REAGAN is looking at the telescope of her rifle. Nasa isang building siya na malayo sa Crime Intelligence Organization Headquarters. Mula sa teleskopyo ng hawak niyang rifle, nakikita niya si Director James na nakaupo sa swivel chair nito at abala sa mga binabasa nitong report. Reagan sighed when she saw the office door opened and RK entered. Pinanuod niya ang binata. Seryoso ang mga itong nag-uusap. Nagtagal ng ilang minuto si RK sa loob ng opisina ni Director James bago ito lumabas. Huminga siya ng malalim bago itinutok ang rifle sa ulo ni Director James. She was about to pull the trigger when her phone rang. Hindi niya pinansin ang pagtunog ng cellphone niya at muling tinignan ang ginagawa. The target was already pointed but she doesn’t know why she can’t pull the trigger. Naguguluh