"ATE, pakibilisan mong magbihis at baka ma-late tayo," atat ng sabi ni Yamie buhat sa labas ng pinto ng kanyang silid. "Saglit lang," ani Johairah na muling sinulyapan ang sarili sa salamin bago ipinasyang lumabas ng silid. Natahimik si Yamie ng makita siya. Tumikhim ito. "Kailangan talaga, eh, talbugan ang beauty ko? Let's go," pairap nitong wika bago ikinawit ang kamay sa braso niya. Napangiti siya sa reaksiyong iyon ng kanyang pinsan. Suot niya ang nabili nila kanina na tube dress na kulay red. Umabot ang tabas niyon hanggang sa may tuhod niya. Kulay pula rin ang suot niyang five inch na high heels. Sinubukan rin niyang i-apply ang natutunang pagmi-make-up noong nasa Baguio siya. Kaya naman hindi na siya magtataka kung natalbugan man niya ang pinsan niya. Lalo siyang nagmukhang sopis