CHAPTER 2

1610 Words
UMAKYAT si RK sa hagdan na nasa gilid ng hotel patungo sa itaas. Hinawakan niya ang suot na earpiece. "What room are they?" He asked. Hindi niya alam kung sino ang tech ngayon ng Arsenal Team. Siya dati pero nandito naman siya ngayon. Mula naman sa rooftop ng isang building na nasa hindi kalayuan sa hotel na kinaroroonan ni RK, nakapwesto ang isang sniper. Nakita niya si RK na umaakyat sa hagdan patungo sa fifth floor. Sinundan niya ito gamit ang teleskopyo ng sniper rifle niya. "Room 50, Team Leader. Fifth floor. Actually, they already occupy the whole fifth floor." Ani Agent Maine. "Oh. Got it." Aniya. "Sir, be careful." Sabi Agent Rod. "Or do we need to follow you?" "No. Baka mapansin kayo ng mga hostage taker. Mas manganganib ang mga hostage nila." Sabi ni RK. "Huwag kayong masyadong mag-alala kay Sir." Sabi ni Agent Tyler. "Katulad din siya ni Ma'am Bree na magaling. Hindi siya basta-basta matatamaan ng bala." Napailing si RK saka tinanong si Maine. "How many are the hostage taker?" Tanong niya. "Ten, Sir. They hostage the whole family. The husband and wife and their two kids." "What do they want?" Tanong niya habang umaakyat sa hagdan. "The police is having negotation with them, Sir." Tugon ni Agent Tyler. "Okay. I got it." Nang makarating siya pinto na nakakonekta sa fifth floor, hindi muna siya pumasok. Hindi siya dapat magpadalos-dalos. "Sir, they want something from the police. A convict person in exchange of the family. Kapag ibinigay ng mga pulis ang convicted person, papakawalan nila ang pamilya ng walang nasasaktan sa mga ito. They only give the police one hour." Ani Agent Maine. Huminga ng malalim si RK. "I got it. Sino ang gusto nilang makuha?" "Bernard Garcia." Natigilan si RK. "Bernard Garcia? Bree's Uncle?" "Yes, Sir." Napabuntong hininga si RK. "Let me talk to the police." "Yes, Sir." Kailangang hindi mapakawalan ang Bernard Garcia na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang lahat ng kasapi ng La Casa Organization. Hindi nila pwedeng basta-basta na lang ibibigay si Bernard Garcia, mas lalo ng hindi papayag si Bree. "Sir, this is Captain Reyes from the police unit." "I'm the Team Leader of Arsenal Team. I'm sorry but I can't disclose my identity as well as my Team's identity." "I understand, Sir. Our Chief told us about it." Ani Captain Reyes. "Okay. Now, I want to tell my opinion. Hindi natin ibibigay ang gusto nila." Seryosong wika ni RK. "Hindi natin papakawalan si Bernard Garcia." "But how about the hostage?" "Captain, no matter what will happen. I will take responsibiliyt of it. Basta hindi dapat mapakawalan si Bernard Garcia. Don't make a move, at hayaan niyo ako. Aakuin ko ang lahat kung anuman ang mangyari sa rescue operation na 'to." Aniya. "Sir..." RK removed his earpiece. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto ng fifth floor. Pumasok siya at tinungo ang kinaroronan ng mga hostage. Nang makarating siya sa Room 50. Huminga siya. Lord, please help me. He hold his gun tight. Malakas niyang sinipa ang pinto at mabilis siyang pumasok. Kaagad niyang binaril ang mga kalaban na nagulat sa nangyari. Lima kaagad ang napatumba niya pero nagulat siya nang biglang sunod-sunod na natumba ang limang lalaki na nasa gilid na babaril sana sa kaniya. Sniper! Aniya saka mabilis na lumapit sa bintana. Tinignan niya ang building na malapit sa hotel na kinaroroonan niya. Nakita niyang may tao roon. Hindi niya mawari kung babae ba ito lalaki dahil masyado itong malayo. Nilingon ni RK ang pamilya. Nilapitan niya ang mga ito." Are you okay?" Tumango ang asawa ng ginang. "Thank you for saving us." Niyakap nito ang anak na umiiyak na ngayon. Ngumiti si RK saka hinawakan ang suot na earpiece. "Mission accomplished. You come up now." Aniya. Nang dumating ang mga kasamahan niya at ang mga pulis. Ito na ang umasikaso sa mga bangkay at sa pamilyang na-hostage. "Sir, congrats." Bati ni Agent Maine. Tumango si RK at hindi mawala sa isipan niya ang sniper na nasa rooftop ng building na malapit sa hotel. Alam niyang ito ang bumaril sa lima pang hostage taker. Is he an enemy or ally? He asked himself. Pero kung sino man ang sniper na 'yon, sigurado siyang isa itong professional assassin. Hindi man lang ito nagmintis. "Sabi ko naman sa inyo, huwag kayong masyadong mag-alala kay Sir." Sabi ni Agent Tyler. Biglang humarap si RK sa Arsenal Team. Nagulat naman ang mga ito sa biglaan niyang pagharap. "Bakit, Sir? May problema po ba?" Tanong ni Agent Rod. "Umamin nga kayo sa akin. May ipinadala ba ang CIO na sniper para tumulong sa rescue operation?" Tanong niya. Nagkatinginan ang Arsenal Team. "Sir, kami lang ang ipinadala ni Director James." Sagot ni Agent Maine. "Are you sure?" Paniniguro ni RK. "Yes, Sir." Sagot ng tatlo. Napatango si RK saka nagpatuloy sa paglalakad. Kung ganun sino ang sniper na tumulong sa kaniya? REAGAN sighed before entering the cemetery. Tinignan niya ang hawak na bulaklak. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon niya lang dinalaw ang puntod ng kaniyang pamilya. Huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob ng sementeryo. Nagtungo siya sa puntod ng kaniyang mga magulang. Nang makarating siya sa puntod ng kaniyang mga magulang, lumuhod siya at inilapag ang hawak na bulaklak. "Mom, Dad, pasensiya na po kayo at ngayon lang ako nakadalaw sa inyo." Sabi ni Reagan. "Hindi ko po kasi alam kung paano kayo haharapin. Patawarin niyo po ako pero ito na lang po ang tanging paraan para makita ko po ang kapatid ko." Aniya. "Nakikita ko naman siya pero sa video call lang po." Pinunasan niya ang luha na tumulo mula sa kaniyang mata. Umupo siya sa damuhan at sinamahan ang mga magulang ng ilang minuto. "Mom, Dad, pangako ko po sa inyo. Hahanapin ko po ang mga pumatay sa inyo. Hindi po ako titigil hangga't hindi ko po sila nahahanap." Kumuyom ang kamay ni Reagan. She was trained to be an assassin. Xavier, the one who saved her from the fire five years ago, sent her to US to be trained by the other member of La Casa Oragnization. Xavier became her benefactor. Ang sabi nito ay hawak nito ang kapatid niya. As long as sinusunod niya si Xavier, magiging maayos ang buhay ng kapatid niya. Hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan kung bakit pinatay ang pamilya niya ng mga hindi kilalang suspek. Sinunog ang bahay nila kung saan ay namatay ang magulang niya. Si Xavier ang nagligtas sa kaniya. She treated Xavier as her foster brother. She works for him. She's an assassin. Pinapatay niya ang mga kalaban ni Xavier sa mga illegal nitong negosyo. Hindi na mabilang ni Reagan kung ilang tao na ang napatay, but she already killed countless. Maraming dugo na rin ang dumanak dahil sa kaniya. Siya ang sandata ni Xavier para maging matagumpay ito sa mga illegal nitong negosyo. Hindi niya gusto ang ganitong uri ng trabaho pero wala siyang magawa. Kailangan niyang makita at makasama ang kapatid niya at mangyayari lang 'yon kapag sumunod siya kay Xavier. Bumuntong hininga si Reagan saka tumayo. Nagpaalam na siya sa mga magulang saka naglakad palabas ng sementeryo. Nang makarating siya sa kotse, nag-vibrate ang cellphone niya. Tinignan niya ang cellphone. 'MISSION: ASSASINATE MR. THEODORE FUENTES' Reagan sighed heavily. Pumasok siya sa loob ng kotse saka tinignan ang larawan na pinadala ni Xavier sa kaniya. May address na rin kung saan ito nakatira. In a penthouse. 'Wait for the good news tomorrow. Hope to give you a good morning.' She texted Xavier. Wala na siyang pakialam kung magre-reply ito o hindi. Itinapon ni Reagan ang cellphone sa passenger seat saka minaneho ang kotse patungo sa address na binigay ni Xavier. Kumuha siya ng hotel room sa katabi ng building kung saan naroon ang penthouse ng target niya. "Welcome, Ma'am." Reagan smile. "A room please." "Sure, Ma'am. May I ask your name, Ma'am?" Tanong ng receptionist. Ngumiti si Reagan. "Alexia Santiago." Ito ang pangalan na lagi niyang ginagamit. Hindi niya kailanman ginamit ang tunay niyang pangalan na Reagan Harley. "Here is your card key. May you enjoy your stay, Ma’am." Ngumiti lang si Reagan. Binuhat niya ang suitcase. Akalain ng iba na damit ang laman ng suitcase niya pero ang totoo nitong laman ay ang disassembled sniper rifle niya. Nagtungo siya sa hotel room na kinuha niya. Pagpasok niya, ini-lock niya ito at binuksan ang suitcase na dala. Hinawi niya ang kurtina at tinignan ang penthouse. Katapat lang ng hotel room niya ang penthouse. She assembled her sniper rifle. Naghanap siya ng magandang pwesto. Hinintay niyang makauwi ang target niya pero napailing na lang siya nang umuwi ito na may kasamang babae. Napangiwi si Reagan nang makitang naghahalikan ang mga ito. Hinilot niya ang sentido. Kinunan niya ang mga ito ng larawan at ipinadala kay Xavier. Wala lang. Trip niya lang. Naghintay siya ng ilang minuto bago niya ang mga ito tinignan sa teleskopyo ng sniper rifle niya. Itinutok niya ang sniper rifle sa ulo ng target niya. Nasa bathtub na ito kasama ang babae na kasama nitong umuwi. Huminga ng malalim si Reagan saka hinawakan ang gatilyo ng sniper rifle. "I'm sorry." Aniya. She pulled the trigger. Tinamaan si Theodore Fuentes sa ulo nito. Nakita ni Reagan na nagulat ang babae at sumigaw. Bumagsak ang target niya. Mabilis na dinis-assemble ni Reagan ang sniper rifle at ibinalik sa suitcase. Naglakad siya palabas ng hotel room saka pasimple lang na lumabas ng hotel. She didn't leave any trace. Ibang pangalan naman ang ginamit niya. Nang makalabas siya ng hotel, kaagad niyang tinungo ang kinaparadahan ng kotse at pumasok. Kaagad siyang umalis sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD