House Meeting

2518 Words
**14 – House Meeting**                   Three knocks on my door. “Ma’am, nasa ibaba ho sina Sir Kira at Sir Cade.”               Pang-ilang anunsyo na niya ng bisita ‘yan. Kawawa naman. Pero siguro naman kumpleto nang lahat. I just hate how my house has to be some sort of a meeting place. Tsk.               Lumabas ako mula sa kwarto. Tumunghay ako sa may railing. Hindi ko man bilang, alam kong lahat ng ipinatawag ko ay nakarating na. Exactly my time of the day.                    “Good morning.” Nasira na ang umaga boses palang niya.               Nakita ko siyang nakaupo sa may left side ng railing mula sa second floor. Umirap lang ako at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdanan.                    “Ah. Until now you’re mad huh?”                    “Paulit-ulit ka na, kahapon ka pa. Walang nagagalit, bakit ba pinipilit mo’kong magalit? Gusto mong away?”                    “Inaway mo na’ko kahapon.” Sabay talon niya mula sa railing na inuupuan niya kanina. Maning-mani eh samantalang ako naghagdan pa para makababa. Pasikat ‘tong hayup na ‘to. “So what’s this?”               Nginitian ako nina Kira and Cade. Huminga ako ng malalim. Pagbaling ko sa mga taong nasa sala, nagtayuan na sila. Lumapit sila at sumunod sa akin hanggang sa isang dinette na for 20 persons ang chair. Hindi naman sila gano’n karami. Iyon na kasi talaga ang dinette na nasa Crescent.                    “Sit down.” Nagsiupuan nga. “This is Kira, ZAFT’s second in command. This is Cade, ZAFTs Chief Analytics officer. There,” tinuro ko si Zero na nasa dulong pwesto at naka-dekwatro pang nakatingin sa akin na may nakakalokong ngiti. Nag-iinit ang ulo ko. “That’s Zero Hudson, my associate, a vampire.” -___-++                    “Vampire.” Mr. Cain repeated in a disbelieving manner.                    “Yes, a vampire. And I believe it’s your turn to introduce yourselves before we begin?”               Nelissa cleared her throat. “Gaya na ng alam n’yo, ako si Nelissa, reyna ng Shiraniyo. Heto sina Cheen at Divina. Maasahan n’yo sila sa mga engkwentro kung kakailanganin n’yo man. Sina Stanley at Randall, maaari mo silang isama sa’yo, nagre-report sila sa’kin. Si Raikki… uhm…”                    “Yeah fine pakiusap h’wag mo nang tapusin, kilala ko na siya.” =___= actually nagulat ako eh. Hindi ko kasi na-imagine na makakapagsuot siya ng isang modern na baby blue polo at denim jeans. Lalong na-emphasized ang pagka-long legged niya pati na yung white na white niyang buhok na hindi naman mukhang uban, sadyang gano’n lang ata talaga ang buhok. “He’s Cain Hamilton as you may know. Now why don’t we start with the problem?”               Cade handed me a folder. “F-class X-iles. For some odd reasons, ayon sa DNA na nakuha namin may pagkakahawig ang DNA nila sa Class C vampires. Contagious ang bites nila, one might turn into one of their types or worst… die on the spot.”                    “Zombie?”                    “No, Xanara.” Salo ni Kira. “We checked the DNA okay? They aren’t dead. Which… actually confused us.”               Every vampires, X-iles and such are considered dead once converted to those types. Iyon naman kasi ang proseso ng trasition. Dead before turned. So paano mangyayaring hindi naman pala patay ang mga ‘yon. “They are humans?”                    “Hindi.”               Napatingin lahat kay Raikki. Nagtaas ako ng kilay. Ngumisi lang siya. “Sinabi na nga di ba? Preso sila ng Innocence. Parusa sa kanila ang maging gano’n.”                    “Do you honestly believe na nakakulong talaga sila because they are simply imprisoned? Have you gone insane?”                    “Why you, have you gone insane? Kung hindi ka naniniwala sa logic ng mundong tinutuntungan mo, wala kang karapatang mag-imbestiga at lumutas ng mga ganitong klaseng problema dahil sa bandang huli, because you don’t believe in the worst that may happen, wala ka ring makikitang solusyon.”                    “Woah, go easy on her. She’s an amateur.” Leste ka, Zero, nanlalaglag ka pa eh!                    “You can’t say she’s an amateur when she even sensed your existence, Hudson.”               Sumakit ang ulo ko bigla. Bakit parang idiniin niya ang pekeng surname ni Zero? Kung may alam man siya jusko naman h’wag naman sana niyang ibunyag.                    “Quit it.”                  “Tumigil na kayo.”               Napatingin ako kina Mr. Cain at Nelissa. Halos sabay sila nang sabihin ang mga ‘yon.                    “Raikki, tama si Zero. Dahan-dahan lang kay Xanara. Hindi pa siya masyadong sanay.”                    “Nak, gusto mo ng tubig?”               Lalong sumasakit ang ulo ko.                    “Alright, I believe this crazy stuffs. So explain to me kung bakit at paano sila naparusahan o ikinulong kung anumang tawag n’yo du’n.”               Humila ako ng upuan at naupo. Sinundan nila Cade at Kira ang ginawa ko. Pinagitnaan nila ako ng upo. Nag-serve ang maids ko ng slice ng cake tsaka juice. Si Zero nagpalabas pa ng wine. Ang aga-aga wine? Uubusin ba niya lahat ng alak na binuro ko sa cellar? Occasionally ko nga lang iniinom ‘yun eh!                    “Alam mo ba kung paano maging Serun?”               Tinignan ko siya ng matalim. “Mukha ba akong may alam?”                    “I just thought na baka mahulaan mo. Magaling ka manghula hindi ba?”                    “Oh kailan pa ako humawak ng bolang krystal?”                    “Yeah right.”                    “Spill the beans. Ano bang kwento ‘yan?”               Inalis niya ang pagkaka-dekwatro niya sa upuan and leaned smoothly to sit properly. “Ang mga Serun ay isang form ng tinatawag nilang keepers. If you’re trained to be a priestess’ keeper, you have to be pure. Therefore, ang lahat ng mga keeper ay puro, walang bahid kasalanan at dumi. May sarili silang batas, sariling patakaran. At kapag nilabag ang isa doon, ibig sabihin hindi ka na puro. When purity is damaged, automatically, all impure keepers are reincarnated to be mortals for a chance to be a Serun.”                    “So how?”                    “A battle.”                    “Battle?” bakit parang ako lang ang walang alam? =___=               Tumango si Raikki. “Libo, milyon, ni hindi ko mabilang ang dami ng mga keepers na nabahirang dumi at ipinadala para lumaban sa isa’t-isa.”                    “Individual battle?”                    “Hindi. Grupo. Iyon ang pinakamadaling paraan para maipanalo ang mga laban. Via groups. Tribes perhaps. Pero iyon din ang pinakamadaling paraan para maipadala ang mga keepers na nag-traydor papasok sa kanlungan ng Innocence.”                    “Alright, I’m lost. Elaborate further.”                    “Sa bilyon-bilyong lumalaban upang mabuhay at mabigyan ng pagkakataon, hindi mawawala ang mga nilalang na ganid… sakim… traydor… uhaw sa kapangyarihan. Sa kada grupo, marami ang nagta-traydor, marami ang nagbibigay ng bitag sa kapwa nila upang magtagumpay. At hanggang kamatayan… walang kapatawaran. Sila ang mga ipinadala sa Innocence. At kung naniniwala ka sa pag-usbong ng isang mundo sa loob ng isa pang mundo, malalaman mong marami ang pintuan ng Innocence na hinati sa kada mundong maitatalaga para dito.”               Wala sa sariling tumingin ako kay Zero. Nakatingin lang rin siya sa akin na walang reaksyon. Wala talaga as in blangko. Ni hindi ako makapagsalita ni maka-react sa sinasabi ni Raikki.                    “Bilang parusa sa mga gabay, ikinulong sila sa loob ng isang mundong walang kasiguruhan ang hangganan. Walang katapusan. Nakatakda silang mabulok doon hanggang sa may magkakamaling buksan ang pintuan. Isa lamang ang Sunny Dale at ang Euenessia na binigyang kanlungan ang pintuan ng mga preso na gabay. At dahil sa nabuksan ito, wala silang ibang gagawin kung hindi ang pigilan ang mga taong maikulong sila muli sa pintuan kaya’t ang tanging paraan doon ay sakupin ang mundong ‘to.”                    “Can’t we close the door temporarily hangga’t hindi sila naipapasok?” Kira managed to ask.               Umiling si Randall. “Hindi eh. Kapag tuluyang naisarado ang pintuan ng hindi naibabalik ang mga preso sa loob, we just grant them immortality.”                    “What the hell?” Dad exclaimed.                    “Ang Innocence ang nagbibigay kahinaan sa kanila kaya madali silang mapuksa.” Wow Nelissa parang insekto lang, make puksa. xD “As long as the door is open, madali silang ma-conquer. Pero sa oras na maisarado iyon, mabubuhay silang parang isang gabay na walang kamatayan dahil wala na ang nag-uugnay sa kanila sa pintuan, dahil naputol na ang ugnayan.”               I snorted. “I guess kailangan nating bantayan ang pintuan na ‘yan. Zero, work with Cade and Kira to track those X-iles. I want an exact location, exact numbers of cassualties kung meron man, exact situation and observations. Stanley and Cheen will work with Raikki para maibigay sa’kin ang solusyon kung paano maibabalik ang mga X-iles na ‘yan at maisasarado ng permanente ang pintuan. The others will have to wait for any further results but alarm yourself if needed.”                    “Can I ask?” napatingin ako kay Mr. Cain na nakaupo sa may kabilang dulo so dulo-dulo sila ni Zero. “You don’t trust vampires right, Althea? So… paano at bakit ka nagpatira ng isang bampira sa bahay na ‘to?”               Sasagot palang sana ako kaso sumingit si Zero. “Am I the one to be doubted in here or your loyalty to your family in the nearest future?”               Kahit naman siguro wala akong pakialam at naguguluhan pa’ko sa mga nangyayari, unconsciously eh natignan ko ang magiging reaksyon ni Nelissa nang sabihin ni Zero ‘yon. And bingo, she looked down as if hiding something. Hurt of the fact maybe?                    “Xanara is my daughter and therefore she’s my family.”                    “As far as I remember, for all these weeks that we’ve been together, wala naman akong nakikitang ibang taong nakatira sa bahay na ‘to thus imply na wala nang pamilya si Xanara at nag-iisa na lang siya. What’s wrong with trusting me, her only company in this big mansion?”                    “For a royalty you sure are rude, Zero.”                    “For a father, you sure are iressponsible, Mr. Hamilton.”                    “CAN YOU FVCKING QUIT IT? Mahiya naman kayong dalawa! This is not a family business, we are all individulas in here who wants to solve this universal issue! Kung maglolokohan tayo dito at magta-trayduran magkanya-kanya na tayo ngayon palang! Makakaalis na ang nagbabalak traydurin ako dahil baka makapatay lang ako sa hinaharap!” with that, I walked out at diretso sa kwarto ko.               Ayokong pumatay. Sinasabi ko na ng mas maaga. Ayokong pumatay.       - Narration – (The scene after she left the dinette)                 Tila tambol na maririnig ang pagbagsak ng pintuan ng silid ni Xanara. Lahat ng mga naiwanan sa ibaba ay naramdaman ang tensyon ng galit ng umalis. Ngunit may iba-iba silang reaksyon sa naramdaman.               Sanay si Cain sa paraan kung paanong seryosong magalit si Xanara. Anak niya ang isang iyon at kahit pa ilang taon siyang itinuring nitong taga-labas ay alam niyang hindi nagbibiro ang anak niya sa kung anumang bitiwan nitong salita. At bilang ama, handa siyang maging tapat sa anak at talikuran ang kahit na anong bagay ang naghihintay sa kanya para sa kapakanan nito.               Sumasang-ayon si Nelissa sa lohika ng mga sinabi ng anak niyang babae. May parte sa kanyang kumabog nang nanuot ang mga salitang binitawan nito kanina subalit malaki ang parteng ikinatuwa niya nang mapag-alamang may kakayahan itong mamuno gaya ng isang prinsesang inasahan niya nang iluwal ang sanggol noon. And seeing her as what she is now makes her flutter in happiness dahil nakikita niya kung paanong gumalaw ito na gaya ng mga pinangarap niya.               Nagkatinginan lamang sina Cade at Kira na parehong kabisado na ang galaw ng itinuturing nilang idolo. Pero para silang binabagabag ng presensya ng mga taong nakapaligid sa kanila ngayon lalo na’t batid nilang hindi sila simpleng nilalang lamang na gaya nila.                    “Sana walang makakaalam na ibang taga-labas sa napag-usapan dito.” Kalmadong wika ni Zero bago tumayo at akmang aalis.               Na napigil lamang ng salita ni Raikki. “Pwera kung sasabihin mo ang dahilan ng pagpapakita mo sa isang katulad ni Althea.”               Gumuhit ang hindi malamang ngiti sa labi ni Zero saka siya lumingon at hinarap ang gabay na gaya ng inaasahan niya’y matalino at malakas ang obserbasyon.                    “Maybe one day.”                    “Maybe one day could be this day.”                    “Why do you want to know?”               Hindi nagsalita si Raikki at matama lamang na tumitig kay Zero na tila nilalabanan ang nakakalokong tingin nito. Tumayo si Raikki mula sa inuupuan nito. Napatayo rin ang lahat at naalarma sa nangyayari. Kung sakaling magkagulo, na parehong naiisip na nila Stanley at Randall, they both stood in alarm and eyeing each other.                    “Raikki…” a grin and a half smirk lined the vampire’s lips. “Care to tell them what you sense between me and Xanara?”               Hindi nakaligtas sa paningin ni Divina ang pagkuyom ng mga palad ni Raikki na nasa tabi lamang niya sa kabila ng kalmadong itsura nito na inihaharap kay Zero. Napatingin siya sa kanyang Hana Nelissa na taka rin ang reaksyon habang tinitignan ang kamao ng gabay.                    “Alright, guys let’s calm down.” Sinubukan ni Cade na ibaba ang tensyon ngunit wala ring nagawa iyon. “Oh c’mon, I sure don’t wanna be here when Xanara gets more pissed.”               Huminga ng malalim si Cain na para bang sinusubukang tanggalin ang malaking tinik sa loob ng dibdib niya. Sa nakikita niyang tensyon ngayon, wala siyang ibang maisip na may sala kung hindi ang sarili niyang anak.                     “Gaya ng sabi ni Xanara… let’s not mix some personal issues in here. I understand that this is your chance to show off but unfortunately our little princess went up there dahil hindi pa siya nakakapaglabas ng sama ng loob sa mga naiwanang problema. H’wag na nating dagdagan.”               Tumingin si Nelissa kay Cain na ginawa rin naman ng lalaki. Nakakunot lang ng noo si Nelissa na hindi makuha ang ipinahihiwatig ng mga ito.                     “THE HELL ARE YOU ALL STANDING IN THERE?” nakatunghay si Xanara sa railing mula sa second floor at taka sa naramdamang tensyon. “KUNG MAG-AAWAY KAYO, MAGSILABAS KAYO!”               Natawa ng mahina si Zero na noon lamang iniwanan ang pwesto at sinundan si Xanara sa pagpanhik sa itaas. “H’wag ka na kasing magtampo! Nagseselos ka lang eh!”                    “Heh! Rot in hell! Tantanan mo’ko!”                    “Papakipot ka pa! Mag-e-explain ako! Oy!”               Alam ni Raikki kung gaano ka-determinado si Zero sa pagkakataong ito. Nanalo siya noon, at sisiguruhin niyang pareho ang mangyayari ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD