Another Chance for Love Chapter 2

1372 Words
Job interview ni Gabbie ngayon sa isang Radio Station na sikat sa Pilipinas. Nag suot lang sya ng white blouse na sleeveless at pinatungan nya ito ng light pink blazer. Nagsuot sya ng slacks na black at ipinaloob dito ang suot na blouse at stilleto heels naman ang kanyang pang paa. Agad nyang tinignan ang kanyang sarili sa life size mirror ng kanilang bahay at umikot ikot pa ito. Feeling nya tuloy ay nasa isa syang Koreanovela. Naglagay lamang sya ng light make up dahil maganda na sya kaya kahit kaunting make up ay presentable na ang dating nya. Hindi na rin kaylangan i- curler ang eyelashes nya dahil natural na itong malantik. Lagi nga itong napapansin mula nung sya ay bata pa lamang. May mapupulang labi at pantay pantay na mapuputing ngipin, mata na almond shaped at matangos na ilong. Sya ay kayumanggi kaya kung tawagin nga sya ay Black Beauty. Nang makarating sya sa kanyang pupuntahan ay agad syang nagtungo sa receptionist upang sabihin na naka schedule sya for an interview. Agad namang tiningnan ng receptionist ang listahan ng mga interviewee at nang makita ang pangalan nya ay agad nitong itinuro kung saang floor ang interview nya. Agad naman syang nagtungo doon pagkatapos nyang mag thank you sa receptionist. “Miss Athena Gabrielle Sarmiento?” tanong sa kanya ng Secretary “Yes po ako nga” tugon naman nya. “You may enter the room” sabi sa kanya nito. Kinakabahan naman syang nagpasok sa silid. “Hi, have a sit” bati sa kanya ng interviewer. “Thank you” tugon naman nya “Why should we hire you?” tanong ng interviewer. Kinakabahan man ay agad ding sumagot si Gabbie “Because you are hiring?” nag- aatubiling sagot nya rito. " hahahaha ang luka mo talagang sumagot, pilosopo ka Gabbie" saway ng kanyang isip. "Nako bagsak ka na agad" sabat ulit ng isip nya. Tila nadismaya naman ang interviewer at agad na tinapos ang interview sa kanya at sinabi nito na tatawagan na lamang sya. “Tatawanan kamo, hindi tatawagan” sabi sa isip ni Gabbie at agad na itong nag paalam. “Self bakit naman ganun ang sagot mo? Diba dream job mo rin yun bakit hindi mo inayos?, mukha pa namang mga friendly ang staff doon at maganda pa ang Building. haaay” Sabi ni Gabbie sa isip nya habang kinakayumos ang kanyang mukha “TAN-G-A mo naman self. Ano ba yan, kumain na nga lang tayo” patuloy nyang kausap sa kanyang sarili. Hindi pa sya nakaka move on sa kanyang interview at tila tulala syang nag- aabang ng Taxi pauwi. Agad naman nyang pinara ang Taxing papalapit sa kanya ngunit pagka bukas nya ng pinto ay agad na pumasok sa loob ang isang lalaki. Gwapo ito, matipuno ang katawan, may kaunting balbas na nakadagdag sa gwapo nyang mukha at expressive na mga mata. “Aba, aba ayos ka din ano!? Ako yung pumara tapos ikaw ang sasakay!?” mataray na sabi ni Gabbie sa lalaki “Miss nagmamadali ako e. Pasensya ka na ha?” sabay hawak sa kamay nito. Tila meron namang kuryenteng nanalaytay sa kanyang kalamnan nang hawakan ng lalaki ang kanyang kamay “Hoy lalaki! hindi komo gwapo ka ganyan na ang iaasal mo! Bumaba ka na! Ako ang pumara dyan!” sigaw ni Gabbie sa lalaki habang hawak ang kamay ng lalaki upang hilahin ito palabas ng sasakyan ngunit masyadong malakas ang lalaki kung kaya walang nagawa ang pag hila nya rito. “Manong ‘wag mo na syang pansinin paandarin mo na ‘tong sasakyan” utos ng lalaki sa Taxi Driver Pero hindi pa rin natitinag si Gabbie sa pagpapababa sa lalaki kaya naman ng papa andarin na ng Driver ang sasakyan ay agad syang hinila ng lalaki paloob dahilan upang mapa sandal sya sa ibabaw nito. Agad na natigilan si Gabbie at marahang ini- angat ang ulo nya sa pagkakasandal nya sa dibdib nito. Dahilan upang malaya nyang matitigan ang mukha ng lalaki. “Napaka gwapo naman nya, kaya lang walang modo. Ok na sana kaya lang walang GMRC. isa pa hindi gentleman!” inis na saad nya sa kanyang sarili “Miss mukhang nag- enjoy kang titigan ang gwapo kong mukha ah” sabi ng lalaki sa kanya sabay tawa ng malakas “hoy ang kapal naman ng mukha mo! Kung hindi mo ako hinila, hindi ako mapapasandal sa’yo no!?” nakairap na sabi nya sa lalaki habang abala syang iniaayos ang sarili sa upuan. "Gustong gusto mo naman no? hmmm. matigas ba?" tanong ng lalaki habang nakangiti nang nakakaloko. Tinutukoy nito ang kanyang dibdib na animo'y bato dahil sa pag gi- gym. “Ma’am and Sir, saan po ba tayo pupunta?” Basag naman ng Driver sa pagtatalo ng dalawa. “Sa Madrigal St.po” sabay nilang sambit sa Taxi Driver “Aba at pareho pa pala kami ng Compound na uuwian!” Saad ni Gabbie sa isip nya Matapos ang ilang minutong byahe ay agad na pumara si Gabbie “Manong dito na lang po ako. Heto po ang bayad” sabi ni Gabbie sabay abot sa Driver ng bayad nya. “Miss, ako na ang magbabayad kase mukhang na- inlove ka na sa’kin e” biro ng lalaki sa kanya. Sabay abot sa driver ng bayad. Tila naguguluhan naman ang driver kung kukunin ba nya ang bayad ni Gabbie o yung sa lalaki na lamang kaya napakamot tuloy sya ng ulo. “Sige na Manong kuhain mo na yung bayad naming dalawa para hindi ako magkaron ng utang na loob sa lalaking walang modo!” Diniinan nya ang pag kakasambit nya dahil sa inis nito sa lalaki. “Sige na Manong kuhanin mo na rin ang bayad ko kase napakasaya ko ngayon dahil may na- inlove sa’kin ng dahil sa Taxi mo”. saad ng lalaki sabay tawa na may kaunting pang- aasar. “Salamat po Sir and Ma’am, naku ganyan yung mga nagkakatuluyan e, yung mga nag kakilala sa hindi inaasahang pangyayari” naka ngiti namang saad ng Driver sabay patakbo ng Taxi "Haay, kung sya lang din naman! 'wag na lang no?" bulong ni Gabbie "May sinasabi ka ba?" tanong ng lalaki na naulinigan ng kaunti ang sinasabi nito. Tinapunan lamang ni Gabbie ng masamang tingin bilang sagot nya dito. “Bakit dyan ka pumasok?” puna ni Gabbie sa lalaki nang mauna ito sa kanyang pumasok sa gate ng bahay nila “Ang ganda mo pa naman sana kaya lang wala kang common sense! Natural, dito ako nakatira eh!” tugon sa kanya ng lalaki habang nakangiti sabay kindat sa kanya “Teka, teka” sabi ni Gabbie sabay lapit sa lalaki at inikutan nya pa ito. “Alam ko at kilala ko ang mga mukha ng mga nakatira dyan, pero ikaw? Ngayon lang kita nakita e, may masama kang balak no!?” saad ni Gabbie na may pagtataka. “Sa gwapo kong ito may masamang balak?, ok ka lang Miss? hindi ko babahiran ng dugo ang kamay ko no!” tugon naman ng lalaki dito habang ikininukimpas ang kamay. “Anak, Gabbie” tawag sa kanya ng kanyang Ina. “Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa’yo kanina bago ka umalis na meron tayong bagong boarder”. Sabi ng kanyang ina na tila nabasa ang kanyang iniisip. Ang boarding house nila ang nagsilbing hanap buhay nila mula nang iwanan ng tatay nya ang bahay na ito sa kanyang Ina. Ayaw pa nga sanang tanggapin ng Nanay nya ito noon ngunit sabi nya ay kahit dito man lang daw ay makabawi ang tatay nya sa panlolokong ginawa nito sa kanila. May apat na unit ang bahay, isa sa kanila at yung tatlo naman ay kanilang pinauupahan. “Ijo, pagpasensyahan mo na itong anak ko ha? Ganyan lang talaga yan”. Natatawang sabi ng kanyang Ina sa lalaki “Wala ho iyon Nay, baka dala lang ho ng kagwapuhan ko” natatawa ring tugon nito sa matanda “Oh, sya pumasok na kayo at gabi na”. Aya sa kanila ng Nanay ni Gabbie. “Maka Nanay ‘to wagas ah! Nanay mo?” inis na sabi ni Gabbie sa kanyang isip sabay irap sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD