Kabanata 4
Bumukas ang pinto ng opisina kung saan ako mahigit na sampung minuto nang naghihintay.
“Triana? Oh hi, dear!” Malugod na bati sa akin ng taong sinadya ko.
“Ford.” Mahina kong tinanguan ang lalaki na nakasuot ng puting laboratory coat.
He’s Ford Merced at siya ang fiancé ni Thiaree. Pediatrician si Ford and I know enough about him dahil matalik silang magkaibigan ni Elijah. Siya ang doctor ni baby Eros noon kaya mas naging malapit si Ford sa buong pamilya namin. Just like Thiaree, pamilya na rin ang turing naming mag-asawa kay Ford.
See, kung ilan kaming higit na masasaktan sa relasyon ni Elijah at Thiaree. Doc Ford is one of the kindest men I know and like me, he does not deserve those cheaters betrayals.
“Please sit down, Ann.” Ann, iyon ang nakasanayang itawag sa aking palayaw ni Ford. Ganoon din si Thiaree.
“Yeah, thanks, Ford.” Pilit akong ngumiti kay Ford.
Tumikhim ako matapos kong bumalik sa silyang nasa harapan ng working table ni Ford. Mayroon siyang sariling office dito sa private hospital na kanyang pinagtatrabahuan. Ang alam ko ay mayroon ding malaking share sa ospital na ito ang mga Trigueros—ang family ni Elijah.
“You surprised me, Ann but glad to see you.”
“Gano’n din ako, Ford. Uhm, pasensiya ka na kung naistorbo kita. Busy ka ba?”
“I have an hour break, Ann.” He smiles.
Ever since I met Doc Ford ay tunay na mabait ito sa akin. Kabaliktaran ang ugali nila ni Elijah. Si Elijah ay man of few words, bugnutin at seryoso habang friendly naman si Doc Ford. Tamang-tama sa kanya ang trabaho niya na maging doctor sa mga bata dahil magaan itong kausap. Lumaki akong walang kuya pero nang makilala ko si Ford ay parang nagkaroon ako ng instant kuya sa katauhan niya. He is so thoughtful at kung may maituturing man akong second father figure ni baby Eros noon, it would be Ford.
“Mabuti naman kung ganoon.” Tumikhim ako at nagsusumikap pa rin na ngumiti. “Naiinip na kasi ako sa bahay. Umuwi kasi si Manang Landa dahil manganganak ang anak n’ya.” Kuwento ko subalit nakita kong kinuha ni Ford ang medical instrument niya and he just decided on his own to check my vital signs.
“Matamlay ka. Dumaan ka sa laboratory mamaya at ipa-check mo ang blood sugar mo. It’s noticeable how stress affects your lifestyle, Ann. You’re more susceptible to illness dahil stress ka. You're not taking good care of yourself.”
“Halata pala.” I sigh at mapait na ngumiti.
“Kumusta kayo ni Thiaree?” There, after he sits back on his chair, kaagad kong isiningit ang totoong pakay ko kay Ford. Balak kong alamin kung may ideya ba siya sa relasyon ni Thiaree at ni Elijah.
“Well, we’re…” he pauses at nagkibit siya ng balikat. “We’re good, Ann. Thiaree and I decided to remain as friends.”
Napakurap ako sa sinabi ni Ford. “A—anong ibig mong sabihin, Ford?”
Sumandal si Ford sa backrest ng kanyang upuan at huminga ng malalim. “Pasensiya ka na, Triana kung hindi namin ipinaalam saiyo that Thiaree and I already cancelled our wedding. We broke up almost two months ago. Marami ka nang iniisip na problema because of our Eros’ death kaya pinili naming huwag nang sabihin saiyo. Ayaw na naming makaabala pa sa isip mo, Ann.”
“T—two months?” Nauutal kong saad. Nagulantang ang utak ko sa nalaman.
“Yes, Ann. We’re over at dalawang buwan na mula noong naghiwalay kami ni Thiaree. We separated but still in good terms as friends.”
I gulp. “Forgive me for asking this pero maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit naghiwalay kayo? Sa anong rason, Ford? May cheating ba na issue?” My heart is thumping so fast as I’ve waited for Ford’s answer.
“I believe there’s none, Ann.” Kampanteng tugon n’ya.
I think he’s clueless. Tama lang na pumarito ako sa opisina niya para kahit papaano ay malaman niya ang katotohanan. That behind our backs ay kinakalantari ni Thiaree at Elijah ang isa’t isa.
Huminga ako ng malalim. “Paano kung sabihin ko saiyo na mayroon, Ford?”
Nadismaya ako dahil matamis lang na ngumiti sa akin si Ford.
“Ford, listen. You have to know about Thiaree and El—”
Naudlot ang pagbubunyag ko sa sikreto ni Thiaree at Elijah nang tumunog ang cellphone ni Ford.
“It’s your husband. He knows you’re here? Baka hinahanap ka na nitong si Elijah.” Ford chuckles ngunit hindi ko magawang ngumiti sa kanya after hearing him saying my husband’s name. I am hurting a lot because of Elijah’s betrayal and infidelities pero iba iyong sakit na makita ang isa pa nilang biktima na walang kamuwang-muwang sa panloloko nila.
“I’ll put it on loud speaker, Ann,” anito nang nakangisi pa rin na animo’y kinikilig pa rin siya sa amin ni Elijah ngunit ang totoo’y winasak na ng asawa’t kapatid ko ang puso ko. At alam kong ganito rin ang kahihinatnan ni Ford once na malaman niya ang tungkol kay Thiaree at Elijah.
Sinagot ni Ford ang tawag ni Elijah. I stay silent on my seat.
“Ford! Ford, come over!”
Kagyat akong napatingin sa cellphone ni Ford nang mapakinggan ko ang boses ni Elijah sa speaker. Kumudlit ang pag-aalala sa dibdib ko dahil nahimigan kong parang nasasaktan ang boses ni Elijah. Wala akong ideya kung nasaan si Elijah. It’s been three days mula noong nagkaharap-harap kami sa opisina niya. Hindi na siya umuuwi.
Naguluhan ako sa inakto ni Ford dahil imbes na alamin niya kung ano ang nangyayari kay Elijah ay pinatay niya ang tawag.
“Ford, you won’t ask him kung ano ang nangyayari sa kanya? He didn't sound okay.”
Tumikhim si Ford at nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata but he chooses to chuckle to as if hide his worries. “Baka lasing lang iyong asawa mo, Ann.”
I doubt it.
“Pupuntahan ko si Elijah. Gusto mo bang sumama, Triana?”
Mabilis akong nakatugon ng, “No. Ayaw ko, Ford. May… may misunderstanding kami kaya magpapalamig muna ako ng ulo bago ko siya harapin.” Idinahilan ko na lang iyon nang bigyan ako ni Ford ng nang-iintrigang tingin.
“You know what, Ann. Sa palagay ko ay kailangan mo ng escape para mawala ang stress mo.”
Nagkibit ako ng balikat hanggang sa may inilabas na isang bungkos na susi si Ford kasama ang isang map guide.
“Ano ‘to, Ford?”
“That? Bagong property na nabili ko, Ann. I visited the farm twice.”
Binuklat ko ang map guide at nagsalubong ang aking kilay nang mapagtantong sa probinsya lang namin itong tinutukoy na property ni Ford.
“Katatapos lang construction ng farm house d’yan. Trust me, you’re going to love that place, Ann. Visit the farm and get a nature escape. It would be a perfect opportunity for you to reconnect with yourself and you must find your inner peace. Lumayo ka muna rito before you got totally drain, Ann.”
Naghanda na si Ford na umalis habang ako ay nakaupo pa rin at tinitimbang ang sinabi ni Ford. Do I have a chance to refuse his offer gayong nasa akin na ang susi ng property n’ya?
“Huwag ka nang mag-isip, Ann. It’s a tempting offer. You need it. You need to get away and have some time alone with yourself.” Himok pa ni Ford sa akin at inaayos niya ang mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa.
“Thanks for this, Ford.” Nadidismaya ako dahil mukhang mali itong oras nang pagpunta ko para sana ihayag kay Ford ang totoo.
Tatayo na sana ako nang may nahagip ang aking mga mata na umusli mula sa filed papers sa mesa ni Ford. Hindi ako dinadaya ng aking mga mata. Parang nakita ko ang pangalan ni Elijah sa isa sa mga medical records na hawak ni Ford.
“F—ford, can I—”
Hindi ako pinatapos ni Ford dahil nagmamadali na siyang ipasok sa drawer sa ilalim ng kanyang table ang mga papeles. I look at his face subalit naging mailap ang mga mata ni Ford na tumingin pabalik sa akin. Parang umiiwas siya.
“I am sorry, Ann. I need to go ahead.”
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango kay Ford. Sumabay na ako sa kanya palabas ng ospital but the thought of my husband’s name on a medical paper still lingering on my thoughts and it’s giving me a strange worry.
KINABUKASAN ay nabuo ang pasya ko na ngayong araw bumiyahe patungo sa Don Aragon. Nag-send ako ng text message kay Manang Landa para ipaalam sa kanya na magbabakasyon ako at ilang araw akong mawawala. Nag-impake lang ako ng ilang pirasong damit at ibang kagamitan na kakailanganin ko. I decided not to use my car at magba-bus lang ako. Iniwan ko rin ang mga gadget ko and I did not bring any with me.
Hindi hassle para sa akin ang biyahe dahil pamilyar naman na sa akin ang lugar na pupuntahan ko. It’s just the same province where I grew up. Ang siste lang ay malayo ang property ni Ford sa San Rafael na siyang hometown ko. Ford’s farm is located in Santa Clarita. Tatlong bayan ang mayroon ang Don Aragon; ang San Rafael, Santa Clarita at ang San Elizario kung saan naroon ang baluarte ng mga Trigueros. Ang San Elizario ang pinakamalaki at pinakamaunlad na bayan ng Don Aragon.
Hapon na nang matunton ko ang farm na pakay ko. Good thing at accessible ang farm ng tricycle kung kaya’t hindi ako nahirapan at wala na akong kakailanganing lakarin.
At tama nga si Ford na maganda itong property na nabili niya. Habang nakatanaw ako sa kabuuan ng farm house ay may naalala ako. The exterior is kind of familiar. Para bang nasilayan ko na ang ganitong farm house noon but I can hardly recall kung saan ko ba ito nakita.
Alalahanin ko iyon mamaya. Pumasok na lamang muna ako and silence welcomed me. Instead of touring myself around the farm house ay binalot na naman ng lungkot ang utak ko. Bigla na lamang na nag-uunahan ang mga luha ko. I thought of Eros and Elijah. They will love this farm too. Ang sakit lang sa dibdib na ni isa sa kanila ay wala nang gustong samahan ako.
Imbes na mag-relax ay nasayang ang dalawang oras ko sa pagmumukmok hanggang sa nagtakip-silim at naalala kong wala pala akong makakain na kahit ano rito. Madilim na ang paligid nang magpasya akong lumabas to get myself some food at maiinom na rin. Alak lang ang tiyak na makakapiling ko habang naririto ako sa farm na ito.
Nagpahatid ako sa tricycle sa pamilihan ng isang distrito rito sa bayan ng Santa Clarita. Nasa tapat na ako ng convenience store nang may matanaw akong taberna sa hilera rin ng convenience store. Ewan ko kung bakit kusa na lamang akong dinala sa taberna ng aking mga paa. Parang may tumutulak sa akin na pumaroon.
The next thing I know is that I am already inside the tavern at nakapuwesto ako sa mesang nasa sulok. Suwerte ko na lamang at may available meal sila rito.
Nag-oder ako ng porkchop at sotanghon guisado for my dinner. Sabay na inihatid ng waiter ang alak na order ko rin. I am loving this tavern dahil hindi magulo. Walang gaanong costumer dahil siguro’y hindi ito ang peak hour? Actually dalawang mesa lang ang may costumer. Pangalawa iyong kinaroroonan ko.
I brought enough cash with me. ‘Yong mga cards ko ay iniwan ko rin sa bahay namin ni Elijah.
May performer ang tavern nang dumating ako. He’s playing a guitar while singing a countryside song. Mataman akong nakikinig sa kumakanta nang may dumating na dalawang babaeng costumer at napiling umupo sa unahang mesa, katabi ng akin. Naasikaso kaagad ang mga ito ng waiter na pansin ko’y mag-isa lamang.
“Mabuti at hindi pa isinasara ang taberna na ito, Paz.”
“’Yon nga e at dasal ko lang na huwag nang idamay ni Hepe na ipasara itong taberna ni Kuya Sandro. Ang kita rito ay siya na lang inaasahan ni Lola Amelia at ng anak ni Kuya Sandro. Kapag walang costumer, wala ring maaasahan iyong dalawa. Gutom ang aabutin.”
“Totoo iyan, Paz. Sobra-sobra na rin ang ginagawa ni Hepe kay Kuya Sandro porque’t nasa posisyon s’ya. Ni hindi man lang maidaan sa due process iyong kaso na iginigiit nila kay Kuya Sandro. Hatol kaagad kahit hindi naman kapani-paniwalang magagawa ni Kuya Sandro iyong krimen na sinasabi nila.”
“’Wag kang mag-aalala, Pilar. May awa ang Panginoon at lalabas din ang katotohanang inosenti ang Kuya Sandro. Hindi siya nararapat na mabulok sa kulungan dahil alam nating mabuting tao si Kuya.”
“Paz, ganito ba ‘lagi rito sa taberna? Halos wala ng parokyano, ‘no? Samantalang noon ay bumabaha ng costumer dito.”
“Wala e, mahina na talaga itong taberna, Pilar. Sa nadinig ko’y makailang beses nang may nagreklamong costumer dahil sa kung anong issue at reklamo. Pero sa palagay ko’y black propaganda lamang iyon nang sa ganoon ay bumagsak itong taberna ni Kuya Sandro. Alam naman nating mayroong mga taong naiinggit kay Kuya noon pa man.”
“Grabe at hindi pa rin sila tumitigil sa pananabotahe kahit na nasa kulungan na si Kuya Sandro. Kahit sana isipin na lang nila na mayroong matanda at bata na umaasa sa kita ng tabernang ito. Halang talaga ang mga bituka ng mga taong may galit kay Kuya Sandro.”
Hindi na ako makapag-focus sa umaawit dahil mas naririnig ko na iyong usapan ng dalawang dalaga sa harapang table. I am just acting that I am not eavesdropping. Mahirap na at masabihan tayong usisera.
Pero totoong pinitik ang puso ko sa kuwentong napakinggan mula sa dalawang babae. Tumatak sa isip ko iyong sinabi nilang may umaasang matanda at bata sa kita ng taberna.
Kung ganoon kapag matumal at wala talagang costumer, ibig sabihin ay walang pera na matatanggap ang matanda at batang iyon.
Parang hindi kayang dalhin ng konsensiya ko iyon kaya sa magkakasunod ng gabi ay regular na akong pumupunta rito sa taberna para rito maghapunan.
“Ma’am! Hala, Ma’am, kayo po ulit.” Galak na salubong sa akin ng nag-iisang waiter ng taberna. Binata ito at mapaghahalataang mabait.
“Hi. Masarap ang foods ninyo rito so I keep coming back.”
“Naku! Maraming maraming salamat po sa magandang feedback, Ma’am. Tiyak na matutuwa si Kuya Vic.”
“Vic?”
“Opo, Ma’am. Si Kuya Vic po iyong kusinero rito at siya na rin po ang nagma-manage nitong taberna buhat noong makulong si—”
“Dong!” Naputol ang sinasabi n waiter nang may tumawag sa pangalan nito.
“Kuya?”
Sabay kaming napalingon ng waiter sa may maliit na pinto na tila daan patungo sa kitchen ng tavern. Nakita kong nakasilip doon ang isang lalaki na sa palagay ko’y nasa kuwarenta anyos na. Seryoso itong nakatingin sa gawi namin.
“Kuya Vic, si Ma’am ano ho… Sorry, Ma’am, ano po pala ang pangalan n’yo?”
“Triana.” I introduced myself with a small smile.
“Ma’am Triana, siya po si Kuya Vic. Kuya, si Ma’am Triana ho. Tatlong gabi na siyang costumer natin dito. Masarap daw po ang mga luto ninyo, Kuya.”
Sakto lang na tumango sa akin iyong kusinero at tinawag na nito ang waiter para pumasok sa loob ng kitchen. Sinabi ko na lang din sa waiter iyong order ko.
Huling araw ko rito sa Santa Clarita ay sinulit ko iyong gabi sa taberna. Naparami ang inom ko. Sa isip ko kasi ay para marami ang income ng tavern. Tutal at bukas ay hindi na ako makakapunta rito dahil babalik na ako sa bahay namin ni Elijah. Uuwi akong magulo pa rin ang aking isip at parang hindi naman nabawasan iyong sakit na nararamdaman ko dahil maya’t maya pa rin ang pagluha ko. I can’t take my husband out of my mind kahit ano pang subok ko na kalimutan s’ya.
Hindi ko namamalayang lumalalim na pala ang gabi at halos masimot ko na ang isang litro ng alak na mag-isa ko lamang na inaatupag. Saglit akong tumungo sa banyo to pee. Hilong-hilo na ako sa mga oras na ito. When I’m done peeing ay kaagad akong lumabas ng banyo nang may bumungad sa akin sa labas ng pinto na isang taong hindi ko inaasahang makikita ko.
“E—elijah…” I mumble in shock. My jaw dropped. My husband’s in front of me! But I got a little confused dahil may nakikita ako sa mukha niya na parang hindi ko nakita kay Elijah just like his beards. At kataka-takang mahaba ang buhok niya na makikita pa rin kahit nakasuot siya ng itim na cowboy hat. Since when did Elijah grow his hair that long? Ang alam ko’y never nagpahaba ng buhok si Elijah. Atsaka ilang linggo pa lang naman noong huli kaming nagkita at hiwaga kong maituturing kung hahaba ng ganito kabilis ang buhok niya.
“Ma’am, tapos ka na ba? Gagamit din ako ng banyo.” Kinilabutan ako sa lalim ng boses ni Elijah. He sounded not his usual self. Parang kakaiba sa pandinig ko ang boses n’ya.
Ngunit natawa ako ng mapakla sa uri ng pagtawag niya sa akin. “Ma’am? Am I your Ma’am now huh? But kidding aside, Elijah. Sinundan mo talaga ako rito? Napag-isip-isip mo na bang mas matimbang ako sa puso mo? Ako na ba ang pipiliin mo, Elijah? Are you coming back to me?”
I drunkenly threw myself at him. I felt his body tensed when I tightly wrapped my arms around his hard body.
“Elijah, tell me. Ako na ba ulit? Sa akin ka na ba ulit? Babalik ka na sa akin, ‘di ba, mahal ko? Sa akin ka na, ha? Akin ka lang, Elijah please. Mahal na mahal kita. Mahal kita, Elijah.”
“Miss, teka. Bitawan mo ako. Nangha-harass ka na…”
I don’t listen to him, instead I look up at him at ikinawit ko ang mga braso ko sa kanya leeg at buong lakas na hinila ang kanyang batok hanggang sa masiil ko ng maalab na halik ang kanyang labi.