CHAPTER 4

1671 Words
“WHEN CAN I see my sister?” Tanong ni Reagan kay Xavier. “It’s been five years. Sa video call ko lang siya nakikita.” Sabi niya. “Reagan, do me one more thing before I let you see your sister.” Sabi ni Xavier. “Tell me.” Reagan said. Tumaas ang sulok ng labi ni Xavier. “Good.” Aniya. Inilapag niya ang isang picture sa mesa. Kumunot naman ang nuo ni Reagan at kinuha ang larawan. Pinagmasdan niya ang lalaki sa picture. “Who is he?” Tanong niya kay Xavier. “He’s is no other than James Hernandez. Director of the Crime Intelligence Organization. Sila ang nagpabagsak sa grupo ni Bernard Garcia. The Crime Intelligence Organization is powerful as our La Casa Organization.” Ani Xavier. “La Casa wanted to take down CIO. So, the first step to take them down is to kill the Director.” “Okay. I will kill him.” Reagan said. But for her, this is the first time to kill someone innocent. He heard the reputation of Director James, maganda ang pamumuno nito sa Crime Intelligence Organization. Reagan doesn’t have the heart to kill Director James but she needed to for her sister. Sa video call niya lang ito nakikita at gustong-gusto na niya itong makita sa personal kaya naman gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya. “Reagan, give him a painful death.” Sabi ni Xavier. Tumango lang si Reagan. Ngumiti si Xavier at tumayo. “I’ll transfer the money to your account later.” “Brother, please give me time to kill him. It’s not easy to assassinate a director.” Hiling ni Reagan. “Okay. I’ll give you one month to finish him. Is one month enough?” Tumango si Reagan. “It’s enough.” Ngumisi si Xavier saka umalis kasama ang mga bodyguard nito. Mabilis na pinulot ni Reagan ang baril na nasa mesa at pinagbabaril ang target na nasa gilid. Walang nagmintis sa mga tama niya at sa nuo ng target tumama ang lahat ng bala. Pinalitan niya ang papel na target at ito ang sunod na pinagbabaril. She let out all her frustrations in shooting. Nang mapagod siya, umupo siya at uminom ng tubig. Tinignan niya ang larawan na nasa mesa. Malalim siyang napabuntong hininga at tumayo. Kailangan niyang subaybayan ang target niya. Kinuha niya ang coat na nakapatong sa likod ng upuan saka umalis. Lumabas siya ng mansyon ni Xavier saka sumakay sa sariling kotse. Minaneho niya ito palabas ng compound at pinaharurot ito patungo sa CIO Headquarters. Nang makarating siya sa location ng CIO Headquarters, ipinarada niya ang kotse sa kabilang gilid ng kalsada. Tumingin siya sa harapan ng CIO Headquarters. Tumaas ang sulok ng labi niya, mukhang ordinaryong tao lang ang pumapasok sa loob ng Headquarters pero alam niyang mga Agents ang mga ito. Hindi biro ang Crime Intelligence Organization. Ito ang malaking kalaban ng La Casa Organization. Reagan stayed at that place for one hour until he saw Director James went out of the Headquarters. Kumunot ang nuo ni Reagan nang makita kung sino ang kasama nito. The man whom she met the other day. At ito rin ang tinulungan niya noong nakaraang araw rin. She assassinated the five-hostage taker. She wondered what this man position in the Crime Intelligence Organization. Kumunot ang nuo niya habang inaalala ang pangalan nito. RK? Mahina siyang natawa nang maalala ngang RK ang sinabi nitong pangalan. Hindi niya namalayan na nakangiti siya habang nakatingin kay RK. Hindi naman maikakaila ang kagandahan nito bilang isang lalaki. Reagan took out her phone and took a picture of RK. Eksakto naman na tumingin ang binata sa direksiyon kaya nakunan niya ito ng larawan na nakaharap. Napangiti na lang siya at ibinaba ang cellphone niya. Napabuntong hininga si Reagan at sinundan ang kotse ni Director James. Mukhang pauwi na ito. Sinundan ni Reagan si Director James hanggang sa makarating ito sa isang malaking gate. Nagbusina ito at bumukas ang gate. Pumasok si Director James sa loob ng compound. Hindi nahirapan si Reagan sa mga nakaraan niyang trabaho pero mukhang dito siya ngayon mahihirapan. Pinaharurot niya ang kotse pauwi. NANG makauwi si RK, hinanap niya si RA nang hindi niya ito makita sa dining table. Hindi nila ito kasama sa dinner ngayon. “Mom, where’s RA?” Tanong niya sa ina. Sabay na napatingin sa kaniya ang mga magulang. “Anak, nauntog ba ang ulo at nakalimot ka na?” Sabi ng kaniyang ina. Kumunot ang nuo ni RK. “What?” “Anak, nananaginip ka ba o nagka-amnesia ka na? RA is still in honeymoon. At isa pa, kung uuwi na sila ng asawa niya, hindi naman na sila dito sa mansyon titira dahil may pinatayo na siyang bahay malapit sa bahay ni RV at Heaven.” Sabi ng kaniyang ama. Natampal na lang ni RK ang nuo. “Oh. I forgot.” Aniya. Napailing siya. He forgot that RA is already married. Nasa Australia ito ngayon kasama si Bree para sa honeymoon. “Ano bang nangyayari sa ‘yo?” Tanong ni Yvette. “May sakit ka ba, anak?” Umiling si RK. “Wala ‘to, Mom. Baka pagod lang ‘to.” “Kumain ka na at magpahinga.” “Yes, Dad.” Tugon ni RK at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos siyang kumain, nagpaalam na siya sa mga magulang na magpapahinga na. Napabuntong hininga siya habang paakyat ng hagdan. Hindi siya sanay na hindi kasama ang mga kapatid niya dito sa mansyon pero ano pa nga bang magagawa niya. Nasa Baguio ang dalawa niyang kapatid na babae at may asawa na rin ang dalawa niyang kakambal. Ngayon siya na lang ang naiwan dito sa mansyon nila kasama ang kaniyang mga magulang. “HOW’S your investigation regarding to Sniper X?” RK asked after he sat on the chair. They’re having a conference meeting again. “Still nothing, Sir.” Sagot ni Agent Maine. “We also investigate the possible direction of the bullet and it led us here. This is the hotel room that was opposite to the other hotel. Katapat nito ang kwarto ni Mr. Fuentes. At may isang babae na nag-rent ng room na ‘to.” Agent Rod reported. “Who’s that woman?” RK asked. “Under the name of Alexia Santiago.” Nanlaki ang mata ni RK. “What?” Tumango si Agent Rod. “I already investigated that name, Sir. That name is fake.” Agent Tyler said. RK remembered the woman that Bree met when she was still the Team Leader of Arsenal Team. Alexia Santiago? That name. Is she Sniper X? RK sighed. Napatingin sila sa pinto ng opisina ng Arsenal Team nang bumukas ito at pumasok si Director James at may kasama ito. Kumunot ang nuo ni RK pero tumayo silang lahat at binati si Director James. “Director.” “Sit down.” Umupo sila. “Director, who is he?’ Tanong ni RK at tinignan ang kasama ni Director James. “Arsenal Team, this is Davin Vargaz. He will be a part of Arsenal Team.” Ani Director James. “Welcome to the group.” RK said and stood up. Nakipagkamay siya kay Davin. “I’m Russell Knight Henderson or simply “RK”. I’m the leader of Arsenal Team because the former leader is already resigned and married. Nice to meet you.” “Thank you.” Tumango si RK. Iminuwestra niya ang kamay sa mga kasama. “He is Agent Rod, Agent Tyler and Agent Maine.” Tumango ang mga ito at kinamayan si Davin. Agent Tyler raised his hand. “What?” Director James asked. “May I ask something, Davin?” “Sure.” “Are you a military?” Tyler asked. Umiling si Davin. “No. I’m a former FBI Agent in the US.” “Oh.” “Any special skill?” Agent Rod asked. “Sniper.” Sagot ni Davin. “Oh. That’s good. You can help us with the case.” “My pleasure.” Tumikhim si RK. “Davin, you can sit down and join us.” Tumango si Davin at umupo sa bakanteng upuan. Nang makaalis si Director James, nagpatuloy sa pag-uusap ang Arsenal Team. “Agent Maine, from now on, you will be out tracker. I know you are a graduate of computer programming.” Sabi ni RK. “Agent Rod, Agent Tyler, work as a team. Help each other.” “Yes, Sir.” Sagot ng mga ito. “And Davin…” RK looked at Davin. “We need to team up.” “Yes, Sir.” “Rod and Tyler, do a deeper investigation about Mr. Fuentes.” He ordered. “Yes, Sir.” “Agent Maine, try to find out about the La Casa Organization.” “Yes, Sir.” “Kami na ni Davin ang bahala kay Sniper X. Kami na ang mag-iimbestiga sa kaniya.” Tumango si Davin. When the meeting is done, RK sighed and leaned on his swivel chair. Hinilot niya ang sentido at ipinikit ang mata. Napamulat na lang siya nang marinig na may kumatok. “Come in.” Bumukas ang pinto at pumasok si Davin. Nagtaka si RK. “Sir.” “Just call me RK. You’re older than me.” Sabi ni RK. Tumango lang si Davin. “Have a seat.” “Thank you, Sir…” Tumikhim si Davin. “RK.” “What’s the matter?” Ipinakita ni Davin ang hawak na folder. “Agent Maine gave me the full report about the assassin or should I call Sniper X.” “Any opinion about it?” RK asked. “Maybe we should start to find this woman name Alexia Santiago.” Tumango si RK. “Iyon din ang naiisip ko pero peke ang pangalan na ‘yan.” “That’s why we are team.” Sabi ni Davin. Natawa ng mahina si RK nang makuha ang ibig sabihin ni Davin. “Okay. I get it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD