Understanding Raikki

2245 Words
**18 – Understanding Raikki**                 *tok tok tok!*                    “Zero? Zero, nagpapatawag si tukmol. Punta muna ako sa mga Saint Claires. Nagpahanda na ako ng almusal.”               The door creaked and Zero came out from there. Nakatatak sa mga mata niya ang pagka-aburido na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ayoko namang mag-assume na dahil lang ‘yon sa ayaw niya akong papuntahin kay Raikki. Hindi naman kasi ako assuming.                    “Ngayon na talaga? Ba’t ang aga?”                    “I actually do not know. Kaninang 6AM pa siya nagpatawag. Ibinilin na nga lang kina Div. Baka nga galit na ‘yon, eight na kasi. Ang tagal ko lang bumangon sa kama, inaantok pa kasi ako kanina.” = u =               Bumuntong hininga si Zero habang nakatingin sa mga mata ko’t tila may hinahanap sa loob niyon. Malamlam ang mga mata niya. Para ngang hindi siya natulog buong magdamag. Which reminds me…                    “Before I drifted to sleep, did you left the room?”               Umiling siya. Napakunot ako ng noo sabay taas ng kilay when a theory hits me. “Hindi ka natulog noh? Zero naman eh! Ano bang nangyayari sa’yo?”               Ngumiti siya before he pulled me in an embrace. “Do you know this certain feeling… na kapag tinititigan mo ang isang tao, para kang nauubusan ng oras dahil sa sobrang bilis? Yung pakiramdam na hindi kasya ang magdamag para manatili akong gising at mapagmasdan ka. Yung pakiramdam na… na hindi ko magawang ialis ang atensyon ko sa mukha mo. Yung pakiramdam na hindi ako makuntento sa isang gabi lang. Yung pakiramdam na sa kabila ng dilim, alam kong darating rin ang oras na kailangan mo ng gumising, at sa mga oras na ‘yon, hindi na ako ang makakasama mo… na baka hindi na pangalan ko ang babanggitin mo paggising mo ng umaga. As much as it is weird to say… Xanara, I don’t like mornings. Because it felt to me that everytime another morning would show up, you’ll be gone in a blink… then all I am to your life is just a shadow in the night who passed by to look at you and will disappear when the sun sets in.”               Napangiti ako and unconsciously ay nayakap ko siya ng mahigpit. “You’re not a shadow, Zero. Not just a shadow. Kaya itigil mo na ‘yang pagse-senti mo. Kumain ka na tapos matulog ka. I’ll knock when I come home okay?”                    “Can I…”                    “Huh?”                    “Taste… your blood?”               Sinubukan kong itulak siya para makita ko ang reaksyon niya trying to know if he’s dead serious or not pero ayaw niyang bumitaw at parang bata lang na lalong yumakap ng mahigpit sa nanay niyang ayaw niyang paalisin.                    “You don’t trust me, do you Xana?”                    “I trust you. I trust you enough to grant that favor. Of course you can.”               I felt his breathing came hard. Gumalaw ang posisyon ng ulo niya and now he’s at my right neck. I feel his warm breath. And then I automatically closed my eyes when a cold sharp thing struck through my skin. Napasinghap ako with the feel of it extracting all blood from there.                    “Zero…”               He then stopped. Napalunok ako. I hold on to the hem of his shirt, pinakikiramdaman kung anong mangyayari. Then I felt his lips touched the little bruise his teeth made. Gumapang ang labi niya mula leeg pataas sa pisngi ko. Hindi na ako nakatiis, I met his lips with mine, tasting blood and at the same time, tasting the pleasure his sensual lips is giving me.               But eventually, we had to broke the kiss kahit ayaw pa niya. “I really need to go, Zero.” Baka hindi ko mapigilan. >__>               Tumango lang siya at hindi nagsalita. Unti-unti siyang kumawala sa pagkakayakap. Nginitian ko siya then left him a peck on the lips to assure him na hindi mangyayari kung anuman ang kinatatakutan niya.                    “Bye.”                    “Take care. Be sharp.”               Nginitian ko siya then I hurried out. Sumakay ako ng kotse at pinaharurot ‘yon papunta sa mansyon ng mga Saint Claire. Pagdating ko sa gate, nag-beep lang ako bumukas na. Tas sinalubong ako nina Divina at Cheen sa labas ng pintuan.                    “Theeees!” ^u^/               Sandwich. =___= Inipit nila ako sa yakap, fuuuu. -___-               *thunder rumbling*               Napatingin kaming tatlo sa kalangitan. Ngayon ko lang napansing makulimlim pala. Mahangin pa. “It’ll rain.”                    “Malungkot ka ba kapag umuulan, Thea?”               Tumingin ako kay Divina at umiling. “Hindi, sakto lang.” Nag-aalala lang ako kay Zero…                    “Tara, pasok ka na. Nasa kwarto si Raikki. Pasok ka na lang daw kapag andito ka na. Nagluluto si Hana Nelissa at Ima ko ng tanghalian kaya h’wag mo na muna sila batiin.” ^___^               Tango ulit ako saka dumiretso sa silid ni Raikki. I heard the thunder rumbling again as I came pass the hall. Unti-unti nang nagbabagsakan ang ulan. Narating ko ang silid ni Raikki. I held the knob and opened it.               The thunder rumbled loud.                    “AAAAAAAAAAAAHHH!”               And I was frozen at what I saw.                    “Rai… kki?”               Nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa unan na ipinantakip niya sa mukha niya. Nakadapa siya sa kama. Screaming everytime the thunder rumbles.                   “Raikki.” Isinarado ko ang pintuan at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang leeg niya. He’s cold and sweating. “Raikki, okay ka lang? Raikki.”               *thunder rumbling*                    “AAAAAAHHH!”               Nagulat ako nang bigla siyang umupo at yakapin ako sa takot du’n sa kidlat. Nakabaon ang mukha niya sa left arm ko while his hands grip my shirt na parang gusto niyang sirain. Iyon na nga rin sana ang iisipin ko kung hindi lang siya nanginginig ng severe. As in sobrang nanginginig maski katawan niya.               Natatakot rin pala ang mga gaya ni Raikki. And not more… natatakot siya sa simpleng kidlat na paminsan ay nasasarapan pa akong pakinggan. This is quite new.                    “It’s… fine, it’s gonna be fine.”               The thunder roars again. Raikki flinched but didn’t screamed, mas lalo lang siyang bumaon sa balikat ko. He’s trying to endure his sreams. I reached for his hair. Natigilan ako. It was silky. Yung tipong mas soft pa ata sa buhok ko. Ang sarap-sarap haplusin. >.                    “What happened to Raikki?”                    “Stuck inside the Seldom—the necklace. Hanggang sa mahanap siya ng itay ni Stanley. But… some glitch went in the way. He fell dead without illness. Hindi kasi namin naisipang bawal nga palang hawakan ng mortal ang mga gano’ng bagay.”               Napakunot ako ng noo. “Hinawakan ng history teacher ko yun eh.”                    “Si Ed?” ngumiti siya at medyo natatawa. “Hindi mortal si Ed, Xanara. Truth be told… ninong mo yun at parte ng konseho ng Euenessia bago siya manatili sa pagiging archaelogist.”               Sinasabi ko na nga ba. Pinaglololoko ako ni Sir eeeeh. =____=               Pero balik tayo kay Raikki. Inaamin ko namang ayoko talaga sa kanya at hindi talaga ako natutuwa sa presensya niya. NOON. Dahil ngayon parang ramdam ko ang mga pinagdaanan niya. Dahil lang sa simpleng rason. Dahil lang sa nagmahal siya. Ngayon ko lang naisip. Ang swerte ko kasi pwede akong makaramdam ng pagmamahal ng malaya. Si Raikki hindi.                    “Tatawagin ko lang po si Raikki.”               Tumango si Nelissa. I went upstairs. Pagdating ko sa kwarto, tulog pa rin siya. Lumapit ako at naupo sa tabi ng kama.                    “Raikki. Uy gising na. Kakain na. Raikki.”               Slowly, he opened his eyes. Matagal siyang tumitig sa akin. Yung titig na alam niyang nando’n ako pero parang hindi naman kagulat-gulat. Ngumiti ako. “Hindi rin ako makakauwi. Baka dito ako magpalipas ng gabi.”                    “Mm.”               Bumangon siya. Ang sexy niya pala kapag naka-polo ng black tsaka denim jeans sa bottom. :D               Nung isang araw, akala ko ang sama-sama niyang tao to ever do that to Zero and me. Ngayon naiintindihan ko na kung anong gusto niya. Now… I fully understand what Raikki wants.               To be needed and to be loved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD