KABANATA 3

2253 Words
Kabanata 3 Mag-iisang linggo na mula no’ng huling umuwi sa bahay si Elijah. ‘Yon iyong gabing nag-walk out siya during our dinner. I was calling his office at nalaman kong nasa opisina niya na siya ngayong araw. According to his assistant secretary ay limang araw daw na hindi pumasok si Elijah at kahit iyong assistant secretary ng asawa ko ay clueless kung saan galing ang amo n’ya dahil kung business affair daw ang pinuntahan ni Elijah ay karaniwang kasama nito ang assistant secretary na si Foxx. Si Elijah ay kasalukuyang tumatayong Chairperson ng Don Aragon Distillery which operate an integrated business of manufacturing and distributing alcoholic beverages across the country. Ang kompanyang pinapatakbo ni Elijah ay isa sa pinakamalaking liquor companies dito sa bansa. Elijah served in the army for three years before he turned into a prominent Chairperson. Sundalo si Elijah no’ng nakilala ko siya. Nakadestino siya sa lugar namin sa San Rafael. I was sixteen when I first saw him. Isa lamang akong probinsyana, simple at nerd pa kaya ni minsan ay hindi ako nagawang tapunan ng pansin ni Elijah kahit madalas ay dumadaan ako sa barracks nila mula sa eskwelahan. Disinuwebe anyos ako nang makilala ko sa kapilya ang isang nanghihinang matanda. Gutom at parang naliligaw. Dala pa nito ang isang alagang uwak. Walang pagdadalawang-isip na dinala ko sa aming munting bahay ang matanda at ako ang nag-asikaso rito. Hanggang sa bigla na lamang itong umalis at bumalik makalipas ang ilang linggo. At labis ang pagkagulat ko dahil ang matandang nakilala ko sa kapilya na tila palaboy ay bumaba mula sa isang napakagarang sasakyan at nakasuot ng eleganteng damit. May mga kasama na itong bodyguard. Doon ay nakilala ko ang tunay na katauhan ng matandang aking tinulungan. Ito ay si Donya Allegra Trigueros. Tagarito ako sa probinsya ng Don Aragon ngunit ni minsan ay hindi ko pa nakita ang mukha ni Donya Allegra Trigueros. Siya ang matriarch ng angkan ng mga Trigueros na siyang pinakamakapangyarihan sa aming probinsya. But their family is distant from the people, iyon ang dahilan kung bakit wala akong kaide-ideya na ang Donya Allegra na pala ang matandang nakilala ko sa kapilya. Dinala ako ni Donya Allegra sa kanilang mala-palasyong tirahan at doon nag-umpisang magbago ang payak kong buhay nang malaman kong isa pala sa mga apo ni Donya Allegra Trigueros ang sundalong matagal ko nang sinisinta—si Elijah. Na kalaunan ay ipinagkasundong ipakasal sa akin sa mariing kagustuhan ni Donya Allegra. Nang maikasal kami ni Elijah ay umalis na siya sa Army dahil ipinagkatiwala na sa kanya ng Donya ang Don Aragon Distillery. Hindi maganda ang mga naunang taon ng pagsasama namin ni Elijah gawa nga ng napilitan lamang siya na sundin ang utos ni Donya Allegra na pakasalan ako. Kaswal lang na nakikitungo sa akin si Elijah whenever we were together at kapag bumibisita naman kami kay Donya Allegra ay kinakailangan naming umakto na tila masayang mag-asawa. Ganoon ang set-up naming dalawa hanggang sa pinagkalooban kami ng anak. Buhat no’n ay naramdaman ko na ang pagbabago ng trato ni Elijah sa akin. Natuto na siya na mahalin ako. Ginampanan niya ang pagiging esposo sa akin. Inaasikaso na niya ako, kami ng anak namin. Iyon ang nararamdaman ko noong buhay pa si baby Eros. But then again, his love for me died down together with our son. At sa isip ko, kaya hindi pa inuungkat ni Elijah ang legal na pakikipaghiwalay sa akin ay dahil nangangamba siya sa maaaring reaksiyon at gawin ng kanyang Lola Allegra na siyang parang manipulator sa buhay nilang mga apo nito. Lahat silang magkakapatid sa ama’y nakadepende pa rin ang mga desisyon kay Donya Allegra. Alas kuwatro pasado ng hapon ay nagpasya akong puntahan sa kanyang opisina si Elijah. Noong buhay pa si baby Eros ay twice or more kaming bumibisita sa office ni Elijah. Madalas ay si Elijah ang nagre-request na puntahan namin siya ni Eros lalo na kapag busy siya. Pero sa nagdaang walong buwan ay tatlong beses na lamang akong nakapunta sa kompanya ng asawa ko. Sa tatlong beses na iyon ay parang estranghero niya akong pinakitunguhan at kapag wala nang makakarinig ay aasikan na niya akong umuwi sa bahay namin. He harshly refrained me from going to his office. Kaya naman kapag may ibig akong ipadala sa kanyang pagkain ay si Manang Landa na lamang ang inuutusan kong maghatid para maiwasan ko na ring mairita sa akin si Elijah. Tumuloy ako sa basement parking and I am looking for a vacant slot nang matanaw ko ang naka-park na kotse ni Elijah. Ngunit hindi iyon ang nagpasikip sa aking dibdib, kung hindi ay iyong katabing kotse nito. It’s Thiaree’s car. Puno ng kaba at poot ang aking dibdib nang tinungo ko ang office ng aking asawa sa ninth floor ng company building. Ang bigat ng bawat hakbang ko. Foxx was surprised to see me. He’s my husband’s male assistant secretary. “Ma’am Triana, hi. It’s nice to see you, Ma’am.” “Hello, Foxx.” Ganting bati ko kay Foxx. “Pupuntahan ko lang ang asawa ko.” His smile faded. “Ho? U—uhm… Ma’am, may importanteng—” “Cut the excuses, Foxx. I know my husband is inside.” Hindi ako kailanman naging istrikta sa mga kakilala kong empleyado ni Elijah pero kapag nararamdaman kong parang pinagtatakpan na ang maling gawain ni Elijah, natural na lang siguro na sumama ang loob ko. Hindi na ako napigilan ni Foxx nang tumuluy-tuloy ako patungo sa pinto ng office ni Elijah. Nang mahawakan ko ang door handle ay naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Naluluha ako at parang nanghihina. Naduduwag na naman ako ngunit kailangan kong sundin ang iniuutos ng isip ko. I need to confront my husband and my sister. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan na itinulak ang pinto na ipinagpapasalamat kong hindi naka-lock. Kagaya ng inaasahan ko ay narito nga sa loob ng opisina ng asawa ko ang kapatid ko. And they’re on the visitor’s couch. Magkatabi silang dalawa sa couch. “T—triana…” Namilog ang mga mata ni Thiaree nang makita akong pumasok. Nadatnan ko sila sa aktong hinihilot ni Thiaree ang sentido ni Elijah. Nakapikit si Elijah at nakatingala ang mukha sa ceiling. My husband’s face is contorted na tila ba may iniindang sakit. Hindi ko kinibo si Thiaree. Pinupukol ko lamang siya ng nag-aakusang titig. “Elijah? Elijah, narito si Triana.” Pukaw ni Thiaree sa asawa kong nakapikit. Her voice is gentle ngunit nahahalata ko ang kaba sa kanyang mukha. Nagmulat ng mga mata si Elijah. Awtomatikong dumirekta sa akin ang tingin ng asawa ko. I could notice the exhaustion from his golden brown eyes. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkabahala ngayong naririto ako sa harapan nilang dalawa. Iniwas ni Thiaree ang tingin sa akin at tila aligagang tumayo mula sa tabi ni Elijah. She stood graciously tall. Kahit simple iyong dress na suot ni Thiaree ngunit nakabalot sa kanya ang ganda at karisma na magpapahanga sa sino mang lalaking mapapasulyap sa kanya. I even felt ashamed comparing myself to Thiaree. She’s the epitome of beauty and grace. Magkapatid kami ni Thiaree sa ina. Iyong father niya ay may dugong banyaga. Simpleng magsasaka naman ang tatay ko. Nakilala ko lang si Thiaree no’ng nasa fifth grade na ako. Dalagita na siya ng mga panahong iyon at kasama niya si Mama nang lumalaki siya. Ako naman ay naiwan sa poder ng Tatay ko sa probinsya. She’s a city girl and I am her total opposite. Lumaki akong si Thiaree ang iniidolo ko. Siya lang ang hinahangaan ko and I love her so much. Naging privileged ako buhat nang makilala ko si Donya Allegra ngunit ginagawa ko ang lahat para hindi maramdaman ng kapatid ko na lamang ako sa kanya pagdating sa mga material na bagay na ibinubuhos sa akin ni Donya Allegra. Ingat na ingat akong hindi siya bigyan ng rason to hate me pero bakit ganoon? Bakit parang ang dali para sa kanya na ako ang saktan? And of people, bakit ang asawa ko pa ang pinatulan n’ya? “I—I’ll go ahead. Maiwan ko na kayo.” Kinuha ni Thiaree ang kanyang handbag at lalampasan na sana niya ako nang pigilan ko siya sa kanyang braso. “T—thiaree…” Nanghihina kong sambit sa pangalan ng kapatid ko. “I need to go, Triana.” Umiiwas siya at hindi siya makatingin sa akin. She’s guilty. Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya. I slowly kneel down habang naghahabulang bumagsak ang mga luha ko. “Masaya naman kayo ni Ford, ‘di ba? M—mahal na mahal ka ng fiancé mo, Thiaree. Nakikiusap ako saiyo, ‘wag mo na lang kaming guluhin ni Elijah. Thiaree, ‘wag mo naman akong saktan ng ganito oh. Wala na akong Eros, Thiaree kaya maawa ka naman sa akin. ‘Wag mong kukunin sa akin si Elijah. ‘Wag mong kunin ang asawa ko. Akin na lang s’ya, sige na oh.” Nakaluhod akong umiiyak kay Thiaree. Nagsusumamo ako at kung kinakailangan kong ulit-ulitin itong pagmamakaawa sa kanya para lamang layuan niya si Elijah ay gagawin ko. “Triana, tumayo ka riyan.” I heard my husband’s dangerous voice. “Stop kneeling down, Triana.” Humakbang si Elijah at akma niya akong hihilain patayo nang higitin ko ang kamay niya at mahigpit na yumakap sa baywang niya. Sa kanya naman ako nagsumamo. “Kakalimutan kong nalaman kong may namagitan sa inyo ng kapatid ko. Handa akong ibaon iyon sa limot, Elijah basta’t sabihin mo lang na titigilan n’yo na ang isa’t isa. Please come back to me, Elijah. I-love mo naman ako oh. Kung ano man ang sa tingin mo ang pagkakamali ko at pagkukulang ko, patawarin mo na ako. Let’s fixed our marriage please. Please, let us be okay. Ako na lang, Elijah oh. Sige na, ako na lang.” Hindi ko na magawang mag-aalala sa sarili ko kahit na nakakabahala na ang paninikip ng aking dibdib. Pahina nang pahina ang boses ko habang pabigat nang pabigat ang hagulhol ko. “A—ayusin na natin ‘to, Elijah.” I heavily sob while clutching at his hand. “Nagmamakaawa ako saiyo. Stop being like this towards me. ‘Wag si T—thiaree oh. ‘Wag ang ate ko, Elijah, ka—kasi patung-patong ang sakit kung siya ang ipapalit mo sa akin. Elijah, maawa ka.” Nalilito na ako kung sino sa kanila ang uunahin kong pakiusapan. “Thiaree, ‘wag si Elijah ha? Siya na lang ang mayroon ako e. ‘Wag ang asawa ko, sige na naman oh. Kahit itong hiling ko lang, sana pakinggan mo. L—lahat ibibigay ko saiyo, lahat ng gusto mong gawin ko, susundin ko basta’t kalimutan mo lang na m—minsa’y may namagitan sa inyo ng asawa ko. ‘Wag si Elijah, Ate. Kailangan ko ang asawa ko.” Hindi na nagkakaroon ng kaayusan ang mga sinasabi ko dulot ng aking hindi matawarang hikbi. “Stop this now, Triana.” Dahil hinang-hina na ako kung kaya’t hindi na nahirapan si Elijah na itayo ako. Kapit na kapit ako sa damit niya. Ayaw kong bumitaw sa kanya. “Stop being harsh to yourself, Triana. Sapat na. Umuwi ka na.” Pagtataboy sa akin ni Elijah. “Go home, Triana at huwag kang gagawa ng kahihiyan dito sa loob ng kompanya ko!” Babala pa n’ya. “N—no. No, Elijah. Alam mong hindi ko gagawin iyan. Hindi ko kayang magdulot ng kahihiyan sa buhay mo. I am just begging you to stop your affair with my sister.” “Go home, Triana. Go home now!” Mas mabagsik niyang sabi and he was tightly holding my arms and pushing me away from him. “E—elijah, please.” “Puwede ba, Triana, itigil mo na itong kaartehan mo. Sinasayang mo ang oras ko!” Hindi na niya mapigilang singhalan ako. “Don’t leave, Thiaree.” Pigil pa nito sa kapatid ko. “Let’s tell her the truth for once and for all.” Itinikom ko ang aking nangangatal na mga labi at hinang-hinang bumitaw sa damit ni Elijah. Pinalalabo ng aking mga luha ang aking paningin habang palipat-lipat ko silang tinitignan. Hindi na lang hinanakit ang nararamdaman ko ngayon. Mas namamayani na ang takot sa sistema ko. Mayroon silang balak sabihin sa akin at may kutob na ako roon. It’s one thing I am so scared of. I am so scared to hear them saying that they love each other. Umiling ako. “N—no. ‘Wag… Wala kayong sasabihin.” “Triana, mayroon.” Huminga ng malalim si Elijah. “Alam mong una pa lamang ay hindi na maayos ang pagsasama natin. It’s hard for me to l—love you, Triana.” Tinapat niya ako. Gusto kong tumakbo para hindi ko marinig ang ano pa mang sasabihin ni Elijah ngunit napako lamang ako sa kinatatayuan ko. “It’s about time that we freed ourselves from this marriage na ipinilit lang naman ni Lola Allegra para sa atin. I can’t be with you anymore, Triana. Ipa-annul na natin ang ating kasal. I want a way out of our marriage at wala na akong pakialam kung aalisan man ako ng mana ni Lola Allegra oras na hiwalayan kita.” “Please n—no…” “Triana...” Mahinang sambit ni Thiaree sa pangalan ko. “Buntis ako, Triana. Dinadala ko ang anak namin ni Elijah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD