Nag-Away

2723 Words
 **13 – Nag-Away**                   Naglalakad ako sa hallway ng Saint Claire kasama si Sir Ed dahil may mga works siyang dini-discuss sa akin. I needed to take note of that and at the same time eyeing students na nagbe-break ng regulations ng school syempre bukod sa akin. Mwahaha. Ako ngang prefect di nasunod sa rules eh noh? Well way ko lang naman siya para inisin si Mr. Cain. Hanggang sa naging hobby ko na rin.                    “Sir, kung ipapa-auction n’yo man po ‘yun I suggest we…” my voice trailed off upon seeing Zero kissed a girl on the locker hall. “Uh, Sir, wait lang po.”               I walked smoothly and with one swift ay hinugot ko ang ID ni Zero. “Detention, PDA on the hall.” Saka ako naglakad ulit kasabay si Sir. “As I was saying Sir, kung ipapa-auction po natin yun siguro kailangan hindi lang sa kung anu-anong sites dapat i-announce yun. Kailangan nating matawag ang atensyon ng mga—”                    “Sir, can I borrow her for a minute?” bampira nga ‘to, bilis mang-harang eh.                    “Ah—”                    “Sorry, Mr. Hudson, may oras para sa usapan at may oras para sa trabaho. Have some respect, magkausap kami ni Sir. Excuses.”               Hahakbang na sana ako forward nang harangin na naman niya ‘yon. I saw him forming a silly grin. “Let’s talk.”                    “Get out of my way.”                    “Then what?”               Umiling ako in an uninterested manner at akmang lalampasan siya when he held my wrist and pulled me back na parang manikang niyuyugyog lang. “Ano ba!”                    “Is this the second degree penalty, Xanara?”                    “Second degree penalty then.” I said with a lethal tone.                    “How about some third degree penalty?” argh ano bang gusto niyang palabasin?                    “Granted.” Pota ka, nag-enjoy ka na ngang makipaghalikan sa kung sinong malanding babae tas mang-aasar ka pa ngayon? Naiinis ako sa’yo! Nakakainis ka talaga!                    “Uh… Xanara, I really think you should go and talk to the guy okay? Later, hija.” Tapos umalis na si Sir Ed.               Maya-maya tinanggal ko ang pagkakahawak ni Zero sa pulso ko. “Baka sakaling maimbento ang fourth degree penalty kapag ipinagpatuloy mo ‘to, Schneider.”               Binirahan ko siya ng layas. Ang kaso nakakainis lang, sunod siya ng sunod habang naghahatak ako ng ID ng mga nakikipag-flirt sa corridor at sa locker hall.                    “What the hell is your problem?” sigaw pa niya.                    “Wala akong problema.” Wala naman talaga.                    “Then why are you mad huh?”                    “Who the hell is mad? I’m just doing my job in here and you’re taking it too personally!” just because you tried and flirted with me doesn’t mean that I’m mad because you kissed a girl! What are you, a thing that I should mark as my property para maipagdamot ko sa lahat?                    “XANARA! Xana! Ano ba!”               Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ako nang pumasok na si Miss Belle. Imbis na sa usual seat ko lang ang upo ko, nagpalipat pa ako ng estudyante sa may harapan para lang maiwasan ko yung seat na katabi ng kay Zero. Kumukulo talaga kasi ang dugo ko sa kanya eh.                 Natapos ang period. Lunch break na nga sana eh. Tatayo palang ako nang magpanting ang tenga ko sa mga babae sa likuran. Kaso wala naman akong magawa, lagpas na sa trabaho ko ang pagalitan pa sila sa paggo-gossip. OA na.                    “Zero, may date kayo ni Vira mamaya?”                  “Wow, Zero. Ang ganda-ganda talaga ni Vira noh? Pati ikaw nakuha niya atensyon mo.”                  “Mabait kasi yun si Vira di ba?”                  “Oo nga. Ang bait nga nu’n eeh.”               Anong ikinabait nu’n? -___-++                    “Seesh si Randall!”               Napatingin ako sa pumasok ng room. Saktong sukbit ko na ang back pack ko no’n and he’s heading towards me kaya lalong naglakasan ang buzzes.                    “Xanara.”                    “Yeah. What’s up?” baka natakot sa banta ko sa kanya nung isang araw.                    “Pwede kang sumama sa’kin? We’ll settle some unfinished business from before. Kung pwede sana… sa Euenessia na lang.”                    “Ah. Yeah sure, when?”                    “As soon as possible.”               Magsasalita pa sana ako nang tumayo sa harapan ko ang dakilang epal na si Zero. Ako talaga kapag hindi na nakapagtimpi sasalyahin ko na pagmumukha neto. Kumukulo na talaga dugo ko.                    “Coming with you.”               Tumingin sa’kin si Randall. Umiling ako. “No, he’s not coming. Perhaps we should go now? *turns to Zero then taps his shoulder* Goodluck sa date, bukas na lang detention mo baka maudlot pa yang date na ‘yan.”               Nauna na akong naglakad. Sumusunod si Randall sa’kin. “Was that an LQ?”                    “Tsismoso ka dre? Tsaka ano yung LQ?”                    “Lover’s quarrel. Tanda mo na di mo pa alam ‘yon?”                    “Upakan kaya kita? Tsaka kailan kami naging lovers? Alalay ko lang yun, h’wag kang masyadong nag-aassume ng kung anu-ano.”                    “Alalay na hinahalikan ah?”               Nanlalaki ang mga mata kong hinarap siya. Ngumisi lang siya then in one snap wala na kami sa Saint Claire. Andu’n na naman kami sa lugar na puro shiny shimmering. Amf. =___=                    “Minsan nga ituro mo sa’kin kung pa’no gawin yun.”                    “Kaya mo yun, di mo lang alam kung paano. Saglit lang, mag-ikot-ikot ka muna. Ipapaalam ko lang na nandito ka na.”                    “Eh teka baka pagkamalan akong alien dito sa uniform ko.”                    “Hindi ‘yan. Alam nila na isang royalty lang ang makakapagdala ng ganyang kasuotan sa Euenessia. Baka pagkamalan ka nilang maharlika kaya ngumiti ka na lang kapag yumukod sila.”               Di ko man gets… “O-Okay. Bilisan mo ah. Ikot-ikot lang ako? Di ako mawawala?”                    “Hindi. Suit yourself.”               Tumango na lang ako. Pumasok siya sa loob. Nagpalakad-lakad ako sa paligid no’n. Noong huling punta ko dito, gabi kaya hindi ko gaanong napagmasdan ang ganda ng labas. Pero ngayong nakikita ko na, dito ko napagtantong mas maganda pa pala talaga ‘to kaysa sa panaginip.               Different colors of flowers blooms everywhere. Yung ibang halaman hindi na pamilyar sa’kin. Pero lahat sila maganda. Para tuloy akong nakakita ng cherry blossoms eh wala naman ako sa Japan. Pumitas pa ako ng isang asul na maraming petals as in stuffed siya ng petals. Ang gandang tignan.                    “Wala bang nakapagsabi sa’yong masamang ugali ang pumuputol ng nananahimik na halaman?”               Napa-smirk ako sa nagsabi no’n. Tanga lang? “Wala kasing placard na nagsasabing ‘Keep off the grass’ o kaya eh ‘Bawal pumitas ng bulaklak dito’ so it means legal ‘tong ginagawa ko.” saka palang ako lumingon sa kung saan man nanggaling ang tinig.               Pero I was rather amused sa nakita ko. He stood there, a long legged guy with a masculine yet slim body and a white long hair that almost reached his butt. He’s dressed in an unknown lengthy clothing na parang pang-billion years ago na yata. Uh… tao ba siya?                    “Hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangang sabihin ang isang bagay na bawal upang masunod ito. Minsan kailangan mo ring makiramdam.”               Napalagok ako ng laway. Ngayon ko lang kasing napansing gwapo pala siya. >__>                    “Eh sa wala akong pakiramdam, di ko na problema yun.”               Ang gulat ko nang lapitan niya ako at i-corner sa may puno. Hindi ako nakapag-react kaagad dahil sa shock. At dahil rin doon so he persisted to lay a finger on my hair. And oh yeah I mean literally. He moved a strand off my face and tuck it behind my ear.                    “Hindi ka tao kung wala kang pakiramdam.”               Napalunok ako. His breath is so warm I almost fainted. Then it happened. His lips slowly brushed to mine nang hindi ko man lang namamalayan. He teasingly bit my lower lip and nibbled on it. Muntik akong takasan ng kaluluwa ko, nagba-bye pa nga. Pero buti na lang matino pa’ko kaya kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at inalis doon saka ko siya tinulak palayo.                    “It would look too petty if I’ll fight over a piece of flower.” Takte naman kasi, bulaklak lang maaakit pa’ko dito ng lalaki eh.                    “Xan… Raikki! Kanina pa kita ipinapahanap.” Letseng Randall, dumating ka pa. =___=               Nakita kong ngumiti si lalaki. Naiinis ako. Bakit ganyan siya umasta? Na parang nanalo siya sa kung anong lotto? Kapag ganitong badtrip ako, baka makapatay na’ko.                    “I believe you know each other already?”                    “Mukha ba kaming nagkakilanlan na?”               He chuckled. “Mukha nga ba? Halos patayin niya ako sa galit kanina. Sino ba ‘yan?” ako pa talaga ang papatay sa kanya? Tuluyan ko na kaya?                    “Raikki, si Xanara. Xanara, si Raikki. At… sa maniwala ka’t sa hindi, siya ang nasa loob ng kwintas na ninakaw namin sa museum.”                     “Okay.”                    “Naniniwala ka?” o.O                    “Sa itsura ng nilalang na ‘yan mukha ngang galing ‘yan sa loob ng isang weird na bagay na matagal nang hindi nabubuksan. I’m quite surprised hindi mo sinabi sa’kin na galing siya sa isang banga. I would’ve clapped my hands in awe.” Bwiset.               Nagtinginan lang sila. Tsk. Naiinis talaga ako at hindi ko alam kung bakit! Ayoko na nga lang rin ng tinitignan ‘yang lalaking ‘yan dahil may kung anong charm ata siyang pinipilit na pangangahin ako at tignan lang siya forever.                    “Sumunod ka sa’kin.” Buti na lang andyan si Randall, may pampagulo.               Sumunod ako sa kanya. Habang naglalakad kami papasok ng palasyo ng Shiraniyo na kasunod pa rin yung pesteng kabayo este lalaking matangkad na yan, nagsasalita si Randall ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Gaya neto:                    “May kwento sa Euenessia na ang tanging susi sa pagsasarado sa Innocence ay nasa kamay ng isang gabay.”                    “Anong gabay? Yung katulad ni Larissa?” di ba Harna daw yung mga gabay?                    “Hindi. Si Larissa ay isang Harna, payak na gabay. Ang gabay na sinasabi ko ay ang mga Serun. Ang Serun ay mga espiritung gabay na kadalasang nagiging sub-conscious namin o di kaya ay nagpapanatili ng consistency at balanse ng mga kapangyarihan at elementong hawak ng mga Hera at Avrona.”                    “And therefore… you want to imply that this creature here,” I jerked my thumb rudely to the guy na sunod ng sunod sa amin. “is a spirit guardian?”                    “Yes.”               Pakshit. Hindi ko gusto ang ganitong setup. Really. Hindi ko gusto ang patutunguhan nito.                    “Heto ang mga hinahanap mo.” Randall told me nang marating namin ang isang glass doon na naka-enclosed sa loob ang kwintas, espada, at yung scroll na sinasabi ni Sir Ed.                    “Question. Binuksan ko na ‘yang scroll na ‘yan minsan. Walang nakasulat, walang laman.”                    “Si Raikki lang ang may kakayahan na mag-decipher ng nakalagay doon.”               I looked back at Raikki. Naka-dekwatro siya sa may yantok na upuan at abala sa pag-amoy nung kung anuman ang nasa basong hawak niya. “Eh mukha naman siyang walang balak na tumulong sa inyo.”                    “Exactly our problem. Wala siyang balak magsalita ni tumulong. Ang hirap pa n’yan, hindi kaya nina Stanley at Cheen na iangat ang sumpa na hinaharang ang kusang pagbalik ni Raikki sa kwintas gayong ito ang natural niyang tahanan.”                    “What? Hindi siya maibabalik d’yan?”                    “Not unless mahanap niya ang nagma-may ari sa kanya. Ito lang ang may kakayahang magsarado ng Innocence. Iyon ang sabi sa kwento.”               Kung sinumang nagme-may ari kay Raikki meaning siya rin ang may-ari sa kwintas, sa espada, at sa scroll.               Pinuntahan ko ang inuupuan ni Raikki. I settled my two hands sa both sides ng upuan. At dahil sa yantok iyon, ramdam ko ang tigas no’n. Raikki met my gaze, our faces maybe an inch or two away.                    “I don’t care about you, I don’t care about who owns you and I do not care about everything. Listen. Bibigyan kita ng palugit para gawin ang tama. Palugit para i-decipher ang scroll, palugit para gawin ang lahat ng kaya mo para maisarado ang Innocence at maibalik ang lahat ng X-iles sa portal na ‘yon. Dalawang linggo.”                    “Xanara!” I heard Randall’s voice. “Wala sa usapan ‘to.”               Hindi ko inalis ang tingin ko kay Raikki. I stood there, my hands gripping the edges of the chair. “Wala naman tayong pinag-usapan. Kung hindi mo nakikita, wala siyang balak na tulungan ka. He’s savoring the benefit of freedom you gave him and breaking a promise of any help. This creature is not a genie, Randall. Hindi dahil sa pinakawalan n’yo siya sa loob ng bote ay bibigyan ka niya ng tatlong kahilingan para tuparin ang mga ‘yon ng walang dalawang salita kapalit ng kalayaan niya. Hindi lahat ng nilalang ay magkakaroon ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanila. Hindi lahat gano’n.”               I may not know a lot of things. Pero sa tanang buhay ko, alam ko kung anong tama sa hindi. Alam ko kung paano aakto sa mga taong tuso. Kaya kong hulaan kung anong nasa utak nila sa pag-oobserba ng mga ganung bagay.               However, to my irritation, he only smiled. “Gaya ng inaasahan sa isang katulad mo.”               Kumunot ang noo ko. He raised a hand then caressed my face. Humigpit ang hawak ko sa edges ng upuan. At alam ko, hindi magtatagal ay mapupuno na ang pasensya ko.                    “Such a sweet face.” Ay pota nag-iingles! “A witty attitude…”               Inilapit niya ang mukha niyang nakangiti. Hindi naman ako maaaring magpakita ng kahit na anong senyales na natatakot o nanghihilakbot ako sa mga ginagawa niya. It would make me look like a loser.               *CRASH!*               I knew it’s starting. My anger is consuming my power already.               His fingers glided down my lips. “Sweet lips… soft…”               *CRASH!*               More and more pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa upuan. He leaned forward at naramdaman ko na lang ang hininga niya sa may tenga ko. “A princess enemy in the making. How’d you like that?”               *CRASH! CRASH! CRASH!*                    “Kyaaaaaaaaaaaaaaaaah!”               Next thing I knew, nasira ko na ang hawakan ng upuan sa galit at muntik ko pang maisaksak sa kanya kung hindi lang ako nahila ni Randall. As I came off of my maddening state, nasira ko na pala lahat ng bintana at kung anu-anong babasaging bagay sa loob ng palasyo. And what more? Nasa likuran at nanonood ang mga Hera kasama si Stanley.                    “Anong nangyayari?”               Tumawa lang si Raikki at sumandal ulit sa inuupuan niya. He never broke eye contact. This guy! He’s getting to my nerves. “You want war? I’ll give you one!”               With that I turned to walk away. “Xanara, anak, mag-usap—”                    “Lika dito, turo mo sa’kin yung pintuan.” Sabay hatak ko kay Stanley. Naririnig ko pa rin yung demonyong Raikki na yun na tumatawa. ARGH!                    “Wow, ngayon ko lang nakitang highblood ka. You kept a cool face at school kahit may mga lumalabag ng regulations but now… kita na ugat mo sa noo.”                    “Gusto mong sapakin kita?”                    “Di ka na mabiro. Alam mo kung anumang pinag-ugatan n’yang sanib mo ngayon, mas mabuting ayusin mo ‘yan para hindi ka naco-consume ng galit mo. Control okay? Chillax.”               Ugat-ugat sinasabi mo d’yan. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD