"NAPAKA-BUSY mo sa trabaho. Buti at may time ka pa para sa sarili mo," ani Johairah kay Kienlee. Nasa Tall Walks Mountain sila ng Pagbilao ng gabing iyon. Doon sila dumiretso pagkagaling nila sa may Club House. Buhat sa mataas na bundok na iyon ay tanaw na tanaw nila ang kalawakan ng Valle Encantado Village hanggang sa may parteng dagat. Umupo si Kienlee sa bench na inupuan niya. "Ganoon talaga. Lalo na ngayon na ipinasa na sa akin ni daddy ang pamamalakad sa company. Medyo nakakapagod pero ayos lang." Tiningnan niya ito. "Easy lang sa trabaho." Muli niyang tinanaw ang VEV. "Napalakawak talaga ng village nina Daizuke." "Yeah. Bukas dadalhin kita sa Phase III ng village. Mga UHB member lang ang naninirahan sa lugar na 'yon. Kay Daizuke namin nabili 'yung lote dahil siya ang nagmamay-ari