Chapter 2 BIPR

1983 Words
Amber's Pov HALOS HINDI ako makapag-concentrate sa trabaho ko dahil hindi mawala sa isip ko si Ze. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami nito kanina pagkalipas ng apat na taon. At hindi lang basta nagkita dahil ito pala ang tunay na mag-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Small world talaga. Piping usal ko sa isip ko. Napag-alaman ko mula kay Agnes na hindi si Sir Darius ang tunay na boss namin kun'di si Zeus pala. Ang ibig sabihin pala ng ZSD Tower ay Zeus San Diego. Anong klaseng biro po ito? Piping tanong ko sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ito pakikitinguhan lalo pa't hindi maganda ang paghihiwalay namin noon o kung hiwalay na nga bang matatawag iyon, dahil wala naman kaming naging pag-uusap. Basta na lang itong nawala noon at hindi na muling bumalik. Pagkalipas ng apat na taon ay ngayon lang ulit kami nagkita pero nagtataka ako kung bakit parang galit na galit ito sa akin. Kagaya ko, nakita kong natigilan din ito nang magkita kami kanina. Pero hindi ako bulag para hindi makita ang naging reaksyon nito, nagulat ito nang makita ako pero mabilis lang iyon dahil napalitan iyon ng nakakapangilabot na tingin. Gusto ko siyang sugurin ng yakap kanina kasi bigla kong na realize kung gaano ko siya namiss. Mabuti na lang din at nagawa kong pigilan ang bugso ng damdamin ko, dahil baka kung ano ang isipin ng mga katrabaho ko kung ginawa ko iyon. At aaminin kong hindi ko napaghandaan ang gano'ng klase ng tingin nito para sa akin. Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko. Ang dami kong gustong itanong kay Ze, pero paano ko gagawin iyon kung nararamdaman ko na galit siya sa akin. "Hoy!" "Hoy ka rin!" gulat na sabi ko. Napasimangot naman ako nang makita ko si Agnes sa gilid ko. Inis na inirapan ko ito dahil totoong nagulat ako. "Ano ba?! Aatakehin naman ako sa puso sa'yo eh." "Atake agad?" Muli ko naman itong inirapan. "Bakit ba kasi?" naiinis na tanong ko. Sa halip na sumagot ay umupo pa ito sa tapat ko. Napakunot-noo ako nang makita kong titig na titig ito sa akin. "Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ko. "Eh ikaw, bakit parang maghapon ka ng wala sa sarili mo?" tanong nito habang nanunuri ang mga mata. "Guni-guni mo lang iyon." "Hindi ako bula--" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil nag-ring ang telepono na nasa mesa nito. "May tawag ka, sagutin mo," utos ko. Nagdiwang naman ang kalooban ko dahil nakaligtas ako sa mga tanong nito. "Hoy, Agnes ang telepono mo," untag ko. "Gusto mo lang makatakas sa tanong ko--" Muli itong natigilan dahil muling nag-ring ang telepono sa mesa nito. Wala na itong nagawa kun'di ang tumayo at sagutin iyon. Mukhang emergency ang tawag dahil walang humpay sa pagtunog. Napakunot ang aking noo nang makita ko itong tila natigilan sa sinabi ng kausap, at pagkuwa'y tumingin sa gawi ko. Titig na titig ito sa akin habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Nagkibit-balikat lang naman ako at saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa matapos-tapos dahil mas'yadong abala ang utak ko. Natigil ang mga daliri ko sa pagtipa sa keyboard ng computer nang makita kong nakatayo sa harap ko si Agnes. Nag-angat ako ng tingin. "Bakit? Mamaya na ang tsismis 'di ba?" sabi ko. "Tumawag si Ma'am Celeste," imporma nito. "Oh, tapos?" "Anong oh tapos-tapos ka riyan. Tumayo ka riyan dahil pinapatawag ka raw sa opisina ni Boss." "Ni Sir Darius?" "Hindi, ni Sir Zeus." Ilang sandali akong hindi nakahuma sa sinabi nito. Hindi ko alam pero biglang sinalakay ng kaba ang puso ko. "Hoy!" malakas na untag nito. "Bakit ba?" "Anong bakit? Ang sabi ko pinapatawag ka raw sa office ni Boss." Nandidilat ang mga mata nito habang sinasabi iyon. Wala na akong nagawa kun'di tumayo para tumalima sa utos ng boss. Boss ko siya at iyon ang totoo. Gaano man ako hindi kahandang harapin ito, empleyada niya ako at tungkulin ko ang sumunod sa nais nito. Pagkabukas na pagkabukas nang elevator sa palapag na pakay ko ay agad akong naglakad papunta sa office ng lalaking hanggang ngayon ay laman ng puso ko. At aaminin kong nasa loob pa lang ako ng elevator ay abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Lalo na ngayon, na natatanaw ko na ang pinto ng office nito. Magkahalong nerbiyos at excitement ang nararamdaman ko. Kakatok na sana ako pero nabitin sa ere ang kamay ko. Na realize kong nanginginig na pala ang mga kamay ko. Ilang buntong-hininga muna ang aking ginawa bago nagdesisyong kumatok. Kakatok na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Ma'am Celeste, ang secretary ni Sir Darius. "Good afternoon po, Ma'am," magalang na bati ko. Ngumiti naman ito. "Good afternoon. Bakit ngayon ka lang?" Hindi ko naman malaman ang isasagot dito. Lumapit ito sa akin at iginiya ako papasok sa office. "Pumasok ka na, mainit ang ulo ni Boss Ze, kaya baka ikaw ang mapagbuntunan niya." Lalo akong nag-alangang pumasok dahil sa sinabi nito. Sandali akong tumigil sa paglalakad at humarap dito. "Mag-isa lang po ba s'ya sa loob?" "Yes, kaya kumatok ka na sa pinto na iyan at baka lalo pang magalit," ani Ma'am Celeste. "Alam n'yo po ba kung bakit n'ya ako pinapatawag dito?" Lalong kinain ng kaba ang dibdib ko nang umiling ito. Wala na akong nagawa nang ito na mismo ang kumatok para sa akin. "Sir, she's here!" malakas na sabi nito. "Let her in!" malakas na boses mula sa loob ng nakasaradong pinto. At kilalang-kilala ko ang boses na iyon. At ang boses na iyon lang ang kayang magparamdam sa akin ng iba't-ibang klaseng emosyon. "Pasok ka na," sabi nito at saka binuksan ang pinto para sa akin. "Salamat po, Ma'am," kinakabahang pasalamat ko. Ngumiti lang naman ito sa akin at saka tinapik ang braso ko bago ako tuluyang iniwan sa puwesto ko. Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago niluwagan ang bukas ng pinto. Tumambad sa akin si Ze na prenteng nakaupo sa swivel chair nito habang pinapaikot-ikot ang hawak na ballpen. Nang maramdaman nitong nasa harap na ako nito ay saka pa lang ito nag-angat ng mukha. Nagtama ang mga mata namin at lalong bumundol ang kaba sa dibdib ko. At habang nakatingin sa mga mata nito ay nanumbalik ang lahat. Nakaramdam ako ng pananabik para kay Ze. At alam ko sa puso ko na s'ya pa rin talaga hanggang ngayon. Apat na taon, pero wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko. Gusto kong lumapit para haplusin ang mukha nito. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang kumustahin. Gusto kong itanong kung bakit ito biglang nawala. Ang dami kong gustong gawin pero anong karapatan ko para magawa iyon. "Stop staring at me!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsigaw nito. Kasabay ang marahas na pagpukpok sa ibabaw ng mesa nito. Napaatras ako nang bahagya nang makita kong nagbabaga ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Bakit gano'n siya makatingin? Parang gusto n'ya akong sakalin? Piping usal ko. "What took you so long?!" Mahina ngunit mariin na tanong nito. "Z-Ze...." Mahina kong sabi. Nakita kong umangat ang gilid ng mga labi nito at saka tumawa ng may halong pang-iinsulto. "Ze? Who's Ze?" At dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko ay napaupo ako sa upuan na nasa likuran ko. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko nang muling dumagundong ang boses nito. "Did I tell you to take a seat? Stand up!" Dali-dali naman akong tumayo sa sobrang takot. At totoo pala talaga na mainit ang ulo nito at mukhang ako ang makakasalo ng lahat ng iyon. "Z-Ze..." nanginginig ang boses na sambit ko. "Ze? Stop calling me that way! I'm not Ze! You don't know how to address your Boss, huh?" nakakainsulto na turan nito. "I-I'm s-sorry po," hinging paumanhin ko. "I'm not Ze. It's Mr. San Diego or Sir Zeus to you!" "O-Okay po, Sir," sagot ko habang nakatungo. Hindi ko na kayang salubungin ang mga mata nitong puno ng galit. Natatakot na ako. "Good! Now look at this!" galit pa rin na sabi nito. Pabarag nitong pinatong ang folder sa ibabaw ng mesa nito. Nanginginig ang kamay na dinampot ko iyon at saka binuklat. Nakita kong iyon ang mga ginawa ko kahapon. "How did you end up in my company if you can't even do simple encoding?" Parang gusto ko na lang maglaho sa mga sandaling iyon dahil sa pang-iinsulto nito sa akin. Bakit bigla siyang naging ganito. "Paano ka nakapasok dito?" ulit na tanong nito. "U-Uulitin ko na lang po, Sir. Pasensya na po----" "Uulitin?! Hindi kita binabayaran dito para mag-ulit ng mga maling trabaho mo!" Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung anong mali sa mga ginawa ko. "I-I'm sorry po, S-Sir." "Sorry?! Why? Do you believe your apologies will be enough to make up for the mistakes you've made?" mariin nitong tanong. Gusto kong manliit sa mga pang-iinsulto nito. "Next time, huwag kang gumawa ng mga bagay na hindi mo naman pala kayang panindigan!" Doon na ako nag-angat ng tingin. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng pakiramdam na hindi na lang iyon basta tungkol sa trabaho ko. Tiim-bagang itong nakatingin sa akin. "Kaya mo ba ang trabaho mo rito o hindi?" "K-Kaya po." "Good! Dahil ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagtatrabaho lang para sa pera. Gusto ko sa mga empleyado ko magaling at marunong, hindi iyong basta makasuweldo lang. Maliwanag ba?" "O-Opo," mahina kong sagot. "Now, leave!" anito. Hindi naman na ako nagsalita dahil nagkukumahog na ako sa paglabas. "Miss Agustin!" tawag nito sa pangalan ko. Natigil ako sa tangkang paglabas, pero dala ng matinding hiya at panliliit hindi ko na magawang lumingon dito. "Miss Agustin!" ulit nito. "S-Sir." sagot ko saka lumingon. Nakita kong naglakad ito palapit sa akin habang tangan sa kanang kamay ang folder na naglalaman ng mga papeles na ginawa ko. "Bring this with you. Ulitin mo iyan, at gusto kong ibalik mo sa akin iyan bago mag-uwian, maliwanag?" "Y-Yes, Sir." "Good! Under evaluation kita, kapag nakita kong puro sablay pa rin ang trabaho mo simulan mo ng maghanap ng bagong trabaho." Iyon lang at tinalikuran na ako nito. Nanginginig ang mga tuhod na nagmamadali akong lumabas ng opisina nito. Nakasalubong ko pa ang secretary nitong si Celeste pero hindi ko na nagawang makasagot nang tanungin ako nito kung okay lang ako. Kasi hindi ako okay. Tuloy-tuloy akong lumabas bitbit ang folder. Agad akong sumakay ng elevator, masuwerte na lang din ako dahil ako lang mag-isa sa loob. At doon, pinakawalan ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinang-hina akong napasandal sa gilid ng elevator habang nakatakip ang mga palad sa mukha ko. Hinayaan kong mahulog sa sahig ang folder na dala-dala ko. Impit akong humagulhol habang binabalikan sa isip ko ang mga sinabi ni Zeus. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon pala kami muling magkikita. Empleyada niya ako at Boss ko siya. Bakit parang ang laki ng galit niya sa akin. Siya itong biglang nawala at iniwan ako sa ere. Siya ang bigla na lang naglaho noong panahon na kailangang-kailangan ko siya. Ako dapat iyong galit dahil iniwan niya na lang ako basta noon, pero bakit parang baliktad. Bakit parang ako ang may nagawang masama? Napatayo ako nang tuwid nang biglang bumukas ang elevator. May sumakay na isang empleyado kaya naman mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Nang makarating ako sa floor ng opisina ko ay mabilis na akong lumabas at pumasok sa opisina namin. Dumiretso ako sa banyo at saka inayos ang sarili ko bago bumalik sa trabaho. Hindi ako puwedeng pumetiks dahil may kailangan akong gawin.. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik ako sa mesa ko. Nagsimula akong magtrabaho na parang walang nangyari kani-kanina lang. Inabala ko na lang ang sarili ko para makalimutan ang mga nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD