**03 – As easy as ‘I creavi per verba’**
Tahimik na sana. Mga ilang minuto nga lang tumagal. Dahil pagkaraan niyon, nagsimula nang maringgan ang mga iyak na nanggagaling sa malayo. I thought I could bear it. Pero dahil nga sa mga naririnig ko, alam kong may pinapatay na.
“Bata, anong pangalan mo?”
“Ako si Larissa.”
Larissa. Weird name. “Alright. Sasama ka sa akin ah? Ikaw ang magtuturo ng daan dito papunta sa mga batang nakuha kanina.”
“Huh? Paano tayo makakalabas?”
“Yun ba? *grins* Madali lang ‘yan. Parang as easy as…” iniangat ko ang kamay ko habang tinitignan ang padlock ng selda. “I creavi per verba… alsarhora.”
*click!*
Tinignan ko si Larissa and gestured her to shut. Tumango lang siya. Gumapang ako papunta sa may bars ng selda na ‘yon. Tinanggal ko ang padlock at ibinukas. Tumingin ulit ako kay Larissa. “Sabihin mo naman sa kanila na mas makakabuti kung hindi muna sila lalabas. Baka mas lalo lang silang manganib doon.”
“S-Sige.” At nag-alien na po siya mga kaibigan.
Horridly.
Binuksan ang selda. Nakasunod sa likuran ko si Larissa. Pagkalabas na pagkalabas namin ng madilim na hallway, may helmet man na namang sumalubong susme.
At tatlo pa! =___=
“Woah!”
Buti nakailag ako. O___O Hampasin raw ako ng spear? Ang laki nu’n ah! Walangya ‘tong mga ‘to.
“Binibini! Mag-iingat ka!”
Binibini naman. -____-
Hinawakan ko ang spear nung isang susugod, pause then had a back kick at the one attacking my back so tumalsik siya. Iniharang ko naman ang hawak kong spear na ayaw ring bitawan ni helmet one para ipananggalang sa spear ni helmet three. One push and he’s out of my sight.
Isa na lang.
“Ang kulit mo ah! I creavi per verba korsa amne!”
Edi tigok ka ngayon. =___=
Argh! Nakakainis naman. “Larissa, pengeng espada.”
“Heto na.” Tumakbo siya sa akin na may dalang espada. Dalawa pa nga. Kinuha ko na lang kahit alam kong mapurol. Pwede na ‘yan, nakakapatay naman. Tsk. “Saan dito?”
“Ang alin?”
“Kung saan dinala ang mga bata.”
“Pero—”
“Ssshh, ituro mo na.”
And she sadly obeyed. Honestly this is fvcking stupid. Alam nilang nananakop sila pero bakit walang bantay every hallway? Tanga lang?
We reached a secluded area. Madilim pa nga. Ang tanging liwanag lamang doon ay isang lampara na may nakakulong na mga ilaw na lumilipad. Yung mga maliliit na ewan di ko alam ang tawag. Colorful nga eh.
“Ano ‘yan?” tanong ko kay Larissa habang pinagmamasdan ang mga lamparang nakasabit along the way para magbigay ng liwanag sa mga daraan.
“Tanglaw.” Tsong ang lalem nosebleed!
“Alam ko, pero anong nasa loob?”
“Salavis.”
“Ah?” @0@
“Salavis. Sila ay mga mumunting diwata ng gubat na nagbibigay ilaw sa mga dayo at mga Euene upang marating ang kanilang paroroonan. Sila ang ilaw ng Euenessia at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpatay sa mga katulad nila.”
Salavis. Tinkerbell lang ito? Kaya lang si tinkerbell hindi naman ata nailaw yun. xD
I’m hearing voices kaya iniikot-ikot ko na sa ere ang espada sa kamay ko, silently preparing for any harm. And there goes one.
All heard was the clashing sounds of iron sharpness. Mga espadang nagbubungguan. Sure as ever, madali lang sa akin na saksakin ang isang utaw since dalawa ang hawak kong espada. I entered surprisingly at ginilitan sa leeg ang isa doon na nakabantay. May isa pang lalapit and something came up.
I have an idea.
“Listen you fool.” I stared at his eye and for a minute in there, I knew that he’s drawn into my sire. “Dadalhin mo kami sa loob, ipakikilalang bihag at pagbilang mo ng limampu kikitilin mo ang kapwa mo mga bantay at ihuhuli ang iyong sarili.” Jusme na-nosebleed ako.
Isinilid ko sa may lalagyan niya ng espada ang dalawang hawak ko. In case kailanganin ko eh may malapit na mahuhugutan. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinunta sa likuran. Ganoon rin si Larissa.
Saka kami naglakad papasok.
At tumambad sa amin ang katawan ng dalawang bata na wala nang buhay. May pito pa. At buhay rin ang kasama ni Larissa. Nasa harapan naman nila ang isang babaeng nakaputi, puro galos at nakagapos ang dalawang kamay pati leeg. Siya kaya ‘yun?
“Hana… madadagdagan ng madadagdagan ang mga batang masasawi sa harapan mo. Ibaba mo na ang basbas. Akin na ang Shiraniyo!”
Panget mo neng. =___=
“Paano mo nagagawa ang ganitong bagay, Naya? Bakit sa pamunuan ko pa bumabagsak ang Shiraniyo?”
Napatitig lang ako sa kanya habang umiiyak siya. May kumurot sa puso ko. Malamang nakiki-simpatya aketch. Kawawa naman siya. Dami talagang traydor sa mundo. Pati sa kabilang mundo meron rin? Jusme, toxicated na ang universe. Ayoko nang huminga.
Tss.
“Karapat-dapat ako para sa kahariang ‘to! Ano bang hindi mo makita sa mga paghihirap ko!”
“Halang ang kaluluwa mo! Wala kang puso! Iyon ang hindi ko makita!” truelalu. Di ka mukhang tao bwahaha.
“Makikipagmatigasan ka? Patayin n’yo lahat ng ‘yan!”
“Neya hama eruno neya hama eruno sherana. I creavi per verba!”
I heard the girl walking away screams. Naramdaman ko ang pag-release ng clasp sa kamay ko at sigurado akong ganoon rin ang nangyari kay Larissa. Hinugot ko ang dalawang espada. Inihagis ko ang isa sa babaeng nagpipilit na kunin ang lugar na ‘to. Nadaplisan siya. Pero ang gulat ko nang bigla na lang siyang maglaho.
“Letseng transportation spell.” -___-
“A-Anong nangyayari?”
Napatingin ako sa babaeng nakagapos ang kamay at hirap na hirap nang magsalita. Nagtaka siguro siya dahil halos lahat ng nakabantay na panget doon ay bigla na lang namatay at nabasag ang mga katawan na para bang isang bato.
Napabuntong hininga na lamang ako at kinalagan siya. “Pasensya na ho. Baka nagalit kayo kasi may mga namatay.”
When I untangled the strings, halos matumba pa siya sa sobrang panghihina kung hindi ko lang siya nasalo kaya’t technically ay nakayakap siya sa akin.
“I mean no harm este wala po akong—”
“Ayos na, naintindihan ko ang sinabi mo. Taga-ibabaw ka?”
Kanina mortal, ngayon naman ibabaw. =___=
“HANA!”
“NELISSA!”
“HERA!”
At nagpasukan ang mga weird looking species pero mukhang tao naman sila syempre minus the clothing. Ang OA na ng storyang ‘to, di ko na gusto. -__-