Another Chance for Love Chapter 10

1147 Words
Inaya nyang sumayaw si Gabbie kasabay ang mabagal na musika. Habang nag sasayaw ng sweet ang dalawa ay dahan dahang inilapit ni Ace ang noo nya sa noo ni Gabbie. Nagpatianod lamang ang dalaga sa gingagawa ni Ace. Maya maya pa ay unti-unting nag lapat ang kanilang mga labi. Mariin namang napa pikit ang dalaga upang damahin ang matamis na halik ng binatang si Ace. Tuluyan na ngang nabihag ni Ace ang puso nya kaya naman bago matapos ang gabi ay agad na nyang ibingay dito ang matamis nyang oo. Ikinatuwa naman ito ng binata at agad syang niyakap at binuhat nito. "Thank you Gabbie. Napasaya mo ako ng sobra. Huwag kang mag- alala. Hinding Hindi kita sasaktan" maluha luhang sabi ni Ace habang karga pa rin ito at yakap ng mahigpit saka ginawaran sya ng halik sa noo. Maraming naging manliligaw si Gabbie pero ni isa sa mga ito ay wala syang sinagot dahil wala naman syang nararamdamang kakaiba o spark sa mga ito. Meron pa ngang isang patay na patay sa kanya at ayaw talaga syang tigilan kung hindi pa nya ito ini- report sa pulis dahil obsess na ito sa kanya at tila sinusubaybayan ang mga kilos nya. Kahit saan sya mag punta ay laging naka sunod. Pero iba si Ace. Boses pa lang nito ay tila may kuryenteng nananalaytay na sa kanyang mga kalamnan. Siguro nga ganito ang pag- ibig. Mahiwaga at hindi mo kayang pigilan. Pakiramdam nya sa bawat pag lipas ng araw ay palalim ng palalim ang kanyang nararamdaman para rito. "Friend, sa wakas nag surrender ka din sa pag- ibig" masayang wika ni Angela. "Group hug" wika naman ni Emerald. "So kailan mo kami ipapakilala? dagdag nito habang nakangiti. "Sa Sabado, nandon sila sa Night Market" nakatawang saad naman ni Gabbie "First date as couple tapos sa Night Market lang?" tudyo naman ni Angela. "Loka!" sabi ni Gabbie sabay hampas sa balikat ng kaibigan. "Ganito pala ang umibig no? para kang nakalutang sa alapaap" nakatulalang sabi ni Gabbie habang hawak ng dalawa nyang kamay ang kanyang mukha. "aba, hindi pa nagtatagal ang relasyon nyo baka maluka ka na nyan" natatawang sabi ni Emerald habang nakatingin sa kaibigang tulala sa kawalan. "Yan ba epekto ng nahalikan?" sabi ni Angela sabay tawa ng malakas Rest day nila ngayon kaya napag desisyunan nilang sa bahay ni Angela mag food trip at mag kwento na rin tungkol sa kanyang love life. "So, paano na kaya so Nicholo?" nakangusong sabi ni Emerald "Kaibigan ko lang yun no? Alam nyo naman diba? Wala nang hihigit pa don" sagot naman ni Gabbie "para sayo kaibigan lang, pero sa kanya hindi. Kita naman sa kilos nya no? diba Ems?" sagot naman ni Angela. "Haba naman ng hair e" sabay na sabi ng dalawa nyang kaibigan sabay tawa ng malakas Ano nga kaya ang reaksyon ng dalawa nyang kababata pag nalaman nilang may boyfriend na sya? Hindi pa nya nasasabi sa mga ito dahil si Louise ay busy sa Honeymoon nya. Mula nung ikasal ay hindi pa nakakabalik ng bansa. Si Nicholo naman ay nag- aasikaso rin sa ibang bansa ng Kompanya ng mga ito. Ayaw naman nyang sabihin thru social media dahil mas gusto nyang personal na ibalita ang life events nya sa mga ito. "Happy birthday Nay" bati ni Gabbie sa kanyang Ina pagkalabas nya ng kwarto. "Salamat anak" sagot nito sabay yakap sa anak nya. Buti na lang rest day nya ngayon kaya maipag- luluto nya ito ng cake at paboritong pagkain na baked mac. Hindi pa man natatapos ang pagluluto ni Gabbie ay dumating naman si Ace na may dalang pagkain para sa Nanay ni Gabbie. "Maganda umaga po Nay. Happy Birthday" bati ni Ace sabay beso sa Nanay ni Gabbie. "Salamat Ijo" sagot naman nito. "Nasa Kusina si Gabbie" dagdag nya. Agad namang nagpunta si Ace sa kusina at nang makitang abala sa pagluluto ang kasintahan ay agad nya itong niyakap habang nakatalikod at inilagay ang kanyang ulo sa balikat ng dalaga. "Sarap naman nyan" puri ni Ace sa kasintahan. "Hindi mo pa nga natitikman e! binola mo na agad ako" nakangiti namang sagot ni Gabbie "Hindi yun bola Babe. Totoo yun" nakangiting sabi ni Ace sabay pisa sa pisngi ni Gabbie "Aray!" pag- angal naman ni Gabbie sa ginawa ni Ace habang hawak ang pisngi Matapos makapag luto si Gabbie ay kinantahan nila ni Ace ang nanay nya ng happy birthday at tsaka nag simulang mag salo- salo. "Anak, masaya ako para sa inyo" saad ng Nanay ni Gabbie habang nakangiti "Salamat po Nay. H'wag po kayong mag- alala. Hindi ko po sasaktan ang anak nyo" sagot naman ni Ace sabay hawak ang kamay ni Gabbie na nasa ibabaw ng table. "Siguraduhin mo lang! Pag sinaktan mo ako hinding hindi kita mapapatawad kahit lumuha ka pa ng dugo!" sabi ni Gabbie sabay tawa. "Don't worry Babe. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito" wika ulit ni Ace na nakatingin ng deretso sa mata ng dalaga. "Babe, I have something to tell you" wika ni Gabbie habang nakahiga sa kama sa condo unit ni Ace. Dito sila umuwi pagkatapos i- celebrate ang birthday ng kanyang Nanay. "what is it?" curious na tanong ni Ace "sasabihin ko na sa'yo lahat tutal naman boyfriend na kita kaya napag desisyunan ko na ikwento lahat ng tungkol sa buhay ko" sabi ni Gabbie habang hawak ng dalawa nyang kamay ang mukha ng binata. Si Ace naman ay nakikinig lamang sa kanya. "I hate flowers hindi dahil allergy ako sa kanila. Kundi dahil yun yung ipinadala ni Tatay kay Nanay nung tuluyan nya kaming iwanan. San ka ba nakakita iiwanan na pero nagpadala pa ng flowers? Yun yung way nya para sabihin samin na iiwanan na nya kami ng tuluyan dahil may sarili na syang pamilya. Matagal na nyang niloloko si Nanay pero naging martir sya dahil mahal nya si Tatay. Tinitiis nya yung paulit ulit na sakit na dinudulot nito dahil mahal nya. Sobrang sakit nung paulit- ulit na patatawarin pero kahit patawarin mo ginagawa naman ulit. Parang nawalan na nang saysay yung pagpapatawad" mahaba at malungkot na saad ni Gabbie "Don't worry Babe. Alam ko kung anong pinag daanan mo kaya hindi ko yun ipaparanas sa'yo. Promise!" sabi naman ni Ace sabay yakap sa nobya. Kahit naman hindi sabihin ni Gabbie ay alam na talaga nya ang nangyari dahil pina imbestigahan nga nya ang mga ito. Hindi lang nya sinasabi kay Gabbie dahil gusto nya ay kusa itong mag kwento sa kanya ng tungkol sa personal nitong buhay. "Pag nahuli kita, walang pali- paliwanag! okay?! Hiwalay agad! Tandaan mo yan!" saad ni Gabbie habang nakatingin ng deretso sa mata ni Ace. "I got it Babe. Don't worry! Iiyak ka lang sa'kin dahi sa sayang nararamdaman mo. Hinding hindi kita sasaktan" sagot naman ni Ace sabay halik sa kanyang noo, sa tungki ng ilong at sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD