C-15

1526 Words
“Mom, I told you I can't marry Marian.” saad ko habang humigop ng kape. Nandito kami ngayon sa yacht Deck tumambay dahil papunta kami ngayon sa Isla Apoy. She requested it kaya ayokong sirain ang kanyang gusto. “Son, why? Are you seeing someone?” intrigang tanong ni mama. Seeing someone? Ni hindi ko na nakita pa ang babaeng yon, matapos ko siyang isakay sa kotse nila tita Zel hindi ko na siya nakita pang muli. Ang sabi ay kinuha na ulit sa ama nito. Kahit anong gawin kong pag-iimbestiga wala akong mahanap dahil walang gaanong kaibigan silang mag-ina sa Solana bukod sa mga magulang ni Rhoda wala ng iba. Marahan akong umiling, “Mom, wala talaga akong balak na pakasalan si Marian, sana maintindihan niyo yan ni Dad.” “Marian is good, Son. Why can't you marry her? Even though maarte siya pero okay naman, I think she's wife material naman.” pampalubag loob na wika ni Mommy. Marahan akong umiling, “Kahit wife material or whatsoever mom, I can't marry her.” Bumuntong hininga na lang si Mommy tsaka tumayo, “Hindi ko lang matiis na naiipit sa gitna ang Daddy mo sa sitwasyon ngayon. Alam mong hindi mahindian ng ama mo ang kumpare niya, mahirap din ito sa ama mo anak. You know him, he loves you.” Tumango naman ako, kahit ampon lang nila ako ay itinuturing nila akong totoong anak, binigay sa akin ang lahat at ginampanan nila ang pagiging mabuting magulang. Pero kahit ganon hindi ko sila kayang sundin sa gusto nilang pakasalan ko ang anak ng kumpare ni Daddy. “I know mom, but I'm just hoping that you two understand my own decision.” I said and hugged her. “I love you, Mom. Mahal ko kayo ni Dad.” muling saad ko. “Enough, kung yan ang desisyon mo ay wala na kaming magagawa, hahanap na lang kami ng ibang rason ng daddy mo.” wika nito ay inayos ang buhok ko. “Malaki ka na talaga, Hijo. Ang liit-liit mo pa ng nakita ka namin.” naluluhang saad nito. “Mom, alangan naman na mananatili akong maliit.” natatawa kong saad tsaka tumayo para maiwasan ang sapak niya. “Gago ka talaga kahit kailan.” natatawa na saad ni Mama tsaka nagpatuloy sa ginawa. I don't know but I can feel intense with my body, para bang alam nitong merong mangyayari sa loob ng Isla. Bumuga ako ng hangin ng maalala na naman si Vienna. It's been a year since I last saw her. At ang huli ay yong merong nangyari sa aming dalawa. Kumusta na kaya siya? Ayos lang kaya? Nakakain ba siya ng maayos? Inaalagaan ng maayos sa ama? Marami akong mga katanungan tungkol sa kanya. Even my personal investigator can't find her. Meron akong kilalang Quintana but they don't have a daughter. Isang negosyante siya at hindi ko close dahil hindi naman konektado ang negosyo namin. “What are you thinking, son? Your girl?” mother teases me. Agad ko naman kinunot ang noo ko, “If I have a woman, mom. Baka pakasalan ko na agad.” seryosong saad ko. Tumawa naman agad ito, “Your so funny, son. Paano ka magkakaroon ng babae kung ang nasa-utak mo puro trabaho. Abah! bawas-bawasan mo ang trabaho mo baka tumandang binata ka niya.” “Mom!.... Sayang ang gwapo ko kung tumandang binata ako.” pagbibiro ko. Tumawa lang si Mama tsaka bumuntong hininga, “Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Dad, Mom?” Umiling naman ito, “Bahala siya sa buhay niya, ang tatanda na namin pareho seloso pa rin.” ngiwing saad nito. Mahina akong natawa, itong dalawang ‘to kahit matanda kung mag-away daig pa sa mga bagong nagka-jowa. Sa madaling salita pareho silang seloso at selosa. “Bakit naman kasi ayaw mong e-explain ang nangyari? Ayon tulay highblood na si Dad.” “Highblood din siya mag-isa, akala niya yata hindi ko siya nakita noong isang araw na may kausap na ibang babae. Ang laki pa ng ngiti e, ‘no.” Ayan na naman, nakita naman palang may kasamang ibang babae. “Mom daig pa sa inyo ang bagong mag-jowa.” natatawa kong saad. “Basta bahala siya sa buhay niya.” Napapailing nalang ako tsaka napatingin sa isang Isla kung saan kami dudunggo. “Saan ka mag stay? Sa isa sa mga hotel or sa bahay ko?” Kasta time kasi niyang pagpinta rito ay nairita siya dahil meron akong mga kaibigan na nag overnight sa bahay, ayaw pa naman niyang maingay sa gabi. Malapit naman kay mommy ang mga kaibigan ko sadyang ayaw niya lang talaga sa maingay lalo na sa gabi. Ngumiwi naman agad ito, “Mag hotel ako, son. Baka hindi na naman ako nakatulog dahil sa ingay ng mga kaibigan mo.” “Are you still not used to them, mom? They're always making noise, I mean even when I'm in your mansion with them. They still continue to make a noise.” I said with a laugh. “Because our master’s bedroom with your daddy is soundproof, but in your house here on the island? Thanks, but no thanks because I might look like a zombie in the morning due to lack of sleep.” I signed and kissed my mother forehead, “Alright, you're staying in one of the best hotels here in Isla Apoy, and my friends and I will come to visit you.” Matapos ang pag-uusap namin ni mommy ay inasikaso ko na ang trabaho ko na kailangan ngayong araw. Habang naglalawig kami ay tutok naman ako sa trabaho. Meron akong malaking kliyente ngayong buwan na kailangan tutukan. She's one of the best actress in Hollywood na nag settle rito sa Pilipinas at gusto niyang ako ang gagawa ng bahay niya. Meron akong construction supplies at isa rin akong engineer. Kaya super busy ako sa mga araw na ‘to at sa sumunod na araw at Linggo. Isang oras at bente minutos ang lumipas bago kami nakarating sa pantalan ng Isla. Bitbit ang suitcase ko at isang maliit na travel bag ay sabay kaming lumabas ni Mommy. Nauna na ang kanyang mga gamit, pinadala ko sa mga tauhan. “Mom, nakapag decide ka na ba kung saang hotel ka mag-stay?” tanong ko habang pababa kami sa yacht. Agad naman itong tumango, “Yes, I want to stay Sunset hotel. Yong hindi kataasan na hotel.” Agad akong tumango, “Good choice, Mom. Maganda ang service nila dyan, balita ko meron silang libreng masahe dyan.” “Nice! Kung ganon mukhang magiging Masaya ang pag stay ko rito.” saad nito na kumikinang ang mata. Ilang minuto pa bago ko na hatid si mama sa hotel kung saan nito gustong mag stay, at ngayon ay papunta na ako sa bahay ko rito sa Isla. Pagpasok ko sa malaking gate ng Oden subdivision ay binati agad ako ng gwardiya. “Welcome back boss!” Agad ko namang binaba ang bintana ko, “Manong Roge, Kumusta po kayo?” tanong ko at huminto sa harapan nito. Agad naman itong nagkamot sa ulo, “Eto boss, pilit na lumalaban sa buhay.” nakangiti nitong sagot. Agad naman akong napatango, “Maganda kung ganon, Manong. Oh siya, una na ako.” Pagdating ko sa bahay ay si Manang Belinda agad ang namataan ko sa harapan ng bahay. “Manang, kumusta na po kayo?” agad kong tanong ng makalapit sa kanya. Si Manang Belinda ang iniwan ko rito sa bahay para mag maintain ng lihis, medyo malaki din ang bahay ko rito at kung walang tagalinis ay baka magiging puro damo ang paligid at masisira pa ang desenyo. Matagal na siyang nangangalaga sa bahay ko, isang matandang dalaga si Manang Belinda dahil ang nobyo niyang mangingisda ay namatay. Habang nangingisda at hindi na mahanap ang katawan at dahil mahirap lang naman ang pamilya ng nobyo niya ay hindi na pinahanap ang katawan at simula non, ayaw niya na raw mag nobyo at mas piniling maging matandang dalaga na lang. “Oh, Hijo. Nakarating kana pala.” saad nito at tinignan ang likuran ko. “Asan ang mommy mo? Akala ko ba ay kasama mo siya papunta rito?” Sigunda niyang tanong. Doon ko lang naalala na sinabi ko pala sa kanya na kasama ko si mommy, pero hindi ko siya nasabihan na hindi dito mag-stay sa bahay. Nagkamot naman ako ng ulo, “Pasensya na manang, nakalimutan ko palang sabihin sayo na sa Sunset hotel siya gustong mag-stay. Ayaw niya kasi sa ingay, alam mo namang ang ibang tropa dito tumatambay.” Paliwanag ko. Tumango naman agad ito, “Ganon ba, sige bisitahin nalang natin siya. Gusto ko ang mga kwento niya noong kabataan niya pa.” hagikhik na saad nito. Napapailing na lang ako ng pareho sila ng vibes ni mama. Gusto nga sanang isama ni Mama si Mamang Belinda sa Maynila para doon na manilbihan, pero hindi ako pumayag. Andami na nga nilang kasambahay sa mansyon tapos isingit niya pa ang Manang don. “Pahinga muna ako manang, gigising nalang ako mamaya kapag mag meryenda na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD