Chapter One | Encounter

3146 Words
The Obsession of CEO ( Lucy Pearl ) ___ Chapter One "GOOD MORNING, LUCY PEARL.." MAY talim sa tingin nang ibaling ni Lucy Pearl ang mga mata n'ya sa lalaking bumati sa kaniya. Sa totoo lang dapat naman sana siyang matuwa nang batiin siya nito, pero dahil iba ang dating ng pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hindi niya nagustuhan. "Oh! Mukhang galit ka na naman?!" natatawa pa nitong tanong sa kaniya. "Funny!" Mabilis siyang umiwas, ayaw niyang pumatol sa kahit na sino ngayong umagang 'to. Sinimulan na ng kasera nilang sirain ang araw niya at hindi niya pagbibigyan ang lalaking may nais sumira sa araw niya. "Nagbibiro lang, ito naman galit na galit agad.. Gusto agad manakit!" "Stop!" Malakas ang boses na pagkakasabi niya rito. "Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka.." aniya pa sa kaniya. "Ano ba!!!" Sigaw niya rito nang magtangka itong sundan siya. "What you need ba ha?" Nagpalinga-linga siya sa paligid, napansin niya ang ilang mga estudyanteng nahinto't napatingin sa kanila. "Stop chasing me ha.. Hindi ka nakakatuwa!" sambit niya pa bago tuluyang nagpatuloy sa paglalakad. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya nang masiguradong wala na ang lalaking iyon sa tabi at nakasunod sa kaniya. "Bwisit! Bwisit!" Pikon na pikon na pagkakasabi ni Lucy sa sobrang inis na nararamdaman niya. Hindi niya namalayang nakarating siya sa rooftop sa sobrang inis ang plano niyang pagpunta sana sa library para mag-advance study ay hindi niya na nagawa. Sinira ng lalaking iyon ang araw niya. "Magsama-sama kayo mga bwisit kayo! Yawaaaa!" Malakas niyang sigaw. Pigil ang hiningang ginawa ni Lucy para hindi tuluyang kumawala ang luha sa mga mata niya. "Hindi man lang ako na-inform na ganyan pala ang bibig ng mga estudyante sa paaralang 'to." Mabilis ang ginawang paglingon ni Lucy sa boses sa likuran niya. Bago para sa kaniya ang mukha ng lalaking napaglingunan niya. 'Tsismoso!' Isang katagang naibulong niya sa sarili sa sinabi nito patungkol sa kaniya. "Ano naman ngayon?" Mataray na patutsada ni Lucy dito. E, ano nanaman talaga kung magsisigaw at magmumura siya sa lugar na 'yon. Afterall kaya nga niya pinili d'on para malaya siyang masabi ang lahat ng gusto niyang sabihin. Malay niya ba na may isang nilalang na tsismoso ang nandoon. "As far as I know this university is christian school. Huwag mo sabihin sa akin na hindi ka na-inform, Miss?" Sa halip na sagutin ni Lucy ang sinabi sa kaniya ng lalaking 'to— mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo niya itong pinasadahan ng tingin at muling binalik ang nanlilisik niyang tingin sa mga mata nito nang muling magsalubungan ang tingin nilang dalawa. "So! What's your freaking care? Ikaw ba ang may-ari ng unibersidad na 'to? Guidance counselor ka ba?" untag niya. Tumawa ng malakas si Lucy at binaling ang tingin sa suot nitong formal na polo at slacks na pantalon, binaba niya rin ang tingin hanggang sa sapatos nitong leather na halata ang pagiging mamahalin. 'E, ano naman kung mukha siyang kagalanggalang sa suot niya?! I don't care!' sigaw ng isip niya. "Go back to your class young lady." Narinig niyang utos nito sa kaniya. Ngumiti siya ng pilit dito at tinaas ang kilay niya. "You can't dictate me, what I will going to do, Mr." 'MATIGAS ang ulo ng babaeng 'to!' Iyon ang kanina pang tumatakbo sa isip ni Michael sa babaeng kaharap niya mukhang wala itong balak magpatalo sa kaniya. "Papasok ka ba sa klase mo o kakaladkarin pa kita?" Hindi niya napigilang sabihin sa harap nito. Pero imbes na matakot ito sa kaniya mukhang natawa pa ang dalaga at parang hindi naniniwala sa sinabi niya rito. "Hindi ako nagbibiro!" "Did I said that you're joking?" Mataray nitong balik tanong sa kaniya. "One last chance, go back to your class now!" "At paano mo naman nasabing may klase ako? Ano ba kita professor?" Pang-iinis pa nito. "Ang tigas ng ulo mo!" sambit niya rito. "And, I am. Matigas talaga ang ulo ko, kaya if I we're you just leave me here at huwag mo akong pinapakialaman sa ginagawa at higit sa lahat sa mga sinasabi ko! Okay?" Hinayaan niya itong talikuran siya at naglakad ito hanggang sa makarating sa isang sulok ng lugar na iyon. Sinundan niya ito ng tingin nang may maisip si Santi para maging leksyon sa babaeng aniya'y may katigasan ng ulo. 'Okay. You won young lady!' Nakangiti niyang bulong sa sarili. ____ LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Lucy hanggang sa makarating siya sa building nila. Abot langit pa rin ang nararamdaman niyang inis dahil sa lalaking sigurado siyang nagsara sa kaniya ng pinto sa rooftop. Hindi siya pweding magkamali na ito ang may gawa n'on. Mabuti na lang at may janitor na pumunta d'on para maglinis kaya siya nakababa ngayon, dahil kung hindi late sana siya sa gagawing orientation para sa pagpapakilala sa katulad niyang scholar sa bagong may-ari ng unibersidad na iyon. 'Kapag nakita talaga kitang bwisit ka patay ka sa aking yawa ka!' Galit niyang sambit sa sarili. "Lucy, Lucy.." Napalingon si Lucy nang marinig ang boses sa likuran niya, ang classmate at malapit niyang kaibigang si April. "Naku! Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba galing?" Hinihingal nitong tanong sa kaniya nang magpantay silang dalawa. Isang scholar din si April kaya medyo nakahinga siya nang maluwag nang hindi lang pala siya nag-iisa. "Nasa loob na si Mr. Michael Archangel , pinahanap ka lang sa akin ni Mr. Guzman dahil ikaw lang ang wala r'on." Masamang balita pang hatid nito sa kaniya. "Saan ka ba kasi galing?" "Kinulong ako sa rooftop ng siraulong baliw na hindi ko kilala!" "May baliw dito? Na-report mo na ba? Naku! Sigurado ka ba, Lucy?" Sumimangot siya nang bilhin ni April ang mo mga sinabi niya. Sa halip na sagutin nya ito hinila niya ang kamay nito para pumasok na silang dalawa. At iyon na lamang ang pagkagulat ni Lucy nang maaktuhan ng dalawang mata't marinig niya ang pagpapakilala. "Just give around of applause to the newest owner and CEO of Saint Santiago University, Mr. Michael Archangel.." 'Pisting Yawa!' wala sa sariling nabulong ni Lucy Pearl sa sarili niya. UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya. "Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig." Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito. Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya. 'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya. Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala. "That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna. Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin ang lalake hanggang sa bumaba ito ng stage. He's nothing! Aniya pa niya. May-ari lang siya and thats all, dugtong pa. Nakipagkamay ito sa ilang board members na nakilala na rin nilang lahat maging sa ilang professor na nar'on sa gawi na iyon. 'Kinulong niya pa rin ako sa rooftop at maling-mali pa rin siya d'on! Hindi ko pa rin kakalimutan iyon!' galit niyang bulong sa sarili. Tiningnan niya ito ng masama at hindi niya akalaing titingin ang lalaking iyon sa gawi niya; nagtama ang mga mata nilang dalawa. Inikot niya ang bola sa mga mata niya't tinapon ang tingin sa harap ng stage kung saan ito galing kanina. 'Naku, Lucy! Baka pag-initan ka ng lalaking iyan!' Nag-aalalang bulong ni Lucy sa sarili. Paano na siya kung magkataon? Ano na lang ang kinabukasan niya? Wala pa naman siyang pinagkikitaan para makaya niya ang sarili niyang pag-aralin sa ibang paaralan. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucy. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo- sirang-sira na ang araw niya. "Saan tayo magkakape?" Bahagyang nagulat si Lucy sa narinig niyang pabulong na tanong sa kaniya ni April. "Uuwi na ako," maiksi niyang sagot dito. "Uuwi? Bakit uuwi ka na? Ang aga pa, Lucy.." "Marami akong gagawin at labahin," pagdadahilan niya. "Hindi ako naniniwala sa iyo, wash and wear ka kaya, Dear." "Gusto kong umuwi at wala kang pakialam kung gusto kong umuwi! Bwisit!" May kalakasang sagot ni Lucy sa kaibigan dahil sa kakulitan nitong pinamamalas sa kaniya. "Nag-aaway ba kayo?" Sabay ang paglingon ng dalawa sa boses sa likuran ni Lucy si Mr. Aragon at kasama nito ang lalaki. "Hindi ho, Sir. Ganyan lang talaga si Lucy alam niyo na may mood swings lang 'tong kaibigan ko," sabat ni April. Muling iniwas ni Lucy ang tingin sa lalaking nasa likuran ni Mr. Aragon, napansin niya sa mga tingin nito ang mapanuring tanong. Tsaka niya na-realize na nagmura na naman pala siya sa harap ni April. 'Napakakulit naman kasi ng isang 'to!' inis niyang bulong sa sarili. "KAKASABI KO LANG NG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA STAGE, MS.?" "MS. SANDOVAL, MR. SANTIAGO.." ani ni Mr. Aragon sa kaharap. "Sir, kasalanan ko naman talaga, nakulitan lang sa akin ang kaibigan ko." Pagtatanggol ni April. "Ano naman ang masama sa bwisit? Ikaw ngang sira-ulo ka kinulong mo ako sa rooftop!" mahinang bulong ni Lucy sa sarili niya. "May sinasabi ka ba, Ms. Sandoval?" untag sa kaniya ni Michael Archangel - tsaka lang napansin ni Lucy ang pangalan nito. Lucy Pearl-Michael Archangel? Sambit ni Lucy sa sarili niya. Hindi niya napigilang tumawa ng malakas sa harap ng mga ito. "Ms. Lucy Pearl Sandoval.. go to my office now!" Natigilan si Lucy nang marinig ang sinabi ni Mr. Aragon. "Ho?" "Go to my office now!" Ulit pa nito sa kaniyang may galit sa boses nito. Lihim niyang nasapo ang ulo niya. Tinaas niya ang tingin sa lalaking naging dahilan kung bakit siya natawa ng malakas sa harap ng mga ito- humalikipkip itong tumingin sa kaniyang may pang-iinis. Sinundan niya ng tingin si Mr. Aragon. "Isusumbong kita kay Mr. Aragon dahil kinulong mo ako sa rooftop, Mr. Michael Archange!" Inis na sambit niya sa harap nito bago tumalikod at nagmartsang sumunod sa ginoong nagpatawag sa kaniya. 'Akala niya ha! Hindi dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na 'to palalampasin ko na lang ang ginawa niya.. humanda talaga siya!' ____ NAKANGITING sinundan ng tingin ni Michael ang babaeng napag-alaman niyang Lucy ang pangalan. Napailing-iling pa siya dahil sa pinakita nitong tantrums sa kaniya. Naalala niya ang ginawa niyang kapilyuhan dito nang isarado niya ang rooftop kanina nang bumaba siya't nagpasyang iwan ito sa rooftop; talaga naman siya ang nagsarado ng pinto dahil gusto niyang bigyan ng leksyon ang babae. "Kuya.. Kuya.." Lumingon si Michael sa tawag ng bunso niyang kapatid na si Angelo. "Saan ka na naman pumunta? Kanina pa ako dito," aniya rito. "Nagkape lang kami kasama ng mga kaibigan ko, Bro. Let's go home?" anito naman sa kaniya. Tumango siyang may ngiti sa labi kay Angelo; na-miss niya ang kapatid niyang ito sa ilang taon niyang pananatili sa Amsterdam gayon ay nagpasya na siyang umuwi for good para pamahalaan ang iniwang responsibilidad sa kaniya nang lolo nilang pumanaw na- ang may-ari at nagtayo ng unibersidad na ito. "Ano, kuya, marami na ba ang napapansing chika babes sa iyo dito?" Pang-aasar nitong tanong sa kaniya. "Wala. Atsaka hindi ko priority, alam mo naman kung gaano kaselosa ang Ate Cheska mo." Espleka niya rito. Si Cheska ay ang kaniyang long-term girlfriend na matagal nang nakabase sa Amsterdam at nagtratrabaho bilang nurse sa isang pribadong hospital. "Ikaw baka madami ka nang binibiktima ha.." aniya ritong natatawa nang sabay silang pumasok sa Volkswagen niyang dalang sasakyan. Ngiti lang ang siyang naging tugon sa kaniya ni Angelo at kilala niya ito alam niyang tama ang kutob niyang may kung sino'ng babae na naman itong prospects. "Mayroon nga?" "Mayroon. But she's different, Kuya. I think I truly like her.." Iyon na lamang ang gulat niya nang marinig ito mula kay Angelo. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya. Hiling niya na lang na sana nga tulad ng sabi nito, iba ito sa lahat ng babaeng naging bahagi ng buhay nito. "Mailap lang siya, but I will not stop until she will be mine," dugtong pa nito sa kaniya. "She's lucky.." iyon ang tanging lumabas na salitang mula kay Michael sa babaeng tinutukoy ng pinakamamahal niyang kapatid. TULAD nang inaasahan ni Lucy, pinagalitan nga siya ni Mr. Aragon. Kahit na ano ang gawin niyang espleka na may naisip lang siya kaya siya natawa sa harap ng sinasabi nitong CEO ay hindi nito binili ang dahilan niya. Palibhasa sipsip! Galit na bulong ni Lucy sa sarili niya dahil sa lahat ng narinig niya kay Mr. Aragon. Hindi pa ito nakuntento at pinagbantaan pa siya nitong tatanggalan ng scholarship kung hindi siya umayos sa ugali niya. 'Sino ba siya sa tingin niya? E, kahit nga katiting wala naman siyang ambag sa eskwelahan na 'to! At ako pa talaga tinakot niya? Baka si Lucy Pearl 'to!' Mapait niyang bulong sa sarili niya. Inis na inis pa rin siya dito lalo na sa lalaking nangangalang Michael Archangel — 'Anghel ang pangalan, pero mas demonyo pa kay Lucifer ang ugali ng lalaking iyon! Bakit hindi? Tama bang ikulong niya ako sa rooftop ha?' galit niya pang dugtong. Isang pagsinghap pa ang pinakawalan ni Lucy Pearl sa sarili— at heto nga alam niyang pag-uwi niya sa boarding house niya stress na naman siya. Isang buwan na siyang delay sa bayad niya sa kasera nila. Gumagawa naman siya ng paraan sadyang hindi lang sapat ang paraan na ginagawa niya dahil wala siyang mapagkukunan ng pera ngayon, nahihiya naman siyang humiram kay April dahil alam niyang kapos din ito. 'Mangutang na lang kaya ako kay Angelo?' Natatawang tanong niya sa sarili. 'Isa pang unggoy na iyon! Kung makatawag sa pangalan ko Lucifer talaga ang bigkas at diin! Bwisit!' Sunod-sunod na pagsinghap ang pinakawalan niya nang malapit na siya sa kanila— hiling niya na lang ngayon na sana umalis na lang ito para magbinggo o mag tong its na madalas naman nitong ginagawa. 'Bahala na si Batma!' Mapait na bulong ni Lucy sa sarili niya— may pera naman siya kung tutuusin kaso nga lang tinatabi niya iyon para sa kakailanganin niya sa binabayaran niyang pagpapa-xerox ng mga notes niya kapag wala siyang libro. MASAYANG nakahinga nang maluwag si Lucy nang pumasok siya sa boarding house nila na walang kahit na sino ang nakakita sa kaniyang kapamilya ng kasera nila. Mabuti na lang at hindi tuluyang sinumpa niya ang araw na mayroon siya ngayon—pagod siyang umupo sa plastik na upuan niya sa ginawa niyang mini study table ng maliit na silid na iyon. Malungkot siyang ngumiti nang pasadahan ng tingin ang sarili— talagang nag-iisa na siya sa mundong 'to. 'Sarili ko na lang ang kasama ko sa lahat ng pagkakataon! Kaya sana, huwag niyo naman ako masyadong gawing warrior niyo.. kasi minsan malakas lang ako tingnan pero mahina rin ako!' tanging nasambit ko sa sarili ko nang napatingin ako sa larawan ni Hesus Kristo katabi ng salamin ko. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mapait na nakaraan ng buhay niya— bata pa lang siya nang iwan siya ng nanay niya sa lola niya at sumama ito sa ibang lalaki. Hindi niya rin nakilala ang tatay niya, dahil hindi rin alam ng lola niya kung sino ito hanggang sa mamatay ito nang limang taon pa lamang siya at simula n'on kung kani-kaninong kamag-anak na siya nakikitira. Hanggang sa maglakas loob siyang mamuhay mag-isa mula nang 'di niya kinaya ang panunumbat at pangmamata sa kaniya ng tiyahin at mga pinsan niya. Isama pa ang madalas na pangmamanyak sa kaniya ng tiyuhin niya. 'Bata pa lang ako sinubok mo na ako eh! Pero hindi ako nagtatampo sa iyo, nagtatanong o higit sa lahat nagagalit sa iyo.. mahal pa rin kita kahit na hindi ko alam kung mahal mo ako dahil sa pangalan kong kaaway kayo!' Tumawa nang mapait si Lucy nang maalala ang pangalan niya at kung ano ang kwento sa likod n'on— ang natatandaan niyang kwento nang magdalaga siyang madalas sabihin nang katiwala ng tiyahin niyang kilala ang lola niya; nanay niya na raw nagbigay n'on dahil ayon dito malas daw siya sa buhay ng sarili niyang ina at sinira niya ang kinabukasan nito idagdag pa raw ang walang hiyang ama niyang bumuntis dito. Naramdaman ni Lucy ang luhang kumawala mula sa mga mata niya. 'Mabuti na lang talaga maganda at matalino ako 'no? Kung hindi baka magalit talaga ako sa inyo.. at kwestyunin ko kayo..' Natatawa niyang biro sa larawang nasa harap niyang nagsisilbing lakas at kaibigan niya sa lahat ng panahon. 'Tulungan niyo ho ako maging malakas.. at sana may mga taong dadating sa buhay kong magpapaalala sa akin mahalaga ako, na may silbi ang buhay ko kaya patuloy akong humihinga at lumalaban pa rin kahit ang hirap-hirap na!' madamdaming dugtong pa ni Lucy. Pinahid niya ang mga luha gamit ang palad niya—umupo siya ng tuwid buong tamis na ngumiti sa salamin. 'Magiging isang magaling na nurse ako, at balang-araw magtratrabaho ako sa isang institusyon na maraming-maraming lola at ako ang mag-alala sa kanila tulad ng hindi ko nagawa sa lola ko.. tulungan niyo ho ako..' Buong tatag at tiwalang sinabi niya sa sarili- tumingin muli siya sa larawan ng pinagkukunan niya ng lakas. 'Amen..' dugtong ni Lucy. ____ PINAIKOT-IKOT ni Michael ang ballpen sa mga daliri niya habang pinagmamasdan ang dalagitang na-engkwentro niya sa universidad na pinama ng lolo niya sa kaniya at sa kapatid niyang si Angelo. Lucy Pearl Sandoval— 2nd year Nursing student, pinasadahan nya rin ng tingin ang mga marka nito sa files na nasa harap niya. Matataas ang lahat ng grades nito at mukhang consistent ang dalaga, kaya siguro scholar ito.. iyon ang naging bulong ni Michael sa sarili. Mukha lang itong pasaway, pero mukhang mabait naman' aniya pa. Napako ang mga mata niya sa profile nito— December 25, 1989 ang birthday nito. Hindi siya halos makapaniwala dahil ito rin ang birthay niya 1996 lang siya at mas matanda nang anim na taon dito. 'You look so interesting, Young lady..' tanging nasambit ni Michael sa sarili niya habang ang mga mata'y nanatili sa magandang mukha nito sa screen niya. 'I want to know you more... I have this feeling na may mga buhat-buhat ka sa balikat mo at gusto kong tulungan kang bitiwan iyan..' Wala sa sariling sambit ni Michael sa sarili niya. Lucy Pearl — Michael Archangel, sounds devil and angel huh! Biro nya sa sarili niya. 'See you tomorrow, young lady.. have a great day..' dugtong pa niyang may ngiti pa rin sa labi niya nang maalala ang hindi inaaasahang paghaharap nila sa rooftop kanina. ___

Chapter Two

2334 Words
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ CHAPTER TWO HALOS katatapos lang ng live selling ni Lucy Pearl ng mga items nyang bagong bili sa Divisoria n'ong isang linggo— pinapaubos niya na lang ang lahat ng tinda niya para sa panibagong ititinda ulit na request ng mga regular costumers niya. Heto nga at nag-aayos na siyang pumasok, sa mga nag-mine kanina okay na ito para makapagbayad siya kahit papano sa kasera nila. 'Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako pababayaan,' masayang kausap ni Lucy sa larawang pakiramdam nyang nakatingin sa kaniya. 'Salamat ha,' aniya pa niya. Masaya siyang pinagmasdan ang sarili niya sa isang maliit na salaming paborito niya— pangarap niyang makabili ng life sized mirror pero mahalaga naman ito sa kaniya kahit na hindi niya masyado nakikita ang sarili niya ang mahalaga may tinitingnan siya kung maayos ba ang mukha niya. Umikot-ikot pa si Lucy, suot ang uniporme niyang pang-nurse, masaya talaga siya at hindi niya kayang ikubli iyon. 'Isang taon na lang kung malapit na ako sa finals,' nakangiti niyang bulong sa sarili. Actually, hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon, gusto niya na nga bukas na bukas na rin ang graduation niya at board exam na agad para makita nya na ang lahat ng resulta ng mga sakripisyo, pagod at hirap niya. 'Walang short cut sa tagumpay, Lucy.. Darating tayo diyan,' ani ng kanyang sarili. 'Ang mabuti pa umalis na tayo, para naman maipadala mo na agad ang mga parcel at makapagbayad ka na kay Aling Lumen at nang mabawasan ang stress mo sa buhay,' natatawang aniya pa. Iyon nga ang ginawa ni Lucy, mabilis siyang nag-gayak at tuluyang umalis pagkatapos i-check ang lahat ng dapat niyang niyang tingnan bago umalis lalo na ang mga nakasaksak niyang appliances, wala naman siya nito dahil maliit na rice cooker, plantsa, ceiling fan ang mayroon siya sa maliit na silid na iyon. Masayang lumabas ng silid si Lucy, alam niyang wala si Manang Lumen sa labas dahil bukod sa maaga pa ay nasa apo ito at nagbabantay dahil toka ito madalas— lunes lang talaga sila madalas magkita at tsamba nga nagdaang-araw. 'I have this feeling that is my lucky day..' positibong bigkas ni Lucy sa sarili niya; una muntik na maubos ang lahat ng tinda nyang terno na pajama, pangalawa wala si Aleng Lumen sa balkonahe nito na dinadaanan niya at pangatlo maayos ang unipormeng kakabili niya lang tatlong araw pa lang ang nagdaan. Hindi nga siya makapaniwala dahil cash niyang binili ito sa universidad, walang installment basis na pinagtakhan niya rin. 'God is always provide, iyon nga lang nahuli lang talaga ang kasera ko.' bulong niya sa sarili. Kung hindi niya naman kasi uunahin ang mga xerox ng librong hihiramin niya kay April ay bayad na ito, study first kasi ang nais niya kaya pinagpaliban niya muna ang kasera. 'Bibilhan ko na lang ng mango pie si Aleng Lumen kapag bayad na ang mga parcel ko,' mabait niyang aniya sa sarili niya. Mabait nanan talaga si Lucy at punong-puno ng pag-alala sa mga tao sa paligid niya— iyon naman ang kagandahan sa kaniya bilang isang magandang nilalang na madalas niyang biro sa sarili. "LUCY.. LUCY..." HINANDA ni Lucy ang matalim na tingin nang paglingon niya, walang iba kun 'di si Angelo na naman ang makulit na transfer students sa universidad na 'to. Hindi niya nga alam kung bakit madalas siya nitong natyetyempuhan sa lobby kapag dumadaan siya papunta sa department nila. "Ano na naman ba?" mataray niyang tanong dito. "Maganda ang araw ko, Angelo.. Por pabor huwag mong sirain," Hindi niya alam kung bakit sa tono ng boses niya nandoon ang pakiusap. Iniwas niya ang tingin niya rito nang nakita niyang ngumiti ito sa harap niya. "May nakapagsabi na ba sa iyo na ang ganda-ganda mo lalo na kapag nagtataray ka, Lucy?" Imbes na sagutin ito napailing-iling na lang siya sa kakornihan ng lalaking 'to— mahilig siya sa k-drama at Turkish-drama kaya malamang luma na ang hirit na iyon para sa kaniya kung sa mga pelikula o palabas — kumita na — "Wala ka na bang sasabihing matino? Kailangan ko nang umalis at may gagawin pa akong mahalaga, Angelo." "Pinaglihi ka ba sa snow ha? Bakit ba ang cold cold mo sa akin? Dati ka bang aircon sa past life mo, Ms. Lucy Pearl?" Natatawang aniya nito sa harap ko. Awtomatiko ang pagtaas ng kilay ko, alam kong sa tono at mga lumalabas sa bibig nito mukhang hindi na naman maganda ang mga susunod niya pang sasabihin. "Ang alam ko kasi mainit naman sa hell.." tawang-tawang bigkas nito. Tinaas ni Lucy ang mga kamay niya't sumenyas na lumapit ito sa kanya. "Kapag hindi mo ako titigilan talagang mapupunta ka sa hell, Angelo.. dahil kakausapin ko si kamatayang sunduin ka na at ibagsak ka d'on! Siraulo!" Pikon na pikon niyang sambit dito. Ang siste tumawa lang ito nang tumawa sa mga sinabi niya. "Bwisit! Sira-ulo!" Pigil ang sariling isigaw niya sa harap nito, mabilis siyang nag-martsa paalis sa lugar na iyon kung hahayaan niya ang lalaking iyon masisira lang ng tuluyan ang araw niya't ayaw niyang mangyari iyon. "WHAT ARE YOU DOING HERE?" "AY GWAPONG PALAKA!" GULAT ang naramdaman ni Lucy nang bigla na lamang siyang may narinig na boses sa isang tabi nang pumunta siya ng rooftop— nagtataka pa siya at prenteng nakaupo ang lalaking ito sa sahig na may isang karton na nagsisilbing salumpuwit nito. "Cutting class again, Young lady?" Dugtong pa, habang nakaupo pa din at nakatingin lang sa gawi niya kung saan siya nakatayo ngayon. Mabuti na lang at hindi siya sumigaw agad at kung ano-anong pagmumura na naman ang lalabas mula sa mga bibig niya. "Teka lang.. Ang alam ko ikaw lang may-ari ng eskwelahan na 'to.. Pero teritoryo ko 'tong rooftop ako ang may-ari nito akin 'to! Asungot ka dito!" Puno ng pagtataray niyang untag dito. Sinundan niya ng tingin ang lalaking tumayo mula sa pagkaka-upo nito kanina. 'I-la-lock na naman ba ako ng siraulong 'to?' "Do you want to shout? Do you want to ease your burden? Go ahead. I will let you! Hindi kita isusumbong!" Napakunot-nuo si Lucy— sino naman ang demonyong sumapi sa katawang lupa nito at mukhang nagbago ang timpla ng hangin? "Just leave me here! Just leave me here.. thats all I want.." tuwid niyang sabi sa mga mata nito kahit na kailangan niya pang tumingala para lang matingnan ito. Napalunok si Lucy nang bigla na lamang itong pumunta sa paborito niyang gawi— likod ang bahagi n'on kaya ang tanging nakikita niya ay ang mga naglalakihang building. 'Tatalon ba siya sawa na ba siya sa pera niya?' tanong ni Lucy sa sarili nang napansin niyang pumatong ito sa isang tumbang hollow blocks na nar'on na madalas niyang pinapatungan para matanaw niya ang gusto niyang tingnan madalas. "Come here. Just shout! Magmura ka kung gusto mo. Halika ka!" Narinig niyang tawag nito sa kaniya. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Lucy sa sarili habang nakapako ang tingin sa lalaking 'to. 'Kung siya naman kaya ikulong ko dito? Makaganti man lang!' pilyang bagay na naisip niya. "No thanks.. I change my mind.. Bye. Tc." natatawang bigkas ni Lucy sa lalaki. 'Lintik lang ang walang ganti ngayon, Archangel!' Mabilis ang ginawang pagkilos niya hanggang sa nakalabas siya— ginawa niya ang maitim na plano niya; pinili niyang mag transform bilang si Lucifer at hindi siya nagdalawang-isip na i-lock ang lalaking iyon. 'Its a tie! Quits na tayo, Mr. Koroko!' natatawang huling salitang nasambit niya sa sarili bago tumalikod at tuluyang bumaba na parang walang nangyari. LAKAD takbo ang ginawa ni Lucy tuluyan lang siyang makalayo sa lugar Kung saan pinili niyang ikulong ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam kahit na ito pa ang presidente ng Pilipinas ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nakaganti na siya at patas na silang dalawa. 'Beh buti nga! Beh buti nga sa iyo..' Natatawa niya pa ring sambit sa sarili habang panay ang pagmamadali niya. Walang dapat makakita sa kaniya na magpapatunay sa ginawa niya rito. 'Paano kung magsumbong siya, Lucy?' kastigo sa kaniya ng sarili niya. Ano naman kung magsumbong siya? Wala siyang pake; kahit na sa scholarship mong may tendency na mawala kapag nangyaring malaman ng lahat ang ginawa mo? dugtong pa. Doon nakaramdam ng bahagyang kaba si Lucy sa puso niya. Paano nga kung mawala ang iniingatan niyang scholarship sa ginawa niya rito? Kaya niya ba? Patuloy sa pakikipag-usap niya sa sarili niya. Isang paglingon ang pinakawalan ni Lucy sa gawi kung saan naroon papunta sa rooftop. Sunod-sunod siyang napalunok. 'Hindi naman makatarungan kung gagawin niya sa akin 'yon? After all siya naman talaga ang nauna kung bakit gumanti lang ako ngayon eh. Siya iyong may mali at hindi ako.' Patuloy ko sa kumbinse sa sarili ko. 'Balikan ko na lang kaya siya at buksan? Pero baka kapag ginawa ko iyon mas magalit siya sa akin.' aniya ng konsensya niya. Napakamot si Lucy sa sentido niya sa hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin nang makahinga siya nang maluwag dahil sa nakita niya ang janitor ng eskwelahan nila. Tinawag ito ni Lucy at sinabi niya ritong may narinig siyang tao sa rooftop, na baka may na-lock d'on— pagmamaang-maangan niya. Tumalima naman ito at sinunod ang mga sinabi niya. Pinili niyang dumiretso na sa klase niya, ayaw niyang ma-late ngayon. Inspired pa naman siyang pumasok kanina dahil sa bagong uniform niya— naisip niya na naman si Angelo at ang gigil na naramdaman dito kanina kaya siya nagawi d'on sa teritoryo niya't hindi inaasahan ang lalaking naroon. 'Kasalanan niya kung bakit siya nakulong d'on at inosente ako 'no.' Patuloy niya sa pakikipag-usap sa sarili niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng classroom nila. "Saan ka galing?" Bulong sa kaniya ni April nang tumabi siya rito. "Traffic," maiksing tugon niya ritong may halong pagsisinungaling. "Never ka na-late, Lucy, kaya huwag kang magsinungaling sa akin. Rooftop 'no?" ani naman nito sa kaniya. Kilalang-kilala na talaga siya ni Lucy, wala na talaga syang maitatago dito simula't sapol. Mabuti na lang at wala pa ang professor nila kaya hindi naman talaga siya late kung tutuusin— iyon nga lang madalas talaga siyang nauuna sa lahat dahil nakahiligan niya nang mag-advance study palagi "Rooftop.." "Sinasabi ko na nga ba eh. Stress ka na naman 'no? Ang aga mo mag live selling kanina eh. Alas cinco pa lang yata 'yon," sambit nito sa kaniya. Tama si April, maaga talaga siyang nagtrabaho pag gising niya pa lang dahil gusto niyang makarami agad bago siya pumasok. "Money matters?" Mahinang tanong sa kaniya ni April. Sinadya nitong hindi iparinig sa ilang kamag-aral nila lalo na sa tatlong classmate nilang felling mga — Disney Princess — "Delay ako sa bayad sa boarding house, Pril, kaya todo grind ako ngayon para matapos na problema sa akin ni Aleng Lumen," aniya rito. Ngumiti nang maluwag sa kaniya si April, nagulat pa siya nang may kinuha ito sa bag nito— wallet ito at mula r'on may nilabas itong iilang libong inabot ng lihim sa kaniya. "Gamitin mo na muna 'tong pambili ko ng libro sa susunod na linggo.." "Pero, A-April.." Subok niyang pagtanggi nang iabot nito ang pera sa mga palad niya. "Huwag mo akong alalahanin, Lucy. Mas kailangan mo ngayon iyan. Ayaw kong ma-stress ka lalo na sa pera, kaya tanggapin mo na 'to.." Pagpipilitan nito sa kaniya. "Sigurado ka ba?" "Alam ko naman na maibabalik mo rin agad sa akin yan, kilala kita, Lucy. Sige na. Kunin mo na iyan." Maingat na nilagay ni Lucy ang pera sa wallet niyang bigay din nito sa kaniya n'ong nag-birthday siya. "Ibabalik ko agad sa iyo 'to, ipapadala ko agad ang mga items na binili sa akin para maibalik ko agad sa iyo." "Hindi ako nagmamadali. Masaya akong nakakatulong sa 'yo, Lucy." "Maraming salamat ha." Niyakap niya si April, bilang pagpapasalamat niya rito. Nang mapako ang tingin ni Lucy sa biglang dumating sa room nila— ang professor nila at may lalaking nakasunod ditong hindi siya pweding magkamali dahil ito ang lalaking kinulong niya sa rooftop. Iniwas ni Lucy ang tingin niya nang mapansin niyang nandoon ang sulyap nito sa gawi nila; patay na, aniya pa niya. Kaya ba ito naroon ngayon dahil nagsumbong ito? At malilintikan na naman siya. "Good morning, Class.." Panimulang pagbati ng Social Science proffesor nilang si Mr. Agassi. Muling napalunok si Lucy nang muli siyang mapatingin sa lalaking naroon pa rin ang tingin sa gawi nila ni April sa likuran kahit ilang upuan ang pagitan bago sila. "As you can see, kasama ko ngayon si Mr. Michael Archangel Santiago the owner of this university— ang nag-iisang tagapagmana ng namayapa nyang abwelong si Don Arthur Santiago.." ani pa ni Mr. Agassi. 'Napakaraming pasakalye! Hindi na manabon kung gusto akong sabunin!' mataray na bulong ni Lucy sa sarili kasabay pa ang pag-ikot ng bolang itim sa mga mata niya. "And, he's here bilang magiging bagong proffesor n'yo sa subject na 'to.. Mr. Archangel, graduated his masteral in Amsterdam." Napatingin nang tuwid si Lucy sa gawi ng mga ito. 'What? Ang koroko na iyan ang magiging proffesor namin?' sambit niya sa sariling hindi makapaniwala sa mga narinig. Hindi nakaligtas sa kaniya ang excitement ng mga babaeng kaklase niya sa harapan nila ni April sa lahat ng mga narinig mula kay Mr. Agassi. "But it's temporary, siguro mga ilang buwan lang ito habang nasa bakasyon si Mr. Agassi. It's that clear? Everyone?" Narinig niyang aniya ni Archangel sa buong klase nila. Masaya namang sumagot ang mga itong —clear— na may pagpapa-cute pa. "Huwag kayong mag-alala, I'll be good to you, Guys. As long as, hindi kayo nang-la-lock ng tao sa rooftop! Okay?" Narinig ni Lucy ang lakas ng tawanan sa loob ng classroom. Samantalang siya sunod-sunod ang paglunok ang pinakalawan niya sa sarili nang marinig ang mga sinabi nito— muli itong tumingin sa gawi niya na parang may pagbabanta pang.. — We're not done yet — Lagot ka sa akin! _____

Chapter 2.3

2420 Words
THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL ___ CHAPTER 2.3 Buong klaseng halos tulala si Lucy, o mas tamang sabihing halos buong oras ng klase nila pagka-bwisit ang nararamdaman niya sa acting proffesor nila nang araw na iyon. Hindi niya alam kung ano ang plano nito at bakit kinakailangan nitong maging replacement ni Mr. Agassi. Tinawag pa siya nito sa recitation at nagpapasalamat na lang din siya alam niya ang mga tanong nito. "Ang gwapo niya talaga, Girl.." "Akin siya ha. Wala nang pweding umagaw sa kaniya sa akin nagkakaintindihan ba tayo?" Hindi napigilan ni Lucy ang sariling matawa sa mga narinig niya sa mga kaklase niyang mga Disney Princess kung umasta. Palibhasa mayayaman ang mga ito at famous din talaga sa university na to— iyon nga lang saksakan ng masasama ang ugali at literal na mga bully ang tatlong 'tong kinaiinis niya. "Saan ka kakain?" tanong ni April sa kaniya nang matapos itong maglagay ng kolorete sa muka nito. Naglagay lang siya ng kaunting polpo at lipstick; okay na sa kaniya iyon. "Ikaw ba?" balik tanong niya kay April— mag-a-alas-onse na at nakaramdam na rin naman siya ng gutom. Pero kailangan niya pang ipadala ang mga parcel ng mga costumer niya bago muli ang schedule niya sa panghapong klase nila. "Sa food court na lang din siguro. Sasabay ba tayo? Wala kang lakad?" tanong sa kaniya ni April. Wala sa sariling napatingin siya kay Archangel, naka-upo pa din ito sa desk ni Mr. Agassi sa may sulok ng kanang bahagi. 'Bakit kaya hindi na umalis ang koroko na 'to?' nagtatakang tanong niya sa sarili niya. Wala siyang pweding daanan paglabas kun 'di sa gawi lang na iyon— paano na lang kung sa pagdaan niya tawagin siya nito at pagalitan? Kaunti na lang sila sa loob ng classroom na iyon at ang mga Disney witch princess ay nag martsa nang umalis. "Magpapadala ako ng mga parcel ko eh.. Para makapagbayad na agad at mabayaran na rin kita.." sabi nya kay April. Ngumiti sa kaniya si April, naiintindihan naman siya nito madalas kapag hindi sila nagsasabay na dalawa. "Sige na. It's okay, unahin mo na iyan... Pero kumain ka naman baka nakakalimutan mo na ang sarili mo," may himig pag-aalang sambit nito sa kaniya. "Ako bahala sa sarili ko, Pril. Salamat ha." Sinundan niya ng tingin ito nang tumayo, ready na itong lumabas. Isa pang tingin ang pinakawalan ni Lucy kay Archangel, nakatuon ang pansin nito sa laptop na nasa harap nito. Wala ba itong balak na umalis? Nakakagigil! Tumayo si April at nagpaalam na sa kaniya, sasabay na lang daw ito sa isa pa nilang kaklaseng naiwan pa. Tumayo din si Lucy, wala na siyang choice kun 'di sumabay sa mga ito. "Ms. Sandoval..." Napahinto si Lucy ganoon din si April at ang isa pang kaklase nila nang marinig nya ang tawag ni Archangel sa apelyido niya. Nagkatinginan pa sila ni April, at sa mga mata nito nandoon ang pagtatanong. "Moment.." aniya pa. "Sige na, Pril. Kumain na kayo." "Are you sure? " Tinapunan niya ng tingin ang lalaking hindi man lang nag-atubiling magtaas ng tingin sa kanila matapos siya nitong tawagin— pigil hininga niya nang itulak niya ng mahina palabas si April, ayaw niyang may makarinig ng kahit na sino kung pagagalitan man siya nito. Nang masiguradong wala na ang dalawa, mabilis niyang hinarap si Archangel. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit kita ni-lock d'on..." May sama ng loob na paunang sambit ni Lucy sa lalaki. "What?" Natigilan siya sa naging tugon nito— mukha pa itong nagulat sa sinabi niya nang magtaas ito ng tingin. Napalunok si Lucy, isa pang sulyap ang pinakalwan niya sa paligid para masiguradong walang ibang tao ang naroon. "Yes. Ni-lock kita sa rooftop 'di ba? Gumanti lang ako. And, we are tie. You know? At ni-lock mo rin ako ha!" dugtong pa niyang puno ng tapang sa harap nito. Napataas ang kilay niya nang bigla na lamang itong natawa't umiling-iling pa. Ano ang drama ng lalaking 'to? nalilitong tanong ni Lucy sa sarili niya. She was expecting na sasabunin siya nito dahil sa ginawa niya. Sinundan niya ng tingin ang mga kamay nitong may kinuhang libro sa bag na dala-dala nito. "I want you to xerox this.." Pagkunot ng nuo ang naging reaksyon ni Lucy sa narinig niyang utos nito. "What?" "You said you locked me there, right?" "And, it was your fault.." pagdadahilan nya. "Gusto mo bang makarating sa opisina ang ginawa mo sa akin, Ms. Sandoval? Considering that I'm the owner of this university and you're acting professor now. Right?" 'Power tripping koroko na 'to ah! Iyon na lamang ang naibulong niya sa sarili— pero hindi niya alam kung bakit walang lakas na sabihin iyon sa harap nito. "Am I right, Ms. Lucifer?" "It's Lucy Pearl.." Pagtatama niya sa pronouncation ng pangalan niya. 'Ang gago natawa lang!' "Just xerox this. I need this on 1:30 P.M.. And, were quits. Hindi kita isusumbong, hindi kita gagantihan!" aniya pa nito sa kaniya. She rolled her tiny black balls of her eyes.. Inirapan niya pa ito nang kunin nya ang librong inaabot nito. "Make sure na wala ka nang rebound dahil kung hindi, hindi rin ako matatakot na ibalik sa iyo ang mga maiitim mong gawain po, Sir Archangel.." aniyang nagtataray sa harap nito. "Super sure.." nakangiting tugon naman nito sa kaniya. "How many copies.. po?" labas sa ilong nyang tanong dito. Kunwa pa itong nag-isip ng ipasok niya sa paper bag na dala niya ang librong gustong ipa-xerox nito. "500 copies per page of that book.." Pagkagulat ang naramdaman ni Lucy sa naging tugon nito sa kaniya — halos nag-echo pa ito sa tenga niya. "Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Ginagantihan ba siya ng lalaking 'to? Kaya siya pinapahirapan ng ganoon-ganoon na lang? 500 copies! Watdapak? Aniya ng isip niya. "I'm pretty serious.. Im planning to give that copies to someones can't afford through xerox copying. It's like an angel move, right?" Nandoon pa rin ang ngiti sa labi nito nang magtaas ito ng tingin sa kaniya. Halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga naririnig mula rito. "As if hindi ko alam na gumaganti ka lang talaga sa akin!" "Hey! You're judging me ha.. Sige na. Here's the money kapag kulang abonohan mo muna, I'll pay you." At ang kapal ng mukhang pa-abonohin siya? Tiningnan niya ang inaabot nitong iilang libo nang tumayo ito at akmang aalis na. "500 copies each.. 1:30 P.M on my office. Is that clear, Ms. Sandoval?" Hindi halos siya makasagot sa huling mga salitang sinabi nito dahil sa sobrang inis na naramdaman niya dito. "Good luck, Lucifer.." dugtong pa nang tumalikod na. "It's Lucy Pearl.. Lucy Pearl.." Malakas ang boses niyang pagtatama sa bigkas nito— hindi man lang lumingon ang unggoy at humingi ng pasensiya sa ginagawa nito sa kaniya. "Grrrrrr! Humanda ka! Lucifer ha.. Ipapakilala ko talaga sa iyo ang Lucifer na gusto mo!! Koroko!!!" galit na galit niyang sambit sa sarili habang pinapatay ng tingin ang lalaking sinusundan ng mga mata niya. HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ni Lucy dahil sa parusa sa kaniya ni Michael— hindi niya akalaing seryoso ito sa pinapagawa nito sa kaniya kaya heto siya't nag-iisang naghihintay sa pinapa-xerox nitong napakarami. Sa kasamaang palad hindi niya na nagawa ang orihinal niyang planong ipapadala ang mga parcel na iniwan niya sa guard nang pumasok siya. 'Baliw lang ang naniniwala sa kaniya na hindi siya gumaganti sa akin! Power tripping talaga eh. Ang sama ng ugali, gwapo sana!' masama ang loob niyang bulong. 'So! Inamin mo rin na gwapo siya?' Pasaway na kastigo ng sarili niya. 'Mukha lang siyang malinis at mabango, pero pangit siya! Pangit ang ugali niya!' dugtong niya pa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucy. Ito na ba ang karma niya? Sa ginawa niya rito? Halos maiyak-iyak na siya sa tagal at dami nang pinagawa nito sa kaniya. Ang hindi niya maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng tao sa eskwelahan na iyon siya pa ang napili nito? May agenda talaga ang koroko na iyon! Humanda talaga siya sa akin. 'Pero kung gaganti ako? Gaganti rin siya. It will not stop. Walang magpapatalo kapag nangyari iyon. E, ano ang gagawin ko? Basta na lamang ako magpapa-api sa lalaking iyon?' aniya. "Miss, give me more 30 minutes ha. Medyo marami talaga 'to." Untag sa kaniya nang babaeng nagbabantay sa shop na iyon. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa mga natapos na nito; hindi niya alam kung kaya niya bang bitbitin ito. Nakaramdam na rin siya ng gutom na naging dahilan kung bakit mas nakaramdam siya ng inis kay Archangel. 'Paano ko mabibitbit 'to?' bulong niya sa sarili niya. May kalayuan din ang computer shop kung nasaan siya. Sadya niyang inuna ito bago siya kumain dahil hinahabol niya ang oras ng klase niya. Sumabay pa talaga ito, aniya. 'This would be the last na hahayaan kong ma-enkwentro kita, Archangel.. Wala nang kasunod 'to!' bulong niya. Pinili niyang hintayin ang lahat ng gusto nitong matapos niya. Bibili na lang siya ng biscuit at tubig kapag natapos na ang lahat ng 'to. "Sana makonsensya ang lalaking iyon at maisip niyang hindi tama ang ginawa niyang 'to! Maling-mali kahit saang anggulo pa tingnan..' Isang sulyap ang pinakawalan ni Lucy sa university kung saan niya natatanaw mula sa kinatatayuan niya— kung hindi lang talaga niya pangarap matapos ang pag-aaral niya ora-mismo ngayon pipiliin niya na lang tumigil sa pag-aaral niya at magtrabaho. Mapait siyang ngumiti. 'Matatapos din 'to, Lucy. Lahat ng paghihirap na 'to, matatapos din..' Puno ng positibong bulong niya, kasabay ang pagtaas niya ng tingin sa malawak na kalangitan. 'Bigyan n'yo ako ng maraming-maraming pasensiya sa lalaking iyon. Pagsubok lang 'to at isang asungot lang talaga siya, iyon lang ang magiging papel niya sa buhay ko wala nang iba pa.' "Lucy.. Lucy.." Natigilan si Lucy nang marinig ang boses ni Angelo nang hininto nito ang kotseng dala nito sa harap niya. 'Dumagdag pa talaga 'to!' saad niya. "Ano ang ginagawa mo diyan? Wanna ride?" Anito. Pinasadahan niya ng tingin ang kotseng itim nito, mukhang mamahalin; ngayon niya lang nakita ang lalaki na naka-kotse. Sabagay, kailan ba siya nagkaroon ng pakialam dito? "No thanks.." malamig niyang tugon dito. "Cold as always.." tugon nito. "Can you please leave me alone here. Don't you see, gusto ko mapag-isa?" Reklamo niya rito. "Nagmamagandang loob lang.. masama na naman ba?" Nakaramdam siya ng kaunting konsensiya nang marinig niya ang may himig pagtatampo sa boses nito. "Maam, tapos na po. Kaya n'yo ba ang lahat ng 'to?" Napalingon si Lucy, nang marinig ang babaeng nag-aasikaso sa lahat ng pina-xerox niya. Muli niyang binalik ang tingin kay Angelo at sa alok nito sa kaniyang tulong. "Dami niyan ah.. business mo?" tanong nito sa kaniya't pinako ang tingin sa ilang bitbit ng babaeng tila wala pa sa kalahati sa bilang ng sadya niya. "Ngayon ko lang tatanggapin ang alok mong tulong ha. Kailangan ko lang talaga at may hinahabol pa akong klase, Angelo.." lunok pride niyang sambit dito. Naging maliwanag ang mukha nito nang tumingin sa kaniya, mabilis pa sa alas-kwatrong bumaba ng sasakyan si Angelo at nilapitan siya. "Mas maganda ka kapag kalmado ka, Lucy.." sabi nito sa kaniya nang magkaharap silang dalawa. "Gusto mo bang bawiin ko?" "Nagbibiro lang.. saan ba? Ito lang ba lahat?" Napangiti siyang napailing-iling sa reaksyon ni Angelo nang ituro ang lahat ng natapos nang papel. "Buhatin mo lahat iyan ha," biro niya rito. "Ito lang pala eh. Kayang-kaya," sagot sa kaniya ni Angelo. Nandoon pa rin ang ngiti sa labi nito at kumindat pa ito sa kaniya. Umiwas na lang siya ng tingin sabay na napailing-iling. ____ TRENTA-MINUTO na lang ang hinihintay ni Michael sa time limit niya kanina kay Lucy. Sinadya niya talagang ipagawa iyon sa dalaga dahil sa ginawa nito sa kaniya sa rooftop. Nagmamagandang-loob lang siya rito kanina, pero nagawa siya nitong i-lock doon at ang sabi pa nito quits na sila. 'Pasaway lang din talaga ang isang iyon,' aniya ni Michael. 'Tingnan natin kung hanggang saan ka,' dugtong pa niya. Ang tinutukoy niya ay kung kaya ba ni Lucy ang pinagawa niya rito. Alam niyang may klase ito at maaapektuhan ang grade ng dalaga kapag um-absent siya sa subject na iyon kaya kinausap niya ang proffesor na masasagaan ng oras ng dalaga. "Dumating ako sa oras." Napataas nuo si Michael sa boses ng babae sa harapan niya. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa loob ng pribadong opisina niya; nabaling ang tingin niya sa ilang estudyante na kung hindi siya magkakamali nasa sampu ito sa likuran ng dalagang nangunguna sa harap niya't may makapal na bitbit ng mga papel. "Good. Great job.." Nakangiting tugon niya kay Lucy. Sumenyas ito sa mga estudyanteng ibaba ang mga dala at pwedi nang umalis pagkatapos niyang magpasalamat. "Happy po?" tanong sa kaniya ni Lucy nang makaalis na ang mga kasama nito matapos isalansan ng maayos ang lahat. "Yes. Happy. Good job. Ikaw? Happy ka ba?" ganti niyang may pang-aasar dito. Tiningnan siya nang tuwid ni Lucy, nanatili siyang nakaupo ng prente sa swivel chair niya. "Hope your totally happy.. kasi ako happy eh.. sobrang happy, sa sobrang happy ko gusto kong ipa-billboard ka na may lumilipad na kalapati. Alam mo ba iyon?" Malakas na tawa ang naging tugon ni Michael sa mga sinabi sa kaniya ni Lucy, alam niya ang ibig sabihin nito. "Joker ka pala, Ms. Sandoval. Hindi man lang ako na-inform," natatawa niya pang saad dito. "Funny.." anito naman sa kanya. Tumingin siya nang tuwid dito nang mapansin ang pagkapikon sa mga mata nito. Pinatong niya ang dalawang kamay sa mesa niya nang tumayo siya para magpantay silang dalawa ng dalaga. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi ka pa bayad sa ginawa mo sa akin, Lucy. May utang ka pa." "Utang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Mr. Archangel ha? Hindi mo ba nakikita ang lahat ng iyan ha." Turo nito sa lahat ng nasa likuran nito. Nandoon na naman ang galit sa mga mata nitong pinagtatakhan niya kung bakit mabilis tumaas ang presyon ng dugo nito lalo na kapag siya ang kausap nitong wala naman siyang ginagawang masama rito. "Lets have dinner together.. And, we will quits. Wala nang gantihan, wala nang kahit na ano pang magiging problema." Matapang niyang saad sa harap ni Lucy. "Dinner your face! Ambisyoso!" Iyon ang mabilis na naging tugon sa kaniya ni Lucy, matapos itong tumalikod nang walang paalam pagkatapos niyang sabihin ang sadya niyang totoo rito; ang makasama ang dalaga para mas makilala pa ito. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD