One year later “Tria! Tria!” Kunot-noo akong napatingin sa likuran ko ng merong tumatawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Stephanie na tumatakbo papunta sa akin, napa-irap nalang ako sa sariling mata ng siya na naman. Ilang Linggo na itong sunod ng sunod sa akin, ayokong may lumalapit sa akin kasi feeling ko, a-apakan na naman ako tulad sa ginawa ni Sophia noon sa akin. “Oh? Ano na naman?” nakataas kilay kong tanong ng makalapit ito sa akin. “Tria, ang aga pa para magtaray ka dyan.” Umirap ako sa kanya bago nagsimula ulit maglakad, ako ang opener ngayon sa isang coffee shop, next week ay mag-isang taon na ako sa trabaho ko. At isang taon na rin simula ang trahedyang yon at wala akong balita tungkol kay Rhoda o kahit kay L-lennox. “Paano ako hindi magtataray kung panay su