Chapter 3 BIPR

1379 Words
Amber's Pov DUMATING ANG oras ng uwian pero naiwan akong mag-isa sa opisina. Nang makaramdam ng ihiin ay saka lang ako tumayo para pumunta sa banyo. Naginhawahan ako nang makatapos umihi. Gumaan ang pantog ko. Nag-iinat na naglakad ako pabalik sa mesa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wall clock at gano'n na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita ko kung anong oras na. Ala-una y medya? "s**t, anong sasakyan ko pauwi nito? Madaling araw na pala!" Nanlulumong napaupo ako sa upuan ko at saka sumubsob sa mesa. Ang dami ko pang uulitin, tapos iisipin ko pa ang sasakyan ko pauwi. Haist kapag minamalas ka nga naman. Wala na akong nagawa kun'di ang tapusin ang trabaho ko. Bahala na nga. Nang matapos ako ay doon pa lang ako tila nakahinga nang maluwag pero agad ding nawala nang makita kong alas kuwatro na ng umaga. Hilong-hilo na ako sa sobrang puyat kaya naman sa halip na umuwi ay naisipan kong umidlip na lang muna. Parang hindi pa natatagalan ang idlip ko nang may gumising sa akin. Ang fresh na fresh na awra ni Agnes ang sumalubong sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Tumaas naman ang plakadong kilay nito. "Malamang magtatrabaho. Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo rito?" "Anong oras na ba?" balik tanong ko. "Alas nuebe na." "Alas nuebe?!" gulat na bulalas ko. "Oo! Kaya bakit ganiyan pa rin ang suot mo? Don't tell me, hindi ka umuwi?" nakataas ang kilay na tanong nito. "Mismo," nanlulumong kong sabi. "Bakit? Gusto mong magkasakit sa ginaga---" Sabay kaming napatingin sa telepono sa ibabaw ng mesa ko nang tumunog iyon. "Sagutin mo," untag nito sa akin. "Ikaw na, please," pakiusap ko. "Ikaw na, bilisan mo na at baka emergency iyan," tanggi nito. Wala naman akong nagawa kun'di ang inaangat iyon at nilagay sa tapat ng tainga ko. "Good morni---" "Come to my office, now!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng taong nasa kabilang linya. "Did you hear me? I said, come to my office, now!" ulit na sigaw nito sa kabilang linya. Halos maalog na ang utak ko sa lakas ng boses nito. "Y-Yes, S-Sir," nauutal na sabi ko. "Faster! Don't waste my time!" "O-Opo." Malakas nitong ibinalibag ang pagbababa ng telepono kaya naman mariin akong napapikit dahil sa sakit ng tainga ko. Napabuntong-hininga na lang ako at saka nilikom ang mga papeles, pagkuwa'y tumayo na ako. Pero agad din akong napabalik sa pagkakaupo dahil bigla akong nakaramdam ng hilo. Hinilot-hilot ko muna ang ulo ko bago muling tumayo. "Okay ka lang ba, Amber?" biglang sabi ni Agnes. Sinundan pala ako nito palabas ng pinto. "Ayos lang, Agnes. Salamat," sabi ko. Mukhang hindi naman ito kumbinsido dahil mataman ako nitong tiningnan. "Sige na, pumunta ka na ro'n, mamaya na tayo mag-usap," anito at inalalayan akong makapasok sa elevator. Habang nasa elevator ay kipkip ko ang folder na malamang ay gustong makuha ni Sir Zeus. Medyo nahihilo pa ako pero keri lang. Unang araw pa lang ito pero pakiramdam ko mauutas na ako nang maaga. Correction hindi pala unang araw dahil pangalawa na pala. Kumatok ako sa nakasaradong pinto ng office nito. "Come in," boses ni Ma'am Celeste. Mabagal kong itinulak ang pinto pabukas. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Ma'am Celeste. "Pumasok ka na sa office ni Sir Zeus," anito. "Salamat po, Ma'am," pasalamat ko naman sa mabait na secretary. Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa ko bago kumatok ng dalawang beses. Nang walang nagsalita ay kusa ko ng binuksan ang pintuan. Nakita kong nakatayo si Sir Zeus malapit sa may bintana habang nasa bulsa ng pantalon ang isang kamay. "Good morning po, Sir Zeus," bati ko. Pinilit kong ipanatag ang sarili ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo nito nang mapatingin sa akin. "What are you wearing?" hindi nakatiis na tanong nito. Nakakainsultong sinuyod pa ako nito nang tingin mula ulo hanggang paa. Gusto kong manliit sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin. Para akong basahan sa paraan ng pagkakatingin nito. "Pumasok ka sa kumpanya ko na iyan pa rin ang suot mo? Ubos na ba ang milyones na nakuha mo?" Mangha akong napatingin dito. "Ano pong ibig n'yong sabihin na milyones?" "Still acting like a naive child, huh? Stop acting like you can fool me for the second time, Ms. Agustin." Lalo akong naguluhan sa pasaring nito. Pero dahil nahihilo na talaga ako wala na akong panahon para makinig sa mga pang-iinsulto nito. Lumapit ako rito at iniabot ang hawak kong folder. Hindi naman nito kinuha iyon bagkus ay tinitigan lang ako. "Heto na po ang kailangan n'yo, Sir." "Did I tell you I needed it now? I said I need it yesterday, yesterday not now! Do you think I'm kidding when I say I'm evaluating you?" Napailing na lang ako dahil sa lakas ng boses nito. Para akong bingi kung makasigaw ito. "What? You're not going to say anything?" tanong nito nang hindi ako sumagot. "I'm sorry po, sinubukan kong matapos kahapon pero hindi ko po kinaya. Mas'yado pong marami ang pinapaulit ninyo sa akin. As you can see po, hindi pa ako nakakauwi sa bahay kaya ganito pa rin ang suot ko." Hindi ko na napigilan ang mangatwiran. Hilong-hilo na ako sa puyat tapos makakarinig pa ako ng insulto mula rito. "Are you blaming me because you're still wearing the same clothes?" hindi makapaniwala nitong tanong. Tumawa pa ito nang bahagya at saka muling nagsalita. "Is it my fault that you aren't doing your job well enough? If you don't know how to do your job, then quit! Stop wasting my money on your salary when your work isn't worth it!" Hindi ko alam kung paano lulunukin ang mga sinasabi nito sa akin. Pero dahil hindi ako pinalaking duwag ng mga magulang ko kaya hindi ako basta-basta mapapasuko ng mga panlalait n'ya. Taas noo akong tumingin kay Sir Zeus. "Ginagawa ko po nang maayos ang trabaho ko, Sir! Hindi ko po kasalanan na lahat ng trabaho ko hinahanap mo ng butas." "Hindi ko ipapabago sa'yo ang gawa mo kung maayos mong nagawa! At anong gusto mong palabasin ngayon, na pini-personal kita?" manghang tanong nito. "Bakit, hindi ba?" lakas-loob na balik tanong ko rito. Pagak itong tumawa at saka humakbang palapit sa akin. "Who do you think you are?" Hindi naman ako nakakibo sa tanong nito. Oo nga naman, sino nga ba naman ako, hamak na tauhan lang nito. Tauhan na kayang-kaya nitong hamak-hamakin. Sinupil ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Mapait akong napangiti at sinalubong ang mga mata nito. "Tapos na po ba?" "How long have you been here?" sa halip ay tanong nito. "Two months." "Two months? And you still don't know how to do your job. Do you believe you deserve this job?" Hindi ako sumagot, mataman lang akong nakatingin dito. Ibang-iba ang Zeus na nasa harap ko ngayon kaysa noon. "Ms. Agustin!" pikang untag nito. "Manang-mana ka sa Nanay mong matapobre, tangina mo!" bulong ko. Hindi ko na napigilan ang pag-alsa ng inis at panggigigil para rito. "What did you just say?" "Ha?" "Tinatanong kita kung ano ang binubulong mo?" mariin nitong tanong. "Ang sabi ko po kung tapos na kayong lait-laitin ako, kasi kung oo, maaari na po akong bumalik sa trabaho ko?" "Hindi iyon ang narinig ko." "Iyon po ang sinabi ko," sagot ko bago lumayo rito. Ipinatong ko sa mesa nito ang folder at saka naglakad palabas ng opisina nito. Ngunit nasa pintuan pa lang ako ng tawagin nito ang pangalan ko. Hindi ko ito pinansin. Nagbingi-bingihan na lang ako. Binuksan ko na ang pinto, tangka akong lalabas ng may kamay na humaklit sa kaliwang braso ko. "Where do you think you're going?" mayabang na tanong nito at pinihit ako paharap dito. "Babalik na po ako sa opisina." "Sinabi ko bang umalis ka na?" "Wala naman na po kayong kailangan sa akin, hindi ba? Baka masayang ang perang ipapasuweldo ninyo sa akin." "Are you---" Naputol ang anumang sasabihin nito ng hilahin ko ang aking braso mula sa pagkakahawak nito. "Excuse me. Babalik na po ako sa trabaho ko." Iyon lang at nilayasan ko na ito. Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin. Tuloy-tuloy lang akong nilisan ang opisina nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD