“Angela! Bakit ba ayaw mong pumayag magpakasal kay Mory? Aba napakaswerte mo na sa kanya, ano pa ang inaarte mo? Nagpabuntis ka sa kanya pero ayaw mo naman siyang maging asawa? Ano ba talaga Angela Grace?” Umagang-umaga sinisermunan na naman siya ng Mama niya. Halos isang buwan na rin kasing araw-araw na nasa kanila si Mory ngunit palagi niya itong pinapakitaan ng hindi maganda at kung minsan pa ay talagang itinataboy na niya ito. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng Papa niya sa Mama niya pero alam niyang alam ng Mama niya na hindi siya handang magpakasal kay Mory sa kabila ng mga efforts ni Mory para mapapayag siya. “Tsaka narinig ko na sinabi ni Mory sa Papa mo na gusto niya sanang tumigil ka na sa pagtatrabaho. Oh, bakit ayaw mo? Naku naman Angela, sinasayang mo ang pagkakataong