KABANATA 2

2420 Words
Kabanata 2 TRIANA “Triana?” Wala pa sana akong balak na bumangon ngunit narinig ko ang boses ni Manang Landa mula sa labas. Muli ay dito na naman ako natulog sa kuwarto ni baby Eros—ang anak namin ni Elijah na maagang binawi sa amin ng langit. My baby died eight months ago due to an unthinkable accident. Wala ako rito sa bahay nang maaksidente ang kaawa-awang limang taong gulang kong anak. I had an important out of town meeting with a foreign client that time at ang naiwan dito sa bahay ay ang dati naming housemaid at ang babysitter ni Eros na on-call lang kung kakailanganin. Elijah was here inside the house when that accident happened that killed my baby. Hatinggabi habang nagsusungit ang panahon at malakas ang buhos ng ulan, walang kamalay-malay ang mga tao rito sa bahay na nakalabas pala ng bahay si Eros and he was looking for me. Natamaan ng kidlat ang isang puno sa bakuran at naputol ang malaking sanga na siyang bumagsak sa anak ko. Naisugod pa si baby Eros ko sa ospital. Humihinga pa ang anak ko nang makauwi ako. Nahawakan ko pa ang kamay niya, nakiliti ko pa ang talampakan niya, nakantahan ko pa siya ng paborito niyang lullaby song pero ilang oras lang… Ilang oras lang ay namaalam na ang baby ko. He even weakly poked my trembling hand before his last breath. He weakly poked my hand as his way of saying good bye to his mommy. It has been eight months already since my baby Eros left me pero ‘yong sakit, lungkot at pangungulila ay hindi ko pa rin kayang hawiin sa puso’t isip ko. I lost my child at kasunod naman niyon ay ang pagkasira ng pagsasama namin ni Elijah. Simula nang mamatay ang anak namin ay naging halimaw na ang asawa ko. Ako ang itinuturo niyang may kasalanan sa pagkawala ni baby Eros. Wala kaming pag-uusap sa nakaraang walong buwan na hindi niya sinusumbat at isinisisi sa akin ang pagkawala ng aming anak. Katulad na lamang kagabi kung saan ay nahuli ko ang pagkakaroon nila ng illicit affair ng kapatid ko. Instead of feeling sorry and guilty ay sa akin na naman ibinato ni Elijah ang sisi. Sa akin na naman ang sisi. Ako na lang palagi ang may mali kahit na ako na itong pinagtaksilan. I never lost my fate to God pero hindi ko maiwasan na kwestiyunin ang Panginoon kung tama ba itong landas na nilalakaran ko. Kung ito ba talaga ang binalangkas niyang kapalaran para sa akin kasi sa totoo lang, durog na durog na ako at patuloy pa akong nilulugmok ng taong sana’y mga karamay ko. “Triana hija, dinalhan na kita ng pagkain mo.” Pumasok na si Manang Landa kaya napilitan akong bumangon. “Nakabalik na ho pala kayo, Manang. Pakilagay n’yo lang sa coffee table, Manang. Maraming salamat po pero sana ay hindi na kayo nag-abala na akyatan ako ng pagkain.” Matamlay akong kumilos ngunit sinikap ko pa ring linisin ang kama na tinulugan ko. Ugali ko nang linisin ang pinagtulugan ko dahil para sa akin ito iyong first accomplishment ko sa bawat araw. It’s one of those simple things I taught my baby Eros for the reason that it helps foster children’s discipline. Pero hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang itinutupi ko ang paboritong kumot ni Eros. Niyakap ko ito at mariing idinikit sa naninikip kong dibdib. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at dinadaya ko na lamang ang aking sarili na ang anak ko itong yapus-yapos ko ngayon. Sandali pa’y naramdaman ko na lamang ang marahang paghagod ni Manang Landa sa aking likuran. “Triana, husto na, hija. Wala ako sa sitwasyon mo ngunit buhat nang mamasukan ako rito sa inyo ay araw-araw ko nang nararamdaman ang sakit na pinagdadaraanan mo. Hija, napapabayaan mo na ang sarili mo. Kung kaya pa, hija, magpakatatag ka pa ha. ‘Wag mo sanang pag-isipan na isuko ang sarili mo. Tulungan mo rin ang sarili mo, Triana. Bumangon ka at ‘wag mong hahayaan na bigyan ng kaligayahan ang mga taong pinagtaksilan ka at pinagsamantalahan ka sa sitwasyon mo ngayong lugmok ka.” I sob. “M—manang, may alam ho kayo tungkol kay Elijah at sa k—kapatid ko?” “Noong minsang inutusan mo akong maghatid ng pagkain sa opisina ni Sir, nadatnan ko sa loob ang kapatid mo, Triana ngunit hindi ko eksaktong nakita na may namamagitan sa kanilang dalawa pero may tinginan silang alam kong may kahulugan. Doon nag-umpisa ang hinala ko ngunit hindi ko muna iyon sinabi saiyo dahil maaaring mali rin ang hinala ko. Hanggang sa dumating dito sa bahay ninyo si Ma’am Thiaree kagabi at dire-diretso itong pumasok sa silid ninyong mag-asawa kung saan naroon si Sir Elijah.” “Diyos ko!” I muttered in pain. “Sumunod ako sa kapatid mo, hija at kinatok silang dalawa. Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa personal ninyong mga buhay subalit nanaig ang malasakit ko saiyo, Triana at gusto kong mapanatili ang respeto para sa tahanan ninyong ito.” “W—wala kayo rito kagabi nang umuwi ako, Manang,” ani ko habang hindi maawat sa paghikbi. “Napilitan akong umalis. Pinagalitan ako ni Ma’am Thiaree at pinagbantaang sisisantehin niya ako kapag hindi ako umalis kagabi. Kaya patawarin mo ako, hija kung wala akong nagawa para pigilan ang kataksilan nilang dalawa saiyo. Patawarin mo ‘ko, hija.” “Manang, wala naman ho kayong dapat na ihingi ng tawad.” Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at tumanaw ako sa malaking portrait sa dingding kung saan ay naroon kaming mag-asawa kasama si Eros na puno ng buhay ang ngiti. Lord, tignan n'yo iyong family portrait namin oh. Ang saya-saya namin d'yan pero ang daya lang. Bakit ang aga Mong ginawang anghel ang anak ko? “Triana, hija, huwag kang magpapaapi sa sakit na idinudulot nila saiyo. Ikaw ang pinagtaksilan, hija kaya huwag mong hahayaan na ikaw pa ang maging kawawa. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo, lalo na ang karapatan mo kung alam mong naaabuso na ang kabaitan mo.” Muli akong napahikbi. Naroon pa rin sa family portrait naming ang aking tingin na pinalalabo ng aking masaganang luha. “Manang, hindi ko ho pakakawalan si Elijah. Mahal na mahal ko ho ang asawa ko. We’re still married and I am still his wife no matter what. Namanata ho ako sa harapan ng altar na habang-buhay ko siyang mamahalin at palagi akong mananatili sa kanyang tabi.” “Nauunawaan kita, Triana ngunit kung sakaling mabatid mong hindi na talaga karapat-dapat na ipaglaban pa, magtira ka lang ng lakas at iyon ang gagamitin mo sa pagsagip sa iyong sarili. Ito lang ang tatandaan mo palagi, hija. Huwag ka lang magpapaubos. Matuto kang magtira ng kahit kakarampot para sa sarili mo.” Evening came and despite the fact that my husband’s cheating on me with my own sister, ginampanan ko pa rin ang obligasyon ko sa kanya. I cooked dinner for him. Kahit puro away at sumbatan ang namamagitan sa amin ni Elijah sa loob ng walong buwan ay nagagawa pa rin naman niyang umuwi rito sa bahay namin tuwing gabi, maliban na lamang kung may out of town or out of the country siyang business affair. Sa nagdaang mga buwan, ilang beses nang may nakarating na balita sa akin about my husband’s infidelities ngunit ni isa ay wala akong nahuli. Sa pagkakaalam ko ay dinadala ni Elijah sa ibang lugar ang mga nagiging babae niya. Nasasaktan ako kapag may mga naiuugnay kay Elijah na ibang mga babae. Natatakot ako na baka isang araw ay magising na lamang siya na isa na sa mga babae niya ang mahal niya. In our current situation, alam kong hindi na mahihirapan si Elijah na magdesisyong iwan ako. Pero paano ako? Ang tagal-tagal. Matagal na panahon ko siyang minahal. At sixteen, I’ve been loving him in secret. At nineteen, I was officially introduced to him. At twenty, we got married. At twenty-two, I carried his child, our beautiful Eros. At twenty-three, I became a mother. Nang ipanganak ko si Eros, doon natuldukan ang malamig na pakikisama sa akin ni Elijah. He finally learned how to value and respect me as his wife. He learned to love me back. Si baby Eros ang tanging dahilan kung bakit nakulayan ang marriage namin ni Elijah and now that our son has gone, bumalik na naman ang noo’y pakikitungo ni Elijah sa akin. Mas malubha pa ang trato niya sa akin ngayon. Na sa aking palagay pa nga’y baka ang nakikita na lamang niyang misyon ngayon sa buhay niya ay ang saktan at durugin ako. Pero dahil sa matindi kong pagmamahal sa asawa ko at respeto ko sa kasal namin kung kaya’t pinipili ko ang magtiis at manatili. I could only pray na sana’y maubos na ang pighati sa puso ni Elijah nang sa ganoon ay luminaw na ang kanyang isip at muli niyang masilayan ang halaga ko sa buhay niya bilang kanyang esposa. Bandang alas otso ay umuwi si Elijah. Nagpahinga muna siya sa sala ng ilang minuto bago tumuloy dito sa dining area. “Good evening.” Umigting kaagad ang kanyang bagang nang makita ako. Hinila ko ang upuan sa kabisera ng dining table kung saan siya karaniwang umuupo. Isang matalas na sulyap lamang ang itinapon niya sa gawi ko bago siya tumuloy at naupo. Napangiti na lamang ako ng mapait nang ibang upuan ang inukopahan niya. Dahan-dahan ko na lamang na ibinalik iyong upuan sa kabisera na hinila ko sana para sa kanya. “Ipinagluto kita ng Sinigang na tuna. Kumain ka na.” Siniglahan ko pa rin ang boses ko. “Nag-ihaw din ako. Masarap ‘to. Kumain ka ng marami ha?” “Landa?” Sigaw niya sa pangalan ng aming kasambahay, totally ignoring me and I used to his cold treatment for the past eight months. “May ginagawa si Manang sa pantry, Elijah. Ako na lang ang magsisilbi sa’yo. Sawsawan, ano’ng gusto mong sawsawan dito sa inihaw na tuna?” “Landa!” “Po, Sir. Heto na.” Manang Landa entered the dining area in a hurry. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinili na lamang na umupo sa katapat na silya ni Elijah. He instructs Manang Landa kung ano ang gusto niyang sawsawan. Habang nilalagyan ko ng kanin ang aking pinggan ay napansin kong natigilan si Elijah. Pasimple ko siyang sinulyapan and my heart aches upon noticing that he is glancing at the toddler's high chair na nasa isang sulok ng dining area namin. It’s baby Eros’ chair at doon palagi sa tabi ni Elijah nakapuwesto noon ang high chair na iyon sa tuwing kumakain kaming isang buong pamilya. Inalis ko na sa high chair ang aking tingin sapagkat nag-uumpisa nang mamuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Inalis ko ang bara sa aking lalamunan at pinilit na ngumiti. “Bibisitahin ko si Eros bukas ng hapon, Elijah. Samahan mo ‘ko please. Magta-taxi na lang siguro ako papunta sa office mo at puwede kitang hintayin sa parking.” God knows how many times I’ve tried asking my husband na magkasama naming bisitahin ang puntod ng aming anak but never did once he agreed to be with me. “Go there alone. I’m not gonna be in my office tomorrow.” “Ah, okay lang. Ako na lang siguro. Pero s—saan ka pala bukas? Out of town ba? Ako na lang ang magpe-prepare ng mga gamit mo mamaya. Ilang days ka do’n?” Kahit masigla ang boses ko at may ngiti pa akong ipinapakita sa kanya pero deep inside me, I am being mercilessly tortured. Kung out of town, ibig sabihin kasi niyon ay may kikitain na namang ibang babae ang asawa ko. Si… si Thiaree kaya ang makakasama niya? Sa isiping iyon ay para nang mamamanhid sa labis na sakit ang puso ko. Natatakot akong ungkating muli ang tungkol sa kanila ng kapatid ko. Naduduwag ako na harapin ang maaaring sasabihin ni Elijah. Hindi ko kakayanin kung maririnig ko mula sa kanya na mayroon siyang espesyal na pagtingin sa kapatid ko. Ayoko. Hindi ko iyon matatanggap. Ayokong marinig iyon. “Don’t be bother to do so.” Inip niyang wika. Nagpatuloy ang aming hapunan. Masaya na ako na sa bawat inihahanda kong pagkain kay Elijah ay nagagawa niyang kainin ang mga ito. Sapat na sa akin na sabay pa rin kaming kumakain. “Alam mo ba, I met a little boy pala yesterday habang bumabiyahe ako pauwi. He’s really cute, Elijah. Talagang tumigil ako sa pagmamaneho nang makita ko iyong bata. Balak ko lang sana na bumili no’ng mga tinda nilang seashells souvenirs but believe it or not, I almost cried when I looked at him closely. I was really shocked. Elijah, ‘yong little vendor na nakilala ko kahapon, ang laki ng similarity ng bata kay baby Eros natin. Then, I asked him how old he is, he said he’s also five. Biruin mo iyon? Magka-edad sila ni Eros. Sayang talaga at lwbat ako kahapon kaya hindi ko siya na-picture-an but that kid, I don’t know kung pinaglalaruan lang ako ng langit pero kamukhang-kamukha talaga s’ya ni Eros.” Masaya akong nagkukuwento sa nangyari sa akin kahapon when a tear suddenly rolled down my face. Dali-dali ko iyong pinalis. Pitong oras lang ang biyahe mula sa hometown ko pauwi rito sa bahay namin ni Elijah ngunit inabot ako ng hatinggabi sa daan dahil makailang beses akong tumigil because I broke down. Nilamon ako ng matinding pangungulila kay Eros matapos kong makita ang batang iyon kahapon. Wala akong nakuhang reaksiyon kay Elijah. Hindi ako nakatingin sa kanya. I am looking down at the food on my plate. Umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan. “Where’s the exact place you have seen that boy?” Seryosong tanong ni Elijah na ikinagulat ko. Ngunit mas ikinagulat ko nang mag-angat ako ng tingin at napagtantong nakadirekta sa akin ang kanyang titig. Sa loob ng walong buwan ay ngayon lamang ako tinitigan ng matagal ni Elijah without yelling his hatred towards me. “Along a coastal road bago lumabas ng Don Aragon. Huling barangay ng Santa Clarita.” I noticed something crossed Elijah's eyes. Parang nagulat s'ya at parang may malaking katanungan sa isip niya na tila nabigyan ng sagot. Ngunit naalarma ako nang bigla na lamang iniwan ni Elijah ang kanyang pagkain at malalaki ang hakbang nitong lumabas ng dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD