"KANINA ka pa walang imik diyan," ani Kienlee kay Johairah ng maihatid siya ng binata sa bahay ng kanyang Tito Rey kinagabihan. "Naiinis ako sa iyo. Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag sa mommy at daddy mo na wala naman talagang nangyari sa atin? Wala namang dahilan para panagutan mo ako, eh. Tapos sunod-sunuran ka pa sa gusto nila. Kaya ngayon ang labas, eh, engage na tayo at balak pa nilang ipakasal sa susunod na dalawang buwan. Sa tingin mo natutuwa ako sa nangyari?" nagpupuyos niyang litanya sa binata. "Hindi mo pala gusto. So, bakit hindi ka komontra kanina?" Naniningkit ang matang binalingan niya ito. "Ikaw ang hinihintay kong komontra sa mga magulang mo," depensa niya. "Magulang mo 'yon, eh. Saka ikaw ang lalaki. Tapos ang mommy mo tuwang-tuwa pa." Kung bakit naman kasi ang dila