Warren Guevarra’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ “Ken, ilabas mo na 'yung babae. Maawa ka.” “Ulol, wala sa’kin. Ang dilim-dilim dito. Paano ko ‘yon makikita?” “Baka na kay Gino? Par, hindi tayo gano’n please lang.” “Ako na naman?” “Bakit ba ang dilim?” “Kasi hindi maliwanag.” Hay nako. Pinindot ko ‘yung switch sa tabi ng pinto. “Ang liwanag, nakakakita na ko!” Binatukan ni Jake si Alexander kaya gumanti ‘yung isa. Bahala nga sila riyan. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, malawak at parang isang malaking bahay, pwede na. “Par, huwag tayo pumayag.” “Oo nga, basta na lang tayo iniwan dito. Ni hindi binuksan ‘yung ilaw para sa’tin. Hindi pa nga tayo kinausap.” “Ang manyak niyo raw kasi.” “Kami ang naging manyak nang lumaon.” Wala na naman tigil mga bunganga nila, lagi naman. Simula bata k