Training

1972 Words
**20 – Training**                        “Zer— AY PALAKA!” >0 Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi niya. He loves living because of me? He loves living because of me who hates living. Now that’s just wrong. I hate who I am, I hate everything about me while Zero… he loves everything that he can see in me.                    “Zero… thank you.”                    “I love you.”               He began to lean forward and claimed my lips. I smiled inside his kiss. I felt the urge to respond and kiss him back. Humiwalay siyang saglit at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya then he kissed my palm. He went back to kiss me again. I responded equally to the sensation he’s giving me.               And then I was frozen.               A picture of a girl alternating in Zero’s memories na nasasagap ko through his kisses. Nakatulala ang babae, pinagmamasdan ni Zero. Hindi nagsasalita ni hindi kumukurap. What is this girl doing inside Zero’s memories? She’s a bit blurry kaya hindi ko gaanong makilala but I know she’s pretty.               Napamulat ako nang makita kong may pumatay sa kanya and the girl that killed her was me. Zero seemed to not mind and he kept kissing my lips. Hindi ba niya alam? Hindi ba niya alam na nakikita ko? O sinasadya niya?               ♪*ten tenen ten tenenen ten*♪               Laking pasalamat ko sa cell phone at kusang kumalas si Zero sa’kin nang marinig niya iyon. Nginitian ko siya na para bang walang nangyari. He smiled too and hugged me but careful so as not to put his weight on me. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ng jeans ko at tinignan kung sinong tumatawag.                    “Randall is calling.”                    “Answer it.”               Pinindot ko ang answer button at inilagay ang cell phone sa kanang tenga ko. Si Zero naman steady lang sa may leeg ko. Pinakikinggan rin siguro niya ang mapag-uusapan namin ni Randall.                    “Oy.” Di uso sa akin ang hi-hello, h’wag n’yo nang asahan.                    “Punta ka ng Euenessia, pinapatawag ka ni Raikki. Pahiram rin pala si Zero, na-track na ni Kira ang isa sa hideout ng mga X-iles. Baka kailanganin namin ng tulong niya.”                    “Nagiging playground ata ang Euenessia?” -___-                    “Ayaw pa?”                    “Di ako marunong ng transportation.” = o =               Nakangiting tumayo si Zero mula sa pagkakayakap sa akin na mukhang nang-aasar. He gave me a peck on the lips sabay ginulo ang buhok ko na parang bata at nagtungo na sa closet niya. Tss. Ang adik talaga netong bampirang ‘to.                    “Madali lang yun.” Randall spoke again. “Imagine the place, imagine you’re standing in there, then count to five seconds you’re there. Trust me, it works. Papuntahin mo na lang si Zero sa Jelo’s.”               Nakabusangot na pinatay ko ang tawag. Tumayo ako mula sa kama at lumapit kay Zero. “Alis na’ko. Kain ka muna bago umalis ah?”                    “Aalis ka?” nakataas ang isa niyang kilay na nang-aasar at naupo siya sa tabi ng kama sabay dekwatrong magaling. “Pa’no ka aalis?”                    “Pa’no mo nalamang poor ang imagination ko?” -___-                    “Hindi naman na kataka-taka. Kaya ka nga cynic at skeptic kasi nga wala ka namang imagination.” Then he smirked.               Oh great! De ako na ang mahina ang imagination! Need to say more? Kainis naman eh. “Paano nga ako pupunta du’n? Kapag hindi ko nagawa ‘to ng tama baka magpahatid ako kay Randall!” :’(                    “Close your eyes.”                    “Huh?”                    “I’ll help you, close your eyes.”               Sabihin nang uto-uto ako. Pumikit pa rin ako. “Imagine the flowers, the sunny and bright setting at Abrasia, imagine you’re standing in there.”               Yung araw na namitas ako ng bulaklak tapos nakakilala ako ng kabayo este si Raikki. Yung tree na parang cherry blossoms. “Count to five, Xanara. You’ll be there.”               I’m standing there under the tree. 1… 2… 3… 4… 5…                    “Wow. I didn’t really expect you’ll come here alone. You managed to imagine a place? That’s new.”               -___-++               Pagdilat ko, may naka-dekwatro pa ring tao sa harapan ko. Pero this time si Raikki na. Really, may similarity talaga silang dalawa ni Zero. The wine, the seating postures, the arrogance. Mga hanimal lang nilang mukha ang magkaiba but nonetheless malapit na.                    “H’wag ka ngang mang-asar. Ano na naman ba?”                    “Natulog ka ba kagabi?”                    “Nope. Zero won’t let me.”                    “Thought so. He really knows what to do at some point, don’t he? Start picking up those rocks. From smallest to the biggest.”               Napatingin ako sa mga inginuso niya. Nanlaki ang mata ko. How did he manage to line those rocks? Ang laki-laki ng huli parang human size ng isang six years old na bata! “Nahihibang ka na ba?” O__O                    “Ever touched a sword, Althea?”                    “Ni hindi nga ako marunong gumamit nu’n. Tsako pwede pa.” -___-                     “Exactly. Now kung ayaw mong pahawakan kita ng mabigat na sandata ng hindi nate-train ng maayos, simulan mo na ang pagbubuhat. Ilipat mo sa kabilang puno pabalik dito. Mula maliit sa pinakamalaki. Move.”                    “Seryoso ‘to?” O___O                    “Mukha ba akong nakikipagbiruan?” =___=                    “Ba’t di mo sinabi kaagad? De sana nakapaghanda ako!” O___O               Nag-smirk lang siya. Right there, I felt na parang gusto ko siyang ipalamon sa lupa. Nakakapika siya. -___-++               Para akong uto-uto na sumunod sa kanya at pinagbububuhat ang mga bato na nakahilera do’n. Nililipat ko sa kabilang puno. Tuwing susulyap ako sa kanya, lagi ko na lang nakikitang umiinom lang siya nung kung anumang inumin ang nakahanda doon sa mesa. Napaka-unfair naman eh! Ang sarap-sarap ng buhay niya samantalang ako nagbubuhat ng bato!               Nakapamewang ako habang tinitignan ang malaking bato na parang pang-human size lang. Iniisip ko kung paanong buhat ang gagawin ko dito. Takte baka malaglag ang matres ko sa bigat neto ah.               Pagulungin ko na lang kaya? @0@               Itinulak ko ang bato. Kahit mabigat nakakaalis naman siya sa pwesto eh. Okay na tactic na rin siguro ‘to. Tsaka isa pa, hindi naman ata niya pinagtutuunan ng pansin eh. =___=                    “HOLY!”               Agad akong umiwas pagkarinig ko ng swishing sound na ‘yon. Next thing I knew, may nakabaon nang espada sa malaking bato na pinagugulong ko. Tinignan ko si Raikki. May hawak pa siyang espada at parang amused na amused sa ginawa niyang paghagis ng espada sa akin.                    “May balak ka bang patayin ako? Tangna kung papatayin mo rin lang naman ako uunahan na kita! Ikaw pa papatay sa’kin!”               Hindi siya nagsalita pero lalong nanlaki ang mga mata ko nang muli niyang ibato ang espada sa akin. Buti na lang nasalo ko yung handle nang makaiwas ako do’n sa talim.                    “ANO BA RAIKKI! PAPATAYIN MO BA AKO?”               Kinuha niya ang espada na nakalagay sa may mesa. Hinugot niya ito mula sa case at saka siya tumakbo palapit sa kinaroroonan ko para sugurin ako. “Aw! Syet ano ba!”               Isinangga ko ang hawak kong espada sa espada na patatamain niya sana sa akin. His eyes were lethal that it made me nervous. May balak nga ata siyang patayin ako. O___O"                    “Waaaaaaaaaaah!” muntik akong tamaan pagkahampas niya buti sa bato tumama. Napasandig ako doon. “Raikki, ano bang problema mo? Sinapian ka ba?”                    “Is that how you fight when your life is at risk? What if I was to really kill you? Would you react  like that? Would you fight like that? HUH!”               Kinuha ko ang isa pang espadang nakabaon sa bato para isangga sa espada ni Raikki. Dalawang espada na ang hawak ko. Buong lakas ko siyang itinulak para magamit ko ang space sa pag-bwelo. When there’s space, ako ang sumugod sa kanya holding the two swords tightly. Whatever it is that he’s trying to do, hindi ko hahayaang manganib ang buhay ko.               He schemed away with spinning. Alam niyang gagamitin ko ang mata ko para idispatya siya kaya naglilikot siya so as not to focus my sight on him. Quite clever eh?               Tinignan ko ang espadang hawak ko. Ngayon ko lang na-realize na baliktad pala ang talim nito. I slashed it in the air in an ‘X’ way. My eyes widened in amusement as Raikki rolled fastly away from the sharp s***h that I made na umabot hanggang sa kinaroroonan niya. It was sharp enough para madaplisan ang balikat niya.               Wow. Hanep na espada.               Taking my advantage, ginamit ko ang kabilang talim ng swords na hawak ko para isangga sa espada ni Raikki. I can see clearly kung paanong unti-unting nabibiyak ang espada niya as I pushed it further. Nangangalahati na ang lamat, konti na lang bibiyak na siya ng tuluyan.               Binigla ko siyang itulak and it finally cracked in half. I twisted my sword counter clockwise contradicting Raikki’s sword at napunta ang kamay niya sa ibaba. Sinipa ko ang tuhod niya kaya napaluhod siya saka ko itinutok sa leeg niya ang espada na walang talim. Baka mamatay na siya kapag yung may talim ang nakatutok sa kanya.                    “Akala ko ba hindi ka marunong gumamit ng espada?”               Natigilan ako. Oo nga noh. Hindi nga ako marunong pero… “What the hell happened?” O___O               He laughed. “It is just for show, Althea. I’m honestly trying to test you and your subconscious. See?”               Pinakawalan ko siya. Itinusok ko sa lupa ang dalawang swords saka ako naglabas ng handkerchief. Kinuha ko ang arm ni Raikki. Konting daplis lang kaya kasya na ang panyo para ipambalot dito. Baka lang magka-impeksyon, masisi pa’ko. Kargo pa ng konsensya ko.                    “What subconscious?”                    “The evil one.”                    “It worked on me?”                    “Oh pretty yes.”               Then… am I in control now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD