Another Chance for Love Chapter 3

1736 Words
Nasa opisina ngayon si Gabbie at abala sa kanyang trabaho nang tanungin sya ni Angela tungkol sa kanyang interview. “Friend ano? Nakapasa ka ba?” seryosong tanong ni Angela. “haaay nako Friend, ‘wag na tayong umasa kase hindi ko din alam kung bakit naging pilosopo ako kahapon sa interview. Maybe I’m not meant to leave this job" Malungkot na sagot ni Gabbie sabay patong ng mukha sa kanyang kamay. “Uy, friend hindi na yan nagagastos" sabi naman ni Emerald sabay tawa na tinutukoy ang kanyang pangangalumbaba. Natapos na naman ang isang linggong trabaho. Katulad pa rin ng dati, boring at paulit- ulit na routine. Mag- isang nag punta si Gabbie sa Mall upang mamili ng bagong damit at sapatos at mag grocery na rin dahil kakaunti na ang stocks nyang ingredients. Mahilig kase syang gumawa ng mga kung anu- anong luto lalo na kung rest day nya at nakaramdam sya ng gutom ay agad syang nagluluto. Ipinagluluto rin nya ang kanyang Ina twing birthday nito at hindi naman maikakaila na may talento sya sa ganitong gawain. Sabi nga ng kanyang Ina ay swerte ang kanyang mapapangasawa dahil masarap syang mag luto. “Hmmm, ok na siguro ‘to. Marami rami na rin kase, baka hindi ko na makayanang dalhin.” wika ni Gabbie sa kanyang sarili. Naka pila na sya sa counter nang may makita syang pamilyar na itsura ng lalaki sa kabilang counter. Walang iba kundi ang bwisit nilang boarder. “May girlfriend na pala sya” tila kumirot naman ang puso nya sa isiping ito at nang ma- realized nya ang naramdaman ay agad nyang sinapok ang kanyang sarili. First meet up pero mukhang nagustuhan nya ang lalaking ito. Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit ito talaga ang nararamdaman nya. "LOVE AT FIRST SIGHT" kahit na may pagka mayabang ang lalaking ito para sa kanya. Dahil sa ginawa nya sa sarili nya ay agad itong napansin ng lalaki kaya naman agad nyang hinila ang kasama upang lumipat sa likuran ni Gabbie para doon pumila. “Hi, bakit mo naman sinasapok ang sarili mo?” pang- asar na tanong nito kay Gabbie “Ahh, hehe, wala may naalala lang ako” pagpapalusot naman ni Gabbie. "may pag lipat pang nalalaman." wika ni Gabbie sa isip nya sabay pinaikot ang kanyang mga mata. “May naalala o nag seselos? Sabay tawa ng malakas. Don't worry, she's my cousin.” wika ng lalaki habang natatawa pa rin. “Sya nga pala si Gabbie, anak nung may- ari ng inuupahan kong bahay” pagpapakilala nito sa pinsan nya. “Si Alex, pinsan ko” saad ulit ng lalaki “Hi” bati naman ni Gabbie sa babae at gumanti naman ito ng pag bati sa kanya. “Ipinakilala mo sya pero yung sarili mo hindi?” inis na sabi ni Gabbie rito. Tila natatawa naman ang pinsan ng lalaki na si Alex. “Kuya, ndi ka pa nya kilala eh diba naka jamming mo na sya?” wika naman ni Alex na may pagtataka “Naka jamming? Saan?” takang tanong ni Gabbie habang nakakunot ang noo. “Gusto mo talagang malaman ang name ko ano? dahil ba crush mo na ako? Hindi ko naman na kaylangan yun dahil kilala na ako ng buong Pilipinas ikaw na lang ang hinde" naka tawang sabi ng lalaki dito. Isang beses lang naki jamming si Gabbie sa Night Market. Yun yung gabi na itulak sya ng kanyang dalawang kaibigan papunta sa unahan at wala na syang nagawa kundi magpantianod sa mga ito at kumanta sa stage. “I-i- ikaw yon? Yu- yung Vocalist ng AA Band? Ibig sabihin ikaw si Ace Aragon?” takang tanong ni Gabbie habang nanlalaki ang mata dahil sa pagtataka at kunot ang noo. Hindi nya ito nakilala dahil bukod sa madilim sa Night Market ay tanging spot light lang ang nagsi- silbing ilaw ay iba rin ang buhok nito kaya hindi agad sya nakilala ni Gabbie. Iniiba talaga ni Ace ang hairstyle nya sa usual na buhok nya pag wala silang gig or guestings para hindi sya pag kaguluhan ng mga tao kung makita nila ito sa Mall para malaya syang makapamili nang walang masyadong makakakilala sa kanya. Sikat din kase ang Banda nila sa Pilipinas. Sa katunayan ay meron nga silang bagong release na album. “Sabi ko na nga ba at familiar sya e. Pero hindi ko maalala kung saan ko sya nakita” saad ng isipan Gabbie “Hindi ko naman akalain na wala palang GMRC! walang MODO! at hindi GENTLEMAN ang Vocalist ng AA Band!” sarkastikong wika ni Gabbie na nakapag patawa naman ng malakas kay Alex. "Kuya ano bang ginawa mo dun at parang galit na galit sa'yo" tanong ni Alex pag kasakay nila ng kotse ni Ace. "Ako yung sumakay sa Taxi na pinara nya tapos hinila ko sya papunta sakin. Enjoy na enjoy naman syang napasandal sa dibdib ko" humahalakhak na sagot nito sa kanyang pinsan "Kaya pala e. loko ka talaga kuya". wika ulit ni Alex. "Dapat di mo ako pinakilalang pinsan mo. Sana pinag selos mo muna" suhestyon naman ni Alex habang nakatawa pa. "Hindi na kaylangan. Mukha namang nag selos na kahit wala pa tayong ginagawa" sagot ni Ace sa kanyang pinsan habang nagda- drive. "Mukhang tinamaan ka talaga sa kanya Kuya ah" saad ulit ni Alex Ang lalaki naman ay nagkibit balikat lamang bilang tugon sa pinsan. Naiisip ni Gabbie ang gabi nang maka jamming nito si Ace habang sya ay nakahiga sa kama at unti- unting napapangiti. "akalain mo yun pareho kami ng favorite na kanta" wika ng kanyang isip. "Pre, may gig ba tayo?" tanong ng isang member ng AA Band "meron pre, pero hindi sa bar kundi sa isang kasal sa darating na Sabado" sagot ni Ace dito. "Nay, tikman mo 'tong niluto kong buko pie" sabi ni Gabbie sa kanyang Ina habang hawak ang pinirasong buko pie na kanyang niluto sabay subo dito. Ngumuya nguya naman ang kanyang Nanay para lasapin ang lasa nito. "Masarap Anak, ang swerte talaga ng mapapangasawa mo, maganda ka na masarap ka pang mag luto" nakangiting sabi ng Kanyang Nanay "Naku Nay. Alam mo naman diba? Wala sa isip ko yang pag- aasawa. Mamaya mapagaya pa ako sayo" malungkot nyang sagot "Anak naman. Kanya kanya tayo ng kapalaran sa pag- ibig. Malay mo makatagpo ka ng lalaking mabait, mapag mahal at gwapo diba? yung all in package" masaya namang tugon ng kanyang Nanay "Nay, mabuti pa po kumain na lang tayo. Ipag titimpla kita ng kape" pag- iiba nya ng usapan. "Anak, bet ko itong boarder natin mukhang mabait sya" tudyo naman sa kanya ng Nanay nya "Nay naman. Hinila nga ako paloob sa Taxi at nauna pang sumakay tapos sasabihin mo mabait? Ganun ba ang mabait hindi man lang nagpaka gentleman!" inis na sabi naman ni Gabbie sa kanyang Ina at pinaikot pa ang kanyang mata Sunod sunod na katok naman sa kanilang pintuan ang umagaw sa kanilang pansin "aba sino naman kaya 'yan?" takang tanong ng kanyang Ina "Ako na ho ang magbubukas" sabi nya sa Ina ng tangkain nitong tumayo sa kinauupuan. "IKAW NA NAMAN!?" inis na sabi ni Gabbie sa bisita pagka bukas nya ng pintuan. "Nay oh, inaaway na naman ako" parang batang sumbong naman nito sa Nanay ni Gabbie "Ijo, Ace pasok ka, pagpasensyahan mo na itong anak ko at medyo hindi maganda ang una nyong pagkikita" nakangiti namang sabi ng Nanay ni Gabbie sa binata Actually, maganda yung una nilang pagkikita, yung pangalawa lang ang hindi at mukhang hindi na masusundan ng magandang pagkikita ito dahil naiinis na sa kanya ang dalaga "oh, tikman mo ang buko pie na luto ng anak ko" alok ng Nanay sa binata "mukhang masarap nga ho ano?" nakangiting sabi ng Binata habang dumadampot ng buko pie "Ang lakas naman ng pang- amoy mo! timing na timing ka ah!" inis na sabi ni Gabbie sa Binata "Nay oh" parang bata na namang sumbong nito sa Nanay ng dalaga "mag tigil nga kayo. Enjoy- in nyo na lang ang pagkain" saway naman ng Ina ng dalaga sa dalawa Natahimik ang dalawa at maya- maya ay binasag rin ng Binata ang katahimikan. "Sa totoo ho kaya ako nandito ay para ipaalam sa inyo na gusto ko hong ligawan ang anak nyo" Seryosong sabi ng Binata Sabay namang napa ubo ang mag- ina na tila nabulunan ng kinakain. "Ano ulit iyon Ijo?" kunwaring tanong ng Nanay ni Gabbie dahil parang nabingi sya sa sinabi ng binata. "Manliligaw ho ako sa anak ninyo" sagot ng binata sabay kindat kay Gabbie "Tigil tigilan mo nga kami ha? tsaka wala akong balak mag boyfriend! Dahil mga manloloko kayong mga lalaki! Mga walang isang salita! Sa una lang kayo magaling! dyan lang kayo magaling pag nanliligaw kunwari mabait pero pag sinagot na kayo! Nagbabago na ugali nyo! Nalabas na yung totoo nyong kulay lalo na pag ikinasal kaya tigilan mo nga ako! Nananahimik ako dito tapos ganan ang ibabanat mo, upakan kita gusto mo!? Kahit pa ikaw ang pinaka sikat at pinaka mayaman sa balat ng lupa NO WAY!!NOOOO WAAAAY!!!!! Huwag ka ng mag- abala dahil mag sasayang ka lang ng effort mo!" gigil na sabi ni Gabbie sabay walk- out "Ijo pagpasensyahan mo na ang anak ko kung ganyan sya dahil nakita nya kung paano ako niloko ng Tatay nya" malungkot na sabi ng Ina ni Gabbie "wag ho kayong mag- alala, hindi ko ho sasaktan ang anak nyo" sinserong wika nito. "Ijo ay hindi ka ba nabibigla? bago pa lang kayo mag kakilala tapos gusto mo ng ligawan ang anak ko?" takang tanong naman ng Ina ni Gabbie. Kahit magaan ang loob nya sa Binata ay kaylangan nyang masigurado kung totoo nga ba at sincere ito sa panliligaw sa kaisa- isa nyang anak. ok lang na sya ang masaktan pero pagdating sa anak aba'y ibang usapan na yun. Talagang maghahalo ang balat sa tinalupan. "Yun nga din ho ang ipinagtataka ko pero sigurado po ako sa aking nararamdaman" wika ulit ng binata "kung ganon. Na kay Gabbie na ang desisyon nyan. Sa akin walang problema basta 'wag mo syang sasaktan kung sakaling magustuhan ka nya dahil ako ang makakalaban mo" pagbabanta naman ng Ina sa Binata. "Basta 'wag kang susuko agad" nakangiting dagdag ng Nanay ni Gabbie sa binata na para bang binibigyan pa nya ito ng lakas ng loob manligaw sa kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD