Chapter 16

2596 Words

TRISHA NARIRINDI na ako sa paulit-ulit na pagkatok ni Ivan sa labas ng pinto ng apartment ko. Gayunpama'y hindi ako nag-abalang lumabas ng kuwarto ko para pagbuksan ito. Gusto kong isipin niya na walang tao at umalis lang ako. Hindi ko puwedeng sayangin ang oras ko sa kanya dahil mas kailangan kong unahin ang trabaho ko kaysa ang makipag-date sa kanya. Alam kong ang date na hinihingi niya ang kailangan niya sa akin kaya nandito siya sa labas ng apartment ko. At kagaya ng sinabi ko sa kanya, wala akong time para makipag-date dahil may timeframe kami ni Marco para lutasin ang kasong hawak namin. At isa pa, may lakad ako ngayon kaya hindi talaga uobra ang date na gusto niya. Sa halip na pansinin ang maingay na pagkatok ni Ivan ay nagbihis na lamang ako para makaalis na. Kinuha ko ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD