TRISHA NANG hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap ni Marco ay dahan-dahan ko na siyang itinulak palayo sa akin. Nakita ko ang pagtutol sa mga mata nito pero hindi ko na lamang pinansin iyon. Umupo ako sa sofa, inalis ko ang contact lens sa mga mata ko at ipinatong iyon sa center table. Hindi na ako nag-abalang alisin ang prosthetic sa mukha ko dahil antok na antok na talaga ako. "Snow." Naulinigan kong tawag sa akin ni Marco pero talagang inaagaw na nang antok ang kamalayan ko. "Snow." Naramdaman kong tinapik nito ang binti ko. Hindi ko ito pinansin, umayos ako ng puwesto sa sofa. Pinilit kong pagkasyahin ang sarili ko. "Snow." "Hmm?" "We need to talk–" "Mamaya na, please? Antok na ako." Bahagya ko na lamang narinig ang sinabi nito at tuluyan na nga akong tinangay