**04 – Goes Home**
Wow. Ang galing nilang mag-magic. As in parang nasa witch of wavery lang yung setting nung lugar samantalang kanina para akong nasa gyera ng band of brothers. Nakaupo ako ngayon sa upuan. Malamang saan ako uupo. Pero malambot na upuan ‘to take note. Ma-feather pa. They gave me wine. Kaso di ko na ininom. Baka lalo lang akong mag-hallucinate.
Yung sinasabi ni Larissa kanina na Salisva — err… Salavis pala. XD Yun na nga, yung gamunggong fairies na maliliit tapos may kung anu-anong color ng ilaw sa kanila eh palipad-lipad sa paligid ng buong Shiraniyo raw.
Em still not familliar. =___=
“Graccio!”
“Ay palaka!” napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may mga magtabihan sa akin na mga babae.
Kasama sila sa mga pumasok kanina doon sa ano eh doon sa room kung saan ko niligtas yung reyna nila.
“Di kami palaka.” *x* sabi nung isang cute ang mata. Cute kasi chibi.
“Ano pala kayo?” =___=
“Hera.” ^_____^
“Oo na lang. Teka kumusta yung reyna n’yo? Buhay pa ba?”
Tumango yung isang babae sa may left side. “Ang sabi ng Ima ko magiging okay na raw si Hana Nelissa sa mga susunod na araw. Nagutom lang siya’t nanghina sa pagpapahirap na ginawa sa kanya ni Naya.”
K. Di maka-relate. = u =
“Taga-ibabaw ka ba?”
“Ano ba yang taga-ibabaw thingy na yan! Pwede namang ‘uy hey, normal ka ba?’ di ba? Bakit ganu’n?”=___=
“Taga-ibabaw kasi ang tawag namin sa mga nanggagaling sa mundo mo. Kaya sige na, sabihin mo na. Taga-ibabaw ka hindi ba? Anong itsura niyon? Maganda ba do’n?”
“Yeah. Maganda.” Kahit hindi. =___=
Kasi naman, mausok du’n. Maraming sasakyan. Polluted, maingay. Dito wala. As in ang tahimik. Dito walang usok, fog lang. Syempre joke. Eh basta. The best dito except for the abnormal pipolets na di ko gets ang mga trip. Ang abnormal lang dre.
Pramis abnormal talaga. -___-
“Teka, ano ba kayo?” seryosong tanong ‘yan h’wag n’yong tawanan.
“Hera nga, ang kulit.”
Sakalin kita. =___= “Kanina ko pa nga naririnig ‘yang hera-hera na ‘yan. Ano ba ‘yan? Yung sa greek mythology lang dre?”
“Huh? Ano ‘yun?”
“Baka may Hera rin sa mundo nila?” ayan na nag-usap na silang dalawa. -___-
“Siguro nga. Teka Hera ka rin ba? Ang ganda mo kasi.” ^___^
“Mas dyosa ako kay Hera.” -____-
Nag-gasp sila. Jusko po kay daling utuin ng mga ire. “Dyosa ka? Kailangang malaman ni Hana ‘to!”
“Heh heh heh! Oy, joke lang.”
“Joke?” sabay pa sila.
“Joke, biro, kidding, haha, tawa.” -____-
“Aaahhhh.” *tango tango* @0@
Maloloka na ako. Utang na loob ilabas n’yo na ako dito. Papagalitan ako nu’n ni Sir Ed iniwan ko siya ng basta sa museum. Baka nalagutan na ng hininga yun eeeh. T^T
“Paano ba ako makakabalik sa’min?” tanong ko sa dalawang makulit na ‘to.
“Ah yun ba? Madali lang ‘yan, papasok ka lang sa pintuan ng Aparesim para makatawid ka sa mundo mo kung hindi ka marunong gumamit ng Merto o kaya wala ka ng singsing naming mga prinsesa.” ^___^
Eto itsura ko -> (??____??)
Mawawala ganda ko dito sa lugar na ‘to jusmiyo. =___=
“Prinsesa kayo?”
“Mm! Anak kami ng mga Hera na namumuno dito sa Euenessia.”
“Ah de dalawa lang kayo?”
“Hindi, apat kami kasama si Naya pero gusto niya kasing agawin ang Shiraniyo na pinamumunuan ni Hana Nelissa kaya itinakwil na siya ni Hana Mena bilang anak kaya hindi na siya prinsesa ngayon.”
“Asan yung isa?”
“Ano… patay na.”
Umarko ang kilay ko. “Patay na? Kaninong anak?”
“Ni Hana Nelissa.”
“Yung reyna nitong lugar na ‘to?”
“Mm.”
Aba eh kay saklap naman pala talaga ng buhay ng reynang ‘yon. May balat kaya yun sa wetpax? Ang malas kasi niya eh. Gusto nang agawan ng kaharian ng pamangkin tas namatay pa ang anak. Woh de saan ka pa? Ang malas niya talaga.
Bumaling ako kay chibi eyes. “De sinong tagapag-mana neto?”
“Yung prinsipe. Marami sila eh.”
Ah may mga anak naman palang lalaki. Pwede na ‘yun.
“Kaso ayaw nila.” :’(
Eh? =___=
“Vhaket?” O.o
“Eh ayaw nila haha. Pero si Randall sigurado nang mamanahin niya ang Shiraniyo. Siya na nga ang sinasanay ni Hana.”
“Prinsipe rin?”
“Mm. Anak ni Hana Nelissa.” ^____^
Ah. @0@a
So paano na nga ulit ako lalabas? Yung pintuan? Eh nasaan ba ang pintuan? Gusto ko nang lumayas butet naman.
“Cheen, Divina.”
“AY PALAKA!”
Nanggaya na sila. =___= Pero grabe lamang ang gulat ko sa lalaking ‘to. Mas nakakagulat tsaka creepy ang boses niya eh. Ang cold kasi ng dating.
“Graccio, Randall!” ^___^/
Napagtanto kong ang grachiyo na yon o kung anumang tawag doon ay form ng kanilang pagbati. Kanina pa kasi ‘yan eh. -___-
“Graccio.” Pagkatapos ay bumaling siya sa akin at yumuko ng kakaunti pero bumalik rin sa mata ko ang tingin. “Ipinapatawag ka ng reyna. Maaari ka bang sumunod?”
“Yeah, I’ll go.”
Nakatingin yung dalawa sa akin na parang itinatanong kung anong sinabi ko. Yung lalaki naman waley pake basta naglakad lang. Sinundan ko na lang rin. Tapos huminto kami sa isang pintuan. Binuksan niya. Tinignan ko siya.
“Ikaw lang ang makakapasok.”
“Ah.” Galeng, nabasa niya utak ko. xD
Anyway pumasok na ako. Nagulat ako nang makita sa loob si Larissa. Yung babaeng reyna naman kanina eh nakasandal sa kama niyang maganda na may satin clothing na pang-harang sa apat na edges ng kama na gawa sa kahoy.
Nasa malambot na sofa naman ang tatlo pang babae na parang kasing-edad lang nung reyna. Baka mga kapatid niya?
“He… llo?” iyon eh kung naiintindihan nila ang english.
“Hi.” :)
“Oh my gosh for crying out loud may nakakaintindi sa akin! *talon talon* Okay, OA na. =___= So uh… hindi ko na itatanong kung nasaan ako dahil nasagot na ‘yon kanina, hindi ko na rin itatanong kung sino kayo dahil nasagot na rin kanina, ang itatanong ko na lang eh kung paano ako babalik sa museum to where I left off.”
Nakarinig lang ako ng napakalambot na tawa at nakita kong nanggagaling iyon sa reyna. Nakangiti siya at tumatawa. Wow. I think I’m mesmerized. She’s a goddess. Parang Venus lang ga ang dating.
Teka nga ba’t ba tunog batanggenyo ako? -___-
“H’wag kang mag-alala dahil pasasamahan kita kay Randall mamaya. Halika, maupo ka.” pagkatapos ay pinagpag niya ang side ng kama niya na parang inaanyayahan akong maupo doon.
Lumapit naman ako at naupo sa pinagpagan niyang area. “Err… why?”
“May kapangyarihan ka.”
Err… =____=
1…
2…
3…
4…
5…
“Naku wala po! ^____^ Hindi po, nagha-hallucinate lang kayo! Wala akong kapangyarihan, wala talaga promise!” ^___^d
“Meron, nakita ko ‘yon.”
“Wala po nuh! Ano… medyo nagmamadali kasi ako pwede ho bang lumayas na? Kasi ya’ know naman… busy? Ehe.” ^___^a potek naman ang hirap namang lumusot. =___=a
“Kung gano’n… sige, salamat. Randall?”
Bumukas ang pintuan. Tumingin sa akin yung lalaki tapos tingin din du’n sa reyna. “Ima?”
Ano raw? Ina? Woah nanay? O.o
“Pakisamahan na siya sa Aperisim. Gusto na niyang bumalik.”
“Opo.”
Tumayo na ako. Sinundan ko siya palabas.
“S-Sandali.”
Stop. Lingon. “Po?”
“Anong pangalan mo?”
“Xa… A-Althea po.” :)
“Althea. Althea. Tatandaan ko ‘yan. Sana’y magkita pa tayo.” sana hindi na. =___=
Lumabas na kami ng tuluyan mula sa room na ‘yon. Konting lakad pa sabay hinto. Binuksan ni lalaking lamig ang isang itim na pintuan na parang walang laman sa loob sa sobrang dilim nito. Wow. Hindi naman siguro nila ako ikukulong noh?
“Pwede ka nang pumasok.”
“Ah yeah thanks.”
“Welcome.”
O_____O
Napatingin tuloy ako sa kanya. “You people are kind ‘a weird. Jeez but thanks again. Bye. My sincere health wishes to your Mom.” Then I smiled at saka humakbang.
Pinikit ko ang mata ko at pumasok sa loob. Sumakit ang ulo ko for siguro mga ten seconds. As in yung parang hinampas lang ng malakas. Pagkatapos pagdilat ko nasa kabihasnan na’ko.
Thank God I’m home. ("_ _)
Pero si Sir Ed. T___T