Beg and Bargain

2071 Words
**17 – Beg and Bargain**                        “Black or white?”                    “Black.”               Iniabot ko sa saleslady ang cell phone na black. Naghintay ako while she wraps it up. Naglabas ako ng credit card pambayad. Just then I felt Ryou tugging the hem of my shirt.                    “Para ba kanino ‘yang mga binili mo, Ate? Ten thirty na oh.”               Nginitian ko yung saleslady nang ibigay niya ang phone na naka-pack. Kinuha ko ‘yon at inilagay sa isa kong kamay na puro mga shopping bags ang magkakasama.                     “For Zero. He needs some things and shirts para pampalit. Sa teacher ko lang kasi hinihingi yung spare clothes na sinusuot niya sa ngayon. So I needed to buy stuffs.”                     “Ngeh. Eh bakit siya? Wala ba siyang pera?”               Inilabas ko siya ng cell phone store. May bench malapit sa stall ng Mr. Softy kaya ibinili ko muna si Ryou nu’n bago ko siya hinila papaupo doon sa bench at nagpahinga saglit. Maya-maya lang papasok na kami ng Saint Claire. Nag-ditch na kasi ako ng ilang subjects.                    “Secret lang natin. H’wag mong sasabihin kina Kuya.”               Tumango siya pero hindi nagsalita.                    “Vampire si Zero.”               Pinalaki niya yung mga malalaki niyang mata na kulay green. Ang cute naman. :D                     “G-Gaya nung new family ni Daddy? Vampire rin siya?”               Tumango ako. “Yes, gaya nila vampire siya. Pero iba sila, iba rin si Zero. Mabait siya. Hindi niya tayo sasaktan okay?”               Umiling-iling si Ryou na hint na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. “Ate, baka saktan ka rin niya. Sigurado ako, hindi siya mabuting tao. Baka… baka saktan ka niya. Baka—”                    “Okay lang ako, Ryou. Hindi niya ako sasaktan. Okay lang ako.”                    “Pero, Ate… nag-aalala ako.”               Nginitian ko si Ryou. “Tara na nga lang. H’wag mong sasabihin kina Kuya ah? Lika na, late na tayo.”               Naglakad kami papuntang parking area at sumakay sa kotse ko then off we are to school.               Suggestion ko ang ilipat si Ryou ng school to my supervision. Nag-aalala kasi ako na baka sakaling sumugod ang mga X-iles at nasa ibang school siya, walang makakapagtanggol sa kanya. Kaya siguro ng konti dahil naipasok siya sa martial arts school pero hindi pa rin sapat ‘yon. I need him to be at Saint Claire para mapanatag ako.                    “Ryou, bakit pala wala kayong kapangyarihan?” natanong ko nung nasa registrar’s office kami ng Saint Claire.                    “Sabi kasi ni Mama, isa lang daw sa mga magkakapatid ang makakapagmana ng kapangyarihan niya dahil half breed tayo.”                    “Half breed? Aso lang?” =___=                    “Ate, ba’t slow ka? -___- Half breed kasi half aso este tao tas half engkanto este diwata.”                    “Pinabantot mo lahi natin.” -___-               Pagkakuha niya ng schedule niya, diretso lakad kami sa hallway. At the same time hinahanap ko na rin si Zero para ibigay ang cell phone nang magamit na niya. Second year highschool na si Ryou. May highschool sa Saint Claire, du’n sa junior’s division. Kaya magkahiwalay ng building but nevertheless nakakarating rin sa akin ang mga reports mula doon.                    “Ate…”               Tumingin ako kay Ryou. Huminto na pala siya sa paglalakad. Binalikan ko siya kung saan siya tumigil. Kunot-noo kong binalingan ang tinitignan ni Ryou. Napamulagat ako nang makita kong magkaharap sina Raikki at Zero sa may garden. Nasa corridor kami na katapat ng terrace ng Pentagon kaya kitang-kita namin ang nangyayari.                    “Anong pinag-uusapan nila?”                    “Ssshhh.”               Pinanood ko kung anong ginagawa ng dalawang ‘yon. Paano nakapasok si Raikki dito? Adik ba siya? Paano kung may nakakita sa kanya? Okay nga yung suot eh yung buhok naman ubod ng weird.                    “Anong gusto mong gawin ko?”                    “Alam mo kung anong hinihiling ko.”               Napakunot ako ng noo. Anong pinag-uusapan nila?                    “Hindi gano’n kadali ‘yon, Schneider. Alam mo kung gaano katigas ang ulo ng babaeng ‘yon. Isa pa… akala mo ba gagawin ko ‘yon ng basta-basta? Magpapakahirap ako ng walang makukuha? Hindi ako gano’n.”                    “Anong gusto mo? Ibibigay ko kahit ano. Iligtas mo lang si Xanara.”               Ramdam ko ang pagbaling ng tingin ni Ryou sa akin. Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit sila nag-uusap at kung paano ako na-involve. Bakit ako kailangang iligtas ni Raikki?                    “Kahit ano?”               Kumuyom ang mga palad ni Zero. “Kahit ano.”               Gago ba siya? Ano bang ginagawa niya? Halata namang ayaw niya’t napipilitan lang siya pero bakit ginagawa pa rin niya?                    “Luhod.”               That’s the time to where I flinched. Knowing Zero, masyadong mataas ang pride niya para gawin ‘yan. Hindi siya luluhod sa isang kagaya ni Raikki. Mamamatay muna siya bago niya gawin ‘yon dahil hinding-hindi niya makakayang ibaba ang pride niya para sa kapakanan ng ibang tao.               Iyon ang akala ko.               When he knelt down without any objections nor second thoughts, I thought I was wrong thinking of Zero that way. Hindi siya gano’n, kaya niyang lumuhod sa harapan ng kung sinuman para mailigtas ang buhay ng taong pinahahalagahan niya.               Now where did that thought came from?                    “Now beg me.”                    “This is too much.” I whispered in gritted teeth.                    “Ate Xana, kawawa naman si Zero.”               Anong pwede kong gawin? Dapat pa ba akong makialam? This is Zero’s thing should I barge in?                    “Where’s your plead, Schneider? Tutulong akong makontrol ni Althea ang sarili niyang stellar but you have to plead me until I’m satisfied. Now do it, Zero. Or I’ll let Althea that way.”                    “Kung may ibang paraan hindi ko gagawin ‘to. You’re too much.”                    “What you’re wishing for me to do is also too much.”               Galit na galit na si Zero pero pinipigilan niya. Pati ako nagagalit na rin sa kayabangan netong si Raikki. Ni hindi ko malaman kung bakit at para saan ang hinihiling ni Zero.                    “Please… just help her.”                    “I’m not buying it. More.”                    “Sa lahat ng tao, Raikki, ikaw ang mas nakakaalam kung gaano ko kamahal si Xanara, kung gaano ko siya pinahahalagaan at pinangangalagaan. But I just have to… to—”                    “…To admit that you’re not enough for her to live long and there will come a time na kakailanganin mo rin ng tulong ko whether you like it or not. Is this how you love her? Ganito kasimple? Dahil hindi ko makita ang tindi ng pagmamahal mo sa kanya sa ganyang paraan.”                    “Pakiusap… nakikiusap ako… iligtas mo siya. Tulungan mo siya, Raikki. Kahit na anong gusto mong gawin ko, gagawin ko basta ipangako mo lang na tutulungan mo siya.”               Zero… nasisiraan ka na ba ng bait?                    “Everything? Are you sure, Zero?”                    “Everything.”                    “A deal then. Get out of her life.”               Natigagal ako sa narinig ko. Why? Pinaaalis niya sa buhay ko si Zero. Nakakagago na ‘to. Ano bang gusto niyang palabasin?                    “It’s just another way to kill me with pain, Raikki. I’m not gonna do it.”                    “Akala ko ba kahit na ano? Sa paraang ‘yon, at least hindi siya mamamatay. Hindi mangyayari sa kanya ang nangyari dati. Hindi siya mawawala sa’yo though… ikaw ang mawawala sa kanya. Hindi ba mas maganda ang gano’n?”               s**t, this is enough. I can’t tolerate this anymore.                    “T-Teka, Ate! Oy!”               Tinalon ko na kung anumang dapat na talunin para lang marating ang kinatatayuan nila. Agad kong dinaluhan si Zero na nakaluhod. They were both surprised with my presence.                    “Ano bang ginagawa mo? Umayos ka nga.”                    “Xanara… what… what are you doing here? Umalis ka, hindi ka dapat nandito. Xanara naman!”                    “Nababaliw ka na ba! Bakit ka—”               Hindi na ako nakapagpatuloy nang bigla niya akong yakapin at hawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. He’s trembling, he’s scared, he’s angry. Tiningala ko si Raikki habang yakap ko si Zero. He’s looking down at us na para bang naiinis at nabo-bored.                    “Ano bang problema mo!”                    “Hindi ako ang may problema, Althea. Ikaw, siya, kayo.”               Magsasalita palang sana ako nang sumingit si Zero. “Raikki, utang na loob hilingin mo na lahat h’wag lang ‘yun.”                    “Mas uunahin mo pa ba ang sarili mo kaysa sa kapakanan niya?”                    “HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN!” napatingin ako kay Zero nang sumigaw siya. Bakas sa mukha niya ang frustration while he grips me tighter and closer to him. “Hindi mo’ko kayang intindihin, Raikki. Iisa lang naman ang hinihiling ko. Iligtas mo si Xanara. Nagmamakaawa ako sa’yo. Hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo. Hindi ko siya kayang layuan.”               Raikki’s hands clenched in a fist. I felt my skin’s getting a little wet to where Zero’s face is buried. He’s crying. Evidently. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng pagka-despise against Raikki. Was it the fact na siya ang may kagagawan kung bakit nagkakaganito sa harapan ko si Zero? Was it that fact?                    “Tumigil ka na! Itigil n’yo na ‘to!”               Ramdam ko ang higpit ng paghawak ni Zero sa kamay ko that I’m surprised na hindi ako nasasaktan.                    “Raikki, I will do anything you say. I can stay out if you want, just let me protect her in shadows. I’ll stay out, please don’t—”                    “Zero will stay, iyo ang atensyon ko kung pagbibigyan mo ang anumang hinihiling niya ngayon.” hindi ko alam kung saang parte ng utak ko nanggaling ang mga ‘yon. All I felt that time was the urge to stop Zero from crying desperately. Na kahit pati ako maging desperado na, tumigil lang siya.               Kind ‘a weird. Yet it moved me.                    “A bargain?”                    “I’m not gonna say more, take it or leave it.”               I intently look at his eyes. It was fighting. Naiinis ako dahil kaya niyang labanan ang tingin ko. Yun bang pakiramdam na dapat hindi niya nilalabanan pero ginagawa niya?                    “You have to be with me whenever I demand it. Kahit ano pang ginagawa mo sa mga oras na ‘yon, bibitawan mo yun at pupuntahan ako. You will pick me instead of Zero kung sakaling magkasabay man. Nagkakaliwanagan?”                    “Get out, it’s a deal.” Ayoko man dahil hindi ko siya feel makasama, wala akong magagawa. Kailangan ko siyang palayasin dito. At kailangan kong pakalmahin si Zero.               Umalis si Raikki ng walang lingon. “Ate! Nakalimutan mo!”               Sabay kaming tumayo ni Zero. Pinunasan ko ang luha niya then kissed him on the forehead. Kinuha ko kay Ryou ang paper bag na cell phone ang laman. Nabitawan ko kasi kanina nang takbuhin ko sila. Iniabot ko ‘yon kay Zero. “Cell phone para ma-kontak mo’ko ng mas madali.”               Tumango lang siya at di nagsalita. Tumango lang rin ako at ready to go na sana nang hilahin niya ako pabalik.                    “Xanara… ayoko rin nito. Ayoko ng ganito. Pero sana, ipangako mo sa akin na susunod ka sa tukmol na ‘yon. Sundin mo lahat ng ipagagawa niya sa’yo.”                    “Weh? Lahat? Kahit gahasain ako? Kahit paghubarin niya ako sa harapan niya?” o.O                    “Trust me, he’ll never do such a thing.” Ngumiti siya pero malungkot na ngiti then he turned to Ryou. “Hoy. Brother in law ang itawag mo sa’kin.”                    “Weh baket? =___= Kasal na kayo ni Ate?”                    “Ikakasal pa lang kaya sinasanay na kita. -__- Alagaan mo ‘tong kapatid mo kapag wala ako sa tabi-tabi. Naiintindihan mo? Bubugbugin kita kapag may nangyaring masama kay Xanara. Nagkakaintindihan tayo?” -___-                    “Kotse muna.” :P               Ay nako. =___=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD