ANOTHER CHANCE FOR LOVE CHAPTER 5

1323 Words
Pag dating ni Gabbie sa Office ay meron ng isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng kanyang table. "Ehem, ang haba naman ng hair mo Friend". wika ni Angela habang nakatawa at kunwari ay may hawak na buhok. "Ikaw ha? may bago ka palang manliligaw, hindi mo sinasabi. Sino na naman kaya ang susunod mong babalewalain at ba- basted- in?" tumatawang saad naman ni Emerald "Alam nyo naman na ayokong sumugal sa pag- ibig baka mapagaya pa ako sa Nanay ko diba?" sagot naman nito sa mga Kaibigan "Ikaw naman oh, ang pag- ibig ay all in package, masaya, malungkot, masakit, kung mag mamahal ka, expect mo na mangyayari lahat nang yan sa'yo". payo naman ni Angela na akala mo ay expert sa usaping ito. "Hindi mo na yan mapipigilan Friend lalo na kung yung lalaking yun ang magpapatibok ng puso mong BATO" natatawa pa ring saad ni Emerald "Alam nyo mag trabaho na kayo. Chismiss na naman inuuna nyo" singhal naman ni Gabbie sa dalawa. "Kanino naman kaya galing ito? Malamang dun sa lalaking walang GMRC, dahil sya lang naman ang nag sabi na manliligaw sya" inis na sabi ng isip ni Gabbie sabay paikot kanyang mga mata. "Pero in fairness, manliligaw pa lang sya pero nag sabi pa talaga sya kay Nanay. hmmm, Gentleman din naman pala" sabat ulit ng isipan nya. She hates flowers, marami syang naging manliligaw pero ayaw nya talaga ng flowers na animo'y allergy sya sa bagay na ito. Ang ginagawa nya nga lang pag nakakatanggap nito ay ibinibigay nya sa isa sa dalawa nyang kaibigan. kung ayaw naman ng mga ito ay itinatapon na lamang nya kahit gaano pa ito kamamahalin at kabango. Nag- aabang sya ng Taxi pauwi nang may tumigil na kotse sa harapan nya. Agad na nag bukas ng bintana ng kotse ang driver nito at bumungad sa kanya ang gwapong anyo ng binatang si Ace. "Hi, sabay na tayong umuwi" aya sa kanya nito "Ay, grabe may pa kotse ang Mokong" bulong nya sa sarili "Hindi na, may dadaanan pa kase ako" dahilan nya kay Ace para hindi sya makasabay dito. Ayaw nya ngang sumabay ano. Mamaya kung san pa sya nito dalhin. "No worries. Eh di daanan nating dalawa" saad ulit ng Binata. "Hindi na nga, ang kulit mo naman e" sagot naman nya at mabilis na lumakad papalayo sa binata. Dahil traffic ay hindi na nakasunod si Ace sa dalaga. "Miss, hold- up 'to". sabi ng isang lalaking naka mask sabay tutok kay Gabbie ng patalim. "wa- wag nyo po akong sasaktan. I-ibibigay ko po lahat, please po. 'wag nyo lang po akong saktan." pag mamakaawa ni Gabbie sa hold-up- er. "bilisan mo na dyan, bibilang ako ng tatlo pag hindi mo pa nailabas lahat ng pera at cellphone mo, pasensyahan tayo" sabi ulit nito at patuloy pa ring nakatutok ang patalim sa kanyang tagiliran. Nanginginig na umupo si Gabbie at tatangkain na sana nyang ilabas ang lahat ng gamit nya sa bag ng biglang may sumipa sa hold-up-er dahilan para matumba ito sa kalsada ngunit agad itong naka tayo at ginantihan ng suntok ang sumipa sa kanya. Yun nga lang sala dahil nakaiwas agad ito sa paparating nyang suntok kaya naman sya ang nasuntok nito ng paulit- ulit sa sikmura, sa mukha na parang action star sa isang pelikula. Sinipa pa ulit nito sa mukha ang hold- up- er. Dahil sa ginawa nito ay agad itong tumakbo papalayo sa kanila. Agad namang napayakap ang dalaga sa nag tanggol sa kanya. Walang iba kundi ang binatang si Ace Aragon. "Salamat ng marami" sambit nya dito habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa binata at nanginginig sa takot "Salamat, kung hindi ka dumating baka wala na ako ngayon" umiiyak na sambit ulit ng dalaga Gumanti naman ng yakap ang binata at hinaplos haplos ang ulo ng dalaga. "Wala 'yun. Buti na lang sinundan kita kahit tinanggihan mo ako" nakangiting sabi ni Ace habang hawak ng kanyang dalawang kamay ang pisngi ng dalaga at pinapahiran ang luha nito gamit ang hinlalaki nyang daliri. Tila may kuryenteng hatid naman ang maiinit na palad ng binata sa dalaga. "Ok ka na ba? Sakay na tayo". aya ng binata dito. Tanging tango lamang ang kanyang naisagot at inalalayan na sya nito pag sakay sa kotse. "Gusto mo munang magpahinga?" tanong ulit ni Ace Kay Gabbie "Oo, hintayin ko lang mawala 'tong pamumula ng mga mata ko at ang takot ko bago umuwi dahil mag- aalala pa si Nanay pag nakitang ganito ang itsura ko" mahinang sagot ni Gabbie "okay" maigsing tugon naman ni Ace at agad na hinagip ang ulo ng dalaga upang isandal sa kanyang mga balikat at niyakap ito, hindi naman tumanggi ang dalaga sa kanyang ginawa. Maya maya ay naisipan ni Ace na ipasyal muna ito sa isang Amusement Park para mawala ang nararamdamang takot ng dalaga. Pagkarating nila ay agad na bumili si Ace ng ticket at pumila na para sumakay sa rides. "For sure mag- e- enjoy ka dito" masayang wika ni Ace kay Gabbie "Oo naman, Salamat" nakangiting sagot nya sa Binata "Walang anuman, Tara." aya ni Ace sa dalaga. Halos lahat ng rides sa naturang pasyalan ay sinakyan nila. Tuwang tuwa naman ang binatang pag masdan ang dalaga na masaya at wala nang bakas ng takot mula sa nangyari kanina. "mag palit ka na muna ng damit." suhestyon ni Ace dahil nabasa sila sa isang rides na kanilang sinakyan. Bumili sila ng T- shirt sa souvenir items upang makapag palit sila at hindi mababad ang kanilang katawan sa basang damit. "Baka pwede kang tumalikod?" sabi ni Gabbie dito, agad namang sumunod ang Binata. Hindi na sila nakapag palit sa CR ng Amusement Park dahil maraming tao kaya napag desisyunan nilang sa kotse na lamang mag palit. Nang matapos sya ay si Ace naman ang mag papalit. Tila nag slow motion naman ang pag tatanggal ng binata sa kanyang damit at napatulala si Gabbie sa taglay na pangangatawan ng binata dahil pumuputok ang abs nito pati na ang dibdib nya at ang perfect V- shape na katawan nito. Perfect pang almusal este maging Model ng Sando. Napakagat labi at napalunok tuloy ng laway si Gabbie sa kanyang nakita. "Ehem" pag tikhim ni Ace dahil napansin nyang nakatingin sa kanya ang dalaga. Ngunit hindi pa ito natitinag sa pagka tulala na parang napako na sa katawan nya ang mata ng dalaga. "Huy" tawag ni Ace kay Gabbie at dahan dahang pinabalik balik ang kamay nya sa harapan ni Gabbie, agad naman itong natauhan at biglang nakaramdam ng hiya kaya mamula mula tuloy ang kanyang pisngi. "Na- inlove ka na naman, pero 'wag lang sa katawan ko ha? parang pinag nanasaan mo na kase ako sa titig mo pa lang" pabirong sabi ni Ace sa dalaga "Ahhh, talagang may pagka mahangin ka din ano?" nakangiti namang tugon ni Gabbie dito "Mahangin ka dyan. Kung nakita mo yung sarili mo kanina, naka kagat labi ka pa. Mahal mo na ba ako o yung katawan ko lang? Sabihin mo lang kung yung katawan ko lang, hindi ako magda- dalawang isip na ibigay 'to sa'yo." natatawang sabi ng binata. "pwede ba? mag drive ka na nga lang, ang dami mong alam" sabi naman ni Gabbie na hindi pa nawawala ang pamumula ng pisngi. Aminado sya sa kanyang sarili na nahuhulog na nga sya sa binata lalo na nung ipag tanggol sya nito. Feeling nya ay meron syang Knight in Shining Armour pero dapat nya itong pigilan dahil baka mapagaya sya sa kanyang Nanay. "Ano mahal mo na ako?" ulit ng Binata Ngunit nakatulog na si Gabbie sa pagkakasandal nito sa upuan ng kotse dahil napagod sya sa pag sakay nila sa rides kanina. Banayad naman syang pinagmasdan ng binata at panaka nakang napapa ngiti. Hinawakan ni Ace ang kamay ng dalaga na nakapatong sa hita nito. Ang dalaga naman ay tila walang pakiramdam dahil sa pagod na nararamdaman kaya mahimbing ang kanyang pag kakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD