Chapter 8

1639 Words
AMBER POV "Amber?" Mula sa pagtitipa sa keyboard ng laptop ay nag-angat ako ng tingin. "Bakit po, Ma'am?" tanong ko sa kasamahan ko na mas mataas sa akin. Nagtatrabaho na kasi ako bilang secretary dito sa kapitolyo ng Tagaytay. Si Ate Alma ang tumulong sa akin para makapasok dito. Isang linggo pa lang mula nang magsimula ako rito. "Sorry ha, pero may naghahanap sa'yo sa labas eh." "Sa akin po?" "Yes, sa'yo. A certain Zeus San Diego is outside and he wishes to see you." Napatuwid naman ako ng upo dahil sa sinabi ni Ma'am Sally. Nandito si Zeus? Ngayon ay alam ko na kung bakit parang kinikilig si Ma'am Sally. Malamang nakita nito si Zeus at ngayon ay kinikilig na ito. "Should I send him in?" "Hala, Ma'am huwag na po. Lalabas na lang po ako, oras pa po kasi ng trabaho ko eh." Pigil ko kay Ma'am Sally, nakakahiya naman kasi dahil nasa trabaho pa ako. "Oh, sure, malapit na rin naman ang uwian kaya hindi na siya maghihintay ng matagal. By the way, I'm happy for you, mukhang malaki ang pagkagusto niya sa'yo." Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito. "Oh sige na labasin mo na muna siya," pagtataboy nito na agad naman akong sumunod. Bago lumabas ay pumunta muna ako sa banyo para magpulbos ng kaunti, bigla akong kinabahan sa hitsura ko. Baka sobrang haggard ng mukha ko. Palabas pa lang ako sa mismong pinto ng kapitolyo nang bumungad si Zeus. Tila nawala sa kinalalagyan ang puso ko sa sobrang kaba at kilig. Naghuhumiyaw kasi ang s*x appeal nito at nakakatawag ng pansin ng mga taong may sadya sa kapitolyo. "Hi," bati nito sa akin. Sobrang ganda ng mga ngiti nito na tipong kita ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin. May hawak itong bungkos ng mapuputing bulaklak. Kung kahapon ay naka-suit ito nang puntahan ako sa palengke, ngayon naman ay naka-casual ito ng suot. Ang sweatshirt na suot nito na may mahabang manggas ay nakatupi hanggang sa may siko nito, at naka-faded blue jeans. Napakaguwapo nito. Sa totoo lang ay na-o-overwhelm ako sa taglay nitong kakisigan. Halatang-halata ang pagiging mayaman nito. Hindi kataka-taka na pinipilahan ito ng mga babae para lang makasama sa kama. "Hey, tapos ka na?" nakangiting usal nito. "H-Ha?" "Tapos ka na bang titigan ang mukha ko? Guwapo ko, 'no?" Napangiti naman ako sa kayabangan nito. "Concieted, ha?" "Ayaw mo pang aminin na poging-pogi ka sa akin." "O-Oo na guwapo ka na." Lalo namang lumawak ang ngiti nito habang iniaabot sa akin ang bulaklak. "S-Salamat," nahihiya kong sabi. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. "You're welcome. Out ka na ba?" "Hindi pa, kaya mabuti pa umalis ka na mun--" "Whoa! Relax, kadarating ko lang gusto mo na akong paalisin, parang gusto ko tuloy magtampo niyan." "Hindi pa ako out eh, baka mainip ka rito sa labas." "No worries, willing akong maghintay. Ihahatid kita sa inyo." "Ikaw ang bahala." Tanging nasabi ko dahil mukhang desidido itong maghintay. Hanggang sa bumalik na nga ako sa trabaho ko at naiwan ito sa labas. Hindi naman na ako natagalan dahil trenta minutos na lamang ang hinihintay ko. Paglabas ko ay agad itong tumayo nang makita ako. Naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ako sa siko habang pababa ng hagdan. Para akong prinsesa kapag kasama ito kaya't palaging sagad hanggang buto ang kilig na nararamdaman ko. "Seryoso ka na talaga sa panliligaw mo?" pagkuwa'y tanong ko nang makasakay kami sa kotse nito. Ilang linggo na nitong ginagawa iyon. "Of course! Hindi pa ba obvious?" "Mahirap akong ligawan," sabi ko. Tumingin naman ito sa akin. " Tingnan natin." "Anong tingnan natin?" kunot-noong tanong ko. "Plano kitang pasagutin, by hook or by crook." "Ano?" bulalas ko. "Seryoso ka?" Malakas na tawa naman ang pinakawalan nito, tawang pumuno sa loob ng kotse nito. "Just kidding, I mean, gagawin ko ang lahat ng klase ng panunuyo para mapasagot kita." Matapos nitong sabihin iyon ay pina-start na nito ang sasakyan nito at binagtas na namin ang daan pauwi sa bahay ko. Dinaig ko pa ang prinsesa dahil may taga sundo ako, kahit sa palengke kapag tumutulong ako kay Nanay ay palagi itong sumusulpot part ihatid kami ni Nanay. Alam kong kahit walang sabihin ang mga magulang ko ay masaya sila sa pagiging desidido at agresibo ni Zeus para mapasagot ako. Hindi naman natagalan at nakarating na kami sa bahay. Hindi naman kasi kalayuan ang kapitolyo ng Tagaytay dito sa Mendez. Alistong bumaba ng sasakyan si Zeus, bubuksan ko pa lang ang pinto sa gawi ko pero naunahan na ako nito. Pinagbukas ako nito ng pinto ng kotse nito at saka inilahad ang kanang kamay para alalayan ako. Nahihiya man ay inabot ko iyon para magpa-alalay. At iyon na naman ang tila bolta-boltaheng kuryente na lagi kong nararamdaman sa tuwing madidikit dito. "Ang lamig ng kamay mo," puna nito. "Are you nervous?" Nag-angat ako ng tingin dito pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil nakita kong titig na titig naman ito. Hihilahin ko sana ang kamay ko pero mas hinigpitan nito ang hawak. "Baka makita tayo ni Tatay," sabi ko at pilit hinihila ang kamay ko. "So?" "Anong so? Sinabihan ka na niyang bawal ang hawak-hawak, hindi ba?" "Tsk! Naka-kiss na nga ako eh," mayabang na sabi nito. "Yabang!" Nang muli kong hilahin ang kamay ko ay nabitawan na nito iyon, kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makadistansiya ng kaunti rito. "Hey, wait lang, baby," habol nito sa akin. Sumabay ito sa paglalakad ko at magkaagapay kaming naglakad papunta sa bahay namin. Habang daan ay panaka-naka itong sumusulyap sa akin, maging ako ay gano'n din. "Mano po, Tita Jun." Tila naman may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko dahil sa ginawa nitong iyon. "Kaawaan ka ng Diyos," sagot ni Tatay. Pigil ang ngiting lumapit ako kay Tatay at saka humalik sa pisngi nito. Matapos kong humalik kay Tatay ay nagpaalam muna akong magbibihis. Iniwan ko si Zeus sa labas kasama ni Tatay. Dumeretso ako sa kuwarto ko at nagmamadaling naglinis, at nagbihis na rin. Hindi nman ako natagalan at lumabas na rin ako. Natigil ako sa paglalakad nang marinig kong malakas na humagikhik si Nanay habang nakasilip sa bintana. Mabilis akong lumapit dito para tingnan kung anong sinisilip nito roon. Napaawang ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng aking mga mata nang makita ko si Zeus na nakaakyat sa puno ng niyog. Hindi naman sobrang mataas pero, kinabahan pa rin ako. "Anong ginagawa niya?!" bulalas ko. Mabilis namang lumingon si Nanay sa akin na parang tuwang-tuwa pa. "'Nay! Bakit pinaakyat ni Tatay si Zeus sa niyog?" "Kow! Eh, nagpapakitang gilas iyang manliligaw mo, mantakin mong magpresinta na umakyat." "Pero 'Nay baka mahulog siya," may pag-aalalang sabi ko. Kinakalamkam kasi ang mga paa ko dahil kinakabahan ako sa lalaking iyon. "Ay, makulit eh. Kaya ayon, hinayaan ng Tatay mo." "'Nay naman eh," naiinis na sabi ko. Pero sa halip ay ngumisi lang si Nanay at nanunudyo ang mukha. "Kow! Mukhang in love na itong dalaga ko ah, mas'yadong nagpapahalata." "'Nay naman eh!" "Oh siya, labasin mo na't pababain mo, baka nga mahulog pa ang batang iyon." Hindi naman na ako sumagot dahil nagmamadali na akong lumabas ng bahay at patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Zeus. "Hoy! Zeus, anong ginagawa mo?! Bumaba ka nga!" Malakas na sabi ko para marinig ako nito. Tumingin naman ito sa baba at ngiting tumingin sa akin. "Hoy! Adik ka ba?! Bumaba ka riyan at baka mahulog ka!" "Catch me, baby!" anito at kumindat pa. "Siraulo! Bumaba ka riyan!" "Kukuha ako ng buko, baby." "Baka bukol ang makuha mo riyan, tamo!" "Saluhin mo ako kapag nahulog ako ah," pa-cute na sabi nito. "Zeus, bumaba ka na, please?" pakiusap ko. Kinakabahan na kasi talaga ako dahil hindi naman sanay umakyat ang lalaking ito. Hindi ko lang alam kung anong klaseng trip ang gusto nitong gawin. "Okay, bababa na ako---, Ayy! Oh my God!" "Zeus..!" Malakas na sigaw ko sa pangalan nito nang makita kong mahuhulog ito. "Help me! Oh Lord!" sigaw nito pero bago pa man ito tuluyang mahulog ay nagawa nitong makahawak sa dahon ng niyog. Nagawa nitong manlambitin habang nagkakakawag ang mga paa. "Oh my Gosh! Baby, tulungan mo ako," pagsaklolo nito. Dali-dali naman akong lumapit dito habang nakatingala. "Gago ka kasi! Sino bang may sabi sa'yong umakyat ka riyan, ha?" inis na tanong ko. "f**k! Baby mamaya mo na ako sermunan tulungan mo muna akong makababa." "Bahala ka! Yabang-yabang mong umakyat, manigas ka riyan!" sikmat ko rito. Ang bilis kasi ng kabog ng dibdib ko sa pag-aakalang mahuhulog ito ng tuluyan. Ang akala ko mabubiyuda ako ng maaga. Char! "Hey, Amber, tulungan mo ako, ang sakit na ng kamay ko eh!" "Magdusa ka! Buwisit!" "Tumalon ka na Zeus, hindi naman kataasan ang lalaglagan mo." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Nanay na may dalang hindi kalakihang kutson para ilagay sa tapat NI Zeus. "Bumitaw ka na, may kutson na sa tapat mo. Hindi na masakit kung babagsak ka," utos pa ni Nanay rito. "Baka po masakit, Tita," alangang sabi nito. "Hindi iyan, mas masakit pa ang tuli riyan." Natawa naman ako sa sagot ni Nanay. "Hindi pa po ako tuli, Tita." "Kow! Supot ka pa pa lang lintik ka! Ayaw ko ng apong mutain." "May nagtutuli po ba rito?" pagsakay naman ni kay Nanay. "Mayro'n, ang Tito Jun mo'y maalam magtuli, aba'y tunay bang supot ka pa?" Bigla namang nawala ang pag-aalala ko rito dahil sa klase ng takbo ng usapan nila ni Nanay. Lalong nag-init ang pisngi ko nang tumalon si Zeus at pagkatapos ay ngiting lumapit sa akin. Parang tumalon ang puso ko sa kilig nang bigyan ako nito ng isang pamatay na kindat. Jusko Lord! Piping usal ko dahil hindi ko mapigilan ang kiligin. Idagdag pang masaya akong makita na kasundo ni Zeus ang pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD