“Kumusta si Kuya Alon, Georgette? Naabutan mo ba siya?” tanong ko sa aking kaibigan na ngayon ay nakaupo sa aking kama habang tinitiklop ang ilang mga bagong damit na binili ni ina para sa akin. Kaming dalawa na lang ang nandito sa kwarto. Kanina pa nakaalis si ina at sakto naman noong umalis siya ay ang pagbalik ni Georgette. May dala siyang mga paper bag na naglalaman ng mga bagong biling damit. Minsan ay nalulungkot na ako kapag nagkikita nito dahil siguradong hindi ko naman ito magagamit. Wala akong paggagamitan. Ang tatlong malalaki kong closet ay halos mapuno na ng mga damit na hindi ko pa naman nasusuot. “Hindi ko na po naabutan noong pumunta siya sa kaniyang silid, prinsesa. Pinagsarhan po kasi ako ng pinto. Pasensya na po…” mahinang sagot niya. Agad akong umi