ABALA SA pagkain ng dessert si Johairah ng lapitan siya ni Jonquil. "Ate, kailangan ko ng tulong mo. Gusto kong tugtugin 'yung Endless Love. Kaso violen lang ang kaya kong instrument. At dahil alam ko na magaling kang mag-piano kaya naisip ko na samahan mo ako. Please?" Napatingin siya sa may grand piano na nasa unahan sa isang sulok. "Puwede ka naman sigurong mag-request na lang sa mga musician," sabad ni Uchi. "Kaya nga sila binabayaran para tumugtog 'di ba?" "Volunteer nga," pinandilatan pa ito ni Jonquil. Nangingiting tumayo na siya. "Awat na. Tutugtog lang, ha?" Lumapad ang ngiti sa labi ni Jonquil. "Oo, Ate. Magmamaganda lang tayo ngayon. Choz! Alam mo ba 'yung piyesa ng Endless Love?" Tumango siya. "Oo." "Good." Hinila na siya ni Jonquil papunta sa unahan. Ni hindi niya mag