Another Chance for Love Chapter 9

1246 Words
"Ano pa kaya ang pwede kong gawin para makamit ang matamis na oo ni Gabbie?" sambit ng isipan ni Ace habang nakahiga sa kanyang Condo Unit. Dito sya umuwi pag kagaling nya sa bahay ng dalaga. Naalala nya yung araw na makita nya si Gabbie na nakaupo at abala sa trabaho nito nung mag punta sya sa Company where Gabbie works. Yes, sya ang may- ari ng Construction Company na gustong alisan ni Gabbie ngunit hindi pinalad sa interview nya. Wala pang employees ang nakaka kilala sa kanya na sya ang may- ari nito bukod sa mga Board of Directors dahil minsan lang ito mag punta dito. Kapag meron lang kaylangang ayusin na problema dahil sa bahay na nya ipinapadala ang mga documents na kailangan nyang review- hin at pirmahan. Sa edad na 30 ay kasama sya sa mga Bachelor na merong sariling Company. Ito ang Aragon Construction Services Incorporated. Ang pag babanda naman ay libangan lamang nya pero hindi nya lubos akalain na magiging sikat rin ito sa Pilipinas. Napapangiti sya habang naiisip nya ang lahat ng pag tatagpo nila ni Gabbie ay hindi coincidence dahil lahat nang 'yon ay plano nya. Mula nang makita nya ito ay pina imbestigahan nya ito sa isa sa kanyang mga tauhan, pinasundan at inalam kung anu- anong ginagawa nito at kung saan ito nakatira. Kaya naman nang malaman nya na may boarding house ang mga ito ay wala syang sinayang na oras at agad syang nag- inquire para maging isa sa boarders doon at sino ba naman ang sikat na Banda ang kakanta sa isang Night Market? Sinadya nya ang lahat nang ito dahil tinamaan talaga sya sa dalaga mula ng makita nya ito. Buti na nga lang at sumang- ayon sa kanya ang tadhana at si Gabbie ang naki jamming sa kanila nung gabing iyon. Lahat, as in lahat. Pati yung sa grocery store at ang pag sakay sa Taxi na pinara nito ay kasama sa plano nya para mag papansin sa dalaga. Oo, sikat sya, gwapo at mayaman. Hindi na kaylangan mag- effort kung meron syang nagugustuhan dahil sa itsura pa lamang nya ay marami nang mag kakandarapa. Pero iba si Gabbie. Kaylangan nyang pag hirapan ang matamis nitong oo dahil special ito sa kanya. Hindi nga nya maintindihan ang sarili nya dahil sa dinami dami ng babaeng nagkaka gusto sa kanya na mayayaman at kilala sa industrya ay isang simpleng babae lang pala ang bibihag sa kanyang puso. Mukhang napana ata sya ni Kupido. Sya at si Alex lang ang nakaka-alam nito. Si Ak6ex ang pinaka close nyang pinsan mula pagka bata kaya naman ito lang ang pinag sasabihan nya ng tungkol sa personal nyang buhay. Kinabukasan ay bumalik sya sa boarding house upang ihatid si Gabbie sa trabaho. "Do you have any plans after work?" tanong ni Ace kay Gabbie ng makarating sila sa labas ng building kung saan nag ta- trabaho si Gabbie "Wala naman" sagot ni Gabbie matapos mag- isip saglit. "Good, I'll fetch you later, sa bahay 7pm" naka ngiting sabi ni Ace sabay kindat kay Gabbie at pinaandar na ang kanyang kotse. Si Gabbie naman ay deretso nang umakyat kung nasaan ang office nila. Tiningnan muna nya ang oras sa kanyang wrist watch at tsaka nag bihis. Nag suot lang sya ng white t-shirt at pinatungan iyon ng black amerkana, maong pants at formal shoes. "Ma'am, may nagpapa bigay po" sabi ng Guard kay Gabbie sabay bigay ng paper bag dito. "Salamat ho Manong" tugon naman nya at tsaka inabot ang ibinibigay na paper bag ng Gwardya. Binuksan nya ito at tumambad sa kanya ang isang dress na light pink at isang Silver stilleto na may note na nakalagay doon na nag sasabing "Please wear this later". Pagkarating ni Gabbi sa bahay ay nag pahinga muna sya. "Bakit naman nya ako pinag su- suot ng ganito kagandang dress? Daig pa magpo-propose e" sabi nya habang nakahiga at nakapatong sa kanya ang damit na bigay ng binata. "Kilig yarn?" sambit naman ng utak nya. "Hindi naman nya kaylangang gawin 'to. Ang dami dami ko namang damit" patuloy nyang kausap sa sarili. "Aba hindi ka pa nag pasalamat" sabat ng isip nya. "Sabagay, be thankful sa kahit anong bagay ang nare- received mo" sambit ulit nya habang nakahiga pa rin at tulala sa kisame. Maya- maya lamang ay nag- ayos na sya ng sarili, naligo sya at pagkasuot ng damit ay muli nyang sinipat ang kanyang sarili sa salamin. Nag pabango at nag lagay ng light make- up at pagktapos ay lumabas na ito ng kanyang kwarto. "Ang ganda naman ng anak ko" sabi naman ng kanyang Ina habang titig na titig sa kanya. "Mana sa'yo Nay, kanino pa ba mag mamana?" sagot naman nya sabay ngiti at tsaka nag beso beso dito at nag paalam nang umalis. Tila slow motion naman ang paglalakad nya mula sa gate hanggang sa makarating ito sa pwesto kung nasaan ang kotse ng binatang si Ace kaya naman hindi maiwasang matulala ang binata sa kagandahang taglay nya. Bumagay sa kanya ang off shoulder at kulay light pink na dress. Hakab na hakab ang korte ng kanyang katawan dito kaya naman kitang kita ang korte nito. Agad naman syang pinag buksan ni Ace ng pintuan ng kotse at inilahad pa nito ang kanyang kamay upang alalayan sya nitong sumakay kaya damang dama nya ang malambot na palad ng dalaga. Lingid naman sa kaalaman ng dalawa ay nakatanaw ang Ina ng dalaga rito at panaka nakang napapa ngiti. Masaya ito para sa anak dahil mukhang may nakapag pa lambot na sa batong puso ng kanyang anak. Habang nasa byahe ay nakaka binging katahimikan ang namagitan sa dalawa. "Lalo kang gumanda" puri ni Ace kay Gabbie na nakabasag sa katahimikan nila. Agad namang namula ang pisngi ni Gabbie dahil sa sinabi nito. "Salamat". maigsi nyang tugon dito Inalalayan ulit ni Ace ang dalaga upang bumaba sa kanyang sasakyan. Agad namang namangha ang dalaga sa gayak ng Resort at may pa petals pa sa kanyang lalakaran. Mukhang pinag handaan talaga ito ng binata. Ilang hakbang pa ay agad na umilaw ang swimming pool at ang paligid nila na nakapag pamangha ulit sa dalaga. Pakiramdam nya ay nasa isa syang koreanovela ngayon. Sobrang saya ng puso nya at parang walang makakatumbas na kahit ano sa nararamdaman nya ngayon. "Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Ace sa dalaga. Nakaupo na sila sa table na sinet- up kanina ng staff nya at puno ito ng masasarap na pagkain. Only the best for Gabbie. "ahm, Yap. maraming Salamat". tugon ni Gabbie dito. Tanghali pa lang ay kinausap na ni Ace ang staff nila dito sa Resort at sinabi nito kung anong dapat gawin at ihanda kaya naman pag dating pa lang nila ay ayos na ang lahat. Yung tipong magugustuhan at masisiyahan ang babaeng dadalhin nya dito Bago kumain ay nag toast muna sila ng wine at tsaka marahang inalog paikot pagkatapos ay sinimsim ang laman nito. Tila gumuhit naman ang mainit na likidong ito sa lalamunan ni Gabbie kaya napakunot ng kaunti ang kanyang noo at napakagat sa kanyang pang- ibabang labi. Pagkatapos nito ay nag simula na silang kumain. Maya maya naman ay kinuha ni Ace ang gitarang naka handa sa kanyang tabi at sinimulang kumanta. Tila may sensasyon namang hatid ang boses nito sa dalaga na nakapag patayo ng kanyang balahibo. Ang ganda ng boses ng lalaki at galing nitong mag gitara ay mas lalong nakaka dagdag sa kagwapuhan nyang taglay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD