Chapter 9

1540 Words
AMBER POV "Mukhang seryoso talaga ang isang iyan, ah," sabi ni Ate Alma sa tabi ko. Nakasilip kasi kami sa bintana ng bahay namin habang tinitingnan si Zeus na nakikigulo sa mga pinsan at Tiyuhin namin na nag-iinuman. Halos dalawang oras na itong nakikigulo sa pamilya ko. Nangingibabaw ang tawa nito sa inuman, mukhang bentang-benta rito ang mga padali ng mga pinsan ko. "Gusto mo na rin ba siya?" Rinig kong tanong ni Ate Alma sa tabi ko. "Hindi ko alam, natatakot ako, Ate," sagot ko habang nakatutok pa rin kay Zeus ang mga mata ko. Hindi ko kasi mapaniwalaan na tototohanin nitong ligawan ako. It's been two months nang magsimula siyang manligaw. At aaminin kong may pagkakataon na natutukso akong sagutin na ito. Ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay biglang papasok sa isip ko na hindi kami bagay. Na hindi ako nababagay para sa isang kagaya nitong ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. "Ambs," untag ni Ate. Lumingon naman ako rito. "Mahal mo na siya, hindi ba?" Nahihiya man ay nagawa ko pa ring tumango bilang sagot dito. "Anong pumipigil sa'yo? Mukhang seryoso naman ang isang iyan eh, hindi iyan babalik-balik dito kung hindi ka mahal." "Parang ang hirap sumubok, Ate." "Dahil mahirap tayo?" Kiming tumango naman ako. Iyon naman talaga ang pumipigil sa akin na huwag itong tuluyang sagutin, pakiramdam ko masasaktan lang ako dahil magkaiba kami ng estado sa buhay. Hinawakan ni Ate ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Ambs, hindi naman basehan ng pagmamahal ang estado ng buhay eh. At saka sa dalawang buwan na pabalik-balik ni Zeus dito, mukhang hindi naman siya matapobre eh. Kita mi nga, nakikigulo siya sa mga pinsan natin." "Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya niya?" "Huwag mo kasing pangunahan ang mga bagay-bagay. Kung ako sa'yo i-enjoy ko na lang ang ganiyang pagkakataon. Hindi lahat ay makakaranas ng mga pinaparanas sa'yo ni Zeus, ano? Hindi sa material na bagay kun'di sa kung paano ka niya alagaan." "Ate.." "Nakikita namin na seryoso talaga siya sa'yo, Ambs. Kahit sila Tatay at Nanay alam nila iyon, ano?" "Sa tingin mo?" Umirap naman ito. "Ay oo, ano? Jusko! Ultimo pagtitinda ng isda ginawa na niya para magpapansin sa'yo, at aminin mong blessing si Zeus sa buhay natin. Kapag nasa palengke siya, mabilis maubos ang paninda ni ni Nanay. Kapag sumasama siya sa panghuhuli ng isda kay Tatay maraming nahuhuli." Napangiti naman ako sa mga tinuran ni Ate, totoo naman kasi iyon. Alam kong naging madali sa amin ang lahat dahil sa palaging pagsulpot ni Zeus, pero hindi naman basehan iyon na magiging masaya kami. "Ambs, bigyan mo siya ng chance, okay? Huwag mong pigilan ang sarili mo dahil alam naman namin na gusto mo rin siya eh." "Ate.." "Give yourself a chance, mas masarap pakawalan ang nararamdaman kaysa ang itago mo iyan, baka dumating ang araw na huli na bago mo pa aminin sa kaniya." Naging malamlam ang mga mata ko habang nakatingin pa rin kay Zeus, hahayaan ko nga bang matalo ako ng takot ko o susundin ko ang sinasabi ng puso ko. Habang nakatingin kay Zeus ay isang desisyon ang ginawa ko. Desisyon na alam kong mapapasaya ko ito at ang sarili ko. __________ "Amber, asikasuhin mo nga si Zeus lasing na. Mukhang hindi na niya kayang magneho," sabi ni Tatay habang pasuray-suray ang lakad. Mukhang maging ito ay lasing na rin. Tiningnan ko si Zeus at nakita kong kausap pa nito si Kuya John. Matapos kong ihatid si Tatay sa kuwarto nila ni Nanay ay pinuntahan ko na ito. "Kuya John, Zeus, tama na iyan," agaw pansin ko sa mga ito. Sabay namang lumingon ang dalawa sa akin. Si Kuya John ay namumungay na ang mga mata pero bakas ang panunudyo roon. "Naks! Mukhang alalang-alala ka yata kay Zeus ah! Sagutin mo na kasi, Ambs," tudyo ni Kuya John. Nakita ko namang sumilay ang magandang ngiti ni Zeus at walang babalang kinabig ako palapit sa katawan nito. Kinilabutan ako nang mahigpit nitong yakapin ang beywang ko. " Zeus! Ano ba bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa beywang ko. "Stay still, baby," anas nito. Halos mawindang ang puso ko dahil sa tinawag ako nitong baby. "Naks! Baby, Aw! Sana all may baby," tudyo ni Kuya John at ngiting-ngiti. "My baby Amber," muling sabi ni Zeus. Kinilig naman ako at maging ang pinsan ko. Gumigiwang na tumayo si Kuya John at saka lumapit kay Zeus. "Kapag sinagot ka nitong si Amber, huwag na huwag mong paiiyakin iyan, ha? Huwag mong sasaktan iyan dahil baby rin namin iyan dito." "Yes, mahal na mahal ko itong pinsan mo kaya hindi ito iiyak sa piling ko, hindi ba baby ko?" ani Zeus at hinila ako nito dahilan para mapaupo ako sa kandungan nito. Humalakhak naman si Kuya John at tinapik-tapik ang balikat ni Zeus. "Sibat na ako, mas'yadong maraming langgam eh." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis na ito habang pasuray-suray na rin. Habang si Zeus naman ay nakayukyok na sa balikat ko. Hindi ako makaalis sa pagkakaupo sa kandungan nito dahil mahigpit nitong yakap ang beywang ko o mas tamang sabihin na wala akong lakas para umalis sa mga hita nito. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang ipulupot na nito ang dalawang braso sa beywang ko. "Z-Ze..." kabadong anas ko. Pinihit ako nito paharap sa kaniya at pinakatitigan ako. "Anong tinawag mo sa akin?" namumungay ang matang tanong nito. Sunod-sunod naman akong napalunok-laway dahil parang nakukuryente ako sa hininga nitong tumatama sa mukha ko. "Baby?" "Paano ka uuwi, lasing ka na," sa halip ay sabi ko. "Ano muna iyong tinawag mo sa akin, please?" "Z-Ze." "Wow! I love it, Ze, first time na may tumawag sa akin niyan. It sounds cool, and I really love the way you call my name." Bakas ang tuwa at kilig sa mga mata nito. Kinuha nito ang kamay ko at kusang inilagay sa batok nito. Hindi naman ako nakahuma dahil mas'yadong nahahalina ang puso ko. Wala akong makapang pagtutol sa puwesto namin ngayon. "I love you, Amber." Titig na titig ito sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon. Sinapo nito ang mukha ko. "Mahal kita, mahal kita." "Ze.." "Do you love me too?" Hindi ko alam kung paano sasagot sa tanong nito. "Mahal mo rin ba ako?" muling tanong nito. "Okay, kung hindi mo kayang sabihin, ganito na lang kapag hinalikan kita at hindi ka pumalag, ibig sabihin tayo na, okay?" Hindi na ako nakasagot dahil siniil nito ng halik ang mga labi ko. Hindi ko alam kung itutulak ko ba ito o hindi. Basta kusang pumikit ang mga mata ko at ninamnam ang tamis ng unang halik ko. Yes, he was my first kiss. Nang hindi ako pumalag ay mas kinabig nito ang ulo ko para mas pailalimin ang paraan ng paghalik nito sa akin. Tila may sariling isip ang mga labi ko na sinalubong ang mga labi nitong may halong panggigigil. Pinakawalan lang nito ang mga labi ko nang hindi na kami halos makahinga. Pinagdikit nito ang aming mga noo at pinakatitigan ako. "You're my girlfriend now, right?" "Ze." "Come on, baby please say yes, please?" may halong pakiusap na sabi nito. "Bukas ko na sasagutin ang tanong mo, lasing ka na eh--" "No! I'm not drunk, baby. Tipsy lang pero malinaw pa ang isip ko." "Pero--" "Come on, baby, tayo na ba?" "O-Okay," sabi ko. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito habang malawak ang pagkakangiti. "Really?" Dahan-dahan naman akong tumango bilang sagot dito. "Whoa! Wait, lang baby," sabi nito at inalalayan akong tumayo. Impit akong napatili nang bigla ako nitong buhatin at saka inikot-ikot. "Hoy! Ibaba mo ako, baka matumba tayo!" "Whoa! Girlfriend ko na si Amber!" Sigaw nito at patuloy akong inikot-ikot. "Ze, huwag kang mainga--,Ayy!" Impit akong napatili nang matumba ito at bumagsak ako sa ibabaw nito. Tila may naghabulang kabayo sa dibdib ko dahil sa sobrang intimate ng posisyon namin. Nararamdaman ko na rin ang ibabang bahagi ng katawan nito na nadikit sa may puson ko. At hindi naman ako inosente na walang kaalaman sa gano'ng bagay. "I love you, Amber," anas nito. Tumatama sa mukha ko ang mainit nitong hininga na may halong amoy alak pa. "Hey, I said I love you." "Narinig ko naman eh." Naging malamlam naman ang paraan ng pagtingin nito sa akin. "Walang I lov--" "I love you too, Z-Ze," putol ko sa sasabihin nito. Unti-unting lumawak ang ngiti nito habang ang mga braso nama'y mahigpit na pumulupot sa beywang ko. Jusko po! Ang guwapo naman ng boyfriend ko. Piping usal ko sa isip ko. "Tayo na, ha? Girlfriend na kita." Dahan-dahan naman akong tumango rito dahilan para lalong mamungay ang mga mata nito. "Aalagaan kita, Amber. Mahal na mahal kita." "M-Mahal d-din kita, Ze." "Ang ganda ng tawag mo sa akin, unique. Ikaw lang ang papayagan kong tumawag sa akin ng Ze, kinikilig ako, baby," nakangiting sabi nito. Unti-unting nawala ang kaba ko at napangiti na rin ako. Nakakahawa kasi ang mga ngiti nito. Hinawakan nito ang likod ng ulo ko at saka sinakop ang mga labi ko. Napapikit na lamang ako para namnamin ang unang halik ko mula sa unang lalaki sa buhay ko. Unang lalaking pagkakatiwalaan ko ng buong-buo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD