CHAPTER 5

1702 Words
“KUYA!” Lexi excitedly rushed to RK and hugged him when he saw him entering the living room. Napangiti na lang si RK at niyakap ang kapatid. “Hindi mo sinabing pupunta ka.” Sabi niya. Ngumiti si Lexi. “Surprised!” Aniya. RK chuckled and messed his sister’s hair. “Sinong kasama mo na pumunta dito?” “Ang kaibigan ni Kuya Felix. May importante siyang gagawin dito sa Maynila kaya nakisabay ako.” Sabi ni Lexi at ipinalibot ang braso sa braso ni RK. Kumunot naman ang nuo ni RK. “Lalaki o babae?” “Lalaki.” “Sino?” Mabilis na tanong ni RK. “Tell me.” “Hindi mo rin lang kilala, Kuya. Kaibigan siya ni Kuya Felix. Mukha naman siyang mabait, Kuya. And he’s so handsome.” Parang kinikilig pang sabi ni Lexi. Mahinang pinitik ni RK ang nuo ni Lexi. “May boyfriend ka na. Kahit naman ayaw ko sa boyfriend mo, don’t cheat on him.” Napanguso si Lexi. “Hindi naman, Kuya.” Napailing si RK. “Where’s Mom and Dad?” “Nasa garden sila, Kuya.” “Oh.” Napatango si RK at nagpaalam sa kapatid na magbibihis lang siya. Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kaniyang kwarto. Nang makapasok siya, kaagad niyang hinubad ang suot na coat at nakitang basing-basa na ang benda ng sugat niya sa braso. Napabuga siya ng hangin. Nasugatan siya kanina nang makipaglaban sila ni Davin sa ilang tambay sa kanto. Aksidente siyang nasugatan, ang braso pa niya ang natamaan at medyo malalim ang sugat niya. Hinubad niya ang suot na white long sleeve polo at pumasok sa banyo. Tinanggal niya ang benda at itinapon. Hinubad niya ang lahat ng suot na damit at naligo. Nang matapos siyang maligo, nagtapis siya ng tuwalya at nilagyan ng benda ang sugat niya saka siya lumabas ng banyo. Nagbihis siya at nagsuot siya ng sweater para hindi makita ang benda niya. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa living room. Naisipan niyang magpunta sa garden at nakita niyang nandoon ang kaniyang mga magulang. Magkatabi ang dalawa sa pavilion na nasa garden at may tinitignan ang mga ito sa Ipad. Kumunot ang nuo niya nang makilala ang Ipad. Ito ang Ipad na ibinigay niya noong nakaraang buwan sa mga ito where all of their pictures are in there. Napangiti na lang siya at naglakad palapit sa mga magulang. “Mom. Dad.” Humalik siya sa pisngi ng dalawa at umupo sa sofa na katapat ng mga ito. “Ano pong ginagawa niyo?” Tanong niya. “Tinitignan lang naming ang mga pictures niyong magkakapatid lalo na ng mga bata pa kayo.” Nakangiting sabi ni Yvette. “Ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang ang liliit niyo pero ngayon may asawa na ang iba sa inyo.” Natawa ng mahina si RK saka napailing. “Ganiyan po talaga, Mom. Habang lumilipas ang mga araw, marami po ang nangyayari.” “Ikaw, RK? Kailan ka naman magpapakasal?” Nakangising sabi ng ama. RK tsked. “Paano ako magpapakasal, Dad, wala naman akong girlfriend.” “Ang dami namang babae ang naghahabol sa ‘yo, ah. Bakit wala ka pa bang napipili sa kanila?” Napabuga lang ng hangin si RK. “I’m too busy.” Parehong napailing ang kaniyang magulang. “Pero sana naman, anak, kapag nag-asawa ka na. Dito naman kayo titira ng magiging asawa mo. Tignan mo si RV at RA, umalis na dito sa bahay. Ang Ate Relle niyo naman, nasa Baguio, ganun din si Lexi. Kaya naman sana huwag ka ng umalis dito sa mansyon kapag nagka-asawa ka na, anak.” Sabi ni Yvette. Nagkibit ng balikat si RK. “Tignan po natin.” Sabi niya. “Bakit, Kuya? Wala ka pa bang girlfriend?” Tanong ni Lexi nang makalapit ito sa kanila. “Ano sa tingin mo?” Sabi ni RK. Umupo si Lexi sa tabi ng kapatid at sumandal sa balikat nito. Hindi sinasadyang nasagi ni Lexi ang sugat ni RK. Napangiwi si RK at pasimple inilayo ang braso kay Lexi. “Dito ka sa kabila.” Sabi niya. “Medyo nangangalay ang kanang balikat ko.” “Sorry, Kuya.” Mabilis na lumipat si Lexi sa kabila at sumandal sa kaliwang niyang balikat. “Kuya.” “Hmm?” “I love you.” “I love you too, Little Sister.” Then RK realized something. “You are saying sweet words today. What do you want?” He asked. Matamis na ngumiti si Lexi saka ipinakita ang cellphone na basag. “My phone is broken. Could you buy me a new phone?” Yvette and Russell chuckled because of their daughter. RK shook his head. “Let’s go out tomorrow. I’ll buy you a new phone.” “Really? Yes! Thank you, Kuya.” Masayang niyakap ni Lexi ang kapatid. RK just patted Lexi’s head. NAISIPAN ni Reagan ang magtungo sa mall para bumili ng bagong cellphone dahil sira na ang cellphone niya. Pagpasok niya sa isang phone shop, kaagad siyang pumili ng mga bagong cellphone. Habang namimili siya, nakita ng gilid ng mata mata niya may pumasok. Hindi niya alam pero napatingin siya sa pumasok. Natigilan siya nang makita si RK na may kasamang babae. Girlfriend? Pasimpleng napahawak si Reagan sa tapat ng kaniyang dibdib. Napailing siya nang ma-realize kung ano ang nararamdaman niya. “Kuya, I want that one.” Sabi ni Lexi. Napatingin si Reagan sa itinuro ng babae. Ang itinuro nito ay ang cellphone na napili niya. “Pasensiya na, Ma’am, pero napili na siya ni Ma’am.” Sabay tingin sa kaniya ng saleslady at inilabas ang cellphone. “Wala bang stock?” RK asked. “Wala na po, Sir. Last na po ‘to.” Napatingin sa kaniya si RK at ang kasama nitong babae. “Reagan?” Ngumiti si Reagan. “Nice to see you again, RK.” RK smiled. “It’s really you.” Tumango si Reagan. “Kuya, magkakilala kayo? Sino siya?” Tanong ni Lexi. Kumunot ang nuo ni Reagan. “Kuya?” “Ah, she’s my sister, Lexi. Lexi, this is Reagan.” Pakilala ni RK sa kanilang dalawa ng kapatid nito. Ngumiti si Reagan. “Nice to meet you.” Aniya kay Lexi. Lexi just smiled. Hinila niya ang laylayan ng damit ng kapatid niya. “Kuya.” Tumingin si RK sa kapatid. “Bakit?” “Talk to her, please. I really want that cellphone.” Sabi ni Lexi habang nakapout. Reagan chuckled. “You can have it.” Aniya. “Marami pa naman ang cellphone na pagpipilian. You can have it.” “Really, Ate?” Tumango si Reagan at ngumiti. “Thank you.” Ngumiti si Reagan. “Thank you.” RK said. Tumango si Reagan at pumili na lang ng iba. “I’ll help you.” Prisinta ni RK. “I’m good at it.” “Okay.” Reagan said. “What do you think is the best?” She asked. “That one.” Sabay turo ni RK sa cellphone na kulay itim. Napatingin si Lexi kay RK at Reagan. Napangiti siya at binuksan ang cellphone ng kuya niya na hawak niya. Pinahawak nito sa kaniya kanina ang cellphone nito. She took a picture of the two who was close to each other while looking at the phone. Ipinadala niya ang picture sa kanilang ina. Ngayon pa lang natatawa na siya sa magiging reaksiyon ng kaniyang mga magulang. Lexi chuckled and took another picture again. Eksakto naman na tumingin sa kaniya si Reagan kaya nakuha ang mukha nito. Hindi niya pinahalata na kumukuha siya ng larawan at pasimple lang na ipinadala ulit ang picture ng dalawa sa kanilang ina. Lexi was grinning from ear to ear as if she won a lottery. “Anong nginingitian mo diyan?” Tanong ni RK. Ngumiti lang si Lexi at ibinalik ang cellphone sa kapatid. Kinuha naman ni RK ang cellphone at napailing. “Ma’am, Sir, okay na po ‘to.” Ani ng saleslady. “Thank you.” Kinuha ni Lexi ang cellphone at tinignan. “Ma’am, okay na po rin sa inyo.” Sabi ng saleslady kay Reagan. “Thank you.” Reagan picked the phone and check it saka niya ibinigay ang credit card nang makitang ayos na ito. Binayaran naman ni RK ang cellphone ni Lexi. “Ahmm…are you busy?” RK asked Reagan. Umiling si Reagan. “No.” “Ate, can we have lunch together?” Hiling ni Lexi. “It’s Kuya’s treat.” RK secretly thumbs up to his sister. Lexi just winked. “Sure. Wala naman akong importanteng pupuntahan.” Pagpayag ni Reagan. Napangiti si RK. Lumabas ang tatlo sa phone shop at nagtungo sa isang kainan sa loob ng mall na ‘yon. Pumasok sila sa isang kilalang restaurant at nag-order ng pagkain. Habang kumakain sila, tahimik lang si RK habang si Reagan at Lexi ay nag-uusap. When suddenly, RK’s phone rang. Nang tinignan niya kung sino ang tumatawag, it was Davin. “I’m sorry but I need to go to work. It’s urgent.” Sabi ni RK saka mabilis na inilabas ang black card kay Lexi. Hinalikan niya sa nuo ang kapatid saka nagpaalam kay Reagan. Tumango lang naman si Reagan. Nagmamadaling umalis si RK at nang makalayo siya kay Reagan at Lexi, saka lang niya sinagot ang tawag ni Davin. Naiwan naman si Lexi at Reagan na nagpatuloy sa pagkain. “Ate.” Tawag ni Lexi kay Reagan. Tumingin naman si Reagan kay Lexi. “Ano ‘yon?” “May boyfriend ka na ba?” Natawa ang mahina si Reagan saka umiling. “Wala akong boyfriend. I’m not interested in having romantic relationship right now.” “Oh. Pareho pala kayo ni Kuya. Wala rin siyang girlfriend.” Sabi ni Lexi. Ngumiti si Reagan. “Are you trying to make match us?” “Why not?” Lexi said. “You are both single. And you’re so beautiful, Ate Reagan. Bagay kayo ni Kuya.” Hindi napigilan ni Reagan ang matawa. “Ang tanong may gusto naman kaya sa akin ang kapatid mo?” “Feelings can be develope.” Lexi said. Reagan just smiled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD