CHAPTER 3

1545 Words
"CONFIRMED." Ani Director James. Inilapag nito sa mesa ang isang folder. "Ang mga hostage taker ay miyembro ng La Casa Organization. May tattoo sila ng La Casa. Ngunit hindi malinaw kung sino ang Boss nila." He looked at Agent RK. "You killed them all. Dapat nagtira ka ng isa." Umiling si RK. "I'm not the one who killed them all." Aniya. "Ah?" Nagtaka ang mga kasama niya sa conference room. Ang Arsenal Team. RK sighed. "I only killed five of them." "Who killed the other five hostage taker kung hindi ikaw?" Nagtatakang tanong ni Director David. "Sir, wala ka namang kasama na pumunta sa fifth floor." Sabi ni Agent Maine. "Sigurado akong wala ring ibang tao sa fifth floor maliban sa 'yo, sa mga hostage taker at ang pamilyang na-hostage." "Talagang hindi ko siya kasama." Sabi ni RK. "Sniper ang pumatay sa limang hostage taker. He was in the other building." "Hindi mo sinabi 'yon sa mga pulis." Sabi ni Agent Tyler. "Paano ko sasabihin? Hindi ko nga alam kung kalaban o kakampi ang sniper na 'yon." Napabuga ng hangin si RK. Kinuha niya ang folder na inilapag ni Director James sa mesa. Binuklat niya ito at binasa ang laman. "Gusto nilang makuha si Bernard Garcia kapalit ng isang pamilya na hinostage nila. Ibig sabihin ay miyembro rin ng La Casa Organization ang nag-utos sa mga hostage taker." Tinignan ni RK ang kuhang larawan. Ang tattoo ng La Casa Organization. Inilapag niya ito sa mesa saka tinignan ang ibang larawan. Kumunot ang nuo ni RK nang makita ang tama ng bala sa ulo ng mga binaril ng sniper. Pamilyar sa kaniya ang nakikitang tama ng bala sa ulo ng mga hostage taker. Napatingin sila kay Agent Rod na kapapasok lang sa conference room. Ito ang inutusan ni Director James na pumunta sa police station para hingin ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa nangyaring assassination kahapon sa isang negosyante sa sarili nitong penthouse. "Director, ito na ang pinakuha niyo." Sabi ni Agent Rod. Kinuha ni Director James ang hawak ni Agent Rod na envelope. "RK, we need to find out who is this assassin." Sabi ni Director James. Tumango si RK. "Yes, Director." Tumingin siya sa hawak ni Director James na larawan. Tinignan niya rin ang hawak na larawan. Tumayo si Agent Tyler at pumunta sa malaking monitor na nasa harapan. "Posible kaya na ang sniper na bumaril sa limang hostage taker ay siya ring bumaril sa businessman?" "It's possible." Sabi ni RK. "Look at this picture." Kinuha niya ang hawak ni Director James na larawan, inilapag niya ito sa harapan ng Arsenal Team kasama ng hawak niyang larawan. "If professional sniper, he could shot his target accurately. Tignan niyo. Pareho ang parte na tinamaan ng tama ng bala sa limang hostage taker at kay Mr. Fuentes." Aniya. "It's really possible." Sabi ni Agent Maine habang tinitignan ng maigi ang dalawang larawan. "This is impossible." Sabi ni Director James. "Wala man lang silang nakuhang lead kung sino ang sniper. Kung ganun, sanay na ang sniper. Alam na niya ang ginagawa niya para wala siyang makuhang trace." Napabuga ng hangin si RK. Binasa niya ang profile ni Mr. Fuentes. "He's a businessman with clean business pero bakit siya pinatay?" Nagtataka niyang saad. "Nagtaka ka pa." Sabi ni Agent Tyler. "Sir, ipaalala ko lang, businessman rin kayo." "Sir, when it comes to business, you are already experienced. Ikaw na rin ang nagsabi sa amin noon na mautak ang mga negosyante para mas lalong lumaki ang mga kita nila. Even if it's in the mean of doing illegal business." Sabi ni Agent Rod. Napahawak si RK sa baba. "You have a point there. Let's assume that Mr. Theodore Fuentes have illegal business that's why he was killed. I just finished reading his wife's testimony, walang naging kaaway ang asawa. Now let's assume na may illegal nga siyang kaaway. Let's also assume na kalaban niya sa illegal na negosyo ang nagpapatay sa kaniya. But looking at the picture, sa tingin ko iisa lang ang pumatay sa kanila. Iisang sniper ang pumatay sa limang hostage taker at kay Mr. Fuentes." "The big question." Ani Agent Maine. "Who is the sniper?" RK sighed. "Iyon ang kailangan nating alamin ngayon. Let's name him as 'Sniper X'." "Where do we start?" Tanong ni Agent Rod. "Good question, Agent Rod. You and Agent Maine. I-check niyo ang mga malapit na hotel sa penthouse ni Mr. Fuentes. Kung kailangan halughugin niyo ang lahat ng kwarto o cctv para lang makakuha kayo ng lead, gawin niyo." "Yes, Director." Sagot ng dalawa. "Agent Tyler, ikaw na muna ang bahala sa imbestigasyon sa kaso ni Mr. Fuentes." "Yes, Director." Sagot ni Agent Tyler. Tumingin si Director James kay RK. "And you," tinignan niya ang suot na relo, "mukhang kailangan mo munang magtrabaho sa kumpanya mo." Nagkibit ng balikat si RK. "Don't worry, tutulong ako sa kaso." "We know, Sir." Sabi ng Arsenal Team. Nang makaalis ang Arsenal Team para gawin ang utos sa mga ito, nahilot ni RK ang sentido. "This is another headache, Director. Hindi natin alam kung kasapi ba ng La Casa ang Sniper X o binabayaran lang siya." "Let's pray na sana ay may makuhang lead si Agent Maine at Agent Rod." Sabi ni Director James. "Noong kasama pa natin si Bree sa Arsenal Team, nalaman natin ang tungkol sa La Casa Oragnization dahil sa Uncle niya. Ngayon naman, hindi natin alam kung La Casa ba ang may kagagawan sa mga ibang assassination na nangyayari?" Sabi ni RK saka napasandal sa kinauupuan. Napabuntong hininga si Director James. "Kaya kailangan nating malutas ang kaso ni Mr. Fuentes. Ngunit hindi natin alam kung malulutas ba natin o hindi. Masyadong magaling ang sniper na pumatay sa kaniya." Tumayo si RK. "Director, I need to go. I need to investigate the case of Mr. Fuentes." "Okay." Naglakad palabas si RK sa conference room. Nagtungo siya sa sariling opisina at nagpalit ng suit. Umalis siya ng CIO at nagtungo sa kumpanya. Actually, branch ito ng Henderson's Company. Tatlong beses nga lang siya kung pumasok sa isang linggo dahil sa iba niyang trabaho. Mapagkakatiwalaan naman ang sekretaryo niya kaya ito ang umaasikaso sa mga trabaho na hindi niya nagagawa. Habang nagmamaneho ng kotse, nakapokus ang isipan ni RK sa Sniper X. Sino ba talaga ang Sniper X na 'yon? Ito rin ba ang sniper na pumatay sa ibang businessman na kapareho ng nangyari kay Mr. Fuentes? "Damn!" Napamura si RK at mabilis na napapreno nang makitang may babaeng papatawid sa kalsada. Nakahinga siya ng maluwang nang hindi niya ito mabangga pero nagulat ang babae at napaatras ito. Mabilis na bumaba ng kotse si RK at nilapitan ang babae. "Miss, are you okay?" Tumango ang babae saka pinulot ang cellphone nito na nabitawan nito. Natigilan si RK nang makita ang mukha ng babae. Ngumiti sa kaniya ang babae saka ito tumingin sa likuran nito. "Diyan ka na. Baka maabutan pa ako ng mga humahabol sa akin." Sabi ng babae saka ito tumakbo palayo. Napasunod ang tingin ni RK sa babae. Hanggang sa makita niya ang ilang kalalakihan na tumatakbo. Mukhang ang babaeng muntikan niyang mabangga ang hinahabol ng mga ito. Mabilis na pumasok si RK sa kotse dahil nagbubusina na ang mga kotseng nasa likuran niya. Mabilis niyang ipinarada ang kotse sa gilid saka bumaba. Sinundan niya ang babaeng muntikan na niyang mabangga kanina. Baka kung ano pa ang gawin ng limang lalaki na humahabol rito. Kumunot ang nuo ni RK nang makarinig siya ng mga daing ng nasasaktan. Mas binilisan pa niya ang paghahanap sa babaeng muntikan na niyang mabangga at nang mahanap niya ito, nagulat siya nang makitang nakahandusay ang limang lalaki sa lupa at parang wala lang na nakatayo ang babae. Napatingin sa kaniya ang babae. Kumunot ang nuo nito. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito. "I followed you." Ipinasok ni Reagan ang kamay sa loob ng kaniyang sling bag. "Bakit? Muntikan mo akong mabangga kanina. Anong kailangan mo?" Itinuro ni RK ang mga nakahandusay na mga lalaki. "Nakita kitang hinahabol ng mga ito kaya sinundan kita. Baka kung mapaano ka pa pero kaya mo naman pala sila." Ngumisi si Reagan. Ibinaba niya ang kamay saka naglakad palapit sa lalaki. Hindi niya ito kilala pero mukha itong pamilyar. Inilahad niya ang kamay para makipagkamay rito. Alexia. "Reagan." Tahimik na napamura si Reagan ng tunay niyang pangalan ang masabi niya. Ngumiti si RK. "RK." Nakipagkamay siya kay Reagan. "Nice to meet you. Anyway, bakit ka nga pala hinahabol ng limang 'to?" Sabay tingin niya sa limang lalaki na nakahandusay. "Magkakamalay pa ba ang mga 'yan?" Nagkibit ng balikat si Reagan. "Binastos ako ng mga 'yan kanina. Binato ko sila saka tumakbo. Dinala ko sila rito para bigyan ng leksiyon. Hindi ko naman alam na masyado pala silang mahina." Aniya. Natawa si RK. "Don't worry. Magkakamalay ang mga 'yan. Hindi pa sila mamamatay." Sabi ni Reagan. "Then let's leave here bago pa may makakita sa atin." Sabi ni RK. "Okay." Umalis sila sa lugar na 'yon. "Let's part here." Sabi ni Reagan. "And nice to meet you." Tumango si RK. "Mag-iingat ka." Ngumiti lang si Reagan saka naglakad palayo. Napasunod na lang ng tingin si RK kay Reagan. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso dahil sobrang bilis ng t***k nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD