Another Chance for Love Chapter 4

1280 Words
Nag suot lamang si Gabbie ng long back dress na fitted sa kanyang katawan, kitang kita ang kurba ng katawan nya na hugis bote ng coke. Katulad ng nakagawian ay pinagmamasdan nya ang kanyang sarili sa life size mirror nila at umikot ikot pa sya bago tuluyang mag lagay ng light make- up. Pagkatapos ay nag paalam na sya sa kanyang Nanay para umalis. Makalipas lang ang ilang minutong byahe ay nakarating na sya sa isang Hotel and Convention Center dahil dito ang Wedding Ceremony and Venue ng Kasal ng kababata nyang babae na si Louise Sakto lang ang dating nya dahil nagsisimula pa lang iayos ng coordinator ang pagma- march ng mga abay, ninang, ninong at ng couple. Naupo lang sya sa isang table kung saan nandon din ang kababata nilang si Nicholo. Maya maya pa ay nagsimula na ang march ng kasal, pinakahuli ang bride habang pumapailanlang ang background music na On this day. Ilang minuto lang ay nagsimula na rin ang Wedding Ceremony. "Pag ikinasal ako ganito din dapat kabongga" wika nya sa kanyang isipan ngunit agad na pinawi ang kanyang isipin ng muli nyang maisip ang panlolokong ginawa ng Tatay nya sa Kanyang Ina "Alam nyo ba na makalimutan nyo lang halikan ang mga asawa nyong babae bago kayo umalis o bago matulog, iisipin agad na meron kayong ibang babae. Ganyan silang mag- isip". sermon ng nagkakasal na agad namang nag bigay aliw sa mga bisita at nag tawanan ang mga ito "Baka hindi nyo lang masulitan ng pera, tulfo na kayo." sabi pa ulit ng nagkakasal at muling naghalakhakan ang mga tao "Leave and Cleave dapat ang mag- asawa, ang sabi sa Banal na Kasulatan. Iiwanan ng Asawang lalaki ang kanyang mga magulang upang makisama at maging isa sila ng kanyang asawang babae." seryosong wika ng nagkakasal. "Ang mabuting asawa ay galing sa Panginoon." sambit ulit ng nagkakasal sa mga ito. Tila tumanim naman ang mga sinabi nito sa puso at isipan ni Gabbie, agad nyang natandaan ito kahit hindi naman sya ang ikinakasal. Natuwa sya dito dahil napakaganda at napaka lalim ng mga sermon nito sa Kasal ng kanyang kaibigan na talaga namang kapupulutan nang aral ng mag- asawa. Natapos na ang Wedding Ceremony kaya naman kumain na ang mga bisita. Habang abala sa pagkain ang mga bisita ay tuloy ang program ng mga ito. Habang sumasayaw sa gitna ang couple ay biglang may kumanta na umagaw pansin sa mga bisita dahil bukod sa maganda ang boses nito ay talaga namang maganda rin ang meaning at tugtog ng kanta. "I just cant believe that you are mine now You were just a dream that I once knew." Tila familiar naman kay Gabbie ang boses nito kaya agad syang napa tingin dito at agad nyang nakita ang binatang si Ace Aragon. Ang musika at boses ng binata ay tila naghahatid sa dalaga ng samu't saring sensasyon, mukhang nai- inlove na nga ata sya sa binata. "Nakaka inlove na sana kaya lang walang GMRC e" agad na saway ng utak nya sa kanyang nararamdaman. Pagkatapos pa ng ilang programa ay ang pinakaiintay na nang lahat. Ang hagisan ng bouquet at garter. Agad na tinawag ng MC ang mga bridesmaid at magdagdag pa daw ng dalawang dalaga sa mga bisita, agad naman syang itinuro ng kanyang kababata "yan po si Gabbie dalaga po yan" sigaw ni Louise sa MC at agad naman itong tinawag. "Gabbie, please come here" tawag sa kanya ng MC at tinawag na rin nito ang isa pang dalagang bisita. Kinakabahan man ay agad na nagtungo si Gabbie sa unahan. Tila slow motion naman ang dating nya sa Binatang si Ace. Natulala sya rito, bagay na bagay kase sa kanya ang suot nyang dress at hakab pa ang korte ng kanyang katawan. Litaw na litaw din ang kagandahan nya sa kanyang suot. "Na- inlove ka na naman pre" saad ng isang member kay Ace ngunit hindi nya ito inintindi dahil nakatingin lamang sya kay Gabbie. "Dito ka Ms. Gabbie. Ok." pag- aayos sa kanila ng MC "Bibilang ako ng tatlo tsaka mo ihahagis yan Louise" sabi naman ng MC sa bride "Sana hindi ako ang makasalo nito, ayoko pang mag- asawa. Pero mukhang ako talaga ang target nitong kaibigan kong luka. kukutusan ko talaga sya pag sa akin nya yan inihagis" wika ni Gabbie sa isip nya. "one, two, three" sabay sabay na bilang ng MC at mga bisita sa bride upang ihagis nito ang kanyang bouquet. Tila nag slow motion naman ang bouquet mula sa taas papunta kay Gabbie. "sinasabi ko na nga ba at ako ang target nitong kaibigan ko" wika nya sa kanyang isip habang pinandidilatan ang kaibigan nya at pang asar na tawa naman ang isinagot nito sa kanya at may kasama pang pag dila. "Ayaaan. Miss ikaw ang pinaka maganda ngayon dahil ikaw ang nakasambot. joke lang dahil maganda ka naman talaga" wika ng MC. "wait ka lang dyan at kukuha tayo ng partner mo" dagdag pa nito. Naghihiyawan naman ang mga tao ng tanggalin ng Groom ang garter sa hita ng bride gamit ang bibig nito. Kaliwa't kanan ang hiyawan, wala kang maririnig kundi ang sigawan ng mga ito. "hoooooo" may mga umiirit din na mga babae "Eto na ang pinaka hihintay" kinikilig na sabi ng MC at tuluyan ng tinawag ang groomsmen. "Mga single ba kayo? baka may manabunot bigla kay Gabbie mamaya" tawang tawa namang sabi ng MC sa groomsmen "sige na groom, ihagis mo na yan" utos ng MC dito Napalakas ang hagis ng groom kaya naman napapunta ito sa lugar kung saan nakatayo si Ace. "Ay grabe naman yon Groom, masyado mong ginalingan ah" sabi ng MC "oh sya halina kayong dalawa at mukhang kayo ang mag ka partner ngayon" kinikilig na sabi ng MC "Ang gwapo at ang ganda, perfect couple diba?" tudyo ng MC at agad na nagsigawan ulit ang mga tao pati ang ikinasal. "Go girl" cheer naman ni Louise sa Kaibigan nyang si Gabbie habang tumatawa ito. "Isang instrumental na music naman dyan para sa ating couple" utos ng MC sa head ng sounds system at agad na nagpatugtog ito ng sweet. Pinasayaw naman sila ng MC ng sweet dance. "Talagang kung nasan ako nandon ka din ano?" wika ni Gabbie na nakangiti para hindi mahalata ng mga tao na may sinasabi sya. "Nagkakataon lang, ayaw mo nun laging may gwapo sa pinupuntahan mo?" bulong ni Ace sa kanya habang naka ngiti sabay hapit sa kanyang baywang, dahilan para lalong mag sigawan ang mga bisita at ang ikinasal. Tila may kuryenteng hatid naman ang bawat pag hawak ni Ace sa dalaga. "Ayokong ma inlove sa lalaking ito, pakiusap dahil ayoko pong mapatulad kay Nanay. Itsura pa lang nito mukhang marami nang niloko dahil sa gwapo nyang mukha kaya kung ano man ang nararamdaman ko ay dapat ko ng putulin" sabi ng isip ni Gabbie "Go girl, ikaw na ang susunod na ikakasal. Bagay kayo ni Ace" sigaw ni Louise dito. Inirapan lamang nya ang kaibigan bilang tugon sa sinabi nito. "pagkatapos nito, kokonyatan kita Louise" bulong nya. "Louise bakit mo sa kanya inihagis ang bouquet ang dami dami mo namang bridesmaid" wika ni Nicholo na kababata rin nila "Ito naman oh, nag selos agad" ismid naman ni Louise dito. Lagi talagang magka kontra ang dalawang ito mula bata kaya laging si Gabbie ang namamagitan sa kanilang dalawa. Parehong mayaman ang dalawang kababata ni Gabbie subalit hindi ito naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Kilala si Gabbie ng kani- kanilang mga pamilya at tuwang tuwa nga ang mga ito dahil napaka masayahin daw ni Gabbie at laging naka ngiti kaya naman agad na nakuha nito ang loob ng mga magulang ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD