“Pupunta ka sa mundo ng mga tao, anak, dahil hindi ka na pwede rito. Hindi ka na ligtas dito.” Ito ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko maririnig mula sa aking ina. Never in my dreams, I have imagined hearing all of these from her nor my brother. “Hindi ka ba naiinip dito, anak?” “Pasensya ka na kung kailangan namin itong gawin.” “Mahal na mahal ka namin, anak. Pinoprotektahan ka lamang namin sa mga nilalang na maaari sa ‘yong manakit kapag nagpasya kami na hayaan kang lumabas sa iyong silid.” Laging ganito ang naririnig ko kay ina simula noong magkaroon ako ng isip at muwang sa mundo. Everything is still a blur but I kept in mind that I must obey my mother’s order because that is the least thing I could do for her. Para hindi ko maramdaman na isa akong pab