Fourteen

1751 Words

PAGKATAPOS ng mainit na tagpong iyon sa pagitan nilang dalawa ni Zandro, kaagad siyang naligo pagkaalis nito. Hindi ma-absorbed ng utak niya ang mga nangyayari ngayong araw. Pakiramdam niya lalong gumulo ito. Hindi niya akalain pupuntahan din siya ni Zandro sa apartment unit niya. Hindi niya rin alam kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira. Sumakit ang ulo niya kakaisip ng mga naganap ngayong araw kung kaya't pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok ay agad siyang natulog. Kinabukasan pagkagising niya ay agad na lumabas siya ng kaniyang kuwarto at dumiretso ng kusina nang makarinig siya ng katok sa pinto. Lumapit siya sa pinto at sinilip kung sino ang taong kumakatok. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha ng tao pero ang naka-agaw ng pansin niya ang hawak-hawak nitong bulaklak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD