**02 – From Beyond**
“May kung sino bang nakakaalam kung anong lugar ‘to?” tanong ko du’n sa mga nakakulong rin doon na nag-iiyakan. “Haler? May alam ba kayo? Ano ‘to ngawaan na lang?”
“Quod est illa dicens?”
“Fortasse est ex alia mundi.”
“Illa est a extra?”
“Hoy anong extra? Ako bida dito hindi ako extra. Kayo i-echapwera ko d’yan. Ka-imbyerna ‘tong mga ‘to.”
“Hindi ka nila maiintindihan.”
Napatingin ako sa babae doon sa may sulok. Neh? Mukha siyang bata at nakayakap ang isa pang bata sa kanya. Siguro mga… nasa 13 to 14 yung nakayakap na batang lalaki sa kanya tapos yung nagsalita ay mga nasa 14 to 16 years old naman.
“Jusme, mabuti naman at may nakakaintindi sa akin. Asan ba ako? Tsaka paano ako napadpad dito?”
“Isa ka bang mortal?”
O-kay? Anong mortal? Mortal as in… earthly? Human? Eh ano pala sila? Alien? Immortal? Adik?
“Kfine, bukingin n’yo na. Asan ang camera? Ano ‘to bitoy’s funniest? Laos na ‘yun. Joke time ba ‘to?”
“Isa ka ngang mortal. Paano ka napadpad dito? Sinong kumuha sa’yo?”
Nyeh? Masisiraan na ata ako ng bait. Hala ka, kailangan ko nang magpa-mental hospital?
“Is this some kind of a dream?” =__=
Waley sumagot. Kainis naman. Sumalampak na lang ako sa may stack ng hays doon. Well at least may natitira pang normal na bagay ang nakikita ko. Pero come to think of it, siguradong wala ako sa ibang bansa. And how come na na-transport ako dito?
Maybe nananaginip lang ako? Like dati? Like yung mga nakakaraan? Like every night? Every nightmare?
Paano nga ba magising sa isang nightmare? = u =
“HOY KAYO!”
Ay kabayo! Napatalon ako sa kinauupuan ko sabay ng pagbalibag nung gate ng kulungan. Pumasok yung mga mukhang paa na nakatakip ang kalahati ng mukha at naka-helmet na may hawak ring spear. Yung isa sa kanila naman na sa tingin ko ay leader nila, may hawak na espada.
What the hell? Is this some kind of a cosplay?
“Ikaw! Kunin n’yo yan! Lahat ng bata kunin n’yo!”
Pinagkukukuha nila ang lahat ng batang umiiyak. Ano bang problema ng mga ‘to? Wala ba silang matinong magawa sa buhay nila at kailangang harasin nila ang mga bata? Wengya naman.
“Iyan pa! Iyan din! H’wag kayong magtitira!”
“Hoy nakalunok ka ba ng stereo? Sigaw ka ng sigaw ang ingay mo, nakaka-brain bleed kang peste ka! Kita netong nag-iisip ako eh!”
“Sino ba ‘yan? Teka ba’t ganyan ang damit mo?”
“Normal kasi ako.” -____-
“Anong sabi mo?”
“Wow, di ka lang pala abnormal. Bingi ka rin! Tse! Mali kayo ng nadakip okay? Di ako alien dahil tao ako! Ibalik n’yo na nga ako! Baka mamaya kung ano pang gawin n’yo sa’kin sapakin pa kita!”
“Aba’t! Pasalamat ka’t… dalhin n’yo na nga ‘yan!”
Nagsimula nang mag-iyakan. Kinukuha na kasi ang mga bata. Maski yung kausap ko kanina hinuhuli na yung batang kasama niya. Na-grip ko yung kamay nung batang kausap ko kanina at umiiyak siya.
“Bitawan mo ang Harna!”
Ano raw? Darna? Paano napadpad si Darna dito? O__O
“Asan si Darna?” O___O
“Wala kang silbing kausap! Tara na!” at umalis na ho sila.
Ako pa talaga ang walang silbing kausap aneh? Kasura lang day. Siya nga itong hindi ko maintindihan ang drama.
Naupo na lang ulit kami nung batang iyak ng iyak kasabay yung iba. “Huy anong pangalan mo? Ikaw ba yung Darnang sinasabi nila? Bongga, may bato ka rin?”
“Darna? *sniff sniff* Hindi ako Darna.”
“Eh ano ka?” -____-
“Isa akong Harna. Harna ako ni Reyna Nelissa.”
“Okay, what’s a Harna?”
Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo at parang nagtataka. “Huh?”
“Tinatanong ko kung ano yung Harna. Ang labo eh, parang Darna lang. Yung superhero. Vilma Santos ba. Angel Locsin, Marian Rivera. Di mo knows? Amf.” =___=a
“Ang Harna ay isang payak na gabay.”
“Payak… na gabay?” -____-
“Ang isang payak na gabay ay mga nakakataas na alipin. Nagsisilbi kami sa mga Hera at konseho. Kami ang nagiging gabay nila hiwalay sa mga espiritung gumagabay sa kanilang kapangyarihan.”
Information overload. Brainbleed.
WARNING! WARNING! BRAINBLEED!
Ikaw kaya hindi masiraan ng bait. Kung anu-anong nangyayari, kung anu-anong nalalaman ko, kung anu-anong unknown specie ang andito. Hoy kung nananaginip lang ako paki-pitik naman ako.
“So… nasaan tayo?”
“Shiraniyo.”
“Ah? Shi… ano?” @0@
“Shiraniyo. Euenessia. Hindi mo alam? Saan ka ba nanggaling?”
“Sunny Dale.” =___=
“Kung gano’n ay dapat alam mo ang tungkol sa lugar na ito.”
Napakunot ako ng noo. “Bakit? Ano bang meron?”
Humarap siya sa akin habang nakaupo na parang biglang gustong makipag-usap sa akin as in yung chikahan segment talaga. Ano bang meron talaga? Sumasakit na ulo ko wah.
“Lahat ng nasa Sunny Dale ay may alam sa mundong ito na nasa likod ng ganda ng mukha ng labas. Ito ang Eeunessia. Ang mundong nasa loob ng isa pang mundo. Nasa lupain tayo ng Shiraniyo sa ngayon. Nakakulong tayo sa selda ng mga Euene (pronounced as ‘Yuwini’) na nagkasala sa kapwa Euene.”
“Oh eh bakit ako nandito? Bakit tayo nandito?”
“Pumapatay sila ng mga Euene para isuko ng reyna ang korona sa kanyang ashne na si Hera Naya.”
Okay… di ko ma-absorb ‘to. Bakit kapag si Sir Ed ang nagku-kwento’t nagpapaliwanag na-a-absorb ko naman? Na-bobo na kaya ako?
Di ko gets eh. A world from beyond? Euenessia? May reyna sila? Ano ‘to egyptian dynasty lang? Bakit ganu’n? Tsaka bakit naman kailangan pang pumatay ng tao para kunin ang korona? Ba’t di niya kaya i-try na nakawin na lang, mas madali pa. Tulungan ko pa siya.
Masisiraan na ako ng bait. Kailangan ko nang lumabas.