kabanata 2

1673 Words
Alexander Cabrera’s PoV Inaantok na lakad-takbo ako na nagtungo sa mga bus na sasakyan namin patungo sa lugar na pupuntahan namin ngayon. Ngayon ginanap ang tour ng school namin na dapat ay noong nakaraang buwan pa, pero dahil sa bagyo ay hindi natuloy. Umakyat ako sa isang bus at nakitang puno na ang loob, hinanap ko ng tingin ang mga kulugo ngunit ni isa sa mga pagmumukha nila ay hindi ko masipat. Nasaan na ba ‘yung mga ‘yon? Lagi na lang ako naghahanap! “Hi, Lex!” bati sa’kin ng isang babae na nakaupo sa unahang bahagi ng bus. As usual sa buhay ni Alexander the great, kahit saan ay may cutiepie na babati. Ngumisi ako. “Hello.” Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako at bumaba ng bus dahil gusto ko nang mahanap sila Gian, tiningnan ko isa-isa ang mga bintana ng bus. Sa pangatlong bus ay nakita ko ang pagmumukha ni Warren na kay aga-aga ay lukot ang pagmumukha, nakasandal ang mukha niya sa bintana at nang makita ako ay lalong sumama ang itsura niya. Huh! Nagagalit siya dahil dumating na ang pinaka-macho sa magtotropa. Kahit hindi naririnig ay nabasa ko sa bibig niya ang sinabi niya sa katabi na si Gino. “Tang ina, nandyan na ‘yung isa.” Hindi pa ako tuluyang nakakasakay ay naririnig ko na agad ang hagalpak na tawa ni Kenji. Pusang-galang tawa ‘yan, napakatinis! Nakaupo at nakahilera silang lahat sa pinaka-dulo ng bus. “Baby!” bati sa’kin ni Jake at sinenyasan akong umupo sa tabi niya habang ngingisi-ngisi. “Dito ka sa tabi ko, cuddle tayo sa biyahe.” Napangiwi lang ako at hindi pinansin ang nakakakilabot niyang sinabi, nang madaanan ko siya ay tinapat ko sa pangit niyang mukha ang gitna kong daliri. Pero dahil wala nang ibang bakante ay sa tabi niya pa rin ako umupo. Nagpamewang siya at nagsalita, “Edi don’t.” “Umupo na kayo ng maayos! Aandar na ang bus!” Napatingin kaming lahat sa isa sa mga teacher sa school namin, si Mr. Francisco. “Sinong mabait diyan na papahiramin ako ng unan?” tanong ni Gian habang niyayakap ang sariling bag, mabuti na lang na kahit anim kami ay kasya kaming lahat sa likod. “Oh.” Binato sa kanya ni Kenji ang pillowneck na agad niya namang sinalo, ngumisi si Gian dahil doon. “Ang bait mo naman, par. Sana hindi ka mamatay," sabi niya bago inilagay sa leeg ang unan saka sumandal. “Pusang gala, amoy laway!” Pinakyu-han siya ni Kenji kaya’t napatawa siya. Tangina, sa totoo lang ay amoy laway naman talaga! Mabuti na lang ay hindi sila nanggulo sa buong biyahe, siguro dahil lahat kami ay inaantok. Tatlong oras yata ang lumipas bago kami nakarating sa isang lumang bahay. “Kaninong bahay ito, sir?” tanong ni Dorothea, ang chubby naming kaklase. Lumingon si Mr. Francisco habang binubuksan ang gate. “Itinayo ang bahay na ito tatlong daang taon na ang nakakaraan, ayon sa mga kuwento na nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon— isa ito sa pinakamagarbong bahay noong panahon.” Tumango-tango sina Gino pero ako ay nakikinig lang. Malaki naman talaga ang bahay pero anong maganda rito? Malinis din naman pero sigurado akong may mga namamahay na multo sa bahay na ‘to, hindi ko maiwasan na kalibutan. “Pasok, pasok.” Nilakihan ni Mr. Francisco ang awang ng gate. Napaatras ako pero sila Warren ay dire-diretso lang pumasok, sinipa-sipa pa ni Jake ang mga tuyong dahon na nadadaanan namin. “Bakit dito tayo nagpunta, sir? Pinupuntahan ba talaga ‘to ng mga tao? Bakit hindi na lang sa museum?” tanong ng isa pa sa mga estudyante na hindi ko kilala. Umiling si Mr. Francisco. “Hindi ba’t napuntahan niyo na ang mga iba’t-ibang museum noong elementary kayo? Sigurado ay nagsasawa na kayo roon, kaya isa ito sa mga destinasyon niyo. Dito ay tunay na mararamdaman niyo talaga ang panahon noon. Pakiramdaman niyo ang paligid, hindi ba’t para tayong nasa ibang panahon? Ang hampas ng hangin at tunog sa paligid, hindi ba’t kakaiba?” Kinilabutan na naman ako. Sh¡t naman, ano bang trip ng school na ‘to? Paano kung may namamahay talaga rito? Hindi ko talaga gusto ang mga ganitong bagay, may naramdaman nga talaga ako! Pakiramdam ko’y malapit na akong matae. Kinalabit ko si Jake na tahimik lamang habang nililibot lang ang tingin sa paligid, napalingon siya sa’kin dahil doon. “Ano, par? Nararamdaman mo na ba?” tanong ko. “Oo. Nararamdaman ko na, par.” Ngumisi siya. “Na parang may sapak si Sir.” Bumungisngis si Gian nang marinig ang sinabi ni Jake, ngunit ako ay hindi magawang matawa. Kinikilabutan talaga ako, nagsisisi akong sumama pa ako. “Ayos lang na magkanya-kanya na muna kayo, libutin niyo ang buong bahay. Siguraduhin niyo lang na hindi kayo makakasira at wala kayong kukunin!” Paalala ni Mr. Francisco nang makapasok na kami loob ng bahay. “Pero, ang pinaka-matindi kong paalala. Huwag na huwag kayong aakyat sa ikatlong palapag, hanggang sa second floor lang kayo.” Wala sa sariling nagtanguan kaming lahat. Bakit? Anong mayroon sa third floor? Kung ano man ‘yon, ayoko na lang alamin. “Akyat tayo sa taas,” sabi ni Warren nang iwan na kami ni Mr. Francisco. Nagmamadaling sumunod ako kila Gino, dire-diretso kasi ang mga sila sa itaas. Ayokong magpaiwan sa kanila, mahirap na. Ang iba naming kasama ay ang first floor muna ang inikot, habang nililibot ko ang paligid ay hindi ko maiwasang dumikit sa mga kasama ko. Lumingon sa’kin si Gian nang natatawa. “Ano? Lumalabas na naman kabaklaan mo?” Hindi na lang ako sumagot at pinakyuhan siya, sigurado ay aasarin na naman nila ako kapag nagsalita pa ako. Pumasok sila sa isang kwarto, si Gino at Ken ay nakita kong nasa kabila. Tahimik na lang ako tumayo sa ledgi habang sila Jake at iba ay panay ang halungkat ng kung anu-ano, ayokong makialam at humawak ng kung ano man sa loob ng bahay na ito. Sigurado kasi ako na patay na ang mga may-ari, mamaya ay dalawin pa ko ng mga ‘yon! “Ang angas nito,” sabi ni Gian habang tinuturo ‘yung grandfather clock sa isang sulok. Pinagmasdan ko naman iyon, maganda nga ngunit pero halatang hindi na gumagana dahil hindi na gumagalaw ‘yung pendulum. Hindi ko na iyon pinansin at dumapo ang mata sa mababang lamesa sa pinaka-gitna ng kwarto, may mga origami vases at kung anu-ano pa sa ibabaw. Pinigilan ko ang sarili kong hawakan ‘yung mga lumang barya na nandoon, pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakialam na rin. Kahit matagal na ay wala pa rin kalawang ang mga ito, dinampot ko ang isang malaking coin at pinagmasdan iyon. “Sh¡t!” Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang sumigaw ang hayop na si Jake, sabay-sabay kaming lahat na napalingon sa grandfather clock at nakitang gumagalaw na ang pendulum. Tang ina. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil sa takot, nakasalubong ko sina Ken at Gino na galing sa kabilang kwarto. “Bakit? Anong nakita niyo?" Nagtatakang tanong ni Gino. “Ayoko na rito, kinikilabutan na ko!” sabi ko. Kumunot ang noo ni Ken. “Ano na naman nakita mo?” “Gumalaw bigla ‘yung grandfather clock,” sagot ni Warren na kakalabas lang ng kwarto, kasunod sila Jake. “May otlum yata,” sambit ni Gian na natatawa. Nakakabadtrip. Halatang ako lang kasi ang natatakot sa aming anim, porket mga mukha silang otlum ay hindi na sila maniniwala sa gano’n? Napatigil kami sa pagsasalita lahat nang may narinig kami na kung anong tunog, nagkatinginan kaming anim at napalingon sa loob ng kwarto na pinanggalingan namin. Tumutunog naman ‘yung grandfather clock! “Ayoko na!” sigaw ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan, pero hinila ulit nila ako paakyat. “Gago, ayoko na nga! Lalabas na ko!” “Anong ayaw mo na? Aakyat pa tayo sa pinakataas,” sabi ni Gian kaya’t napalingon ako sa hagdan pataas sa ikatlong palapag. Nanlaki ang mata ko dahil doon. “Tangina naman, may kapansanan ba kayo sa utak? Sabi ni Mr. Francisco ay wala raw aakyat diyan!” “Sus, natatakot ka ro’n?” tanong ni Gino saka nila ako hinila paakyat. Sinubukan kong sumigaw at magsumbong kay Mr. Francisco ngunit tinakpan nila ang bibig ko at pinagtulungan akong hilahin sa taas. Natigil lang ako nang makitang normal naman ang itsura sa taas, ngunit maraming alikabok. Parang hindi talaga ito pinupuntahan ng mga tao kahit pa ng mga taga-linis. “Ano ba kasing gagawin natin dito?” Inis na tanong ko, hindi talaga siya mapakali. “Tara na kasi!” “Ikalma mo ‘yang pututoy mo,” sabi ni Warren na hinahawi lang ng kamay niya ang mga agiw. “Bahala nga kayo.” Bumaba na lang ako ng hagdan mag-isa kahit pa natatakot ang mag-isa, hihintayin ko na lang sila sa baba. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay napansin ko na agad na parang may kakaiba, nawala ang ingay ng iba naming kasamang estudyante. Mabilis kong nilibot-libot ang tingin sa paligid at nakitang maayos na ang mga gamit at parang mga bago! Lakas ang loob na sinilip ko ang isang kwarto at agad na nanlaki ang mata nang makitang pati ang mga gamit doon ay maayos na rin, aakyat na sana ako ulit pero pababa na pala ang mga hayop. Hindi ko na yata kailangan pa na magsalita dahil nakita ko na sa mukha nila ang pagtataka. “Pusang gala, naiwan yata tayo!” sabi ni Jake bago sila nagmamadaling bumaba lahat. Dahil sa kaba ay nagmamadali akong humabol sa kanila. Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga maganda ang kutob ko sa bahay na ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD