Chapter Two

2334 Words
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ CHAPTER TWO HALOS katatapos lang ng live selling ni Lucy Pearl ng mga items nyang bagong bili sa Divisoria n'ong isang linggo— pinapaubos niya na lang ang lahat ng tinda niya para sa panibagong ititinda ulit na request ng mga regular costumers niya. Heto nga at nag-aayos na siyang pumasok, sa mga nag-mine kanina okay na ito para makapagbayad siya kahit papano sa kasera nila. 'Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako pababayaan,' masayang kausap ni Lucy sa larawang pakiramdam nyang nakatingin sa kaniya. 'Salamat ha,' aniya pa niya. Masaya siyang pinagmasdan ang sarili niya sa isang maliit na salaming paborito niya— pangarap niyang makabili ng life sized mirror pero mahalaga naman ito sa kaniya kahit na hindi niya masyado nakikita ang sarili niya ang mahalaga may tinitingnan siya kung maayos ba ang mukha niya. Umikot-ikot pa si Lucy, suot ang uniporme niyang pang-nurse, masaya talaga siya at hindi niya kayang ikubli iyon. 'Isang taon na lang kung malapit na ako sa finals,' nakangiti niyang bulong sa sarili. Actually, hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon, gusto niya na nga bukas na bukas na rin ang graduation niya at board exam na agad para makita nya na ang lahat ng resulta ng mga sakripisyo, pagod at hirap niya. 'Walang short cut sa tagumpay, Lucy.. Darating tayo diyan,' ani ng kanyang sarili. 'Ang mabuti pa umalis na tayo, para naman maipadala mo na agad ang mga parcel at makapagbayad ka na kay Aling Lumen at nang mabawasan ang stress mo sa buhay,' natatawang aniya pa. Iyon nga ang ginawa ni Lucy, mabilis siyang nag-gayak at tuluyang umalis pagkatapos i-check ang lahat ng dapat niyang niyang tingnan bago umalis lalo na ang mga nakasaksak niyang appliances, wala naman siya nito dahil maliit na rice cooker, plantsa, ceiling fan ang mayroon siya sa maliit na silid na iyon. Masayang lumabas ng silid si Lucy, alam niyang wala si Manang Lumen sa labas dahil bukod sa maaga pa ay nasa apo ito at nagbabantay dahil toka ito madalas— lunes lang talaga sila madalas magkita at tsamba nga nagdaang-araw. 'I have this feeling that is my lucky day..' positibong bigkas ni Lucy sa sarili niya; una muntik na maubos ang lahat ng tinda nyang terno na pajama, pangalawa wala si Aleng Lumen sa balkonahe nito na dinadaanan niya at pangatlo maayos ang unipormeng kakabili niya lang tatlong araw pa lang ang nagdaan. Hindi nga siya makapaniwala dahil cash niyang binili ito sa universidad, walang installment basis na pinagtakhan niya rin. 'God is always provide, iyon nga lang nahuli lang talaga ang kasera ko.' bulong niya sa sarili. Kung hindi niya naman kasi uunahin ang mga xerox ng librong hihiramin niya kay April ay bayad na ito, study first kasi ang nais niya kaya pinagpaliban niya muna ang kasera. 'Bibilhan ko na lang ng mango pie si Aleng Lumen kapag bayad na ang mga parcel ko,' mabait niyang aniya sa sarili niya. Mabait nanan talaga si Lucy at punong-puno ng pag-alala sa mga tao sa paligid niya— iyon naman ang kagandahan sa kaniya bilang isang magandang nilalang na madalas niyang biro sa sarili. "LUCY.. LUCY..." HINANDA ni Lucy ang matalim na tingin nang paglingon niya, walang iba kun 'di si Angelo na naman ang makulit na transfer students sa universidad na 'to. Hindi niya nga alam kung bakit madalas siya nitong natyetyempuhan sa lobby kapag dumadaan siya papunta sa department nila. "Ano na naman ba?" mataray niyang tanong dito. "Maganda ang araw ko, Angelo.. Por pabor huwag mong sirain," Hindi niya alam kung bakit sa tono ng boses niya nandoon ang pakiusap. Iniwas niya ang tingin niya rito nang nakita niyang ngumiti ito sa harap niya. "May nakapagsabi na ba sa iyo na ang ganda-ganda mo lalo na kapag nagtataray ka, Lucy?" Imbes na sagutin ito napailing-iling na lang siya sa kakornihan ng lalaking 'to— mahilig siya sa k-drama at Turkish-drama kaya malamang luma na ang hirit na iyon para sa kaniya kung sa mga pelikula o palabas — kumita na — "Wala ka na bang sasabihing matino? Kailangan ko nang umalis at may gagawin pa akong mahalaga, Angelo." "Pinaglihi ka ba sa snow ha? Bakit ba ang cold cold mo sa akin? Dati ka bang aircon sa past life mo, Ms. Lucy Pearl?" Natatawang aniya nito sa harap ko. Awtomatiko ang pagtaas ng kilay ko, alam kong sa tono at mga lumalabas sa bibig nito mukhang hindi na naman maganda ang mga susunod niya pang sasabihin. "Ang alam ko kasi mainit naman sa hell.." tawang-tawang bigkas nito. Tinaas ni Lucy ang mga kamay niya't sumenyas na lumapit ito sa kanya. "Kapag hindi mo ako titigilan talagang mapupunta ka sa hell, Angelo.. dahil kakausapin ko si kamatayang sunduin ka na at ibagsak ka d'on! Siraulo!" Pikon na pikon niyang sambit dito. Ang siste tumawa lang ito nang tumawa sa mga sinabi niya. "Bwisit! Sira-ulo!" Pigil ang sariling isigaw niya sa harap nito, mabilis siyang nag-martsa paalis sa lugar na iyon kung hahayaan niya ang lalaking iyon masisira lang ng tuluyan ang araw niya't ayaw niyang mangyari iyon. "WHAT ARE YOU DOING HERE?" "AY GWAPONG PALAKA!" GULAT ang naramdaman ni Lucy nang bigla na lamang siyang may narinig na boses sa isang tabi nang pumunta siya ng rooftop— nagtataka pa siya at prenteng nakaupo ang lalaking ito sa sahig na may isang karton na nagsisilbing salumpuwit nito. "Cutting class again, Young lady?" Dugtong pa, habang nakaupo pa din at nakatingin lang sa gawi niya kung saan siya nakatayo ngayon. Mabuti na lang at hindi siya sumigaw agad at kung ano-anong pagmumura na naman ang lalabas mula sa mga bibig niya. "Teka lang.. Ang alam ko ikaw lang may-ari ng eskwelahan na 'to.. Pero teritoryo ko 'tong rooftop ako ang may-ari nito akin 'to! Asungot ka dito!" Puno ng pagtataray niyang untag dito. Sinundan niya ng tingin ang lalaking tumayo mula sa pagkaka-upo nito kanina. 'I-la-lock na naman ba ako ng siraulong 'to?' "Do you want to shout? Do you want to ease your burden? Go ahead. I will let you! Hindi kita isusumbong!" Napakunot-nuo si Lucy— sino naman ang demonyong sumapi sa katawang lupa nito at mukhang nagbago ang timpla ng hangin? "Just leave me here! Just leave me here.. thats all I want.." tuwid niyang sabi sa mga mata nito kahit na kailangan niya pang tumingala para lang matingnan ito. Napalunok si Lucy nang bigla na lamang itong pumunta sa paborito niyang gawi— likod ang bahagi n'on kaya ang tanging nakikita niya ay ang mga naglalakihang building. 'Tatalon ba siya sawa na ba siya sa pera niya?' tanong ni Lucy sa sarili nang napansin niyang pumatong ito sa isang tumbang hollow blocks na nar'on na madalas niyang pinapatungan para matanaw niya ang gusto niyang tingnan madalas. "Come here. Just shout! Magmura ka kung gusto mo. Halika ka!" Narinig niyang tawag nito sa kaniya. Isa pang paglunok ang pinakawalan ni Lucy sa sarili habang nakapako ang tingin sa lalaking 'to. 'Kung siya naman kaya ikulong ko dito? Makaganti man lang!' pilyang bagay na naisip niya. "No thanks.. I change my mind.. Bye. Tc." natatawang bigkas ni Lucy sa lalaki. 'Lintik lang ang walang ganti ngayon, Archangel!' Mabilis ang ginawang pagkilos niya hanggang sa nakalabas siya— ginawa niya ang maitim na plano niya; pinili niyang mag transform bilang si Lucifer at hindi siya nagdalawang-isip na i-lock ang lalaking iyon. 'Its a tie! Quits na tayo, Mr. Koroko!' natatawang huling salitang nasambit niya sa sarili bago tumalikod at tuluyang bumaba na parang walang nangyari. LAKAD takbo ang ginawa ni Lucy tuluyan lang siyang makalayo sa lugar Kung saan pinili niyang ikulong ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam kahit na ito pa ang presidente ng Pilipinas ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nakaganti na siya at patas na silang dalawa. 'Beh buti nga! Beh buti nga sa iyo..' Natatawa niya pa ring sambit sa sarili habang panay ang pagmamadali niya. Walang dapat makakita sa kaniya na magpapatunay sa ginawa niya rito. 'Paano kung magsumbong siya, Lucy?' kastigo sa kaniya ng sarili niya. Ano naman kung magsumbong siya? Wala siyang pake; kahit na sa scholarship mong may tendency na mawala kapag nangyaring malaman ng lahat ang ginawa mo? dugtong pa. Doon nakaramdam ng bahagyang kaba si Lucy sa puso niya. Paano nga kung mawala ang iniingatan niyang scholarship sa ginawa niya rito? Kaya niya ba? Patuloy sa pakikipag-usap niya sa sarili niya. Isang paglingon ang pinakawalan ni Lucy sa gawi kung saan naroon papunta sa rooftop. Sunod-sunod siyang napalunok. 'Hindi naman makatarungan kung gagawin niya sa akin 'yon? After all siya naman talaga ang nauna kung bakit gumanti lang ako ngayon eh. Siya iyong may mali at hindi ako.' Patuloy ko sa kumbinse sa sarili ko. 'Balikan ko na lang kaya siya at buksan? Pero baka kapag ginawa ko iyon mas magalit siya sa akin.' aniya ng konsensya niya. Napakamot si Lucy sa sentido niya sa hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin nang makahinga siya nang maluwag dahil sa nakita niya ang janitor ng eskwelahan nila. Tinawag ito ni Lucy at sinabi niya ritong may narinig siyang tao sa rooftop, na baka may na-lock d'on— pagmamaang-maangan niya. Tumalima naman ito at sinunod ang mga sinabi niya. Pinili niyang dumiretso na sa klase niya, ayaw niyang ma-late ngayon. Inspired pa naman siyang pumasok kanina dahil sa bagong uniform niya— naisip niya na naman si Angelo at ang gigil na naramdaman dito kanina kaya siya nagawi d'on sa teritoryo niya't hindi inaasahan ang lalaking naroon. 'Kasalanan niya kung bakit siya nakulong d'on at inosente ako 'no.' Patuloy niya sa pakikipag-usap sa sarili niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng classroom nila. "Saan ka galing?" Bulong sa kaniya ni April nang tumabi siya rito. "Traffic," maiksing tugon niya ritong may halong pagsisinungaling. "Never ka na-late, Lucy, kaya huwag kang magsinungaling sa akin. Rooftop 'no?" ani naman nito sa kaniya. Kilalang-kilala na talaga siya ni Lucy, wala na talaga syang maitatago dito simula't sapol. Mabuti na lang at wala pa ang professor nila kaya hindi naman talaga siya late kung tutuusin— iyon nga lang madalas talaga siyang nauuna sa lahat dahil nakahiligan niya nang mag-advance study palagi "Rooftop.." "Sinasabi ko na nga ba eh. Stress ka na naman 'no? Ang aga mo mag live selling kanina eh. Alas cinco pa lang yata 'yon," sambit nito sa kaniya. Tama si April, maaga talaga siyang nagtrabaho pag gising niya pa lang dahil gusto niyang makarami agad bago siya pumasok. "Money matters?" Mahinang tanong sa kaniya ni April. Sinadya nitong hindi iparinig sa ilang kamag-aral nila lalo na sa tatlong classmate nilang felling mga — Disney Princess — "Delay ako sa bayad sa boarding house, Pril, kaya todo grind ako ngayon para matapos na problema sa akin ni Aleng Lumen," aniya rito. Ngumiti nang maluwag sa kaniya si April, nagulat pa siya nang may kinuha ito sa bag nito— wallet ito at mula r'on may nilabas itong iilang libong inabot ng lihim sa kaniya. "Gamitin mo na muna 'tong pambili ko ng libro sa susunod na linggo.." "Pero, A-April.." Subok niyang pagtanggi nang iabot nito ang pera sa mga palad niya. "Huwag mo akong alalahanin, Lucy. Mas kailangan mo ngayon iyan. Ayaw kong ma-stress ka lalo na sa pera, kaya tanggapin mo na 'to.." Pagpipilitan nito sa kaniya. "Sigurado ka ba?" "Alam ko naman na maibabalik mo rin agad sa akin yan, kilala kita, Lucy. Sige na. Kunin mo na iyan." Maingat na nilagay ni Lucy ang pera sa wallet niyang bigay din nito sa kaniya n'ong nag-birthday siya. "Ibabalik ko agad sa iyo 'to, ipapadala ko agad ang mga items na binili sa akin para maibalik ko agad sa iyo." "Hindi ako nagmamadali. Masaya akong nakakatulong sa 'yo, Lucy." "Maraming salamat ha." Niyakap niya si April, bilang pagpapasalamat niya rito. Nang mapako ang tingin ni Lucy sa biglang dumating sa room nila— ang professor nila at may lalaking nakasunod ditong hindi siya pweding magkamali dahil ito ang lalaking kinulong niya sa rooftop. Iniwas ni Lucy ang tingin niya nang mapansin niyang nandoon ang sulyap nito sa gawi nila; patay na, aniya pa niya. Kaya ba ito naroon ngayon dahil nagsumbong ito? At malilintikan na naman siya. "Good morning, Class.." Panimulang pagbati ng Social Science proffesor nilang si Mr. Agassi. Muling napalunok si Lucy nang muli siyang mapatingin sa lalaking naroon pa rin ang tingin sa gawi nila ni April sa likuran kahit ilang upuan ang pagitan bago sila. "As you can see, kasama ko ngayon si Mr. Michael Archangel Santiago the owner of this university— ang nag-iisang tagapagmana ng namayapa nyang abwelong si Don Arthur Santiago.." ani pa ni Mr. Agassi. 'Napakaraming pasakalye! Hindi na manabon kung gusto akong sabunin!' mataray na bulong ni Lucy sa sarili kasabay pa ang pag-ikot ng bolang itim sa mga mata niya. "And, he's here bilang magiging bagong proffesor n'yo sa subject na 'to.. Mr. Archangel, graduated his masteral in Amsterdam." Napatingin nang tuwid si Lucy sa gawi ng mga ito. 'What? Ang koroko na iyan ang magiging proffesor namin?' sambit niya sa sariling hindi makapaniwala sa mga narinig. Hindi nakaligtas sa kaniya ang excitement ng mga babaeng kaklase niya sa harapan nila ni April sa lahat ng mga narinig mula kay Mr. Agassi. "But it's temporary, siguro mga ilang buwan lang ito habang nasa bakasyon si Mr. Agassi. It's that clear? Everyone?" Narinig niyang aniya ni Archangel sa buong klase nila. Masaya namang sumagot ang mga itong —clear— na may pagpapa-cute pa. "Huwag kayong mag-alala, I'll be good to you, Guys. As long as, hindi kayo nang-la-lock ng tao sa rooftop! Okay?" Narinig ni Lucy ang lakas ng tawanan sa loob ng classroom. Samantalang siya sunod-sunod ang paglunok ang pinakalawan niya sa sarili nang marinig ang mga sinabi nito— muli itong tumingin sa gawi niya na parang may pagbabanta pang.. — We're not done yet — Lagot ka sa akin! _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD