It will always start with voices. People chanting my name. People rooting for me. People looking at me with that mesmerized look. All along I tried smiling. Yet I don’t understand what is going on. Kung bakit sila humihiyaw. Kung bakit sila tuwang-tuwa.
“Die Xanara… DIE!”
Sumugod siya. Tama. Yung babaeng nasa kabilang dulo ng cage na ito. Ng apat na sulok ng isang malaking hawla na ikinukulong ang tila animo’y parisukat na entablado ng pagtatanghal.
I don’t recognize my own actions. I knew I left a smirk in my lips and started avoiding her tackles. And in the end, when I looked at her with the picture of throwing her afar, it did. At nang tumama siya sa bakal na pundasyon ng hawla, voltage after voltage, electricity strikes her.
It made me grin.
“C’mon, vampire. Iyan lang ang kaya mo?”
She screamed and run towards me. I fixed my eyes intently on her. Kakaiba ang pakiramdam ko. Foolish to think of this with that way but why the hell am I even enjoying this thing?
“AAAAAAAAAH!” she screamed music to my ear.
A melancholy of demise. Agonies of defeat. Melody of pain.
Good. Very good.
“Hindi mo ulit magagawa ‘yan!”
She held my hand, wrap me backwards with her vampire strength, and threw me away. Supposedly ay tatama ako sa hawla. But I was stopped. I really don’t know what happened pero napatigil ko ang pag-landing sa bakal na harang.
And I turned back.
“XANARA! XANARA! XANARA!”
“KILL HER, XANARA! KILL THE VAMPIRE!”
I was wondering why they dress so differently. Na tila ba nasa ibang panahon ako, ibang kaugalian, ibang mundo.
“Die, Xanara!” she shouts again.
“No. You die.”
And the last thing I heard was the music that runs my soul happily. The scream for pleading. The thing…
…I love to hear the most.
**01 – a*******n**
Beep-beep! Beep-beep! Beep-beep!
By reflex ay inabot ko na ang alarm clock sa tabi ng kama at pinalo. Tumigil ang beeping. Nagbilang ako mentally ng hanggang five counts at saka bumangon still with eyes close.
I’m starting to hate my morning routines. Kasama na doon ang panaginip na iyon. I don’t like that nightmare so much. Obviously too impossible.
“KYAAAAAAAAH! ANG LAMIG ANG LAMIG!” I was jumping in the bathroom while screaming. Effective na panggising ang malamig na tubig. :P
7:30 AM.
I hope hindi ako mapagalitan ni Sir Ed mamaya. Late ako sa appointment. Ako pa man rin ang nag-set nu’n. Syonga lang. Oh sya makapagmadali na. Baka matanggal ako sa trabaho.
“Good morning po, Ma’am. Handa na po ang almusal.”
“Nah, I’ll pass. Alis na’ko.”
“Pero, Ma’am—”
“Okay na, male-late na ako.”
I took my car and head out of the huge mansion I own at nagtungo na sa Jelo’s kung saan kami magkikita ng history teacher ko.
You know being the Xanara Althea Hamilton they know kills every record of time I have. Usually I would like to search for aged things that connects to history pero laging na-iinterrupt iyon ng mga bagay na gusto ng mga tao na pagkaabalahan ko rather than my own pick of hobbies.
Well I would just think that maybe, gano’n lang talaga nila ipakita ang suporta nila sa’kin.
“Sir!” mabuti na lang talaga at paparating palang siya. Phew! Saved by the bell. Akala ko mapapagalitan na ako.
First year highschool palang nag-volunteer na akong teacher’s assistant ng history teacher naming si Sir Ed. Sabi nila pinaka-boring ang klase niya but on the contrary, for me it was the most meaningful class Saint Claire Academy has.
“Althea. Early bird huh?”
“Yeah.” I smiled. “So sa’n tayo, Sir?”
“By looking at it, mukhang hindi ka pa nag-aalmusal. Ikaw talagang bata ka. Go grab your coffee para may naipapalaman ka sa sikmura mo habang naglalakad-lakad tayo.”
Napakamot lang ako ng ulo. Gano’n? Osya sige. Pumasok na lang ako ng Jelo’s at nag-order ng coffee in a cup. Para ko na kasing tatay ‘yang si Sir Ed. Well considered may tatay ako pero mas acting tatay pa ‘yang si Sir Ed kesa sa biological father ko.
“We’ll go to Dale’s museum today, Thea. I received an invitation last night na gusto raw nilang i-decipher ang history ng ilang mga unknown materials na hindi pa nila nase-set on display.”
“Wala ba yung archaeologist na kumuha no’n?” I asked while I sip on my coffee sabay palakad papuntang Dale’s museum.
“I really don’t know what happened but they’re keeping their mouth shut tightly nang kausap ko sila sa telepono. They won’t tell. Well I think unless we’ll get there today baka pag-isipan pa nilang sabihin.”
“Wow, maarte sila.”
“Hindi sa gano’n. Remember I told you before that there’s also a serious and crucial part of being an archaelogist? They collect stuffs from hundred years ago. They intrigue it. Hindi gano’n kadali ang trabahong ‘yon. I myself had risked my life for how many times during work when I was still at your age.”
Former archaelogist si Sir Ed kaya nga siya naging history teacher. One thing I also wanted to become when I finish college which is perhaps less than a year from now.
Nakakaintriga kasi ang mga history. Every misteries ng isang artifact eh natutuwa akong i-decipher. Gutom o hindi, naligo o hindi, may damit o wala, dine-decipher ko sila kapag nai-intriga ako.
Nasa tabi lamang ng Dale’s faculty ang Dale’s museum. Parehong malaki ang dalawang hall na iyon. Sentro ng syudad ng Sunny Dale. Highlight kasi ng mga turista. They find it interesting on how simple things we find has an interesting story behind it. Marahil ay sadyang napaka-mythical lang ng mga tao dito sa Sunny Dale kaya over kung makagawa ng story.
But honestly speaking, people in here are sometimes weird. Well… siguro nasanay lang talaga akong nakatira sa District Three kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-cope sa Sunny Dale.
“Althea, nais mo bang maglibot muna?”
Napatingin ako kay Sir Ed. May kaharap na siyang babae na sa tingin ko ay staff ng museum.
“Oo naman po.”
“This way, Sir, Ma’am.” Sabi nung staff na iginiya kami sa parte ng mga naka-glass protected na bagay sa isang hall doon.
“What’s this?” tanong ko when I spotted a two red crystal balls na naka-bind in a string na white. Hindi siya basta string eh. Para kasi siyang malambot na anytime ay ramdam kong maglalaho na lang kapag kumurap ako.
Tricks?
“Ah. That’s an aged sword transmitter, Ma’am.”
“Nyeh? May technology na sila noon?”
“Via incantations, Althea.” Nakangiting sagot ni Sir Ed. “Us, we have technology. Them, they have magic. They don’t need technology before, they just have to charm their things.”
“Naniniwala talaga kayong may magic?”
Sir Ed chuckled while I followed him and the girl staff sa paglalakad at paglilibot sa buong museum. “Sometimes, Thea, especially when you want to become an archaelogist, being skeptic about things may bring you harm and leave your guard down. So kung gusto mo talagang maging archaelogist, I suggest you believe things as if you’ve seen them with your bare eyes as possible as you can.”
I lost count of how many times he’d said that to me. Jusko naman kasi. Matatanggap ko pa yung theory ng historians na may taong tabon at nag-eevolve ang ape sa tao pero yung magic? Incantations and such? Damn, only kids believe in that fairy tales ya’ know!
I’m realistic. Just as how it should be.
“KYAAAAH! Hindi nga! Nakita ko nga!”
“Eh baka kasi nananaginip ka lang!”
“Ang kulit naman eh!”
Tsk. Ang ingay.
“Hoy!” sita ko sa kanila. “Nasa museum kayo at wala sa palengke. Kung gusto n’yong magdaldalan lumabas kayo.”
“Hmph! Sungit!”
Tss. Gilitan ko kayo ng leeg eh.
“Dito po tayo, Sir.” And finally, makikita na rin namin ang artifacts na ‘yan. Dami pa kasing arte eh.
We walked in a closed door na binuksan lang nung staff kanina. Napansin kong may kasunod na rin kaming matandang babae na marahil ay nasa edad na rin ni Sir Ed. Pagpasok naman namin ay bumungad ang tatlong glass protected na bagay.
Una – kwintas.
Pangalawa – dalawang espada.
Pangatlo – pulang tela na nakabilot pabilog.
“How do you know that this are artifacts from aged history, Mrs. Fisher?”
Wow. Asawa ng Mayor yung matandang babae? O.o
“Mr. Reed tells us so.”
“What happened to Mr. Reed?”
Ano ba naman ba’t sila nag-iinglesan? Dumudugo ilong ko.
“Unfortunately… he died the other night…” humina ang boses ni Mrs. Fisher na tila may kinatatakutang kung ano.
Tumango lang si Sir Ed. “Just as I had thought.”
“Sir?” na parang gusto kong makuha ang paliwanag kung bakit niya sinabi iyon.
At mukhang na-gets niya. “You see, Althea, sometimes artifacts are associated with curses and bad lucks. Hindi ko alam kung totoo because I’ve never experienced it but other archaelogist had died after they’ve handled an artifact with the said history in it.”
Here we go again. =___=
“Sir, malay n’yo naman namatay lang ng heart attack o kaya may sakit o malay n’yo nag-suicide.”
“Hay jusmeng bata ka, wala ka nang pag-asa.”
Amf. = 3=
Pagkatapos niyang pumalatak ay bumaling na siya sa matandang babae. “Maaari ko bang inspeksyunin?”
“Sigurado ho ba kayo? Baka kasi—”
“Okay lang ho, Mrs. Fisher. H’wag kayong mag-alala.”
Tumango lang ang babae at pinabuksan na ang glass sa staff niya. Nabuksan yung tatlo at isa-isang nilapitan ni Sir at sinuri. Napansin kong hindi niya inaangat ang kahit na ano sa mga bagay na iyon mula sa platform na lalagyan na kinaroroonan ng mga ito.
He reached the two swords na mukhang kinakalawang. Langya naman oh. Pati kinakalawang na espada?
“Sir?”
“Yes, Thea?”
“Ba’t ayaw n’yong hawakan yung talim? Wala na ‘yan oh, may kalawang na.”
“No. You must know na sa tuwing makakatagpo ka ng mga espadang baliktad ang talim at matatanda pa sa mga kanunu-nunuan mo, hindi mo dapat hinawakan ang talim.”
“Eh? Why?”
“Ever heard of the sacred sword?”
“Ano na naman ‘yun?” =____=
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “I told you not to be skeptic. Sacred sword is a sword known to be used for the death of demon gods. Baliktad ang talim nito at nabubuhay na ng ilang bilyong taon.”
Wow bilyon. Dati daan tsaka libo lang. Ngayon bilyon na talaga. Fuuuu. Di ko naman maintindihan eh. Nag-eevolve kasi ‘tong si Sir, parang pokemon lang ga. =___=
“Eh ‘yang tela na ‘yan, Sir? Buksan mo nga.”
“Di ko nga inangat yung kwintas yung tela pa kaya. Sapukin kaya kitang bata ka?” =____=
“Sir naman parang nagre-request lang eh.”
“Bakit di ikaw ang mag-angat?”
“Eh? Si Sir oh gusto na akong patayin.”
“Ikaw ‘tong skeptic sa magic bakit di ikaw ang gumawa, baka sakaling ayawan ka ng sumpa.”
“Wahaw parang sinabi mong may balat ako sa wetpax.” = 3=
Pero syempre dahil intrigera ako, kinuha ko ang nakabalot na tela at binuklat na parang nagbubuklat lang ng papel na nilagay sa bote. Yung message in a bottle ba. Puti yung nakabilot na face nung tela habang pula nga ang labas nito. Pero wala namang nakalagay doon sa puti maski na patak ng ink o ng alikabok.
“Sir, niloloko ata tayo neto eh.”
“Ang gulo mong bata ka. Aba malay mo baka may ibang ibig sabihin ang scroll na ‘yan.”
“Scroll?” -____-
“Tawag ng mga Egyptian dynasty sa ganyang tela. Iyan ang nagmimistulang papel nila upang maipasa ang mga impormasyon at kautusan mula sa isang kaharian patungo sa isa pa.”
Baduy. Sa TV ko lang napapanood ‘yan eh. “Teka, Sir, CR muna ako. H’wag kayong mamamatay d’yan ah.”
“Batang ‘to, ikaw sakalin ko d’yan eh.”
Tumawa lang ako at lumabas. Kaso nakakalayo na ako doon saka ko lang napagtanto. Hindi ko pala naitanong kung nasaan ang banyo. -___-
Hala ka, nasaan ako? Bakit wala nang tao dito? Eeeeh? O__Oa
“Ubi aliud? Ubi aliud?”
Nge? Ano yun? Paglingon ko, nagulantang lang naman ang buong sistema ko. Ano ‘to masscot? Bakit may mga mukhang paang naka-helmet at nakasuot ng kung anumang tawag sa ganyang kausotan na pakalat-kalat dito sa museum?
“Ibi! Illa est ex eis!”
Ah? Ano raw? Huy alien ba ‘to?
“Adepto eam!”
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang akong hawakan nung isang mukhang paa tapos sinundan pa nung isa. Sisigaw palang ako nang mapapikit ako sa sobrang liwanag na tumama sa mata ko.
At pagdilat ko, nasa isang kulungan na ako kasama ang mga taong may weird na kasuotan na parang takot na takot.
“HOY! Ano ‘to alien a*******n? Where the hell am I?”
May mga bantay na may hawak na spear at espada. Where the hell am I? At bakit sila nag-iiyakan na parang any minute ay lilitsunin sila ng buhay?