Chapter 7
Chantal’s Pov
MASAMA KONG tinignan ang lalaking katabi kong kumain. Ang kapal talaga ng mukha ng gagong ‘to para kumain dito sa bahay namin. Ito namang papa ko ay tuwang tuwa na nandito sa bahay namin ang mongoloid na lalaki. Maging si mama ay aliw na aliw sa bwisit na lalaking ‘to. Kung alam lang nila ang kabastusan ng bibig nito. Baka ipagtabuyan pa nila.
“Dapat palagi kang pumunta sa bahay namin, sir Honey.” Sabi pa ng papa ko kaya napa angat ako ng tingin.
“Bakit.. wala po ba siyang bahay para dito siya pumunta?” Sabat ko sa usapan nila kaya agad akong binatukan ni papa gamit ang sandok na para sa kanin. “Ang sakit naman no’n, pa!” Reklamo ko habang sapo ang ulo ko na binatukan ng ama ko.
“Bakit mo ba inaaway si sir Honey? Ang bait-bait na bata eh. Dapat lang na dito siya pumunta sa bahay natin dahil wala na pala daw siyang pamilya.” Saad ng ama ko na kinakaawaan ang baliw na lalaki.
“Eh ‘di dapat pinatuloy na din natin sa bahay natin ang mga batang hamog, pa. Mas maganda pang tulungan yun kaysa sa isang ‘to.” Mataray kong sabi sabay irap sa lalaking nasa tabi ko.
“Iba naman ang sinasabi mo,” sabi ni papa saka tumingin sa lalaki. “Pagpasensyahan mo na ang anak namin, sir Honey. Mabait naman talaga yan. May pinagdadaanan lang po siya.” Sabi ni papa kaya napayuko ako.
“Oo nga, sir Honey. Mabait naman ‘tong anak namin. Siguro wala lang siya sa mood.” Sabat naman ni mama na kanina pa tuwang-tuwa sa abnormal na lalaki.
Tumawa si papa kahit wala namang nakakatawa. “Matanong ko lang po, sir Honey, kung ayos lang naman po..” sabi ni papa.
“Ayos lang po, tay!” Sagot ng lalaki sa magalang na boses. Agad ko siyang nilingon at masama ko siyang tinignan. “Tumigil ka nga.. kailan mo pa naging tatay ang papa ko?” Masungit kong tanong sa binata.
“Pag galang yun, langga.” Sagot niya at tinawag na naman akong langga. Mongoloid talaga ang lalaking ‘to. Kung maka langga naman sa ‘kin. Akala mo boyfriend. Kadiri siya! Hindi ako papatol sa isang katulad niyang manyak. Mas okay na maging single na baboy.
“Oo nga naman. May mga tumatawag din naman sa ‘kin na papa. Wag ka ngang sumabat sa usapan, Chantal. Hindi ka kinakausap eh,” saway ng papa ko kaya napabuga ako ng hangin.
“Ano nga po pala tanong mo sa ‘kin, tay?” Tanong ng lalaki. Ayaw kong banggitin ang pangalan niya dahil baka kiligin ang gago. Bakit naman kasi Honey ang pangalan niya. Kalalaki niyang tao Honey ang pangalan. Dapat manyakis pangalan niya. Mas bagay yun sa kanya.
Siguro ang dami ng babaeng dumaan sa lalaking ‘to dahil kung makagalaw ay napakabilis ng kamay. Napaka impossible naman na wala siyang karelasyon kahit isa man lang. Inaamin ko, mas gwapo ang lalaking ‘to kaysa kay Rafael o kahit sino pang lalaki na itatabi sa kanya. Matangos ang ilong ay napaka perpekto ng jawline niya. Ang katawan niya ay halatang batak na batak sa gym. Nakikita ko pa ang mga ugat sa braso niya lalo na’t maputi ang binata.
Yun nga lang, wag lang siya magsasalita dahil masyado siyang manyak. Ang sarap suntukin ng nguso niya sa totoo lang. Yung suntok na inabot niya sa ‘kin ay kulang pa sa mga pinagsasabi at ang paghawak niya sa ano ko. Napaka bastos!
Dapat sa kanya ay pinuputulan siya ng kamay dahil malikot.
“May girlfriend ka na ba, sir Honey?” Tanong ni papa sa binata.
Hindi ako interesado makinig sa sagot niya. Pakialam ko naman sa lovelife ng animal na ‘to.
“Wala po, tay. Wala po akong naging girlfriend kahit isa.” Sagot ng lalaki kaya nanlaki ang mata ni papa at mama. Ako naman ay nalukot ang mukha. Sino naman kasi ang maniniwala na single siya at walang babaeng dumaan sa buhay niya. Napaka sinungaling!
“Talaga? Bakit naman? Sayang naman ang lahi mo kung wala kang naging girlfriend. Hindi ako makapaniwala na wala kang naging relasyon.” Sabi ni papa na katulad ko ay hindi naniniwala.
“May trabaho po kasi ako dati. Busy po ako at walang oras maghanap. Kaya naging single po ako ng matagal. Pero ngayon po gusto ko ng magkaroon ng girlfriend.” Wika ng lalaki sa masiglang boses.
“Ay dapat lang na maghanap ka ng babaeng mamahalin mo, sir Honey. Eh ano ba ang gusto mo sa isang babae. Malay mo may maialok ako sayong dalaga.” Saad ni papa kaya napabuntong hininga ko. Akala mo talaga may kilalang mga dalaga dito sa’min.
“Simple lang naman po, tay. Yung mabait, matalino, maganda, malalaki ang hita, malalaki ang braso na akala mo’y taga buhat ng bigas sa palengke. Maputi, mahaba ang buhok at may cute na mukha. At ang pinakahuli ay matabang babae.” Sabi ng lalaki kaya muntik akong mabilaukan sa sarili kong laway. “Hindi ko po sinasabi na ang anak niyo po ‘to ha! Pero parang siya na din po ang tinutukoy ko.” Dagdag pa niyang sabi kaya nilingon ko ang binata at pinukol ng masamang tingin.
“Gusto mong sakalin kita hanggang sa maging ka kulay ka ni Barney?” Galit kong sabi kaya natawa siya ng mahina. Sinaway naman ako ni mama.
“Aba’y kung gusto mo sayo na ang anak ko. Araw-araw mo nalang ako bigyan ng cake. Payag naman ako eh,” sabi ni papa kaya tinignan ko siya.
“Papa naman eh.. ipagpapalit mo ako sa araw-araw na cake? Sige ka, diabetes ang aabutin mo.” Nakanguso ko pang sabi.
Pero si papa ay wala yatang pakialam
sa ‘kin. Talagang pinagtutulakan niya ako sa mongoloid na lalaki. Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi naman nakikinig sila sa ‘kin.
Natapos na ang pag uusap nila kaya nagpaalam na ang mongoloid na lalaki na aalis na siya. Napaka galang niya sa mama at papa ko pero pagdating sa ‘kin ay napaka bastos.
“Chantal! Ihatid mo nga si sir Honey sa sasakyan niya.” Sigaw pa ni papa sa ‘kin.
“Bakit ko naman siya ihahatid, pa? Kaya na niya yan. Marunong siya pumasok sa bahay, dapat marunong din siyang lumabas.” Sagot ko pa habang nakanguso.
Ngunit nakita ko nalang ang lumilipad na sandok papunta sa ‘kin. Hindi ko nailagan dahil sa bigat ng katawan ko. Langya talaga, nabato na naman ako ng sandok dahil sa mongoloid na lalaking ‘to.
“Dami mo pang sinasabi kasi. Magbihis ka na din dahil may ipapakuha ako sayo sa kumpare ko. Ikaw nalang kumuha.” Sabi ni papa kaya inis akong nagkamot sa likod ng ulo ko. Alam naman ni papa na wala ako sa mood lumabas ng bahay eh. Ako pa talaga ang uutusan.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay papa. Pumasok na muna ako sa kwarto ko at dali-dali na nagbihis. Nag dress lang ako dahil tinamad na ako magsuot ng short at tshirt.
Nang makapagbihis ako ay lumabas ako ng kwarto at nakita ang mongoloid na lalaki na hinihintay ako sa sala. Ngumiti pa siya sa ‘kin pero inirapan ko lang siya.
“Halika na!” Masungit kong sabi saka ko siya nilagpasan. Nauna akong lumabas sa kanya sa bahay. Akala ko ay hindi siya sumunod sa ‘kin dahil wala akong naririnig na yapak. Kaya lakas loob ko siyang nilingon at nakita ko siyang nakasunod sa ‘kin at ang mata niya at nakatingin sa pang upo ko.
“Manyak!” Singhal ko sa kanya.
“Hindi ah.. tumitig lang sa pwet, manyak na. Hindi ba pwedeng tinitignan ko lang kung may suot kang cycling.” Palusot pa ng gago.
“Ano namang connect no’n?” Kunot noo kong tanong.
“Para malaro ko ang pvke mong matambok. Hindi pa kasi ako nakakahawak ng labi ng pvke eh. Baka pwedeng pahawak ng pvke mo.” Sabi niya na para bang nanghihingi lang ng candy.
Nanlaki ang mata ko at akmang susuntukin ko na sana siya ng maalala ko na nasalo nga pala niya ang kamao ko kanina. Baka masapo lang niya ang pvke ko na naman.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at baka masapak ko na naman siya. Tumalikod nalang talaga ako at naglakad na lamang. Hindi ko na pinansin ang bwisit na lalaki kahit pa nga nararamdaman kong ang mga mata niya ay nakatitig sa pang upo ko.
“Damn. Kailan ko kaya mapapalo yan habang bumabayo.” Dinig kong sabi niya kaya huminto ako sa paglalakad at nilingon ang animal.
“Pwede ba.. wag mo akong bastusin! Alam mo.. deserve mong maging single. Walang babaeng magkakagusto sayo dahil napaka manyak mo. Walang magkakamali lalo na ako. Kahit mataba ako ay mas gugustuhin ko pang maging single kaysa sa patulan kang animal ka.” Galit kong sabi sa binata at pinakita ko talaga na hindi ako natutuwa sa kanya.
Napansin kong nalungkot siya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialam dahil tapos na ako sa drama niya kanina sabay hawak sa ano ko. Hinding-hindi na ako magpapadala sa trip niya.
Tumalikod na ako at agad na naglakad palabas ng gate namin. Nakita ko pa ang mga tambay na naman na nag iinuman. Wala na talagang magawa sa buhay nila kundi ang mag inuman.
“Hi, baboy!” Bati pa ng isang lalaki na puro tattoo ang katawan. Ganyan talaga sila sa ‘kin. Palagi na lang nila akong pinapahiya.
Sinasadya pa talaga nila na lakasan ang boses nila sabay tawa.
Hahakbang na sana ako at hindi nalang sila papansinin. Ngunit hindi ko nagawa ng makita ko si mongoloid na naglakad papunta do’n sa lalaking tumawag sa ‘kin na taba. Hindi ko lubos inakala na nabalian niya ng daliri ang lalaking bumati sa ‘kin.
“Bawiin mo ang tinawag mo sa kanya. Hindi siya baboy!” Saad pa ni Honey habang pinipilipit ang daliri ng lalaki.
“Aray! Aray!” Daing ng lasinggero. May aawat pa sana na mga lalaki ngunit walang kahirap hirap na sinipa lang yun ni Honey kaya hindi sila naka porma. Nagulat ako sa pinapakita niya. Para bang sanay siya sa basag ulo.
“Mag sorry ka kay Chantal!” Sigaw ni Honey saka niya hinila ang lalaki papunta sa ‘kin saka niya tinulak at binitawan ang kamay ng lalaki.
“S-Sorry na, Chantal.. hindi na kita tatawaging baboy..” sabi pa ng lalaki at agad na tumakbo palayo sa’min ni Honey.
Nabigla ako sa nangyari kaya hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha ni Honey dahil hindi ko inaasahan na ganun lang kadali niyang sinipa ang tatlong lalaki.
“Dapat hindi baboy ang tawag sayo eh, dapat biik lang.” Sabi ni Honey saka ngumisi sa ‘kin kaya inirapan ko ang gago saka ako naglakad na naman.
Kailangan kong unahan siya maglakad lalo na’t hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangito dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa ‘kin kahit pa nga inaasar niya akong biik. Ngayon lang ako nakasubok na may nagtanggol sa 'kin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi matuwa. Iba pala ang pakiramdam kapag may nagtatanggol na lalaki kahit pa nga nakakaasar siya.
Alam kong nakasunod sa 'kin ang lalaki ngunit hindi ko na siya nilingon pa at baka mawala na naman ang tuwa ko sa kanya at mapalitan ng inis kapag nagsalita na naman siya ng kabastusan. Ang sarap pa naman niyang sakalin dahil napaka bastos ng kanyang bibig. Puro kain pvke ang sinasabi sa 'kin. Ang sakit sa tenga kapag naririnig ko. Nakakatayo ng balahibo.
Author's Note: Sobrang busy ng lola niyo kaya ngayon lang nakapag update. Sa mga bagong nagbabasa ng story ni Honey at Chantal pa add po sa library ninyo para mag notif po ang bawat update ko. Salamat po!
NOTE: Para doon sa nag comment na sabaw ang story, wag mo ng basahin kung sabaw. Hindi lang naman ikaw ang reader sa Dreame. Wag mong sasabihin na wag kong pahabain dahil hindi ikaw ang editor ko. Hindi ako galit, sinasabi ko lang na wag basahin kung sabaw man. Hindi kita pinipilit basahin ang story. :)