Cain Hamilton

1559 Words
**05 – Cain Hamilton**                 Papers papers papers. Parang nung isang buwan lang ang enrollment ang inaasikaso ngayon naman problema sa school body. Ipinanganak ba akong taga-handle ng problema ng buong Saint Claire Academy? Kinangina naman.                    “Di ba sinabi ko na sa inyong kailangan n’yong i-budget ‘yang pera ng SB? Even ang mga uniforms ng varsity hindi pa pala nakakapagpagawa. This is such a disaster!”                    “Sorry talaga, Xana. Hindi ko kasi talaga akalain eh.”                    “Fine, fine. Heto,” naglabas ako ng pera sa pitaka ko. “Mga ten thousand ‘yan, iyan lang ang cash ko sa ngayon. Distribute mo kasama yung mga natira sa budget. I’ll try and proceed this to the faculty.”                    “Salamat ah.”                    “Yeah, whatev. Sulat mo yung mga budget lists kukunin ko mamaya ang copy. Are we clear?”                    “Yep!”               Lumabas ako sa silid ng student body. Dumiretso naman ako sa history lab kung saan nadatnan ko si Sir Ed na nasa harapan na naman ng mga libro niya at ilang mga papeles na pinakuha niya sa akin sa Dale’s faculty kahapon.                    “Sir, may dala po akong lunch.”                    “Ay salamat, Thea.”               Pumasok ako sa loob at inilabas ang mga pagkain na nasa paperbag na dala ko mula pa kanina. K, naalala ko wala na akong cash. Aish. Nilapag ko sa mesa ang mga pagkain pero malayo sa mga papeles ni Sir. Baka malagyan ng dumi eh.                    “Dinalan mo na ba ang tatay mo nito? Hindi pa ata nagla-lunch yun.”               Naupo ako sa isang stool doon at binuksan ang drink ko. “Hindi naman ho ako delivery girl para mag-deliver sa kanya ng lunch niya.”                    “Oh eh ba’t sa akin nagde-deliver ka?”                    “Eh syempre sir ko kayo eh.”                    “Aba’y tatay mo si Cain ah.”                    “Psh.” Ininom ko na lang ang chocolate drink na nasa bottle. Ayoko talaga ng topic na ‘yan. Skip skip. “Yang artifacts sa museum, Sir, nung isang linggo n’yo pa ho pinag-aaralan ang mga ‘yan. Wala pa rin ho ba?”                    “Wala pa nga eh. Talaga nga namang mahirap mahagilap ang history ng mga gamit na nakalap ni Mr. Reed.”               Eh kung bakit kasi pinaghihirapan pang hanapin, try n’yo kayang gawan na lang ng kwento. = 3=                    “Pero may mga ilang bagay akong nakalap.” Sabi niya ulit.                    “Gaya po ng?”                    “Heto tignan mo ‘to.” tapos iniabot niya sa akin ang isang folder na may lamang ilang pages rin ng scanned copy ng librong nahiram niya sa library ng Sunny Dale.               Kinuha ko iyon at ni-rebesa. Nakalagay doon ang isang storya na umiikot sa espadang ginamit ng babaeng vampire hunter para patayin ang isang bampira. Yung mga ganung chuchu ba. Thing is… the stuff is located at Sunny Dale.                    “Tingin n’yo Sir paniniwalaan ‘tong mga ‘to?” I’m certain about it dahil karamihan sa mga taga-Sunny Dale eh uto-uto.               But damn. Parang masyadong OA? Sino pa bang naniniwala sa mga vampires except for the Salvatore brothers and course, the Cullen clan na by the way ay kumikinang pag naarawan.               Da fudge. =___=                    “Marahil.”                    “Di ba pwedeng dig deeper, Sir?”                    “Naku ikaw na bata ka. Pasaway ka, paano nga eh nahihirapan nga ako? Kung makakalabas lang ako ng school at makakapag-research ng mas malalim ay baka nga magkaroon pa ng mas may sense na history ang mga artifacts na ‘yon.”                    “Yeah, Sir, and you can’t even touch the stuffs.” = o =                    “Nang-iinsulto ka?” -____-                    “Uy hindi, Sir ah. :D Pero kapag ba may naibigay akong theory sa nire-research mong ‘yan… sure na graduate ko?”               Napakunot siya ng noo na parang pinag-iisipan. “Hmm… magandang opurtunidad nga ‘yon. Sige, gumawa ka ng thesis tungkol sa tatlong artifacts na nakita natin sa museum. Kapag ikaw nagtagumpay dito, sure na ang kinabukasan mong maging archaeologist, Althea.”               Ow yeah! (^-^)/                    “Asahan n’yo, Sir!” (^__^)7                    “Hindi ka pa ba lalayas d’yan?”                    “Ay pinapaalis n’yo kaagad ako?” =___=               Hinablot ni Sir ang folder sa’kin. “Syempre baka may makita ka pang theory dito maisahan mo pa’ko. Alam ko kung gaano ka ka-pilya, Xanara Althea. Lumabas ka na do’n at dalhan mo ng pagkain yung tatay mo, baka gutom na ‘yon.”               Mamatay siya sa gutom. -___-               Tsaka haler? Ni hindi nga ako naniniwala sa mga ganyang theory nila tas ako pa kaya ang manduduga? Sapakin ko ‘to si Sir eh.                   “Alis na po ako.”                    “Pinapaalis nga kita di ba?” =___=                    “Ang sungit n’yo Sir, hetyu.” = 3=                    “Ikaw naman kasi eh. Nagmamatigas ka pa. Ilang beses ko bang sasabihin na walang kasalanan ang Daddy mo? Aba neng paulit-ulit na tayo dito. Ano ka, unli?”                    “Sa’n n’yo na naman napulot ‘yan?” -___-                    “Idol ko si Vice Ganda.” XD                   “Kaya pala kamukha n’yo.” =___=               Tumatawa ako habang lumalabas ng history lab. Ngayon kung gusto kong maka-graduate at maging archaelogist dapat ko nang simulang pag-isipan ang gagawin ko sa mga artifacts na ‘yon. But by goodness sake, kailangan ko pa atang pumuslit sa museum para lang mahawakan ko ang mga artifacts na ‘yon.                    “Xanara, anak.”                    “Ay palaka!”                    “Teka nak dahan-dahan sa salita baka magawa mo nga talaga akong palaka ng di oras.” =___=               The fudge is this man doing at the front of my car? “What are you doing here?”                    “Gusto ko makita anak ko. Masama ba yun?”                    “Oo masama, ikamamatay mo yun.” -____-               Bumuntong hininga siya. “Wala naman akong magagawa kung galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon at hindi mo ako mapapatawad. Pero Xana, kailangan mong tanggapin na ikakasal na talaga ako.”                    “Wala akong pakialam du’n. Basta kung ikakasal ka utang na loob h’wag kang makapagpaki-pakita sa akin. I disowned you as my Dad when you decided to bear your happiness and chose that.”                    “This is not my happiness, Xanara.”                    “So whom? Mine? Wow, Dad, do I look so happy? Tignan mo nga ng maigi ‘tong lagay ko mukha ba akong masaya? Will you get out of my sight? Nakakairita ka lalo eh.” di naman sa bastos mawalang galang na ho. -____-               I have my own reasons as to why I hate my Dad. Gaya ng may rason rin siya ng para sa sarili niya kung bakit niya kailangang magpakasal at bumuo ng sarili niyang pamilya.                    “Hello, dear.” At sumulpot ang impakta kasama pa ang tyanak.                    “Regine, anong ginagawa mo dito?” maang-maangan ka pa, de malamang lagi namang nakabantay ‘yang mag-inang ‘yan sa’yo.                   “Hoy nababasa ko iniisip mo h’wag ka ngang ganyan magsalita sa nanay ko!” depensa pa ng tyanak. “At hindi ako tyanak!”                    “Whatever, Vira I’m not asking for your opinion shut up. At magsilayas kayo sa harapan ko dahil baka makapatay ako ng mga lechugas na bampirang nagpipilit maging tao ng wala sa oras! ALIS!”               And by that humawi sila sa dadaanan ko. Sumakay ako sa mamahalin kong kotse at nag-start ng engine.                    “Xanara, mag-usap tayo. Anak. Anak!”                    “Tse! Man up, live for your obligations before you call me your child dahil hindi bagay! Ewan ko sa’yo, wala akong lahing tanga lalo na’t wala akong tatay na uto-uto!”               Pinatakbo ko na ang kotse.               Hideous to explain and see thing this way. Hindi ko alam kung kinompel siya ni Regine or what. Damn a Schneider! Why can’t they just die? Hindi naman siya mahal ni Daddy at lalong hindi ko rin naman siya gusto. Hindi ko maintindihan kung bakit siya magpapakasal. Aba de lalo namang hindi papasok sa utak ko na isa lang way ‘yon para kilalanin kaming tagapag-mana ni Lolo ng England. That’s horrible! We don’t even want the crap!                    “AY PALAKA!”               Napa-preno ako nang may humarang na dyaryo sa windshield ng kotse ko. Bumaba ako ng sasakyan kahit nasa gitna ako ng kalye para lang pulutin ang papel bago pa man ilipad iyon ng hangin.               And I was real confused at what I read yet excited. I got my hopes up. I’m never letting go.               March 13, 1910. Three bodies found ripped and dead at the basement of Crescent Mansion, Sunny Dale. The culprit, Rosage Anderson is proven insane after being caught rocking back and forth beside the corpse’s bodies and was soon admitted to asylum. The associate culprit, Zephyr Schneider is said to escape and never been found.               For a year I was silent about this damn whole thing, Dad. But maybe you have forgotten that still, I am Xanara Hamilton. Your daughter…               …your reflection.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD