw iyong tipo ng babae na sagrado ang tingin sa isang relasyon." "Hindi ba turn off sa mga kagaya mo iyon? I mean, alam kong babaero ka." "Whoa! Judgemental ka pala," natatawang sabi nito. "Bakit mali ba ako ng pagkakakilala sa'yo?" "No and yes. Tama ka na may mga babaeng nakapila pero mali ka sa parteng babaero ako. Kilala ko ang sarili ko at hindi ko ugali na manlamang sa mga babae. At one more thing, gusto kong malaman mo na first time kong magpaalam sa Tatay ng gusto kong ligawan. And I'm so proud of myself for being brave enough to seek your family's permission to court you." Nakatingin lang ako rito habang sinasabi iyon. "Actually, hindi kita basta isinama dahil bago kita puntahan sa palengke kanina, sa inyo muna ako pumunta. Humingi ako ng permiso sa Tatay mo na isama kita para i-date, lucky me dahil pumayag siya," ngiting sabi nito sabay kindat. "Lucky you nga," mahina kong sabi. Ang makuha nito ang loob ng Tatay ko ay isang malaking himala. "Yes, lucky me." Nagulat ako nang kunin nito ang kamay kong nakapatong sa hita ko at basta nitong dinala sa mga labi nito at hinalikan. "Zeus!" bulalas ko. Tila bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa buong katawan ko dahil sa kapangahasan nito. "Bakit mo ako hinalikan?!" Ngiting tumingin naman ito. "Sa kamay lang naman." "Halik pa rin iyon!" "Huwag ka ng magalit, ang lansa ng kamay mo, amoy kekeng bilasa--, Aww! Hiyaw nito nang sampalin ko ang bibig nito. "Joke lang, my Amber." Nag-init ang mukha ko sa sinabi nitong Keke! "Iuwi mo na ako! Buwisit ka!" "Later, idi-date muna kita." "Huwag na baka maamoy nilang may kasama kang tindera ng isda--" "Hey! Hey! Hey! I'm just teasing you. I'm sorry." Hindi naman na ako nagsalita at hindi ko na rin ito pinansin pa kahit nang humingi ito ng sorry. Lalo akong nanliliit dahil alam kong hindi ko siya kayang abutin kahit kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD